News:

Welcome to PGG Forums:
Ask for tips and advice ranging from men's fashion, grooming, hairstyles and dating women.

Main Menu

House Bill 1706 - "Decriminalize Prostitution"

Started by Mr.Yos0, December 18, 2010, 04:58:53 PM

Previous topic - Next topic

Mr.Yos0

QuoteProstitusyon gustong i-decriminalize ng mga kongresista12/15/2010 | 11:14 PM

MANILA – Nais ng ilang kongresista na i-decriminalize o alisin ang aspeto ng kasong krimen sa mga taong nasasangkot sa prostitusyon o mga sex worker.

Ayon kay Tarlac Rep. Susan Yap, layunin ng House Bill 1706 na kanyang inihain na i-decriminalize ang prostitusyon upang mapangalagaan ang karapatan ng mga prostitute na kadalasang biktima lamang umano ng sindikato at sindikato.

"We should not view the prostitutes as the source of the problem of prostitution. We should instead run after those who lured them into this kind of business," paliwanag ni Yap sa isang pahayag nitong Miyerkules.

Batay umano sa listahan ng Philippine Commission on Women, tinatayang aabot sa 500,000 ang sex workers sa Pilipinas – 100,000 sa mga ito ay mga kabataan.

Naniniwala si Yap na ang pag-alis sa aspeto ng kasong krimen sa prostitusyon na nakasaad sa Revised Penal Code ang tamang hakbang sa pagharap sa naturang problema. (Basahin: 'Climate change pushes poor women to prostitution, dangerous work')

Ipinaliwanag ng kongresista na bigo ang kasalukuyang batas na habulin ang mga nasa likod ng prostitusyon katulad ng mga bugaw, recruiter, at may-ari ng mga establisimyento na pinangyayarihan ng prostitusyon.

Binigyan-diin ni Yap na dapat unawain na pumapayag ang mga sex worker na makipagtalik sa kanilang kliyente kapalit ng pera dahil sa kahirapan at biktima ng pagsasamantala.

"The measure seeks to help prostitutes by entitling them to government services like medical services, counseling, shelter and legal protection services," ayon kay Yap.

Bukod kay Yap, naghain din ng hiwalay na panukalang batas sina Reps. Rufus Rodriguez (Cagayan de Oro) at Maximo Rodriguez, Jr. (Abante Mindanao), na naglalayong ding i-decriminalize prostitution at pagkalooban ng sapat na proteksiyon ang mga biktima.

Nakapaloob sa panukala ang pagtatatag ng National Anti-Prostitution Council na inaatasang lumikha ng programa para tugunan ang problema ng prostitusyon at mga nagiging biktima nito.

Idinagdag ng mga mambabatas na malaki ang magagawa ng mga lokal na opisyal upang masugpo ang prostitusyon sa kanilang nasasakupan. - GMANews.TV

I'm just impressed  ;D at the representative who filed this bill. Baka ginawa lang nila ito "in aid of legislation"?  :D

ram013

so totally agree with Kilo...hindi tayo isang bagay na pwede na lang ibenta..we are humans and we have dignities to protect