News:

Having problems registering or logging in?
Contact us here.

Main Menu

May bestfriend ka ba?

Started by toffer, November 09, 2008, 03:54:38 PM

Previous topic - Next topic

coxxxz

What is the reason why there is "best" in bestfriend if you could have more than one bestfriend?? You know, I am thinking that the label bestfriend should be given to only one person.
And I also think there is something wrong in our way of thinking for example "if you had your bestfriend,  you SHOULD also his bestfriend"
To think that A's bestfriend is B, B could have bestfriend other than A.

Wrong grammar.  Give me an idea. Enlighten me please.

Ryker

Quote from: Peps on February 13, 2016, 12:04:09 AM
continuation...
matapos yun hindi na niya ako kinausap uli, kung titignan nyo parang maliit na bagay lang, simpleng tampuhan lang dapat pero bakit umabot sa ganun katindi yung galit nya sa akin? actually yung nireject ko yung regalo na bigay nya yun ang dahilan kaya sobra siya nagalit. Ang nakakatawa nga diyan pag nakukwento ko sa mga kaklase, kaibigan yung ginawa ko ang lagi nilang sinasabi sakin "grabe nagawa mo yun?", "parang insulto yung ginawa mo" "naku kung ako lang sinapak na kita" "baka nga di na din kita mapatawad" puro mga ganun ang tugon nila sa akin hehe.
Na realize ko nga na malaki ang kasalanan ko sa kanya so gumawa ako ng paraan para magkaayos kaming dalawa, ang problema yung ugali ko dati pag gusto ko kasi makipag ayos lalo ko pang pipikunin yung tao ewan ko ba bat ganoon ako noon lol.  Ang nangyari lalo lang siyang lumayo sa akin tapos nangyari nalang isang araw may bago na siyang grupo ng mga kaibigan, although nagkakasama pa din sila ni best friend 1, pero yung kasama ako wala na. Siguro alam niyo pakiramdam ng nag iisa parang yung lahat ng tao ayaw sayo kahit di naman talaga ganun pero ganun ang pakiramdam ko nung mga oras na yun, base naman sa mga post dito alam ko marami sa inyo nakaramdam na ng ganun. Alam nyo ba kung sino bago niyang group of friends? sino pa edi yung mga barkada nung crush niyang babae kasama dun yung dalawang mayabang na kaklase kong lalaki. Meron naman akong naging kaibigan pero sabi ko nga di naman ganun karami, dalawang babae pero di sila yung tipong masasabihan mo ng problema kung baga nung time kasi na yun hindi ko pa sila masyadong close halos puro sa kalokohan lang kami nagkakasundo haha. Saka pag uwian iba kasi ang daan nila taga north kasi sila unlike kaming tatlo pare pareho kaming taga south so pag uwian siyempre di ko din sila nakakasama.
Alam ni best friend 1 yung nangyayari saka alam ko mahal na mahal ako nun kasi di rin niya ako pinabayaan, so ang nangyari sinasama na ako lagi ni best friend 1 kahit saan siya magpunta so meaning kasama din girl friend nya, naging kaibigan ko din naman kasi girl friend nya mabait naman yun nga lang alam nyo naman siguro ang pakiramdam ng thrid wheel diba? haha, so ganun ang pakiramdam ko nung mga oras na yun siyempre mag kasintahan sila kailangan din naman nila ng private time para sa isat isa saka ayoko din naman ng ganung set up lagi, medyo nahihiya din naman kasi ako sa girl friend niya kahit pa never naman nya pinaramdam sa akin na pabigat ako. So ang nangyari sumasama nalang din ako sa iba kong mga kaklase sa madaling salita isa nakong palaboy haha! Nung una ayaw ni best friend 1 kasi nga di nya ako nababantayan kasi alam nyo nagkasakit ako nung first year college andaming restrictions sa akin yung doktor, bawal ako sa maalat na pagkain, oily foods at higit sa lahat mga softdrinks. Di ko na maalala kung ano pangalan ng sakit ko kasi nung inexplain ng doktor sa mom saka kuya ko lang sinabi nung mga panahong yun basta ang alam ko lang nun hindi yata nagsasara lining between stomach saka esophagus ko kaya madalas ako magsuka noon grabe din kamahal yung gamot ko, yung isa nga 72 pesos bawat