News:

Having problems registering or logging in?
Contact us here.

Main Menu

Mahal na mag-MRT?

Started by marvinofthefaintsmile, September 13, 2010, 09:31:59 AM

Previous topic - Next topic

judE_Law

Quote from: maykel on February 14, 2011, 02:52:39 PM
Quote from: joshgroban on February 12, 2011, 10:30:32 AM
Quote from: eLgimiker0 on February 11, 2011, 12:00:18 PM
Quote from: marvinofthefaintsmile on February 11, 2011, 11:55:21 AM
pag sarado n ung pila going south. nagroround trip ako.., though laki kumain ng oras pero sure nmn na makakapsok ka s tren pgdating ng norht.,

Medyo unfair yan bro. mas maganda nga sana kung pagdating ng south.. baba lahat ng pasahero :D
dapat may rule sila dito kung baba lahat ...as in lahat... one time napaaway ako pinili lang yung pinababa..... kako pababain mo rin yung iba bakit ba.... kaso napansin ko nakababa na ko  tsk tsk
yeah... tama to. dati ang ginagawa ko is nagroround trip din ako. sakay ako sa may ayala papunta sa Taft, then hindi na ako bababa, lipat lang ng ibang part ng train. pero naisip ko na napakaunfair nun kaya ngayon byahe na lang muna ako ng bus papuntang Taft station tapos dun ako sasakay. :) hassle sa akin at dagdag gastos pero hindi naman ako naging unfair. :)


ang bait naman!
yan ang dapat.. hindi nanlalamang ng kapwa!

marvinofthefaintsmile

Yesterday, I was able to enter the jampacked MRT holding a 1-foot long letter and 12-inch long chocolate box., Lumabas aq ng tren without having any damage sa paper. Hinde siya nalukot.

So the lesson is sa technique lang yan., I was able to arrive on time and even if I have something fragile with me, I was able to marvel against the busy people of manila.,

marvinofthefaintsmile

kaninang umaga, i felt proud of what I need. By pushing the people inside the train, I create enough space for the busy men behind para makapasok ng train. its nice to help those people who values time over poise.

judE_Law

kanina sa tren.. naipon ang tao...
eh puno na rin yung dumating na tren, may lalaki na nagsusumiksik...
eh may ale sa unahan niya na may kasamang bata.. sige pa rin ang pagpupumilit na pumasok..
nagalit yung ale... sinampal sa mukha yung lalake... 'hindi mo ba nakikita yung bata naiipit?' sabi ng ale.. naisip ko, buti nga sayo nakahanap ka ng katapat.
sumagot pa yung lalake, "eh bakit kasi nagti-tren kayo kung ayaw niyong maipit? kundi ka lang babae.."
sumagot ulit yung ale.. "ano?? **** ka ha.. kita mo ng puno magpipilit ka pa"
lumabas yung lalake.. nagsasabi sabi pa paglabas ng tren.. pagsara ng pinto, minura niya yung babe..
pag-alis ng tren.. sumagot yung ibang tao sa tren.. "tama lang yung ginawa mo.. bastos eh.." sabi nun isang lalake..
tas sumagot din yung isang babe na naka-pormal na damit.. "puno na kasi nagsusumiksik pa.. baka mamya mandurukot pa yun eh"


^hindi ito imbento.. totoo lang po.


pinoybrusko

hehehe sino man yung lalake yun jude asar talo. Nasampal kasi nung ale

judE_Law

Quote from: pinoybrusko on February 15, 2011, 04:32:56 PM
hehehe sino man yung lalake yun jude asar talo. Nasampal kasi nung ale


hayaan mo next time na makasakay ko kikilalanin ko.. hehe..

maykel

Kaninang umaga ay nakaexperience ng dalawang skipping train. kaya ayun naipon ang mga pasahero sa North Station. tapos pagdating sa mga succeeding stations eh medyo madami pa din ang tao.. pero luckily wala naman akong naencounter na sampalan..

