News:

Having problems registering or logging in?
Contact us here.

Main Menu

Ang Malagkit na Thread ni judE_Law!

Started by judE_Law, July 02, 2010, 08:18:42 PM

Previous topic - Next topic

ram013


vir

♫ Sa may bahay, ang aming bati
Merry Christmas' na maluwalhati
Ang pag-ibig ang siyang naghari
Araw-araw ay magiging Paskong lagi
Ang sanhi po ng pagparito
Hihingi po ng aginaldo
Kung sakali't kami'y perwisyo
Pasensiya na kayo't kami'y namamasko. ♫

♫We wish you a Merry Christmas
We wish you a Merry Christmas
We wish you a Merry Christmas
..and a Happy New Year♫

Merry Christmas po!


♪Thank you! Thank you! ang _____________ ninyo, Thank you!♪

judE_Law


judE_Law

Quote from: vir on December 10, 2011, 05:49:19 AM
♫ Sa may bahay, ang aming bati
Merry Christmas' na maluwalhati
Ang pag-ibig ang siyang naghari
Araw-araw ay magiging Paskong lagi
Ang sanhi po ng pagparito
Hihingi po ng aginaldo
Kung sakali't kami'y perwisyo
Pasensiya na kayo't kami'y namamasko. ♫

♫We wish you a Merry Christmas
We wish you a Merry Christmas
We wish you a Merry Christmas
..and a Happy New Year♫

Merry Christmas po!


♪Thank you! Thank you! ang _____________ ninyo, Thank you!♪

Quote from: MaRfZ on December 09, 2011, 11:46:36 PM
Hello kuya jhong musta?

PM sent!  :)

patawad po... at medyo hindi masaya ang pasko ko.. hehehe...

raider

gandang gabi idol, bumisita lang dito sa malagkit mong thread.

judE_Law

Quote from: raider on December 12, 2011, 12:52:20 AM
gandang gabi idol, bumisita lang dito sa malagkit mong thread.

hi Raider!

wag kang magsasawang bumisita!


gandang gabi sa lahat!

joshgroban

tama palagkit ng palagkit ito wahaahha

judE_Law

Quote from: joshgroban on December 12, 2011, 11:53:43 PM
tama palagkit ng palagkit ito wahaahha


dapat ko na bang palitan ang pangalan ng "palagkit ng palagkit na thread ni jude-law?" lol!


judE_Law

PLease take time to read... ayos to!

------------------------------------------------------------------------------

Just Say "Thanks"

By ignorantia legis | December 15, 2011

Minsan nasasabi natin, na sa araw-araw na ginawa ng Diyos, wala man lang nagbabago sa ating buhay. Gigising tayo sa umaga, papasok sa trabaho maghapon...tapos uuwi, matutulog at magigising muli para pumasok sa trabaho.

Pero teka, hindi ka man lang ba nagtataka kung bakit nagigising ka pa? E, yung kakilala mo, umidlip lang, di na nagising?

At sa trabaho, sa kung saan man yan o anuman yan, pare-pareho ang ginagawa sa araw-araw, M-F; 8AM-5PM. At dahil dito, minsan nabuburo tayo at tinatamad ng pumasok. Nakakainis din pag may mga taong pasaway at nakakasira ng araw mo na nakikita mo sa 8-5 na ito. Napapabuntung-hininga ka na lang at mananahimik. Pero, di ba nga maswerte ka pa rin dahil may pinapasukan kang trabaho?

Sumasahod ka kada kinsenas at katapusan, at nakakatanggap ng grasyang pwede na ring pantawid gutom. Yung iba nga, pudpod na ang kelan lang kabibiling sapatos at butas na rin ang bulsa sa kaka- apply, pero di pa rin matanggap-tanggap. Pag ikaw kaya yun ngayon? Malamang di ka rin matutuwa.

At sa araw-araw na ginagawa ng Diyos na kumakain tayo tatlong beses isang araw at may in-between-meals pa, nakukuha pa nating magreklamo na kesyo maalat ang ulam [natural, kasi baka red-egg naman yan noh!] o lasang kaldereta naman ang adobo, at bakit yung pinakbet may halong cauliflower at kung anik-anik pang napapansin natin sa mga naihain na pagkain. Buti nga nakakakain ka pa, di ba? Tumingin tingin ka kaya sa paligid mo. Maswerte ka pa rin sa karamihan. Pwede bang magpasalamat ka na lang?



