News:

Introducing PGG VIP Membership. Send PMs, Remove Ads and more. KNOW MORE

Main Menu

Post mo Joke mo!

Started by Seingalt, January 27, 2010, 02:32:09 PM

Previous topic - Next topic

Seingalt

Para may baon tayo kung sakaling kailangang magjoke diba??.. para bida.. hehe...

Joke:

Q: Ano ang tawag sa lalakeng ant??
A: Uncle
Explanation: Kasi ung babae ang tawag "aunt"..hehe.. peace tayo guys...


angelo

Sa isang jeep.....

Girl: Manong, bayad oh.

Driver: Saan galing 'to?

Girl: Sa'n pa?! E di sa bulsa ko!

Driver: Sa'n sakay mo?!?!

Girl: E di sa jeep mo!

Driver: Oh! Sukli mo!!!

Girl: Oh, kulang 'to, Manong! Magkano ba Quiapo???

Driver: Bakit? Bibilhin mo?!?!



*********

A couple at a wishing well..

Boy leans over, makes a wish then throws the coin into the well.

Girl makes a wish, but leans too much, falls and drowns!!!

Boy: "Hala, ang bilis naman!" 

Seingalt

Q: Ano naman tawag sa matatandang langgam??

A: Eh di "antik"

hehe...

------------------------------------------------------------------

eto pa..

Scenario: May dalawang Langgam...

Q: Panoh mo malalaman kung alin ang babae??

A: Mag lagay ka ng asukal... kung sino ung mauna un ung babae...

Q: Bakit??

A: Kasi ladies first.. hehe

radz

scenario: pagka gising ko..

me: ya, may muta pa ba ako? (seryos tone)

yaya: wala na.

me: ah ok, buti ka pa ya may muta..

yaya: (yaya dumukot sa bulsa sabay kuha ng panyo at namunas.)

me: (tumalikod at tumawa)  ;D

mangkulas03

anong tawag sa maliit na nunal? edi s-mole

anong tawag sa malaking nunal? edi mega mole

anong tawag sa pinaka malaking nunal? edi mole of asia

angelo

Quote from: mangkulas03 on February 17, 2010, 01:02:05 AM
anong tawag sa maliit na nunal? edi s-mole

anong tawag sa malaking nunal? edi mega mole

anong tawag sa pinaka malaking nunal? edi mole of asia

hay kulas! mas malaki pa kaya yung mole of America sa MN.  :D


Ano sabi ng tinga sa kulangot?

Sabi: Bakit ka nandito?  :o

Dumont

Mga pakuwelang gawa ng estudyante, mga komedyang galing sa estudyante ... napulot at inipon mula sa e-mails ng estudyante sa kapwa estudyante.

Payong estudyante
KAPAG may kasalanan ka sa nanay mo, huwag kang matakot. Unahan mo siya.
Sabihin mo sa kanya, "Nay, pagod ako... huwag n'yo 'kong pagalitan!"
Sabay kuha ng bag at mga damit, saka mo isigaw, "Punyetang bata ako! Sige, lalayas ako!"

Karapatan ng kabataan
Bawat kabataan, may karapatan... karapatang gumala... umuwi anytime... makipag-date sa syota. Magalit man ang pa­rents mo, sabihin mo, "Sa bahay na 'to, ako ang batas!" sabay takbo at sigaw, "Joke lang po!"

Mga SALAWIKAIN ng high school students
Aanhin mo pa ang 100 kung 75 na ang uso?
It's better to cheat than to repeat.
Aanhin mo pa ang libro kung scholar ang katabi mo?
Sa hinirap-hirap man ng grading, sa pagda-drop pa rin ang tuloy.
Ang hindi marunong lumingon tuwing exam, bagsak na malamang!

Pagsi-shift ng kurso
Tumawag si Kenneth kay Jun-jun sa telepono...
KENNETH: Pare, magsi-shift na lang ako sa Fine Arts.
JUN-JUN: Naku, pare! Bago mo isipin ang pagsi-shift ng course, tapusin mo muna ang elementary!

Use in a sentence
TITSER: Pedro, use 'Paul' in a sentence.
PEDRO: PAUL, be carePAUL, you might PAUL in the swimming PAUL and make a PAUL of yourself before the peoPAUL!

Late Student
PROFESSOR: Bakit ka na-late?
STUDENT: Nahol­dap po ako!
PROFESSOR: Oh?! Ano'ng kinuha sa 'yo?
STUDENT: 'Yung assignment ko po!

