News:

Having problems registering or logging in?
Contact us here.

Main Menu

courses

Started by toperyo, September 10, 2011, 08:45:18 PM

Previous topic - Next topic

darkstar13

I have a different advice.
Choose DLSU.
I did not take their entrance exam, but from feedback from my classmates, it was fairly easy.

Hindi sa dinedegrade ko ang quality of education sa DLSU, pero relatively, mas madaling makakuha ng magandang grades sa DLSU.
Magsipag ka lang. Magaral ka ng mabuti at hindi mahirap mag dean's lister.

90% ng high school classmates ko na nagaral sa DLSU ay honor graduates; isa o dalawa lang sa kanila ang medalist noong highschool.

sa more popular choice, sa UP, dalawa lang ang nag summa cumlaude sa amin, valedictorian at salutatorian namin. Then, isang magna, isang cum laude. all the others, kahit yung mga ibang medalist, wala. bagsak pa nga yung iba. 4 out of 85 lang ang grumadweyt with honors. Note na most of them, hindi nagbulakbol or anything. Marami sa batch mates ko ang nawalan ng gana when they first received a failing grade sa UP. And everything went downhill for them. Nung grumadweyt lang sila bumawi. Hindi madali pero nakabawi naman sila.

The thing is, I think, for the same effort, you have better chances of graduating with better grades sa DLSU. Top companies, whether we might think they are unfair for being biased, will only recruit from UP, ADMU and DLSU. If you have good grades, by your 4th year, you'll have invitations from various top companies. Hindi mo kailangang maghanap ng trabaho - ikaw mismo ang hahanapin nila. Before you even graduate, may trabaho na naghihintay sayo.

One point - choose a course na gusto mo. My advice is which school to take. Others have given their advices on what course to choose. But then again, if you are not passionate about the course, kahit sa DLSU ka pa, malamang hindi rin magiging maganda ang ending ng college mo.
Or eventually, ng carrer mo.

Bottomline, choose DLSU and make sure you choose a course you want.
Then, aim to be the best you can be, AND join a course-related ORG.
You have much better chances of having a better future.

enzoafterdark

Quote from: pong on January 18, 2012, 11:23:11 PM
^ wooo, nag-BSA ka pala, Jaz ^_^

anyway, tama si Doc. choose the future the course will entail, as well as what you have been wanting all your life. share ko lang:

nung 4th year ako, nag-exam ako sa apat na university: UP, ADMU, UST at PUP. Bakit hindi La Salle? Pinagbawal ng tatay ko, ayaw niyang magkaroon ng anak na matapobre (although yun ang opinion niya ah, at marami akong kilalang La Sallista na simple naman; isa pa, wala naman yatang eskwelahan ang nagtuturo na kamuhian ang mga mahihirap, nasa upbringing na ng tao yun kung matapobre siya o hindi), pero the irony of it, pina-take niya ako sa Ateneo (kasi malapit lang sa amin, which is just a hill away. literally, walking distance lang siya sa isa pa naming bahay). Ang gusto ko sana BS Math, AB Philo or BS Educ kaso kontrang-kontra naman ang nanay ko dahil uso ang Nursing.

yun yung isa sa mga araw na hindi ko makakalimutan: ang suwagin ang nanay ko. talagang pinipilit niya akong mag-nursing kesyo malaki raw akong tao at makakabuhat ng matanda (napaka-gandang dahilan). eh di giniyera ko. mga 2 buwan kaming di nag-usap. honestly, yung ate ko, idinikta lang ng parents ko ang course niya (which in effect, nag-benefit naman siya). so, nag-decide ako na ako ang magdidikta ng sarili kong course.

sa UPLB lang ako nakapasa (BS Agri pa), hindi sa Diliman (quota yata ang BS Math). ang ADMU naliyo ako sa English (ang hirap talaga) at hindi nakapasa sa scholarship (at walang balak magtapon ng 90k isang semester ang mga magulang ko). sa UST sa sobrang dali nakapasa ako kahit sa BS Accountancy (though BSBA lang ang kinuha ko). pinag-e-Engineering ako dahil magaling ako sa Math at Calculus pero bobo ako sa Drawing. kulang na lang manawagan ako sa Papa ipasok lang ako ng magulang ko sa UST pero ayaw nila dahil may namatay sa hazing sa ROTC. so in short, napunta ako sa PUP.

