News:

Check PGG's Instagram and I'll check your Instagram too!

Main Menu

pano MAGKALAMAN?

Started by xtype64, August 08, 2010, 07:03:28 PM

Previous topic - Next topic

xtype64

pano ba magkarun ng laman.. ang payat ko kasi eh. tpos ang tangkad ko pah T_T

enge naman tips jan oh  :-[ ??? :-[

xtra info:
high school plng ako, 3rd yir
hindi ako pumupunta sa mga gym :(
kase walang time

recess 10am
lunch break 12:30 pm

cmula pagkagising di ako kumakain
gutom na gutom na ako pag 10am na (recess)
super heavy breakfast

tpos pag lunch burger lng kinakain ko
hanggang 6pm na yun

may mali sa sched ng pagkain ko noh?

judE_Law

^^ kaya naman pala ang payat mo eh...


dati sobrang payat ko rin.. ang height ko ay 5'9.. ang sagwang tignan..
ginawa ko talaga mas nilakasan ko pa pagkain ko.. almusal, tanghalian, meryenda at hapunan.. mnsan may midnight snack pa.. hehe..
try mo lang basta yung kakainin mo eh healthy din naman at nutritious.

pinoybrusko

ako ganyan din ng high school at college kahit anong kain ko mapayat pa din ako. Pero nung nagwork na ako dun na ako nagstart tumaba. Nasa activity kasi yan nung high school at college busy sa sports or ano mang outside activities pero nung nagwork na wala na lahat iyon kasi pagod ka na after ng work kaya tendency nun tataba ka na lalo na pag ang work mo maghapon ka lang nakaupo sa office. Kahit pilitin mo tumaba with your current age at dadaanin mo sa lamon mahirap talaga. dont worry, tataba ka din at pag nangyari iyon you'll regret it kasi mas gugustuhin mo naman ang pumayat  ;D


angelo

ilan taon ka na? baka nasa puberty stage ka pa rin and developing din ang body muscles mo..

suggestion ko: pumili ka ng food na nakakagain but will not compromise your nutrition. kunwari mga chicken/beef. panget naman kasi yung lalaki ka dahil sa unhealthy foods (basically iwasan mo na maglakad kung commute ka, tapos pakabusog ka lagi tapos ihiga mo agad.. mga ganung tipo)

start building your body too para maganda talaga labas niyan when you reach 20's. hindi mo naman kailangan pumunta sa gym. pwede na yung body weight exercises, tulad ng mga push-ups, pull-ups, etc.

else, try the appeton weight gain formula.

xtype64


judE_Law

14 ka palang pala? parang ang laki na ng problema mo.. hehe..

marvinofthefaintsmile

i suggest na magbaon ka.. dpat yung lutong bahay. Wag laging processed foods. Tpos eat more meat and more rice. Kung me sport ka na pwedeng salihan eh salihan mo para mas mabilis kang magkalaman...  Wag ka ding magpapalipas ng gutom. Remember na 14 ka pa lang at mabilis na ang metabolism mo (d 2lad nmin na mababagal na..). I-aim mo n lagi kang busog.

Aq kht me work na eh nagbabaon pa dn. Hehehe.

vijay15

dude, parehas lang tayo ng prob haha kain lang ng kain dapat. ako nga 2 rice na every lunch haha minsan + half rice pa. heavy breakfast din at medyo light dinner ako. medyo nagkakalaman na daw ako (yey!)

aww. di na pala ako ang pinakabata dito :\ haha

mang juan

ako din eto problema.. haha.. minsan naiisip ko kain ako ng kain pero di pa rin ako tumataba.. haha

marvinofthefaintsmile

kung nahihirapan ka to eat more calories eh u can replace it with a meal replacement like ON-Serious Mass or Weider's Megamass. Bale tinitimpla lng xa sa isang baso tpos inumin mo. Tpos ayun, meron ka nang dense calories at tataba ka na nyan..

bukojob

sa tingin ko, it's too early to make your problem a problem... I mean, 14 ka pa lang. di pa masyado nagki-kick in ang hormones nyan. And, medyo awkward talaga yang stage na yan. So relax ka lang.

mossimo

get active and pwd din siguro drink ka ng protein drink.... or if low budget, enervon hp.

jaguar05

I've read it in some forums, nakakatulong ba ang whey protein para bumigat ang timbang? Medyo problema ko rin ang pag ka payat considering na 20+ na ang age ko?

judE_Law

Quote from: mossimo on September 06, 2010, 02:09:02 PM
get active and pwd din siguro drink ka ng protein drink.... or if low budget, enervon hp.

yeah... enervon hp ang lagi kong iniinom dati.. medyo tumaba ako dun.. pero kulang pa.. payatot pa rin.. hehe..

angelo

kung talagang seryoso ito, go back to your pedia, consult ka about taking steroids or much less, mga vitamins na pampagana kumain.  8)