Missing Assignment
TITSER: Mario, nasaan na ang assignment mo?
MARIO: Ma'am, na kay Edwin po! Ginawa n'yang eroplanong papel!
TITSER: Edwin, bakit kinuha mo 'yung assignment ni Mario? At ginawa mo pa raw eropla­nong papel?! Akin na, titingnan ko.
EDWIN: Wala na po, Ma'am!
TITSER: Bakit?
EDWIN: Na-hijack po 'yung eroplano! Hindi na nakabalik!

Like Father, Like Son
TATAY: Anak, mag-aral ka!
ANAK: Ayoko po! Bobo po ako! Hindi po ako makaintindi!
TATAY: Kaya nga mag-aral ka, para makaintindi ka!
ANAK: Ayoko nga sabi! Bakit hindi kayo makaintindi? Bobo rin ba kayo?!

Boy Loves Girl
BOY: Geometry ba ang favorite subject mo? Perfect ka kasi kahit saang anggulo tingnan, eh!
GIRL: Mukha ba akong equilateral triangle? Ayoko na sa 'yo. I hate you! Bas­ted ka na!

Bawal sa Classroom
Isang grupo ng mga estudyante ang nagbi-BJ sa loob ng classroom.
Bastos?!
Oo naman... mag-BLACKJACK ka ba naman sa school?!

Pinoy HISTORY - Tanong (T) at Sagot (S)
T: Sinong bayani ang swimmer?
S: Lapu-lapu.
T: Bayaning manok?
S: Tandang Sora.
T: Bayaning adik?
S: Graciano Lopez High-na.
T: Bayaning naghuhubad?
S: Undress Bonifacio.
T: Bayaning matakaw sa mansanas?
S: Apple-inario Mabini.
T: Bayaning maalat?
S: Emilio Asin-to.
T: Bayaning pilay?
S: Marcelo H. del Pilay.
T: Bayaning pilay na eh mandurugas pa?
S: Gre-goyo del Pilay.
T: Bayaning papel?
S: Sulatan Kudarat.
T: Bayaning maga ang nguso?
S: Diego Silang.

Mr.Yos0

nabasa ko lang to sa bar room jokes noon..



    The Lone Ranger and Tonto went camping in the desert. After they got their tent all set up, they fell sound asleep.

    Some hours later, Tonto wakes The Lone Ranger and says, "Kemo Sabi, look towards sky, what you see?"

    The Lone Ranger replies, "I see millions of stars."

    "What that tell you?" asked Tonto.

    The Lone Ranger ponders for a minute, then says, "Astronomically speaking, it tells me there are millions of galaxies and potentially billions of planets. Astrologically, it tells me Saturn is in Leo. Time wise, it appears to be approximately a quarter past three in the morning. Theologically, it's evident the Lord is all-powerful and we are small and insignificant. Meteorologically, it seems we will have a beautiful day tomorrow. What's it tell you, Tonto?

    Tonto is silent for a moment, then says, "Kemo Sabi,
    you dumb ass. It tell me someone stolen tent."

bukojob

I just heard this... and quite offensive..

Why is Stevie Wonder smiling?

Because he doesn't know he's black

angelo

knock knock

who's there?

kangkong kangkong garlic tomato..


kangkong kangkong garlic tomato who?


"in new york, kangkong kangkong garlic tomato..."


super fail.  :D

bukojob

knock knock

who's there

cashew nut

cashew nut who?

Don't tell me that you're sorry cashew nut (take a bow)

ang corny ko XD

joshgroban

may isang nurse na sumakay ng jeep...
tiningnan sya ni lola...
maya maya nangulangot ang chik na nurse

tanong ni lola... ineng ano ba kinukuha mo?


... e nurse po lola

nurse ba ika mo?.... akala ko kulangot ....
hahahaha .... kaya dapat wag masyado bulgar pag nag dial ng ilong hahahaha

joshgroban

Pedro : Ano pulutan nyo kahapo sa bday mo?
Juan : Pata...
Pedro : Wow!!!! anong klaseng pata?
Juan : PATAgalan ng kwento   tipid e...

joshgroban

ADIK : dok ... rabe yung panaginip ko.. gabi gabi nanonood daw ako ng basketball...
DOK : sige halika may gamot ako dyan ... che check up  muna kita
ADIK : ay wag muna ngayon dok.... championship game na mamya ....

bukojob

ano ang tawag sa anak ng taong grasa?

e di...

baby oil XD