News:

Check PGG's Instagram and I'll check your Instagram too!

Main Menu

Pano ko ieexplain? SERIOUS HELP!

Started by vijay15, September 05, 2010, 11:38:09 PM

Previous topic - Next topic

vijay15

Pano ko ieexplain sa mom ko na mawawalan na ako ng scholarship?
It's not my fault ung mga professors kasi kung makapagbigay ng mga exams kala mo board exam na
Alam ko na kasi ung magiging reaction nya eh. ako sisisihin nun,babantaan na titigil na sa pagaaral.


HELP! Pano ko to sasabhin?

ctan

Vijay! I can feel for you. Been there....

Ito na lang alalahanin mo, that in the end, malalaman din niya. So you might as well tell what really happened. Ako nung una, I tried to make up stories but then in the long run, I can't make everything consistent.

Sa experience ko, prinepare ko na ang mom ko sa eventual scenario. I told her that I could possibly lose my scholarship kasi nahihirapan ako. I told her that whatever my final grade would be, suportahan pa rin sana niya ako.

Eventually, ayun nga, nawala nga. At first, she was really disappointed at me. But she couldn't do anything naman na e. I just apologized and promised her that I'd do my best in the next steps.

Maybe you could do the same?

angelo

i lost mine too back in college and it was just friggin 2 points shy of the cut-off.

my advice? just tell the truth. dont make excuses, remember you were also part of it.. it could not go worse than that.

acceptance is key and knowing how to pick yourself up from this setback makes  a better man out of you..

pinoybrusko

I'm not a scholar but I'm a dean's lister hehehe yun nga lang hanggang 2nd year lang hahaha

you can do this:
uwi ka ng bahay very bothered at problematic. for sure mappansin ka ng mom mo and ask you why. then tell her straight you lost your scholarship. mixed emotions mom mo niyan mababawasan ng konti ang galit hehehe ;D


judE_Law

sabihin mo lang yung totoo..
hindi mo kailangang itago kasi malalaman at malalaman rin nila..
kung ano man maging reaksiyon nila.. tanggapin mo na lang..

mang juan

nangyari din sakin to nung college. hindi ko agad nasabi eh kasi naghanap pa ko ng magandang timing.. hehe.. tapos nagtanong muna ko sa kanila kung ano mangyayari pag di na ko scholar.. nung sinabi nila yung mararamdaman nila, sinabi ko na yung totoo. naintindihan naman nila..

vijay15

wala naman akong balak itago. it's just that, di ko talaga alam pano ipreprepare yung mom ko for this ngayong tight pa naman kami sa money. nasabi ko na sa ate ko who is the one na nagpapaaral sa akin and it's ok for her lang daw basta walang bagsak. yung mom ko lang talaga. ayokong madagdagan ung mga problems niya. masyado kasi un magdamdam eh ung tipong pasan na niya  ang buong mundo :\

mang juan

hmm.. mahirap nga.. siguro sabihin mo na mas pagbubutihin mo this time, na na-appreciate mo efforts nila para makapag-aral ka, etc..

judE_Law

Quote from: vijay15 on September 07, 2010, 10:22:28 PM
wala naman akong balak itago. it's just that, di ko talaga alam pano ipreprepare yung mom ko for this ngayong tight pa naman kami sa money. nasabi ko na sa ate ko who is the one na nagpapaaral sa akin and it's ok for her lang daw basta walang bagsak. yung mom ko lang talaga. ayokong madagdagan ung mga problems niya. masyado kasi un magdamdam eh ung tipong pasan na niya  ang buong mundo :\


ah.. so kung ate mo nagpa-paaral sa'yo.. ayos lang na siya maunang makaalam.. sa mama mo naman.. ipaliwanag mo sa kanya.. hindi ka naman bumagsak kamo.. am sure maiintindihan ka nun.. mga nanay pa... magda-drama lang yun sa umpisa pero pagkatapos.. okay na yun.

pinoybrusko

sabihin mo lang ng plain and simple, mom i lost my scholarship sabay iyak ka na  ;D pero wala naman akong bagsak  :D may pakunswelo naman

judE_Law

Quote from: pinoybrusko on September 08, 2010, 05:34:54 PM
sabihin mo lang ng plain and simple, mom i lost my scholarship sabay iyak ka na  ;D pero wala naman akong bagsak  :D may pakunswelo naman

iyak sabay tawa ang tawag diyan.. hehehe..

vijay15

ang hirap. ayoko talagang makita yung reaction niya eh.
ang problema pa dun,nagiging spoiled ako these past few weeks. nagpapabili ako ng mga gamit gamit :\

angelo

ganun talaga. mahirap tanggapin. but im sure mothers are more than understanding for your sake than any other person on earth.

panget kasi ang life kung walang challenge. - my personal favorite cheer-up line.

hindi ba tinanggap mo naman si Jesus sa iyong buhay? Eh paano kung iyan ang plano Niya para sa iyo?

vijay15

Accepted ko na before na mawawalan ako ng scholarship. eh un ung plan ni God for me eh. i know h has a purpose for that and he has was better plans for me someday.
the thing lang talaga is im really afraid to tell it to my mom :\

angelo

if you have accepted, the better. telling your mom is just a natural consequence. She deserves to know.

if i were you, im more worried on how to get back to the scholarship or be more productive next time.