News:

If this is your first time to visit, you might have to register here before you can post.

Main Menu

courses

Started by toperyo, September 10, 2011, 08:45:18 PM

Previous topic - Next topic

joshgroban


raider

Kung ano ang hilig / interest mo.

Look at me I'm Electrical Engineering graduate but I end up in IT field since I graduated, yun kasi talaga hilig ko e, computer. Follow your instinct, at hindi mo na pagsisisihan.

angelo

theater arts / film.

Damian_St.James

Quote from: angelo on October 01, 2011, 11:27:22 AM
theater arts / film.
Naks! Pareho kau ng best friend ko. Anu course mu naun? Sinunod mu un?

vir

sociology..pero nasa hotel industry ako ngayon,hahaha..

toperyo

Quote from: talakitok88 on September 16, 2011, 07:45:41 PM
o kaya hrm o tourism, daming chicks dun
culinary pwede rin pero mahal
tourism? pwede rin,kasi ayun na course ng pinsan ko.

toperyo

Quote from: Damian_St.James on September 21, 2011, 03:59:13 PM
Kunin mo kung saan ka pinakapassionate, and kung saan ka magaling. Ang point, dapat kung saan ka masaya. Pag napilitan ka lng, chances are baka pagsisihan mo.
sabi rin sakin ng mga pinsan ko ganun nga daw

geo

Ayaw mo mag accountancy? Very in demand here and abroad. Every firm needs an accountant so hindi ka mawawalan ng work. :)

enzoafterdark

Quote from: pinoybrusko on September 17, 2011, 07:10:27 PM
sexual intercourse  :D

pede din golf course or of course  ;D

management grad ako its not a bad thing na mag commerce though high un competition in terms of work compensated naman ng pagiging versatile nun course kasi halos lahat ng industry pede ka plus no need pa ng mga review and licensure tapusin mo lang 4 years mo and make sure you had good grades and really understood your profession swak ka na!

also a piece of advice..improve your comm skills very important yan escpecially speaking in fluent english. whatever course you may choose it could be very handy.

mas madali kasi i-improve yun while still studying eh. good luck!

geo

^yup communication skills are a big plus especially english. May other firms naman na big plus if u are fluent in mandarin chinese.

Extra-curricular affiliations are a big plus as well. Wag kayo tumulad sakin na nung college ung main org lang for accountants (JPIA) ang org ko. Plus pogi points if u are an officer of said org. It will give a signal to the interviewer that you have leadership skills, and interpersonal skills.

During the interview, sell yourself. Be confident!

gebb

Civil Engineering. Whatever you build will always be there for all to see and appreciate.  ;)

ctan

Ako, I took up BSE Chemistry in college. I did try to teach for at least 2 years pero I've chosen another career path which is to pursue Medicine. I'm happy where I am right now. However, I strongly advise that in choosing what you want to take up in college, think of what the long term effects could be. Be both passionate and practical. Passionate, meaning pursue what your heart desires, what you are adept in doing, and what you think you can live for with the rest of your life. Practical, meaning think of the return of investments. Will it be able to sustain you, and even if you would have a family of your own? Will you be able to live with it with food on your table everyday? Yun lang. Just maximize what your heart AND mind can synergistically do. :-)

vir

^ bakit ngayon lng kita nakilala doc? e di sana nuon ko pa yan narinig! magandang advice yan sa mga incoming freshmen sa college..sasabihin ko yan sa sister ko..

ako ang malaking pagkakamali ko mas nagfocus ako sa school na papasukan ko..so parang ang nangyari,kahit anong course nlng basta available sa school na gusto ko at basta makapasok ako dun ok na ko,so pumili lng ako ng course na walang quota at tingin kong konti lng yung may gusto..di ko naisip yung passion at practicality kaya eto i end up na parang di ko masyado nautilize yung pinagaralan ko sa work na meron ako ngayon..

I took up BA Art Studies and then nag shift ako sa BS Sociology sa ibang school. My original plan was to pursue Law school kaso 2 months after graduation,nagkawork ako at yun tinamad na ko magaral uli..

jazaustria

I took up BS Financial Accountancy in FEU, but shifted to BSC MArketing MAnagement when one of my professor (DAMN HIM) failed me in one of my subjects (LAW) which is the cause why i lost my scholarship and never ending preach from my dad that led me to being a rebel and produced my JUNIOR named LEE DEVIN SO..... Anyways, despite of what happened, i still consider it as a blessing in disguise, coz never in my wildest dreams that I thought I will excel in that course that much.... I won several Marketing competitions in and out of school and landed a position in JMA as a Director for Service (before i am just a committee in FEU-JPIA)