ang nakakatawa pa: 85 ang required na average sa BSA. eh 84.37 lang ang average ko (pero mataas ang Physics, English at Math ko; hinila lang ako pababa ng Elective sa Science High na hindi ko pinagpapasok dahil puro ako review sa MTAP). pinasa ako. habang nag-aaral, muntik pa akong bumagsak dahil hindi talaga ako nagre-review (sus, accounting, Debit-Credit 1+1 = 2) at panay ang baraha at inuman kasama ng mga barkada. kaso hindi ko alam kung anong swerte, kahit sa kahayupan na ginagawa ko; sumasabit pa rin ako... at bumagsak ang mga barkada ko. gusto ko sanang mag-shift para sumama sa kanila, kaso, tingin ko kaya ko naman itong ipasa. so, tuloy lang ako.

bumagsak ako sa isang subject: Tax and Law (ironic). pero hindi yun hadlang para magmukmok sa isang tabi, dahil binalaan kami na pag may bagsak, walang tsansang pumasa ng board exam. nagtrabaho pa ako para lang ipantustos sa review classes ko. ayun, swerte, nakapasa ng board exam at nabingwit pa sa isa sa mga sikat na auditing firm (na kina-gulat ng mga kaklase ko dahil ang isang haragan na tulad ko ay walang karapatang pumasok doon).

siguro, kung BS Math ang kinuha ko ngayon, Math Teacher na ako, na isa ko ring pangarap. pero natupad rin naman ang pangarap ko: naging propesor. ang nakakatawa pa, ang tinuturo ko ay yung subject na ibinagsak ko nung college.


so, ang maipapayo ko lang, ay:
1) huwag padala sa mga dikta ng magulang, lalo na kung makaka-apekto yun sa kinabukasan mo. 14 y/o ako nung pinaglaban ko ang gusto ko. so far, so good :)
2) huwag mag-shift dahil andun ang mga kaibigang nag-shift din.
3) wala yan sa course, at lalong-lalong wala sa school
4) basta mag-aral ka lang. 4 years lang naman eh. or kung hindi mo kayang mag-aral: magpanggap kang mag-aral. lahat ng hirap mo, may matatamo sa bandang huli.

astig ka dre

around 60% nakakarelate ako sa nangyari sayo

hahaha nakakatuwa lang na parang nababasa ko sa ibang tao yun ibang napagdaanan ko like you so far so good and still hopeful for the greater things to come  :D

geo

^ i've got 2 words for all of you. ANG HABA... :P

jazaustria

^ i've got 2 words for u too... ANG IGSI! haha

pong

Quote from: jazaustria on January 20, 2012, 10:21:26 AM
^ i've got 2 words for u too... ANG IGSI! haha

^i've got 2 words for you as well, ANG YABANG!

jazaustria

^ 3 words: IKAW na HUMBLE!  :P

pong

^ tres palabras: AKO TALAGA MAPAGPAKUMBABA LOL XD

enzoafterdark

^ eto sayo: IKAW NA! D' BEST KA EH!!!  :o

geo

^ mga bwiset... hahaha

asul

Quote from: pong on January 18, 2012, 11:23:11 PM
^ wooo, nag-BSA ka pala, Jaz ^_^

anyway, tama si Doc. choose the future the course will entail, as well as what you have been wanting all your life. share ko lang:

nung 4th year ako, nag-exam ako sa apat na university: UP, ADMU, UST at PUP. Bakit hindi La Salle? Pinagbawal ng tatay ko, ayaw niyang magkaroon ng anak na matapobre (although yun ang opinion niya ah, at marami akong kilalang La Sallista na simple naman; isa pa, wala naman yatang eskwelahan ang nagtuturo na kamuhian ang mga mahihirap, nasa upbringing na ng tao yun kung matapobre siya o hindi), pero the irony of it, pina-take niya ako sa Ateneo (kasi malapit lang sa amin, which is just a hill away. literally, walking distance lang siya sa isa pa naming bahay). Ang gusto ko sana BS Math, AB Philo or BS Educ kaso kontrang-kontra naman ang nanay ko dahil uso ang Nursing.

