News:

Introducing PGG VIP Membership. Send PMs, Remove Ads and more. KNOW MORE

Main Menu

MAGUINDANAO MASSACRE: 2 Taong Walang Hustisya.

Started by judE_Law, November 22, 2011, 03:44:16 PM

Previous topic - Next topic

judE_Law

Ayon sa Commission on Human Rights, mabagal daw ang usad ng kaso ng Maguindanao Massacre...

ang masasabi ko...
dalhin niyo sa PASAY RTC ang Kaso, tiyak wala pang isang linggo, may resulta na ito. lol!

kidding aside, i hope mahanap pa rin ang hustisya para sa mga biktima ng Maguindanao Massacre.. dito magpasikat si Penoy.

marvinofthefaintsmile

Pero kabobohan ang pina-iiral ni Penoy. Masnakafocus siya ke GMA para magmukha xang "hero" sa senaryong yun instead sa Ampatuan's na small fish lang compared ke GMA. Mkapangyahan ang mga Ampatuan's pero sana tumulong din ang mga Lopez at iba pang head ng mga istasyon sa mga empleyado nilang namatay.

carpediem



The International Day to End Impunity is a call to action to demand justice for those who have been killed for exercising their right to freedom of expression and shed light on the issue of impunity.

http://daytoendimpunity.org/

marvinofthefaintsmile

PNoy is so busy accusing GMA with baseless accusations.

pong

ito ang naiisip ko. To end impunity by the government should start to end impunity by ourselves.

Ano nga ba ang impunity? Ito yung kalakaran na hindi lahat ay pinarurusahan ng batas, pili lang ang mga taong nabibigyan ng hustisya, may taong merong pribilehiyong suwayin ang batas at merong pagkakataong pwede gawin na nakasasama sa lipunan nguni't hindi pinagbabawal ng batas.

Bakit dito tayo dumako? Wag na nating titigan ang impunity sa gobyerno, tingnan natin ang impunity sa pangunahing yunit ng lipunan: ang ating pamilya.

May ibang anak na hindi pinapalo ng magulang, at hindi rin natin alam kung ano ba ang basehan ng ating mga magulang kung kailan mamamalo. Ang tatay ay sasabihin sa anak na wag manigarilyo, pero nakaka-dalawang kaha isang araw. Ang nanay ay maghihigpit sa pera pero merong pampamanicure, atbp. Ilang halimbawa lamang...

Kung susumahin, napakababaw naman ng pananaw ko. Ang ginawa ni Ampatuan ay hindi kapata-patawad. Gawan natin ng analogy: nakapatay ang anak at talagang alam mong nakapatay, pero uubusin ng magulang ang natitira nilang salapi para ipagtanggol ang anak kesa isadlak nilang magdusa sa kulungan. Gayundin ang gobyerno, ano bang ipakulong nila ang mga Ampatuan dahil "mahal" sila ng gobyerno.

Sa tingin ko, ang sakit ng bansa ay nasasalamin lang ng sakit natin. Umaasa tayong umunlad ang bansa gayong simpleng disiplina na pagtatapon ng basura sa tamang lugar ay hindi natin magawa. Hindi tayo uunlad hangga't hindi tayo nag-iisip bilang isang maunlad na mamamayan. Kung unfair ang gobyerno, malamang din unfair tayo: dahil chances are, meron at meron tayong papanigan, meron at meron tayong ipa-prioritize at meron at meron tayong hindi maiibigan.

Bilang pagtatapos, isipin na lang natin na ang pinakamabisang paraan para mapalitan ang gobyerno ay bumoto ng tamang tao. Dadayain? Makipagpatayan tayo alang-alang sa ating sagradong boto. Mas maraming tanga? I-educate sila. Hangga't maraming mangmang sa konsepto ng batas na kinopya lang sa Kastila at Amerikano, talagang uutakan tayo ng mga taong nakakaalam ng batas.

vir

very well said prof!..ganyan ang dapat na ibinoboto natin,mga katulad ni pong!..

marvinofthefaintsmile