News:

If this is your first time to visit, you might have to register here before you can post.

Main Menu

High School Life..

Started by ValCaskett, March 30, 2011, 03:07:41 PM

Previous topic - Next topic

judE_Law

Quote from: Luc on April 04, 2011, 10:54:16 AM
^Hahaha yari ka nyan. Zero makukuha mong score sa true/false. Nyahaha.

Cge, ituloy ko na ang kwento ko. Tuloy² na to hanggang 4th.

2nd year: nagmention ako ng isang napakagandang nilalang. Siya ang! ... first kong! ... busted  :( E pano nmn hindi, may bf na pala siyang iba. Naunahan na pala ako. Grrr. Marami din ako nagawang desisyon para sa high school ko dito. Dito ako nakapili ng barkada. Dito ako nakapili ng sport. Pinili ko din na mag Boys Scout instead of CAT. Pinili ko din ang Computer Science as a major for my THE classes. Naging seryoso ako sa pag-aaral dahil ayaw kong aminin na emo ako sa pagkabasted ko.

3rd year: ang pinakamagulong high school year ko. Yung barkada ko'ng pinili, kakaiba pala ang trip. Maliban sa sila ang kalaro ko sa soccer, at eventually naging varsity kami sa school, natuto din ako uminom ng alak at manigarilyo sa kanila. Saka nagdrodroga pala ang ilan sa kanila. Of course, di ako kasali dyan. Kaya nga humanap ako ng iba pang makakasama.
Napunta ako sa isang kaklase kong girl. Di ko siya pinaka-type na girl. Malambing lang. Saka astig ang attitude. Naging magkaibigan kami, at palagi kaming magkasama. At first for companions sake lang. Somehow, we ended up exchanging 'i love you's. Saka nag cecelebrate ng monthsaries, gumagawa ng mga ginagawa ng isang magkasintahan. Kahit wala kaming label. Hindi kami nakikinig sa teacher at palagi lang nag-uusap. Pag pinagalitan kami ng teacher, tinutuloy namin ito sa pagsusulat. Sa chem lab, nagtatago kami sa ilalim ng maliit na mesa, either talking or natutulog na magkatabi. :) Kaya nga na-bagsak siya sa chemistry class at hindi siya nakapagpatuloy ng 4th year. Was it my fault? I think so. Siya ang 1st love ko.

Eto lang muna. Naging emo n masyado, e. Mamaya nlng cguro ang 4th year. Hehe. Subaybayan!:P


wow! soccer ang fave mo palang laruin nung High School.. kami baseball nun eh..

carpediem


Luc

^muntik ko na nakalimutan, carp.

Part 4.

Shortcut nalang ito a.... Grumaduate ako! Nyaahaha.

:D

cge kwento na naman ng konte. Nawala na ung girl ko sa 3rd year. bagsak kc siya, at hindi tumatanggap ng bagsak ang school ko, kaya lumipat siya ng ibang skul. nakikipag commu pa rin kami kahit minsan, at nagkakita, pero di tulad ng dati. pero ok lang, enjoy naman ako sa 4th yr ko, eh.

patuloy pa rin kami sa pag sosoccer at nakilaro pa ang ibang school sa isang league game. panalo pa kami non! hindi ako nakapagscore pero natuwa rin naman c coach sa pagdedepensa ko. c coach ang paborito kong teacher ever since. siya lang ang teacher kong kasabay maginuman, sabay maghiking, jogging, outing, etc. sana magkakita kami ulit.

sa 4th year din, nagspecialize ako sa computer science (choice class for T.H.E.) at kasabay ang dalawang bespren ko, kami ang naghari sa class :D pinapadala kami sa mga computer-related quiz bowls na city-wide at nagwagi naman! sayang lang nga mabibigo ko c coach (siya din teacher namin sa com class) pag malaman nya inde ako kumuha ng computer-related course. naalala ko database management (MS Access) at (formerly macromedia)Flash ang trip ko non. binansagan din ako bilang "keyboard shortcut boy" :) dahil halos ayaw kong gumamit ng mouse, sa bilis sa pagtytype sa keyboard, at sa lawak ng kaalaman ko sa mga keyboard shortcuts. kaming tatlo din ang dakilang sound system operator sa eskwelahan. kami ang nagseset-up at nag-mamanage sa sound system sa buong eskwelahan kaya naalala ko libre kami palagi pag may concerts, Stage plays at class shows. binibigyan pa kami ng snacks! ;D

nag apply ako sa glee club pero di ako natanggap :(

nagdevelop din ako ng konteng hilig sa journalism. specifically sa desktop publishing, at nanalo pa nga sa regional PressCon. Yun na cguro ang pinakamalawak na contest na sinalihan ko. kaya naging layout artist ako sa aming school paper, at sa batch yearbook. (dami sana job opportunities dito, o. bakit kaya di ko ito pinagpatuloy?)  :-X

ipinag-kaloob din sa akin ang 4th in rank sa Leader's Council ng Boy Scout sa school. At nagkaroon din naman ng magagandang mga alaala, lalo na sa pag-cacamping.  :)