Marami talaga sa atin ang nagsasabing wala man lang pagbabago sa buhay natin, sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Kaninong buhay ba ito? Di ba nga sa atin? Di mo ba alam na everyday is different from each day and each day is an opportunity for us to make a difference? Kaya nga may bagong umaga. Kaya nga may mata ka para tingnan mo kung anong pwede mong gawin para kahit man lang kahit konti may pagbabago.

Di mo ba alam na kaya ka nagising ulit ay para magkaroon ka pa ng chance para magpasalamat. Kasi nakakauwi ka pa sa bahay nyo ng walang kagalos-galos o kagat man lang ng lamok na may dengue virus. Kasi yung iba, nag-aabang lang ng masasakyan, masasalpok pa ng truck. Hayun, nakita na lang ng nanay niya sa morgue. Ang sakit kaya ng ganun. Pasalamat ka at may anghel-dela-gwardiya na naglilihis sa'yo sa kapahamakan.

Sapat na rin sanang ipagpasalamat din na kumpleto ka. Nakakakita, nakakapagsalita, nakakarinig, nakaka-amoy, nakakalasa. May dalawang paa at dalawang kamay. Nakakangiti, nakakaiyak, minsan nakakadama ng inis o galit. Nakakagalaw, nakakalakad o nakakatakbo. Eto pa, di ba sobrang pasasalamat mo na kung yakapin ka pa ng anak mo at sabihan ng "I love you"?

Iisipin mo pa rin bang pare-pareho lang ang bawat araw sa buhay mo pag bigla kang nabigyan ng increase kasi lagi kang present sa trabaho at wala ka man lang ni isang late? O kaya yung buntis pala na pinaupo mo sa bus ay may-ari ng isang sikat na restaurant at binigyan ka ng pribilehiyong kumain ng libre sa isang buong buwan [kaso nasa Palawan pala ito, pero malay mo...makakapunta ka din dun heheh]. Wala naman daw imposible kung gugustuhin natin. Basta ako ngingiti na lang ako. Pasalamat ako na nabuhay yung mga malunggay at sitaw na naitanim sa aming bakuran kung saan pwede akong pumitas para gawing ulam.

Simple lang naman ang buhay, ginagawa lang natin na kumplikado. Tayo lang ang hindi nakakapansin sa madaming pagbabago sa araw-araw. Tayo lang ang hindi nagpapahalaga sa mga natatanggap nating munting regalo paggising natin sa bawat umaga. Basta ako, ngingiti na lang ako... kasi may natanggap akong text... ingat daw ako lagi at mahal nya ako. =) Sapat na yun. Masaya na ako.

vir

Thanks for sharing!.. magandang reminder to sa mga reklamador..yung sa lahat nlng ng bagay may reklamo..hehe..

"Simple lang naman ang buhay, ginagawa lang natin na kumplikado. Tayo lang ang hindi nakakapansin sa madaming pagbabago sa araw-araw. Tayo lang ang hindi nagpapahalaga sa mga natatanggap nating munting regalo paggising natin sa bawat umaga. Basta ako, ngingiti na lang ako... kasi may natanggap akong text... ingat daw ako lagi at mahal nya ako. =) Sapat na yun. Masaya na ako."

- totoo! very inspiring!..good words to start the day!..  :)

judE_Law

^pagkatapos ko ding mabasa yan... naluluha ako na natatawa.. (baliw)
parang pinaalalahanan ka na ang dami mo pa ring dapat ipasalamat sa mundo.. kahit na bo-block pangulo ng bansa mo. lol!

judE_Law


judE_Law

kamusta naman ang bagong taon niyo?

ako eto... sobrang sama ng pakiramdam.. :(
inuubo at sinisipon... medyo okay na ngayon kumpara kahapon na nilalagnat pa ako.




vir

^ kulang lang yan sa pahinga papa jhong..