News:

If this is your first time to visit, you might have to register here before you can post.

Main Menu

Kamusta Si PNOY?

Started by judE_Law, June 11, 2011, 11:24:14 AM

Previous topic - Next topic

Kamusta naman ang Trabaho ni Pangulong Aquino sa Kasalukuyan?

Magaling
1 (4.8%)
Okay lang
5 (23.8%)
Lagpak
6 (28.6%)
Mag-resign na
2 (9.5%)
Walang Pakialam
1 (4.8%)
Bigyan pa ng Tsansa
6 (28.6%)

Total Members Voted: 21

pong

boss jude, supporter ka ba ni PNoy? haaaay nakakairita na siya.

ctan

marami kaming frustrated kay PNoy. kasama na si jude diyan. :-)

pong

bakit ba kasi binoto-boto gayong haaaaissst produkto lang siya ng quasi-monarchical political system sa pilipinas?! IMO, okay pa siguro kung si erap nanalo. nakakaaliw talaga! hahahaha!!! convicted plunderer pwede pang tumakbong presidente! hahahaha... bobong constitution na sinulat ng mga pinakamatatalinong tao sa pilipinas

judE_Law

Quote from: pong on October 29, 2011, 08:32:14 PM
boss jude, supporter ka ba ni PNoy? haaaay nakakairita na siya.

numero unong kritiko ako pong.. lol!

pong

tara po sir jude, numero dos naman ako!!! hehehehe XD

ctan

pansin ko pong, ikaw din ang numero unong kritiko ng mga up graduates. hahahaha! :-p

pong

oi hindi naman doc. marami akong kaibigan na taga-UP although binoboljack ko pag pinaiiral nila yung braggadocio nila nang wala sa lugar. ako naniniwala ako na hindi sa eskuwelahan ang katalinuhan ng tao, nasa tao yun. believer ako ni mark twain eh :)

MaRfZ

May pag asa pa din siguro..

pinoybrusko

hahaha konting kibot lang dami na agad tayong reklamo at sana hinde siya ang nanalo. tsk tsk.

Dapat natin tanggapin na si Pnoy ang ating pangulo at imbes mag ngangawa tayo eh suportahan natin ang pangulo natin kahit in the most simplest way we can. Siya naman ang nanalo sa botohan so we need to accept the fact. Pati mga botante sisisihin ano ba yan....

Mga pinoy nga naman!!!

vir

tama!..isa ako sa mga bumoto sa kanya hindi dahil sinusuportahan ko xa sa lahat ng sinasabi nya,or dahil tingin ko magaling xa..binoto ko xa for only 1 reason..sa lahat ng presidential candidate last election,sa kanya lng ako confident na hindi sya corrupt..kasi corruption naman ang puno't dulo ng lahat ng paghihirap nating mga pinoy..so dahil may tiwala akong hindi xa corrupt,kahit ano pa maging kapalpakan nya,somehow parang ok lng,at least hindi xa magnanakaw..eh aanhin ko nman ang matalino at magaling na leader kung sarili lng nya ang payayamanin nya..

pinoybrusko

Quote from: vir on October 31, 2011, 02:01:56 AM
tama!..isa ako sa mga bumoto sa kanya hindi dahil sinusuportahan ko xa sa lahat ng sinasabi nya,or dahil tingin ko magaling xa..binoto ko xa for only 1 reason..sa lahat ng presidential candidate last election,sa kanya lng ako confident na hindi sya corrupt..kasi corruption naman ang puno't dulo ng lahat ng paghihirap nating mga pinoy..so dahil may tiwala akong hindi xa corrupt,kahit ano pa maging kapalpakan nya,somehow parang ok lng,at least hindi xa magnanakaw..eh aanhin ko nman ang matalino at magaling na leader kung sarili lng nya ang payayamanin nya..


apir, same sentiment  :D

ctan

frustration with the president does not mean he is not accepted as president.

in our case, duda na nga kami nung una, nakakadisappoint pa siya ngayon. but does this mean hindi namin ginagawa mga tungkulin namin para maging isang responsableng pilipino? of course hindi. dahil hindi kami bilib sa pangulo ngayon, ginagawa namin, sa abot ng aming makakakaya, para pagbutihin pa ang sarili upang makatulong sa kapwa pilipino.

and just a comment sa isang sinabi na hindi corrupt si pnoy. no one can really tell that except pnoy himself and his allies. that is only a perceived idea. just like our idea that hindi magaling si pnoy. it is only but perceived because that was how we saw him. but even so, since sociology grad naman si vir, i guess he knows better that the index of corruption is great in leaders that come from a family lineage of politicians. kaya nga nag-exist ang mga cronies, etc.

vir

tama ka rin jan doc..mahabang usapin talaga to..may point lahat ang mga opinyon ntin at mahirap talaga pagisahin..maraming factors kung bakit iba iba ang pananaw ng bawat isa..base sa kung ano ang idinidikta ng lipunan na kinabibilangan nya,anjan ang family,environment,education,government,religion,organization/institution at maging personal experience..kaya walang pedeng magsabi na mali ang sinasabi ng isang tao dahil hindi natin alam ang pinaghuhugutan ng saloobin nya..kaya bilang individual,let's keep on sharing our thoughts and experiences and at the same time,don't forget to listen..di pwedeng share ka lng ng share,dapat marunong ka rin makinig..

dahil sa pagkahaba haba man ng ating paguusap,darating at darating pa rin tayo sa the bottom line - boy abunda..hahaha :D

pong

^ tama kayo. he cannot please everybody. honestly, ang rant ko lang naman kay PNoy eh umaasta siya na parang hindi presidente. hindi fixed ang composure niya sa national issues. parang walang sariling desisyon. hindi siguro big deal na slouchy siya kumilos.

instrumental ang presidente sa pambansang pagkakaisa. halimbawa: kung mukhang mahina ("mukha" lang ah) ang boss mo, parang pwedeng bully-hin ng mga manager sa inyo, hindi ba nakaka-baba ng morale? yun yung nakikita kong analysis.

frustrated ako in a way on how he handles the problems. parang... wala lang sa kanya.

ctan

I didn't vote for PNoy. I was apprehensive and his lackadaisical performance now certainly validates my earlier realization that he lacks the intellectual and moral rigor to lead the nation in transforming Philippine society.