pinoybrusko

ako nakaexperience ako na sumakay ng MRT tapos may kasama ako. sa sobrang puno, naiwan ako at yung kasama ko nakasakay siya. Hinintay niya ako sa station na binababaan namin pero after ng ikatlong train pa na dumating hehehe  ;D

joshgroban

katawang kwento naiwan  hehehe

judE_Law

Quote from: pinoybrusko on February 15, 2011, 06:41:26 PM
ako nakaexperience ako na sumakay ng MRT tapos may kasama ako. sa sobrang puno, naiwan ako at yung kasama ko nakasakay siya. Hinintay niya ako sa station na binababaan namin pero after ng ikatlong train pa na dumating hehehe  ;D

classic! hehe..

judE_Law

kanina, ang smooth ulit ng biyahe...
iba talaga kapag disiplinado ang mga tao...

maykel

Quote from: judE_Law on February 16, 2011, 12:33:58 PM
kanina, ang smooth ulit ng biyahe...
iba talaga kapag disiplinado ang mga tao...


oo nga. kanina smooth ang byahe. maluwag sa loob ng train.
Disiplina sa sarili na pumasok ng mas maaga para hindi mo na isisiksik pa ang sarili mo sa masikip na na train. :)

judE_Law

Quote from: maykel on February 16, 2011, 01:07:30 PM
Quote from: judE_Law on February 16, 2011, 12:33:58 PM
kanina, ang smooth ulit ng biyahe...
iba talaga kapag disiplinado ang mga tao...


oo nga. kanina smooth ang byahe. maluwag sa loob ng train.
Disiplina sa sarili na pumasok ng mas maaga para hindi mo na isisiksik pa ang sarili mo sa masikip na na train. :)

tumpak maykel!
kapag sa biyahe pa lang papasok ng work eh maganda na ang mood.. productive ang buong araw mo.


try niyo!

joshgroban

kelan nga ba magtataas yan parang umurong na?

angelo

Quote from: judE_Law on February 15, 2011, 12:13:02 PM
kanina sa tren.. naipon ang tao...
eh puno na rin yung dumating na tren, may lalaki na nagsusumiksik...
eh may ale sa unahan niya na may kasamang bata.. sige pa rin ang pagpupumilit na pumasok..
nagalit yung ale... sinampal sa mukha yung lalake... 'hindi mo ba nakikita yung bata naiipit?' sabi ng ale.. naisip ko, buti nga sayo nakahanap ka ng katapat.
sumagot pa yung lalake, "eh bakit kasi nagti-tren kayo kung ayaw niyong maipit? kundi ka lang babae.."
sumagot ulit yung ale.. "ano?? **** ka ha.. kita mo ng puno magpipilit ka pa"
lumabas yung lalake.. nagsasabi sabi pa paglabas ng tren.. pagsara ng pinto, minura niya yung babe..
pag-alis ng tren.. sumagot yung ibang tao sa tren.. "tama lang yung ginawa mo.. bastos eh.." sabi nun isang lalake..
tas sumagot din yung isang babe na naka-pormal na damit.. "puno na kasi nagsusumiksik pa.. baka mamya mandurukot pa yun eh"


^hindi ito imbento.. totoo lang po.



mrt experience din kaso sa elevator ng shaw blvd station.

nakasakay na ako sa elevator at huling 3 pumasok ay isang lalake na mga mid 30s, isang ale na mid 30s din at isang mga 20s na buntis. pagkapasok nilang 3, umangal na ang elevator at hindi na kaya ang weight. nagkatinginan sila at nag give way na yung lalake at bumaba. pero tumutunog pa rin, kaya nag-suggest yung 30s na female to the pregnant woman na siya na lang bumaba.. nagtalo sila kasi ang point nung buntis sila ang priority sa elevator.. hanggang sa isa pang lalake na lang ang bumaba. hanggang sa bumaba, nagpaparinigan pa rin sila ng mga POV nila. yung isa dahil priority yung buntis, at yung isa sinasabing nauna sa pila at lahat ng tao nagmamadali.

nahihiya na lang ako at nakasakay ako sa elevator...