News:

If this is your first time to visit, you might have to register here before you can post.

Main Menu

Rejection

Started by ctan, November 07, 2011, 12:26:24 AM

Previous topic - Next topic

ctan

How do you deal with rejection? What do you do?

Peps

what kind of rejection?

jazaustria

keep moving forward...  ;)

ctan

kahit ano... sa work application? basted? tinraydor ng kaibigan?

pong

Quote from: ctan on November 07, 2011, 01:04:28 AM
kahit ano... sa work application? basted? tinraydor ng kaibigan?


pag rejection in general, simple lang: well, ganun talaga. hindi ko na lang ipipilit. ayaw eh. ang mahirap lang eh ire-reject ka na nga, ang dami pang sinasabi. okay sana kung constructive criticism pero lalaitin ka pa! waaaaaah

sa work application, hindi naman kami close ni ate or ni kuyang interviewer eh kaya hindi ako magtatanim ng sama ng loob. sa past interviews ko, okay naman, pasado sa exam at interview. pero sana binagsak na lang nila ako sa interview kesa yung mangungulit ako nang kafa-follow up tapos baratan ang job offer. kumbaga, mas maganda ang baril kesa sa mapurol na cutter. instant sapul!

sa pagiging basted, hindi pa naman ako naba-basted kasi magastos manligaw. hehe. j/k. kidding aside, nakakainis yung mga babaeng pag nabalitaan nilang may crush sila sa iyo eh todo-ilang o kaya sa iba mo malalaman na ayaw nila sa iyo. hindi ko talaga ma-gets ang woman logic. tapos may dalawa o tatlong tsansa na galit sila sa iyo kasi hindi mo tine-text o tinatawagan (e di ba sabi mo ayaw mo sa akin?! ulit? anlabo mo!)

sa pagta-traydor ng kaibigan, yan, ready na ready ako diyan. vocal ako pag hindi ko gusto yung pananaw nila o kabalastugan nila sa buhay. example: pambababae, pagtakas sa babaeng nabuntis (para akong kapatid ng nabuntis, nanapak ako) at pagsuway sa magulang dahil "eh pare, nakakainis na eh," yung mga ganun. hindi ko alam na baka may mali sa prinsipyo ko na masyadong maka-tama pero yung mga ganung bagay, hindi dapat kinu-kunsinte. buti naman, wala pa akong kaibigang nambubugaw o nagtutulak ng droga.

pero sa rejection in general, ang mindset ko na lang eh, "well, ganun talaga. hindi para sa akin eh. siguro may ibibigay pa na mas maganda ang Diyos para sa atin" ganun. so i-treat natin ang rejection na isang magandang bagay.

darkstar13

cee, what a thread. haha.


work - malalaman ko yan kapag nag-apply na ako ulit. pero kung mareject, okay lang.
i would ask why they rejected me, if possible, then i'll evaluate myself and do better next time.

love - dalawang beses lang ako nanligaw. in both cases, close friend ko sila.
hindi ako nabasted (i would not take the battle that i know i would not win, hehe).
kung mabasted man, okay lang. pero kung sobrang mahal mo na siguro, hindi ko alam.
baka napariwara ang buhay ko.

friendship - in most cases, kung ayaw sayo ng tao, hindi ka na nila kakausapin;
there is a slight chance of knowing kung bakit ayaw nila sayo.
pero kung kaibigan mo na dati tapos ayaw na sayo for some reason,
at ikaw naman bilang isang kaibigan ay alam mong tapat ka,
i guess kawalan na nila yun. kung ayaw nila sa yo, edi wag.
patugtugin mo na lang ang 'Kung Ayaw Mo Wag Mo' hanggang maka-get over ka. ;)

ctan

sa akin naman,

work - di ko pa na-try ma-reject sa work... 3 lang kasi naging trabaho ever in my life. yung una, nung nag-audition ako for a stage play ng CCP sa amin nung highschool ako. nakuha naman ako... yung next job ko, as a teacher. di ako nag-"apply", kumbaga kinuha lang ako para magturo. then ngayon, eto bilang isang doktor. tanggap naman din. pero kung ma-reject man ako, hypothetically, malulungkot talaga ako. kasi, i believe that if i apply for a job, then i have to give it my all. and when rejected ako, it would mean that i'm not fit for the job that my heart longs for. but tulad ng signature ko dito sa forums, "your calling is the place where your heart's deepest gladness and the world's greatest needs meet".

lovelife - hindi pa rin ako nababasted... since birth, 3x lang ako nanligaw, yung una, hindi pa serious kasi bet/pustahan lang ng barkada. pero siguro kung mababasted ako sa panliligaw, of course malungkot din. hindi rin siguro ako manligaw ng mga 6 months at least from the time na nabasted. hehehe.

friends - this is the most hurtful of all rejection kasi it is with friends that you lay a foundation strengthened by time and trust... and all of a sudden would be broken by mere circumstance... di ko alam ano rin gagawin ko since di ko pa rin ito nararanasan...

so ayun. obvious kung bakit ginawa ko itong thread na to. hahaha!