isa tapos kelangan inumin 3x a day eh nung mga panahong yun tatlong piso lang yata pamasahe sa jeep so may idea kayo kung gano pa kamahal ang 72 pesos that time di tulad ngayon typical na yata sa mga gamot yung ganyang presyo. Naalala ko pa nung first year college ako nung sinabi ng nanay ko kay best friend 1 yung mga bawal sakin bantay sarado ako kay best friend 1 noon di ako makainom ng softdrinks haha, wala pa kasi si best friend 2 nung mga panahong yun kasi sa mapua pa siya that time. Anyway may pagka pasaway ako noon patago ako uminom ng softdrinks hehe. So ganun nga ang nangyari ayaw nya kasi nga di nya ako nababantayan pero inexplain ko naman sa kanya saka nag promise naman ako na I'll take care of myself naks haha, sira nga yun kinausap ba naman yung dalawa naming kaklaseng babae na alagaan daw ako haha kakahiya para akong bata. So yun na nga ang naging set up namin, matapos ang ilang buwan mas lalo akong napalapit sa dalawa kong kaibigang babae although nakakasama ko pa rin naman si best friend 1 pero si best friend 2 wala na talaga, pag nakikita ko siya mukha namang masaya  siya sa mga bago niyang kaibigan lagi pa niya kasama yung crush nya ang balita ko nga hatid sundo pa nya yung crush nya sa bahay eh ang layo kaya nung bahay nun papasok ka pa sa subdivision. At least alam kong ok siya at nakalimutan na talaga ako.
Tapos isang araw nagkaroon kami ng field trip sa UPLB  so ilang oras yun kasi from Pampanga pa kami, at alam nyo ba kung paano arrangement namin sa upuan? alphabetical order, isang malaking kalokohan haha! para hindi daw magulo lol. So ang nangyari kami ni best friend 2 naging magkatabi sa upuan kasi C surname nya ako D. Halata namang di siya komportable na ako katabi haha pero wala no choice siya yun utos ng adviser namin. Umpisa pa lang ng andar ng bus tahimik na siya nakatingin lang siya sa bintana siya kasi nakaupo sa window side. Siyempre dahil gusto ko nang makipag ayos ako na pumutol sa katahimikan.
Ako: oi (sabay kalabit sa kanya) kailan mo ba ako kakausapin :(
Pero tahimik lang siya ni di man siya umimik
Ako: sige na bati na kasi tayo (para lang bata haha)
Pero wala ayaw nya talaga ako kausapin, alam nyo kung pwede lang makipag palitan yun ng lugar sa iba naming mga kaklase matagal na nya ginawa haha. Sa buo naming trip papunta dun wala ayaw talaga nya ako kausapin ayoko na din naman siya kulitin kasi nagmumukha lang akong tanga. So pagdating namin sa UPLB mga lunch time magkakasama kaming buong klase kumain katabi ko si best friend 1 tapos sa kabila naman siya katabi nya din si best friend 1 saka yung crush nya naman sa kabila, ok naman nagkwekwentuhan sila, tawanan, ako nakikinig lang. Natapos yung activities namin at medyo mag gagabi na nung makaalis kami sa UPLB. Pagdating namin sa bus nag attempt uli ako na makipag ayos sa kanya.
Ako: wala na ba talagang pag asa na mawala yung galit mo sa akin :( (malumanay kong tanong sa kanya)
At sa unang pagkakataon nagsalita siya
best friend 2: Peps I don't hate you hindi nako galit but "we can't be friends anymore, just treat me as a companion" hindi naman maiiwasan na magkasama pa rin tayo tulad kanina pero dahil yun kay Jay (palayaw ni best friend 1) pero hanggang dun nalang yun sana maintindihan mo. (seryoso niyang tugon)
Ewan ko kung ano yung mararamdaman ko nung mga oras na yun di ko alam pero masakit yung sabihan ka ng ganun hindi ko talaga makakalimutan yung mga katagang yun. Alam nyo ba "ah ok" lang yung naisagot ko nun at hindi ko na siya kinausap pa nung time na yun. Kung iisipin nyo medyo nakakaiyak kasi matagal din naman kami naging mag kaibigan para balewalain nya nalang ng ganun. Pero ayoko naman mag mukhang tanga, bakit ko ba ipipilit ang sarili ko sa taong ayaw sa akin  eh di naman ako martir. Magmula nun umiwas na din ako pero may isang pangyayari ang di inaasahan.
itutuloy....

