News:

Having problems registering or logging in?
Contact us here.

Main Menu

Mutual funds

Started by vir, October 27, 2011, 02:55:35 PM

Previous topic - Next topic

geo

Hmmm. hindi ba risky rin currency market? Meron kasi mga big upswings sa currencies paminsan-minsan. Pero syempre    iba-iba naman ang preference ng tao. May mga tao na risk-takers. May iba naman na risk averse.

If kakastart mo plang siguro kumita ng pera, its best to invest sa low risk-low return muna. Baka naman kasi ang taas-taas agad ng pangarap mo na yaman bigla. :) Pinaghihirapan yun. :P (with a few exceptions siguro :P)

pong

highest risk is putting up a business. bakit? malaki ang kailangang investment capital, at matindi ang red tape. mahigpit ang regulasyon sa pasweldo at pagre-remit ng vat, plus independent audit. 3 1/2 years pa bago ka maka-breakeven. problema mo pa ay yung expertise (OK, magha-hire ako ng expert, so another investment).

isa pa, overvalued na lahat ng bagay ngayon. isa na lang ang undervalued: mga sarili natin. mag-invest tayo sa sarili natin, after all, hindi naman lahat ng pera sa mundo ay magiging atin. mabubuhay pa rin naman tayo nang bastante hangga't kuntento tayo. masyado lang tayong aligaga sa pera o magkaroon ng pera dahil either sa tindi ng inggit sa mga may sariling kotse, sariling bahay o nakakapunta sa ibang bansa; pero kung susuriin hindi naman pamemera ang misyon natin sa mundo.

sobrang off-topic na HAHAHA. regarding sa topic, kumita ako sa Yen exchange. sobrang tumaas. naaliw lang ako. yung Euro, hindi ako gaanong naka-settle dahil wala akong liquid investment para ipambili. wag masyado tumingin sa US Dollar, masyadong palasak. although may forecast ako na pag tatanga-tanga ang gobyerno: babagsak ang peso.

geo

^ pano ba yang currency market? san ba ako makakahanap ng info about dyan?

enzoafterdark

ayus namiss ko yun ah - bastante!

i agree with pong madami lang talagang aligaga

never satisfied. never contented. never freed. weh?  ???

vir

nagsama sama ang mga accountant! hahaha..

pong

Quote from: geo on January 12, 2012, 11:26:59 AM
^ pano ba yang currency market? san ba ako makakahanap ng info about dyan?

gaya ng binanggit ko sa iyo: sa bloomberg, CNBC, diyan. HS pa lang ako nasubaybayan ko ang stock market. nung Sept 11, 2001, naglubugan lahat ng stock market. kung may pera lang ako noon, 800% na ang kinita ng pera ko ngayon. in a span of 10 years. isipin mo yun?!

OK, OnT na. Mutual Funds. Inquire lang kayo sa BDO Capital or BPI Asset Management. Minimum investment, depende. Pero isipin niyo, kung maghuhulog kayo ng 10,000 buwan-buwan nang walang mintis, in 10 years may P2.5M na kayo. masaya yan. may retirement savings na.

enzoafterdark


magbuo na kaya tayo sa pgg na asset management and financial analysis team

para lahat ng members may chance yumaman and after 20 years magka reunion tayo..siguro lahat tayo bastante na nun pag nagwork yun program hahaha

pong

^ OK, may financial awareness committee na dapat tayo. The table is now open for nomination of the Chairman  ::)

joshgroban

Quote from: pong on January 18, 2012, 11:31:54 PM
Quote from: geo on January 12, 2012, 11:26:59 AM
^ pano ba yang currency market? san ba ako makakahanap ng info about dyan?

gaya ng binanggit ko sa iyo: sa bloomberg, CNBC, diyan. HS pa lang ako nasubaybayan ko ang stock market. nung Sept 11, 2001, naglubugan lahat ng stock market. kung may pera lang ako noon, 800% na ang kinita ng pera ko ngayon. in a span of 10 years. isipin mo yun?!

OK, OnT na. Mutual Funds. Inquire lang kayo sa BDO Capital or BPI Asset Management. Minimum investment, depende. Pero isipin niyo, kung maghuhulog kayo ng 10,000 buwan-buwan nang walang mintis, in 10 years may P2.5M na kayo. masaya yan. may retirement savings na.

pero hirap na rin magtrust sa bangko these days di ba... ang sikat ngayon lugi na bukas..

geo

I still believe stable pa rin naman mga banks here in the phil.

pong

ang pessimistic naman ni daddy. isa pa, kung takot sa bangko, may treasury bills naman. risk-free. may auction na pala ang government. 10-year bonds, 5.75% interest rate. share ko lang

enzoafterdark

gawa na kayo committee para makapaginvest yun mga young guns ng maayos at para umasenso tayo lahat  :D

geo

Tsaka hindi naman papabayaan ng BSP yan malugi mga big banks natin. If one of the big banks here will close, kawawa naman Phil economy... :p Mahirap na nga, lalo pang hihirap...

enzoafterdark

ang hirap nga


hirap na hirap na din ako intindihan yun monetary thingy sa topic na to hahaha  ;D

geo

mga financial accounting/finance graduates ang makakapagexplain sa iyo nito ng maiigi.