News:

Check PGG's Instagram and I'll check your Instagram too!

Main Menu

the doctor is in....

Started by joshgroban, July 24, 2010, 09:23:13 PM

Previous topic - Next topic

joshgroban

this thread is intended for those questions na gusto nating itanong sa isang doctor or medical practitioner for that matter or same experiences regarding health etc.

joshgroban

ano ba reason ng pagiging acidic yung parang may usok ka sa dibdib tapos medyo hirap huminga gn konti

pinoybrusko

ang alam ko depende kasi yan sa mga kinakain mo para maging acidic ang isang tao. Baka mataas din ang uric acid mo

incognito

Quote from: joshgroban on July 24, 2010, 09:24:04 PM
ano ba reason ng pagiging acidic yung parang may usok ka sa dibdib tapos medyo hirap huminga gn konti

di ba gerd or acid reflux tawag dito?  nagkaroon na ko dati ng ganito. hirap huminga. sakit ng dibdib lalo na pag nakahiga. that time kase nahilig ako sa kape, tea, maasim, at sa mga maanghang na food tapos yosi at alak pa. kaya un, acid reflux inabot ko.

joshgroban

patay adik pa naman ako sa kape siguro mg 6 cup sa isang araw apg busy sa work

mang juan

coffee is a gastric irritant..  ;D

joshgroban

Quote from: mang juan on July 26, 2010, 03:32:39 PM
coffee is a gastric irritant..  ;D
gastric irritant meaning....

mang juan

Quote from: joshgroban on July 26, 2010, 05:59:40 PM
Quote from: mang juan on July 26, 2010, 03:32:39 PM
coffee is a gastric irritant..  ;D
gastric irritant meaning....

it irritates the gastric mucosa.. kapag nairritate yun, magpoproduce ng gastric acid..

judE_Law

woh! adik kami ni josh sa kopi..

angelo

Quote from: joshgroban on July 24, 2010, 09:24:04 PM
ano ba reason ng pagiging acidic yung parang may usok ka sa dibdib tapos medyo hirap huminga gn konti

acid reflux na nagdudulot ng heartburn. hindi ba may naka advertise na gamot recently di ko alam yung brand. for those times pwede ka muna kumain bago ka mag intake ng mga citrus at other acidic foods na lalong magpaparami ng acid mo..

ctan

Yung sinasabi mong symptoms josh, it's possibly GERD or gastroesophageal reflux disease. nangyayari ito dahil yung lower esophageal sphincter (LES) mo ay lumuluwag. ang LES ay nakikita near the junction of the esophagus and stomach. it only opens kapag may food na dadaan papuntang stomach. as we all know, yung tiyan natin ay napaka acidic na organ. when the LES relaxes, the sensation na parang mahirap huminga and masakit ang dibdib may be due to the acidic substances that refluxes from the stomach.

what causes the LES to relax naman? madami tayong iniiwasan na dapat gawin. shempre, iwas sa food na nagcacause ng GERD tulad ng kape, tea, citrus food/drink, chocolates, and chili. also, kapag matapos na kumain, huwag agad humiga, like allow at least 30 minutes before lying down supine. :-)

medical treatment includes intake of certain medications. :-) private message me if you want to know what medications ang pwede. ayoko ipost in public baka ma-misuse ng reader. :-)

joshgroban

hirap namn nito ctan lahat ng pinagbabawal mo favorite ko hahaha parang titiisin ko na lang yata ang symptoms hehe

joshgroban

talaga bang effective ang antibiotic... kasi may sugat ako na di nagaling tapos nung nagstart ako mag antibiotic natuyo na lang basta

judE_Law

Quote from: joshgroban on August 03, 2010, 05:03:16 PM
talaga bang effective ang antibiotic... kasi may sugat ako na di nagaling tapos nung nagstart ako mag antibiotic natuyo na lang basta

huh?! baka mamya diabetic ka na niyan...

ram013

Question for the doctor: may mga signs ba to determine kung baog ang isang tao