News:

Introducing PGG VIP Membership. Send PMs, Remove Ads and more. KNOW MORE

Main Menu

Makatarungan ba na harangin ng DOJ ang pag-alis ni CGMA ng bansa?

Started by judE_Law, November 16, 2011, 07:32:08 PM

Previous topic - Next topic

Makatarungan ba na harangin ng DOJ ang pag-alis ni CGMA ng bansa?

OO
3 (21.4%)
HINDI
11 (78.6%)
Walang Pakialam
0 (0%)

Total Members Voted: 14

judE_Law

Ano sa tingin niyo?
ito ay sa kabila ng TRO na inisyu ng Korte Suprema ha..
sige, simulan na ulit ang debate! ;D

vortex

sa tingin ko hinde. Kailangan magpagamot ng tao sa abroad so I think karapatan nya iyon.It's a matter of life and death. Saka hindi naman siya makakapag-tago siguro kasi well-known personality naman siya. Ang lahat ay may pantay-pantay na karapatan sa batas.

vir

OO..

kasi may kaso syang dapat harapin dito. saka pano tayo nakakasiguro na health reasons talaga yung dahilan kung bakit sya aalis..may possibility kasi talaga na tumakas sya sa mga kaso nya..malay ko ba kung kasabwat nya yung doctor nya para sabihing di sya kayang gamutin dito sa Pilipinas.

hindi sa galit ako kay GMA,gusto ko lng na nasa ayos ang lahat..ayoko lng na mauwi sa pagtakas yung mga kaso na dapat nyang harapin.

Napanuod ko sa isang interview sa news na maxado naman daw ata nya minamaliit ang mga pinoy doctors para sabihin na hindi sya kayang gamutin dito sa bansa dahil kaya naman daw nila (kung hindi ako nagkakamali,isang doctor ang nagsabi nun from philippine medical association), which is totoo naman,kaya naman talaga sya gamutin dito..at kung talagang hindi or kung wala syang tiwala sa Filipino doctors,e di papuntahin nila dito sa Pilipinas yung doctor na titingin sa kanya sa ibang bansa..

kung di ako nagkakamali..pag umalis kasi sya ng bansa at hindi na bumalik,mababalewala ang kaso..hindi pwedeng ituloy ang kaso kung wala naman dito ang akusado..e yun nga lng na di ka sumipot sa hearing for consecutive times,madidismiss na yung case,what more kung wala dito sa pilipinas ang taong involved..

well yun,wish ko nlng na pag umalis sya sana bumalik pa rin sya dito sa Pilipinas,kasi mamimiss ko sya,hahaha..

hangad ko rin ang paggaling nya para di na nya kailangang umalis at maharap nya ang dapat harapin..

at sana nga lng..hindi magsisi ang supreme court na payagan cla makaalis..sa bagay sana'y na siguro ang supreme court sa mga ganyan kaya wala na cla pakialam kung ano kahinatnan ng desisyon nila..

carpediem

It's GMA's right to travel abroad, whether to seek medical treatment or not. As stated in the Constitution:

QuoteSection 1. No person shall be deprived of life, liberty, or property without due process of law, nor shall any person be denied the equal protection of the laws.

Section 6. The liberty of abode and of changing the same within the limits prescribed by law shall not be impaired except upon lawful order of the court. Neither shall the right to travel be impaired except in the interest of national security, public safety, or public health, as may be provided by law.

The DOJ's order is unconstitutional. Defying the TRO of the SC makes it a contempt

The law is blind. They should file a case against her in court and present evidence. Until then, she's innocent until proven guilty beyond reasonable doubt.

pong

Unfortunately, no. Let's admit it: we might have written a lenient law or we are too lenient to write law ourselves. We have to prevail the rights of the individual as the law so prescribes. And the law does not judge by perception but by conviction, and our written law convicts by fact and not by truth. Whatever you see may not be true at all.

Legum servi sumus ut liberi esse possimus.

vir

kaya di maiwasan ang pagdududa kasi naman bakit kailangan pang umalis di naman life-threatening yung sakit nya at wala namang emergency..again, pwede naman sya magpagamot dito sa Pilipinas.. yun lng..hehehe..

pero sabi nga nila babalik naman daw sila at susundin ang batas..kaya sige na nga, GO!..basta bumalik na lng sila..pag hindi bumalik,saka nalang magsisihan ang DOJ at supreme court,tutal nasa huli naman talaga ang pagsisisi..hahaha..

joshgroban

kung may halong pultika ang di nya pag alis... di ito makatarungan but  if she really needs treatment abroad then she should be given that opportunity....kung nanloloko lang sya bahala na Diyos sa kanya

judE_Law

i think malaking pagkakamali ang ginawang ito ni secretary de lima...


ito ang mga punto na dapat nilang sagutin...

- una sa lahat, walang kaso against cgma..

- ikalawa, nakabatay sa Saligang Batas na ang bawat isa ay may karapatang magbiyahe liban na lamang kung nakasalalay ang national security at public health... iba ang national security at isyu sa national interest na siyang ginagawang basehan ng DOJ.