yun yung isa sa mga araw na hindi ko makakalimutan: ang suwagin ang nanay ko. talagang pinipilit niya akong mag-nursing kesyo malaki raw akong tao at makakabuhat ng matanda (napaka-gandang dahilan). eh di giniyera ko. mga 2 buwan kaming di nag-usap. honestly, yung ate ko, idinikta lang ng parents ko ang course niya (which in effect, nag-benefit naman siya). so, nag-decide ako na ako ang magdidikta ng sarili kong course.

sa UPLB lang ako nakapasa (BS Agri pa), hindi sa Diliman (quota yata ang BS Math). ang ADMU naliyo ako sa English (ang hirap talaga) at hindi nakapasa sa scholarship (at walang balak magtapon ng 90k isang semester ang mga magulang ko). sa UST sa sobrang dali nakapasa ako kahit sa BS Accountancy (though BSBA lang ang kinuha ko). pinag-e-Engineering ako dahil magaling ako sa Math at Calculus pero bobo ako sa Drawing. kulang na lang manawagan ako sa Papa ipasok lang ako ng magulang ko sa UST pero ayaw nila dahil may namatay sa hazing sa ROTC. so in short, napunta ako sa PUP.

ang nakakatawa pa: 85 ang required na average sa BSA. eh 84.37 lang ang average ko (pero mataas ang Physics, English at Math ko; hinila lang ako pababa ng Elective sa Science High na hindi ko pinagpapasok dahil puro ako review sa MTAP). pinasa ako. habang nag-aaral, muntik pa akong bumagsak dahil hindi talaga ako nagre-review (sus, accounting, Debit-Credit 1+1 = 2) at panay ang baraha at inuman kasama ng mga barkada. kaso hindi ko alam kung anong swerte, kahit sa kahayupan na ginagawa ko; sumasabit pa rin ako... at bumagsak ang mga barkada ko. gusto ko sanang mag-shift para sumama sa kanila, kaso, tingin ko kaya ko naman itong ipasa. so, tuloy lang ako.

bumagsak ako sa isang subject: Tax and Law (ironic). pero hindi yun hadlang para magmukmok sa isang tabi, dahil binalaan kami na pag may bagsak, walang tsansang pumasa ng board exam. nagtrabaho pa ako para lang ipantustos sa review classes ko. ayun, swerte, nakapasa ng board exam at nabingwit pa sa isa sa mga sikat na auditing firm (na kina-gulat ng mga kaklase ko dahil ang isang haragan na tulad ko ay walang karapatang pumasok doon).

siguro, kung BS Math ang kinuha ko ngayon, Math Teacher na ako, na isa ko ring pangarap. pero natupad rin naman ang pangarap ko: naging propesor. ang nakakatawa pa, ang tinuturo ko ay yung subject na ibinagsak ko nung college.


so, ang maipapayo ko lang, ay:
1) huwag padala sa mga dikta ng magulang, lalo na kung makaka-apekto yun sa kinabukasan mo. 14 y/o ako nung pinaglaban ko ang gusto ko. so far, so good :)
2) huwag mag-shift dahil andun ang mga kaibigang nag-shift din.
3) wala yan sa course, at lalong-lalong wala sa school
4) basta mag-aral ka lang. 4 years lang naman eh. or kung hindi mo kayang mag-aral: magpanggap kang mag-aral. lahat ng hirap mo, may matatamo sa bandang huli.


ASTIG..! very well said pong.!

toperyo

salamat sa mga replays nyo! haha! ang dami kong natutuhan bago ako magtake ng course ko...  ;D ;D

asul

so ano na'ng napipisil mong kunin na kurso pre?

pinoybrusko

i regret to take european languages course

geo

^my cousin took that course in UP. now she's working as a cultural assistant at the french embassy

nevinct

Another point for a dlsu education: 3-3 1/2 years graduate na! that one year extra experience when you get to the working world is invaluable. + that's an extra year of sweldo already compared to an extra year of allowance from your parents.

when i was applying for jobs, nagulat ako when my batchmate from highschool yung naginterview sakin.

Possibilities of becoming your batch mate's boss / supervisor is very high when you start work early. :)