... natsukashidesu.

o, yan, tapos grumaduate ako, nag apply ng nursing at lahat ng pinaghirapan ko sa high school ay nawala na parang bula :( sarap sana balikan ang high school! :D

incognito

bakit ka nagnursing? and not computer science or computer engineering?

carpediem

really nice to read your high school story Luc. nakakareminisce din.

pero hindi naman mawawala yung pinaghirapan mo. nandyan pa rin yun.

Luc

#65
@Jude: o nga pala, for a short while, nagkahilig din ako sa baseball. sa intrams namin, ako yung shortstop na nakapag-out sa kabilang team for the winning score! :P biglang nasa possession ko kc ang bola tapos may kalaban sa third base, patulinan tuloy kami sa home plate at nanalo ako! (nagslide pa ako, drama talaga);D

@incognito:  :'( mga magulang ko nmn kc nagpapadala sa nursing hype.

@carpediem: ty carpe, hope to read your own HS story too. sa tingin ko interesting din. :)

incognito

ako magkkwento ako. pero maiksi lang. simple lang hs life ko. fun. best section. madalas kainggitan ng lower sections.

1st year
bagong salta sa school. pero dahil sa mabait naman ako, madami agad naging friends.
pero palakol ang grade ko sa math. pero di naman bagsak. from then on ineligible na ko for any academic award. (umasa pa ko).

2nd year
pinagalitan ako ng class adviser kase  may 3 babae nag aaway dahil sakin.  bestfriend na babae, close friend na babae, at si nililigawan ko. sabi sakin ng teacher , "feeling mo ang gwapo mo!"  sorry naman kung type nila di gwapo. pasensya na kung madali akong mahalin. hehe. mag MU lang inabot namin ng nililigawan ko. nagbakasyon tapos biglang nawala.

3rd year
vp ng social science club. kala din ng mga tao magaling ako kumanta kaya kumakanta din ako sa school programs. ung ka MU ko nung 2nd year, naging gf nung  barkada ko. muntik na din ako mademote sa lower section kase napabayaan ko studies ko. si MU nademote sa lower section.

4th year
president na ko ng social science club. literary editor din ng school paper. part din ng liturgical choir.  tuloy pa din sa pagkanata sa school programs. si ka MU nung 2nd year iba na naman ang bf. ung isa ko na namang kabarkada. prom king din pala ako. haha. wala ako magagawa, ako pinanalo eh. tapos un, gumraduate na. tapos na po.

so un, nothing really extraordinary about my hs life. simpleng student lang.didn't excel much in anything.
si ka MU ko pala nung 2nd year, naging kame nung 1st year college. hehe.

Luc

huwaw, prom king ah! ano ginagawa ng social science club? wala kaming ganyan dati, e.

incognito

Quote from: Luc on April 30, 2011, 12:14:59 PM
huwaw, prom king ah! ano ginagawa ng social science club? wala kaming ganyan dati, e.

nakakatakot na prom king! natakot sila baka pag di ako ginawang prom king pagbabarilin ko sila! haha. social science club, mostly ginagawa namin nun is mag organize ng field trips sa mga historical places, outreach programs tsaka ng school programs pag linggo ng wika, united nations day. syempre in collaboration pa din yan with other clubs sa school.

carpediem

@Luc: i am a very boring person. boring din ang school life ko hehehe

mukhang very artistic ka. pwede mo explore yun.

Luc

@carp: by artistic, do you mean creative art? i haven't indulged in that for years, and maybe it's because my very close cousin of mine is just so much better than me on that. After all, it's her career.

share ka lang carp, i'm sure may highlights din ang school life mo.

carpediem

^ Sabi mo kasi Flash. Tapos ikaw nagmanage ng sound system, and I know may certain musical aptitude ka.

OTOH, you're called "keyboard shortcut boy". You know what, to be called that you must have achieved a certain level of computer "geekiness", and if my intuition is correct, you must be good with computers too.

Luc

^carp: i might have been a "little" bit (just a little bit) ahead of my generation then carp, but whatever "geekiness" i had back then has stagnated along with my interest on computers. but until today, i still find and make use of keyboard shortcuts, since they've always been easier than touching the mouse.

OTOH, music, i never left that out.

carpediem

@fox: Believe me fox. sobrang good boy ako during my school years, kaya as a consequence sobrang boring din school life ko

@Luc: I have confidence in my intuition.

carpediem

^ baka di ka lang good boy. you're sooooo goooooooood!

But seriously, I wish I had been naughty and wicked