pong

^^ darkstar: ito ang fave ko sa rivermaya, apart from "bring me down" hehe... makanta sa videoke :D

kidding aside, yung work failure madali lang naman maka-getover sa rejection na yun eh. pag lovelife, depende. wala ako sa posisyong magsabi na na-reject ako kasi hindi pa ako sumusubok. ayoko pa muna. tsaka na pag astig na ako. marami pa akong immaturity sa buhay. at marami rin akong setback. so hindi muna


^re: ctan, wag ka ma-offend pero ang hirap ma-reject pag hindi ka pa nakakatikim ng rejection. pero okay na rin yung mga experience mo. in all cases, hindi ko tinitingnan ang lahat ng panget na bagay as rejections or failures but as lessons. leksiyon na makakapag-turo sa akin na hindi ko na uulitin. tama kayo, doc, minsan napapaisip ako kung bakit ako tinatraydor ng mga kaibigan ko, pero sabi ni darkstar, kung ayaw nila sa iyo, eh di wag. marami ka namang back-up eh, dito sa PGG hihihihihihi

ctan

totoo yan. somehow, rejection is one of my greatest fears. naisulat ko na rin ito sa blog ko.

pong

nawks may blog ka pala doc. hehe... ayoko pa pong i-conclude na superficial ka. pero yun nga, mahirap sa isang taong hindi pa nakakatikim ng bloopers sa buhay na harapin ang rejection or failure.

yung HS friend ko, salutatorian, nakapasa sa UPCAT at talagang matalino, then one time, binagsak siya ng prof niya sa UPD. ayon, di pa rin makaget-over. di pa rin maka-graduate. then nagsanga-sanga ang mga kamalasan. minsan chini-cheer up ko siya pero naiintindihan ko kung bakit. hindi kasi siya sanay matalo, puro siya panalo. so, i guess, after all, wala rin namang masamang pumalpak, pero one failure at a time.

darkstar13

Quote from: pong on November 07, 2011, 11:46:06 AM
^^ darkstar: ito ang fave ko sa rivermaya, apart from "bring me down" hehe... makanta sa videoke :D
favourite ko rin ang bring me down! (lalo na kapag bad trip, together with Kung Ayaw Mo Wag Mo)
Pag senti, yung 'If'. ;)

Quote from: pong on November 07, 2011, 11:46:06 AM
pero sabi ni darkstar, kung ayaw nila sa iyo, eh di wag. marami ka namang back-up eh, dito sa PGG hihihihihihi

haha. sabi ko lang yun. sa totoong buhay, waaaaahhhh.
hindi ko kaya ma-reject ng kaibigan. it eats up the best in me.

ctan

hahaha. nakaranas naman ako ng rejection pero not in the 3 areas that ive mentioned. sa acads pa lang, sangkatutak na kapalpakan na naranasan ko. i have been kicked out from the up system, and that has robbed me of the will to move on in my academics. pero yun eh, compelling ang reasons to move on. :-)

pong

Quote from: darkstar13 on November 07, 2011, 11:57:13 AM
favourite ko rin ang bring me down! (lalo na kapag bad trip, together with Kung Ayaw Mo Wag Mo)
Pag senti, yung 'If'. ;)

tara darkstar, kantahin na natin to sa susunod na EB LOLs

haha. sabi ko lang yun. sa totoong buhay, waaaaahhhh.
hindi ko kaya ma-reject ng kaibigan. it eats up the best in me.


^^^ siguro, darkstar, masyado kang trusting. ako rin trusting at times pero naiirita na rin ako paminsan-minsan kasi nadadala na ako.


Quote from: ctan on November 07, 2011, 11:59:16 AM
hahaha. nakaranas naman ako ng rejection pero not in the 3 areas that ive mentioned. sa acads pa lang, sangkatutak na kapalpakan na naranasan ko. i have been kicked out from the up system, and that has robbed me of the will to move on in my academics. pero yun eh, compelling ang reasons to move on. :-)

sabagay, very petty naman ang acadamics compared with real life situations. siguro pag nabasted ako sa 1st time na manligaw ako, baka ma-depress ako nang bigtime. hehehe...

darkstar13

^ natanong ko na rin yun sa sarili ko.
yun nga, i trust people too much.

kabaligtaran kasi sakin.
many people would need you to gain them their trust.
ako, i trust people agad. it's up to them kung sisirain nila yun.

at kung sinira nila yun, hindi na yun maibabalik pa..


-- with that, it means sasama ka sa next EB.
at ikaw ang unang kakanta ;) hehe

pong

Quote from: darkstar13 on November 07, 2011, 12:08:20 PM
^ natanong ko na rin yun sa sarili ko.
yun nga, i trust people too much.

kabaligtaran kasi sakin.
many people would need you to gain them their trust.
ako, i trust people agad. it's up to them kung sisirain nila yun.

at kung sinira nila yun, hindi na yun maibabalik pa..


-- with that, it means sasama ka sa next EB.
at ikaw ang unang kakanta ;) hehe


ikaw muna, kantahin mo yung "Kung Maibabalik Ko Lang" ni Regine Velasquez hahaha!!! birit time!

teka, manghihiram muna ako ng mukha ng aso para makasama sa EB hehe... :)

kidding aside, bakit ka naman masyadong nagta-trust kaagad? nako, ikaw ang unang biktima sa mga networking business hehehe. pero hindi ka naman gullible hehe, j/k. try mo lang na kahit konti lang, na pagkatiwalaan mo rin ang sarili mo. yun ang key :)