News:

Introducing PGG VIP Membership. Send PMs, Remove Ads and more. KNOW MORE

Main Menu

Ang Malagkit na Thread ni judE_Law!

Started by judE_Law, July 02, 2010, 08:18:42 PM

Previous topic - Next topic

judE_Law

ang weird ng panahon...
epekto nga ba ito ng global warming?
o ito na yung simula ng 2012??  ::)

judE_Law

^pero di ba parang kung bubuuin mo lahat ng nangyayari sa mundo.. parang ganun na yung patutunguhan..

-nagkaroon ng bagong zodiac dahil sa paggalaw ng mundo... eh di ba sabi may planetary allignment on 2012?
kung nag-iiba posisyon ng mundo, siyempre nagkakaroon talaga ng epekto...

yung nangyaring matinding pagbaha sa australia..
yung snow storm sa ilang parts ng us at europe.
pagbaha sa middle east..
mga malalakas na lindol nitong nagdaang mga taon..

parang lahat sila connected..
nakakatakot isipin pero parang may mangyayaring malaki at inililihim lang sa lahat ng tao sa mundo para hindi magcreate ng kaguluhan..

marvinofthefaintsmile

^^ tsaka nag-snow sa hawaii.

MaRfZ

Quote from: judE_Law on January 19, 2011, 03:04:10 PM
^pero di ba parang kung bubuuin mo lahat ng nangyayari sa mundo.. parang ganun na yung patutunguhan..

-nagkaroon ng bagong zodiac dahil sa paggalaw ng mundo... eh di ba sabi may planetary allignment on 2012?
kung nag-iiba posisyon ng mundo, siyempre nagkakaroon talaga ng epekto...

yung nangyaring matinding pagbaha sa australia..
yung snow storm sa ilang parts ng us at europe.
pagbaha sa middle east..
mga malalakas na lindol nitong nagdaang mga taon..

parang lahat sila connected..
nakakatakot isipin pero parang may mangyayaring malaki at inililihim lang sa lahat ng tao sa mundo para hindi magcreate ng kaguluhan..

kaya hindi talaga natin hawak ang mga buhay natin, si Lord lang talaga ang nakakaalam ng lahat..  :)
Sa kanya lang talaga tayo magtiwala.  :)

maykel

yeah!!! think positive.. walang aayaw!!!! :)
ayan nagkakalat na din ako sa thread ni Jude.. tsk tsk tsk.

judE_Law

kaya kayo.. yung mga mahal niyo sa buhay... sikapin niyo na nakakasama niyo sila palagi at naipapadama niyo sa kanila ang inyong pagmamahal..

wait... parang di ko nararamdaman presensiya ni doc ctan?? ::)

noyskie

Quote from: judE_Law on January 19, 2011, 08:04:13 PM
kaya kayo.. yung mga mahal niyo sa buhay... sikapin niyo na nakakasama niyo sila palagi at naipapadama niyo sa kanila ang inyong pagmamahal..

teka, gagayahin ko lng si flashback boy marvin...

may bigla akong naalala at napakanta ng "if tomorrow never comes..."

MaRfZ

ako mom ko na lang andyan ko talagang pinapakita namin na mahal namin sya..

whether di maganda ang pakikitungo ng ating magulang sa atin dapat pa din natin silang mahalin at igalang..  :)

judE_Law

Quote from: MaRfZ on January 19, 2011, 08:26:03 PM
ako mom ko na lang andyan ko talagang pinapakita namin na mahal namin sya..

whether di maganda ang pakikitungo ng ating magulang sa atin dapat pa din natin silang mahalin at igalang..  :)

may pinariringgan ka ba? hehe..

MaRfZ

ay wala po sir.. :)

may mga youth kasi ko sa church namin na pinapayuhan regarding this.
parang sinisisi nila yun parents nila dahil di naging maganda yun buhay nila.. something like that.  :(

saka ngayon wala na yun dad ko, mas lalo ko naiisip kung gano sya kaimportante sa buhay ko at sa buong pamilya namin.  :)

judE_Law

^nung una.. sinisisi ko rin dad ko kasi maaga niya kaming iniwan at naghirap talaga buhay namin.. sa huli.. bat ko isisisi sa kanya kung kaya naman pala naming gawin maayos ang buhay namin ng wala siya.. nagpasalamat na lang ako sa kanya kasi ginawa niyang matatag mama ko at mga kapatid ko. :)

MaRfZ

Quote from: judE_Law on January 19, 2011, 10:57:39 PM

may malungkot na storya ka din pala kuya!  :)

judE_Law

Quote from: MaRfZ on January 19, 2011, 10:59:17 PM
Quote from: judE_Law on January 19, 2011, 10:57:39 PM
^nung una.. sinisisi ko rin dad ko kasi maaga niya kaming iniwan at naghirap talaga buhay namin.. sa huli.. bat ko isisisi sa kanya kung kaya naman pala naming gawin maayos ang buhay namin ng wala siya.. nagpasalamat na lang ako sa kanya kasi ginawa niyang matatag mama ko at mga kapatid ko. :)

may malungkot na storya ka din pala kuya!  :)

lahat naman meron eh...
depende na lang kung papano natin siguro dadalhin..

MaRfZ

ibang feeling kapag nakakapag open tayo ng ganitong mga kwento sa buhay.
wala lang,, sadyang mababaw lang ako  :)

judE_Law

^hindi naman mababaw... siguro nararamdaman lang din natin yung istorya ng ibang tao..