Hahaha medyo nakakaiyak yung last part.

KUYA @PEPS:

It's already 2017. Pakibahagi na po ng susunod na kabanata sa kuwento mo po. Salamat po.

Junjun

How are we going to consider someone bilang "BESTFRIEND"? I just cant understand.HAHAHAHA

outcastblueboy

Quote from: Junjun on May 11, 2017, 10:32:14 AM
How are we going to consider someone bilang "BESTFRIEND"? I just cant understand.HAHAHAHA

Ang best friend ay ang taong kapareho mo sa maraming bagay, na kilala ninyo ang isa't isa ng mabuti. Na pinaatatag ng mataming pagsubok ang samahan,ninyo. Na kahot malayo o busy, bestbuds pa rin. Yung tipong walang hiyaaan kahit magopen ka ng nakakahiya mong lihim or maghubad ka sa harap niya. Yung mapagsasabihan mo ng problema mo at dadamayan ka at gagabayan ka sa tama

Ryker

#499
Quote from: Jvgonzales on June 04, 2017, 12:05:51 PM
For me there is nothing wrong with bromance. There would come a time that you will meet someone (kahit lalaki pa siya) and you would feel that you are comfortable to that person. Fortunately, when time comes that you become closer or even become as best friends, you would feel love to that person and I think that is normal. It doesn't mean that you're a gay person (if that's a guy), it only shows that love conquers everything.

I also had friend like this. We're so close that we even say good night and good morning everyday without any malice. Sometimes we also borrowed things from each other like shoes and dress

10 Signs You've Found Your Bro For Life
1. You give each other's pet's  name.
2. You feed each other.
3. Bro Hugs take longer than usual.
4. Kapag wala siya, sa iyo hinahanap.
5. You don't mind sharing bottles.
6. Butt slaps are normal.
7. You often wear matching outfits.
8. Being shirtless around each other is not an issue.
9. You like each other's posts a lot.
10. You have more selfies together than bae.

#Bro4Lyf #SpotsPH #Blue

http://www.spot.ph/newsfeatures/humor/10-signs-you-ve-found-your-bro-for-life-adv-con

Ryker

#500
SELF-EVALUATION
10 Signs You've Found Your Bro For Life
1. You give each other's pet's  name. - We have no pet names.
2. You feed each other. - Nope. Bigayan ng pagkain pero walang subuan.
3. Bro Hugs take longer than usual. - Minsan lang ang yakapan.
4. Kapag wala siya, sa iyo hinahanap. - Hinahanap siya sa akin ng GF niya.
5. You don't mind sharing bottles. - Nope. We don't share our own saliva.
6. Butt slaps are normal. - Never.
7. You often wear matching outfits. - Nope.
8. Being shirtless around each other is not an issue. - Yes.
9. You like each other's posts a lot. - Yes.
10. You have more selfies together than bae. - Nope.