- ikatlo, ang inilabas na TRO ng Korte Suprema ay Final at Immediately Executory.. walang sinuman, kahit ang Pangulo ang may karapatang pigilin ang desisyon ng Korte Suprema, lalo na ng isang justice secretary...  De Lima, ikaw na ang Chief Justice! lol!


huwag tayong magpalito.. ang isyu dito ay hindi kung babalik pa ba si cgma ng bansa matapos magpagamot..  ang isyu ay ang pagsuway sa utos ng kataas-taasang hukom, at paglabag sa karapatang pantao.. kung nagagawa nila ito kay cgma, ano pa kaya sa mga katulad natin? bakit si ramona bautista, nakatakas ng bansa? gayong isang malaking kaso din naman ang kinasasangkutan nito at alam naman na pangunahin siyang suspek sa krimen?
gayung ang mismong ama ni noynoy na  si Ninoy ay pinayagan ni Marcos na bumiyahe sa ibang bansa para magpagamot, gayundin si Erap na pinayagan ni Arroyo... ano na lang kaya ang tunay na dahilan ng galit ni pnoy kay arroyo? hindi kaya dahil kay arroyo, pinalaya ang mga suspek sa pagpatay ng kanyang ama? hindi kaya dahil kay arroyo naungkat ang mga isyung kinasasangkutan ng hacienda luisita? isip.. isip.. isip...




marvinofthefaintsmile

pina-iral n nman ni PNoy ang kabbohan nya.. para pagtakman yung mnga kabobohan n gngwa nya sating bansa.. lagi n lang pinag-iinitan si GMA.

judE_Law

sa lahat ng nangyayaring ito.. Nasaan si PNOY?

isa lang ang malinaw.. lahat ng gawing desisyon ng anumang sangay ng Administrasyong Aquino ay tiyak na may go signal o sinasang-ayunan niya... hindi maaring saluhin o sarilinin lamang ni De Lima ang desisyong ito lalo't siya ay nakapailalim sa kasalukuyang Administrasyon.

vir

andun na tayo..mali ang DOJ,mali si de Lima..pero ang mahirap kasi, asan ba tayo? nasa Pilipinas tayo, anong meron sa Pilipinas? DEMOCRACY..

and define Democracy - a form of government in which all adult citizens have an equal say in the decisions that affect their lives. Ideally, this includes equal (and more or less direct) participation in the proposal, development and passage of legislation into law. It can also encompass social, economic and cultural conditions that enable the free and equal practice of political self-determination.

ibig sabihin sa gobyernong meron tayo..lahat may say,walang sinisino, lahat pwedeng magsalita, lahat pwedeng kontrahin kahit sino ka pa na nasa pwesto.

yes, those who refused to enforce the court's ruling risked being charged with contempt, punishable by six months in prison

kaso ang taong mapagmahal sa demokrasya walang pakialam sa 6-month imprisonment..hehehe..  :D




vir

ang kaibahan ni GMA sa mga ex-president na pinayagang magpagamot sa ibang bansa is..sila pinayagan dahil hindi naman kainitan ng kaso na ibinibintang sa kanila unlike kay GMA, andun sya sa sitwasyon na parang anytime pede sya masampahan ng kaso at maipakulong..

siguro kailangan lng natn ng konting pang-unawa sa gustong mangyari ng gobyerno..una sa lahat..isa sa plataporma ni PNoy ay yung maparusahan ang lahat ng dapat parusahan..yun ang pangako nya sa sambayanang Pilipino..at dahil dun ibinoto sya ng sambayanang Pilipino..

wag natin masyadong personalin, (cguro part na rin nun ang personal na galit,hindi ko alam) pero hindi ba't nakakatuwa na ang plataporma at pangakong binitawan nuon ni PNoy ay pinipilit nyang tuparin at gawin..lagi ntn sinasabi na yang mga pulitiko,puro pangako lng yan pero lahat napapako..ayan na,anjan si Pnoy na pinipilit tuparin ang ipinangako nya..ngayon pano matutupad yun kung wala yung suspect,hehe..

judE_Law

^hay naku Vir... ang masasabi ko na lang.. asan na ang kaso kay GMA? pag nai-file na saka natin ulit pagtalunan ang mga bintang sa kanya. sa ngayon ang pag-usapan muna natin ay kung makatarungan ba na pigilan ang isang tao na magpagamot sa ibang bansa o umalis ng bansa kung wala namang kasong kinakaharap.. makatarungan ba na suwayin ang utos ng kataas-taasang hukom?

-------------------------------------------------------------------------------------

Kahapon, walang quorum sa Congress dahil maraming hindi dumating. Ang dahilan pala, pinipilit ng Malakanyang ang mga miyembro ng Liberal Party na pumirma ng isang petisyon na sumusuporta kay De Lima at Noynoy sa kanilang adhikaing pigilin si GMA na makaalis ng bansa, kahit na meron ng TRO ang Korte Suprema. Kesa sa pirmahan ang petisyon ito, minabuti ng nakararami na huwag na lang dumalo ng sesyon.

http://www.manilastandardtoday.com/insideNews.htm?f=2011%2Fnovember%2F17%2Fnews2.isx&d=2011%2Fnovember%2F17

vir

hahaha..ang masasabi ko lng din..mahirap pla talagang maging abogado..

naubusan na ko ng dahilan para ipagtanggol ang kabilang panig..eh parang umatras na rin pala mga kaalyansa ko,di na rin pla umatend ng sesyon..hahaha  ;D

biset!..talo na naman ang kaso ko..hahaha..

judE_Law

Quote from: vir on November 17, 2011, 08:28:54 PM
hahaha..ang masasabi ko lng din..mahirap pla talagang maging abogado..

naubusan na ko ng dahilan para ipagtanggol ang kabilang panig..eh parang umatras na rin pala mga kaalyansa ko,di na rin pla umatend ng sesyon..hahaha  ;D

biset!..talo na naman ang kaso ko..hahaha..

hehe.. maloko...