After graduation, I was endorsed by our school to work in BPI as a banking associate.... later on, I still cant land a job that suits my qualifications... hehehe! but i never failed to land a job after i resigned from one company to another hahaha! =D

pong

^ wooo, nag-BSA ka pala, Jaz ^_^

anyway, tama si Doc. choose the future the course will entail, as well as what you have been wanting all your life. share ko lang:

nung 4th year ako, nag-exam ako sa apat na university: UP, ADMU, UST at PUP. Bakit hindi La Salle? Pinagbawal ng tatay ko, ayaw niyang magkaroon ng anak na matapobre (although yun ang opinion niya ah, at marami akong kilalang La Sallista na simple naman; isa pa, wala naman yatang eskwelahan ang nagtuturo na kamuhian ang mga mahihirap, nasa upbringing na ng tao yun kung matapobre siya o hindi), pero the irony of it, pina-take niya ako sa Ateneo (kasi malapit lang sa amin, which is just a hill away. literally, walking distance lang siya sa isa pa naming bahay). Ang gusto ko sana BS Math, AB Philo or BS Educ kaso kontrang-kontra naman ang nanay ko dahil uso ang Nursing.

yun yung isa sa mga araw na hindi ko makakalimutan: ang suwagin ang nanay ko. talagang pinipilit niya akong mag-nursing kesyo malaki raw akong tao at makakabuhat ng matanda (napaka-gandang dahilan). eh di giniyera ko. mga 2 buwan kaming di nag-usap. honestly, yung ate ko, idinikta lang ng parents ko ang course niya (which in effect, nag-benefit naman siya). so, nag-decide ako na ako ang magdidikta ng sarili kong course.

sa UPLB lang ako nakapasa (BS Agri pa), hindi sa Diliman (quota yata ang BS Math). ang ADMU naliyo ako sa English (ang hirap talaga) at hindi nakapasa sa scholarship (at walang balak magtapon ng 90k isang semester ang mga magulang ko). sa UST sa sobrang dali nakapasa ako kahit sa BS Accountancy (though BSBA lang ang kinuha ko). pinag-e-Engineering ako dahil magaling ako sa Math at Calculus pero bobo ako sa Drawing. kulang na lang manawagan ako sa Papa ipasok lang ako ng magulang ko sa UST pero ayaw nila dahil may namatay sa hazing sa ROTC. so in short, napunta ako sa PUP.

ang nakakatawa pa: 85 ang required na average sa BSA. eh 84.37 lang ang average ko (pero mataas ang Physics, English at Math ko; hinila lang ako pababa ng Elective sa Science High na hindi ko pinagpapasok dahil puro ako review sa MTAP). pinasa ako. habang nag-aaral, muntik pa akong bumagsak dahil hindi talaga ako nagre-review (sus, accounting, Debit-Credit 1+1 = 2) at panay ang baraha at inuman kasama ng mga barkada. kaso hindi ko alam kung anong swerte, kahit sa kahayupan na ginagawa ko; sumasabit pa rin ako... at bumagsak ang mga barkada ko. gusto ko sanang mag-shift para sumama sa kanila, kaso, tingin ko kaya ko naman itong ipasa. so, tuloy lang ako.

bumagsak ako sa isang subject: Tax and Law (ironic). pero hindi yun hadlang para magmukmok sa isang tabi, dahil binalaan kami na pag may bagsak, walang tsansang pumasa ng board exam. nagtrabaho pa ako para lang ipantustos sa review classes ko. ayun, swerte, nakapasa ng board exam at nabingwit pa sa isa sa mga sikat na auditing firm (na kina-gulat ng mga kaklase ko dahil ang isang haragan na tulad ko ay walang karapatang pumasok doon).

siguro, kung BS Math ang kinuha ko ngayon, Math Teacher na ako, na isa ko ring pangarap. pero natupad rin naman ang pangarap ko: naging propesor. ang nakakatawa pa, ang tinuturo ko ay yung subject na ibinagsak ko nung college.


so, ang maipapayo ko lang, ay:
1) huwag padala sa mga dikta ng magulang, lalo na kung makaka-apekto yun sa kinabukasan mo. 14 y/o ako nung pinaglaban ko ang gusto ko. so far, so good :)
2) huwag mag-shift dahil andun ang mga kaibigang nag-shift din.
3) wala yan sa course, at lalong-lalong wala sa school
4) basta mag-aral ka lang. 4 years lang naman eh. or kung hindi mo kayang mag-aral: magpanggap kang mag-aral. lahat ng hirap mo, may matatamo sa bandang huli.