Maraming senyales dito ang di pa namin nararanasan. So ibig sabihin di pa rin namin Bro For Life o Best Friend/Best Buddy ang isa't isa? Haha.

den0saur

Bitin yung kay @Peps at kay @sayonara :(
Sana maituloy yung kwento.

Peps

haha tagal na tapos actually yoko lang ipost lol pero kung babasahin parang too good to be true kaya kala nila di totoo pang MMK lang pero 100% totoo yun lol

den0saur

Quote from: Peps on July 27, 2017, 09:22:50 PM
haha tagal na tapos actually yoko lang ipost lol pero kung babasahin parang too good to be true kaya kala nila di totoo pang MMK lang pero 100% totoo yun lol

Ok lang yan sir. Post mo na para naman may closure sa aming mga readers. 😋

Ryker

Quote from: Peps on July 27, 2017, 09:22:50 PM
haha tagal na tapos actually yoko lang ipost lol pero kung babasahin parang too good to be true kaya kala nila di totoo pang MMK lang pero 100% totoo yun lol

Post mo muna Kuya Peps.

Maniniwala kami.

Oo, bitin ang kuwento mo, pati yung kay Sayonara.

---
Dumulog ka na rin sa MMK para makuwento ang iyong friendship story. Hehe.

den0saur

Go Kuya Peps! Haha. Naki-kuya ako eh no? LOL

At least yung kwento mo may chance na makumpleto. Si Sayonara parang di ko na nakita na may recent comments sya so baka matagalan bago nya maibigay yung part two ng kwento.

Kensaki

Patulong naman mga pre.

Sa mga kaibigan/barkada ko. May isang pinakamalapit sakin. Hindi kami parehas ng hilig. Bihira talaga kaming magkasundo dyan. Athletic kasi ako, siya naman pang indoor/intellectual. Nagbabasketball ako, siya hindi ubra kasi mahina ang kalusugan niya at saka mabilis siya mapagod. Pero, marami siyang naturo sakin. Simula nung magkakilala kami, napakadami kong natutuhan sa kaniya. Dahil nga sa athletic ako, di ko nmn alam ung mga bagay tungkol sa emosyon etc. Dun kasi talaga siya magaling.

Pero, may problema. Pakiramdam ko, nasakin ang problema. Di ko kasi maramdaman ung bigat nung salitang best friend. Hirap pa nyan, ayoko kasi ng may label. Tapos, ayoko din ng committment na dala ng isang label. wala nga akong girlfriend eh. Kaya, kahit ung bestfriend, di ko alam kung paano ihandle un.

Ang problema, showy kasi un. Ako, hindi ako showy. Cool lang ako. Parang si barry allen. Tapos, ayoko din ng atensyon. E yun, maalaga sa kaibigan yun. Kahit kanino namang kaibigan niya, maalaga talaga siya. Pero, tulad nga nung sinabi nung isang nagpost dito, kapag may bestfriend ka, angat yun. Espesyal un. Kumbaga, mas mabigat un kaysa sa iba. Tama ba? Kaya yun, talagang ramdam ko na para kong may another kuya sa kaniya (may kuya pa talaga ko haha).

Ngayon, dumistansya ko sa kaniya. Di ko alam kung nasasakal ako, pero di lang talaga kasi ako sanay, at ayoko talaga ng may label na bestfriend. Pero tinuring ko siyang ganun. Ang totoo, wala namang iba pang mas malapit sakin kundi siya lng. Siya lang din sa lahat ng mga kaibigan ko na hindi pa ko humihingi ng tulong, e binibigay niya na agad ng kusa. Encouragement, lahat na. Napaka supportive nun. Pero, nito lang, nasabi ko sa kaniya, "Hindi kita bestfriend." Basta parang pinadistansya ko muna talaga siya. Ewan ko. Parang okay na ko sa normal na kaibigan.

Ano ba dapat kong gawin? Di talaga ako sanay sa ganto e. Alam ko, nahihirapan din yun. Kahit di nagsasabi un, pero minsan umiyak na un dahil parang ramdam niya worthless siyang kaibigan.  :(

den0saur

Quote from: Kensaki on July 30, 2017, 09:03:05 AM

Sasabihin ko sana sa iyo na i-consider mo siya bilang girlfriend mo (minus the sex) haha kaso ayun nga, may commitment issues ka pala. Tingin ko, sabihin mo na lang sa kanya yung pakiramdam mo na parang nasasakal ka. Kung importante ka kasi sa kanya, hindi niya mamasamain yung pagsasabi mo ng totoo. Tapos bumawi ka syempre, sabihin mo na hindi naman ibig sabihin na ayaw mo na syang makasama at ayaw mo na syang maging kaibigan. Sabihin mo in a joking manner na importante sya sayo at in fact eh sya nga lang ang itinuturing mong pinaka-special sa mga kaibigan mo.
I get the idea na ayaw nyo ng labels. Ako rin, yung best man ko sa kasal eh parang bestfriend ko pero wala kaming label. Pero literal na parang magsyota kami. Sa amin naman, ako yung walang alam sa sports at palaging kinakausap nya pag may mga hinaing sa buhay. Sya naman yung mahilig sa nba at sa iba pang sports. Sya yung mas sensitive pero ako rin naman, in a way. Mas vocal at mas showy lang sya. Nakasanayan na lang rin naman namin na ganun. Palaging may i love you sya sa akin sa mga text at sa facebook pero ako, hindi ko sinasagot, haha. Ayaw din naman nya kasi nababaklaan naman sya masyado pag ako na ang nagsasabing i love you sa kanya.
So anong punto ko? Sabihin mo sa kanya lahat pero i-assure mo sya na magkaibigan pa rin kayo sa huli. Mas matimbang kasi yung actions nyo kaya medyo delikado yang bigla kang iiwas na hindi nagsasabi sa kanya ng kung anong dahilan.

Peps

Quote from: Kensaki on July 30, 2017, 09:03:05 AM
Patulong naman mga pre.

Sa mga kaibigan/barkada ko. May isang pinakamalapit sakin. Hindi kami parehas ng hilig. Bihira talaga kaming magkasundo dyan. Athletic kasi ako, siya naman pang indoor/intellectual. Nagbabasketball ako, siya hindi ubra kasi mahina ang kalusugan niya at saka mabilis siya mapagod. Pero, marami siyang naturo sakin. Simula nung magkakilala kami, napakadami kong natutuhan sa kaniya. Dahil nga sa athletic ako, di ko nmn alam ung mga bagay tungkol sa emosyon etc. Dun kasi talaga siya magaling.

Pero, may problema. Pakiramdam ko, nasakin ang problema. Di ko kasi maramdaman ung bigat nung salitang best friend. Hirap pa nyan, ayoko kasi ng may label. Tapos, ayoko din ng committment na dala ng isang label. wala nga akong girlfriend eh. Kaya, kahit ung bestfriend, di ko alam kung paano ihandle un.

Ang problema, showy kasi un. Ako, hindi ako showy. Cool lang ako. Parang si barry allen. Tapos, ayoko din ng atensyon. E yun, maalaga sa kaibigan yun. Kahit kanino namang kaibigan niya, maalaga talaga siya. Pero, tulad nga nung sinabi nung isang nagpost dito, kapag may bestfriend ka, angat yun. Espesyal un. Kumbaga, mas mabigat un kaysa sa iba. Tama ba? Kaya yun, talagang ramdam ko na para kong may another kuya sa kaniya (may kuya pa talaga ko haha).

Ngayon, dumistansya ko sa kaniya. Di ko alam kung nasasakal ako, pero di lang talaga kasi ako sanay, at ayoko talaga ng may label na bestfriend. Pero tinuring ko siyang ganun. Ang totoo, wala namang iba pang mas malapit sakin kundi siya lng. Siya lang din sa lahat ng mga kaibigan ko na hindi pa ko humihingi ng tulong, e binibigay niya na agad ng kusa. Encouragement, lahat na. Napaka supportive nun. Pero, nito lang, nasabi ko sa kaniya, "Hindi kita bestfriend." Basta parang pinadistansya ko muna talaga siya. Ewan ko. Parang okay na ko sa normal na kaibigan.

Ano ba dapat kong gawin? Di talaga ako sanay sa ganto e. Alam ko, nahihirapan din yun. Kahit di nagsasabi un, pero minsan umiyak na un dahil parang ramdam niya worthless siyang kaibigan.  :(

"hindi kita best friend" totoo sinabi mo yun? kahit yun naman ang totoo? ouch! tsk tsk kung ako sa kanya magpapakalayo layo nako hahaha. Pero alam mo sabi nga nila malalaman mo lang halaga ng isang tao pag nawala na siya sayo

mang juan

#509
Quote from: Kensaki on July 30, 2017, 09:03:05 AM
Patulong naman mga pre.

Sa mga kaibigan/barkada ko. May isang pinakamalapit sakin. Hindi kami parehas ng hilig. Bihira talaga kaming magkasundo dyan. Athletic kasi ako, siya naman pang indoor/intellectual. Nagbabasketball ako, siya hindi ubra kasi mahina ang kalusugan niya at saka mabilis siya mapagod. Pero, marami siyang naturo sakin. Simula nung magkakilala kami, napakadami kong natutuhan sa kaniya. Dahil nga sa athletic ako, di ko nmn alam ung mga bagay tungkol sa emosyon etc. Dun kasi talaga siya magaling.

Pero, may problema. Pakiramdam ko, nasakin ang problema. Di ko kasi maramdaman ung bigat nung salitang best friend. Hirap pa nyan, ayoko kasi ng may label. Tapos, ayoko din ng committment na dala ng isang label. wala nga akong girlfriend eh. Kaya, kahit ung bestfriend, di ko alam kung paano ihandle un.

Ang problema, showy kasi un. Ako, hindi ako showy. Cool lang ako. Parang si barry allen. Tapos, ayoko din ng atensyon. E yun, maalaga sa kaibigan yun. Kahit kanino namang kaibigan niya, maalaga talaga siya. Pero, tulad nga nung sinabi nung isang nagpost dito, kapag may bestfriend ka, angat yun. Espesyal un. Kumbaga, mas mabigat un kaysa sa iba. Tama ba? Kaya yun, talagang ramdam ko na para kong may another kuya sa kaniya (may kuya pa talaga ko haha).

Ngayon, dumistansya ko sa kaniya. Di ko alam kung nasasakal ako, pero di lang talaga kasi ako sanay, at ayoko talaga ng may label na bestfriend. Pero tinuring ko siyang ganun. Ang totoo, wala namang iba pang mas malapit sakin kundi siya lng. Siya lang din sa lahat ng mga kaibigan ko na hindi pa ko humihingi ng tulong, e binibigay niya na agad ng kusa. Encouragement, lahat na. Napaka supportive nun. Pero, nito lang, nasabi ko sa kaniya, "Hindi kita bestfriend." Basta parang pinadistansya ko muna talaga siya. Ewan ko. Parang okay na ko sa normal na kaibigan.

Ano ba dapat kong gawin? Di talaga ako sanay sa ganto e. Alam ko, nahihirapan din yun. Kahit di nagsasabi un, pero minsan umiyak na un dahil parang ramdam niya worthless siyang kaibigan.  :(

Kausapin mo sya tapos sabihin mong di ka komportable sa label na "bestfriend" pero kinoconsider mo sya as one. Kahit ano naman explanation mo tatanggapin nya yun kasi bestfriend ka nya. Wag mo iiwasan basta basta kasi syempre masakit yun at baka lalong mawalan ka ng kaibigan.