News:

Introducing PGG VIP Membership. Send PMs, Remove Ads and more. KNOW MORE

Main Menu

Kwela Nobela 2 (Updates every week)

Started by delay, December 30, 2012, 03:39:10 PM

Previous topic - Next topic

delay

Ang Hindi Ko Siguradong Pag-ibig
Chapter 1 and 2

Chapter 1

      Nagkakasayahan ang mga magkakapitbahay sa isang barbecue party. Natanggap na kasi si Pareng Bob pagbyaheng Saudi bilang engineer.

      "Nice job pare, siguradong bilyunaryo ka na nyan pag-uwe." pabiro ni Leo.

      "Hindi naman pare." habang nagluluto si Bob, "Sinuwerte lang siguro ... Ikaw nga balita ko, imbis na taxi na pinarerenta mo, nagpapa-limousine na paarkela ka na rin ngayon ... Pang-mayaman lang yon ah."

      "Iba na kasi trend ngayon, kailangan sumabay sa uso para kumita." dagdag pa ni Leo, "Ikaw pare, ano na balita sayo, hindi ka nadyadyaryo ah, ano bang pinagkakaabalahan mo ngayon ha?"

      Sumagot si Peter, "Sumali nga pala ako sa Project Runway mga pare."

      "Project ano?!" awkward face lang si Leo habang umiinom ng beer.

      "Project Runway ... Yung ano, yung lahat sumasali mga bading lang ... Na gumagawa ng palda, nagme-make up ... Nagpa-powder." seryosong sagot ni Bob.

      Pabading na accent ni Peter, "Gaga! hindi ako bakla! Itsura neto, panira ng beauty ko." then normal na boses, "Hinde, napag-aralan ko lang mag-isa ... Basta may art, intrisado lang ako, kaya ako sumale."

      "What-ever." pabiro ni Bob.

      Kiniliti ni Peter tagiliran ni Bob.

      Nagtanong si Leo, "O kamusta naman, nanalo ka naman."

      "Hindi ko pwede sabihin baka mademanda ako ... May contract kasi ng confidentiality, hindi pwedeng magsabe hanggang sa matapos ... Pero nagtagal din naman ako."

      "Natawa ako, akala ko nagbibiro ka lang ... Kailan daw ipapalabas."

      "Next week, hindi mo ba ko napapansin sa mga trailer na ... Ang weird pala kapag nakikita mo sarili mo sa TV."

      "Magiging sikat ka na pare." papuri ni Leo.

      "Oo sikat, sikat sa mga kafatid ng federasyon." sigaw si Bob, "Neri! Ba't hinayaan mo namang sumali si Pareng Peter sa palabas na yon!"

      Sa medyo malayo, "Hay naku! Sya tanungin mo! Leche."

      Nagtanong si Barbara, "Tungkol saang palabas yon?"

      "Si Pedring, may sinalihang TV show ... wala yon." dagdag ni Neri, "Ano na nga pala sinasabi mo, ituloy mo na."

      "Hindi na importante yon, anong TV show yon sabihin mo na."

      Sumabat agad si Sonya, "Kaya pala pamilyar sa akin yung napapanood kong commercial nung isang araw, si Pareng Peter nga yung nakita ko pala."

      "Nakita saan?"

      "Sa ano, sa ..." pabulong na gesture ni Sonya, "Project Runway."

      Medyo nagulat si Barbara, "Kaloka naman yon, grabe ... Ba't ano ba yon?"

      "Project Runway." sabay paglapit ni Kito na bading, "Yung contest about, whose the best mananahe in the Philippines ... yung, pang-bading."

      Umapila si Neri, "Hoy Kito! hindi bading si Peter ha! May mga lalake ring sumasali don, may mga asawa! ... Itsura nito."

      "Ito naman biro lang, sorry."

      "Akala ko ba pintor si Peter." pagtataka ni Barbara, "Kailan pa naging mananahi sya."

      Kalmadong sagot ni Neri, "Hindi mananahi si Peter okay ... Gusto nya lang daw sumali sa mga competition na, na pang-artist ... Creative lang talaga syang tao okay, case close."

      "Sigurado ka ba? Baka mamaya masorpresa ka na lang kapag napanood mo na lahat, winarningan ka na namin sister."

      "Naku Kito bubuhusan na kita neto eh!" pagalit ni Neri, "Kapag ganitong buntis ako wag mo kong binibwiset!"

      Nagtago agad sa likod ni Barbara si Kito, "Scared."

      Sa bahay nila Neri, naiinis sya sa mga taong nagproprotesta sa TV.

      "Mga taong walang magawa sa buhay ... Kailan ba matatapos tong balita na to."

      Sabay pagdating ni Peter, "Neri, andito na ko ... Dala ko na nga pala pinabibili mo."

      "Ba't ngayon ka lang, matatapos na yung balita wala ka pa."

      "Nahirapan kaya akong maghanap neto ... Netong, papayang hugis star fish ... Pakwang lasang pineapple ... At eto pa, akala ko ginogoyo mo lang ako, pero nakahanap din ako netong sushi, na made of gold."

      Lumiwanag.

      "O eto na, alam mo namang labs kita."

      Then hahalikan na sana nya si Neri pero umiwas.

      "O ano bang problema?" pagtataka ni Peter.

      "Wala! ... Nagugutom lang siguro na ko, wag mo kong intindihin."

      "Kausapin mo nga ko, akala ko ba walang sikreto dapat sa ting dalawa."

Chapter 2

      Habang kumakain, "Wala nga, ano kase ... Feeling ko kase, pinagtatawanan ako nila, nila Mareng Barbara sa barbecue party ... Kainis sila."

      "Yun lang? Wag mong pag-iintindihin yung mga yon, lahat naman ng magkakaibigan at kapitbahay naglolokohan, para lang may mapag-usapan ... Lilipas din yon." sabay tuklaw sa leeg ni Neri.

      "Ano ba." natawa si Neri, "Isa tigilan mo."

      "Ang alin?" inulit ulit, "Eto, eto ba?"

      "Aaah---! hahahaha!"

      Naghubaran yung dalawa sa harap ng TV ... at Mama Mary.

      Meanwhile, sa bahay nila Barbara, busy rin sa paglalabing-labing ang mag-asawa.

      "Wooh! Da best ka talaga sweetheart." sabi ni Bob, "Sana man lang, gumagalaw ka naman, kahit konte."

      "Tumigil ka." then humarap si Barbara sa kanya, "Di ba next week na alis mo, pano na kami ng mga anak mo habang hindi ka pa sumisweldo ... Eh alam mo namang, lubog na lubog na tayo sa utang, wala nang halos gustong magpautang na sa tin."

      "Hayaan mo, ipagbibilin ko na muna kayo kayla inay, para maalagaan na rin yung mga bata ... Kapag kumita naman na ko sa Saudi, tiba tiba na tayo, matutupad na rin yung pangarap mong magkaroon ng, Italian Restaurant." nagtaka si Bob, "Ba't nga pala Italian Restaurant gusto mo?"

      "Italian kase, naging dati kong asawa, pangatlo kong naging asawa ... Ang sarap nga ng mga luto nya pagkakatanda ko."

      "Teka ... Pangatlo mong naging asawa? Ba't pang-ilan na ba ako?"

      "Pang-ewan ko, hindi ka kasi memorable ... Pero oks lang yon, ikaw naman kasi naging ama ng mga anak ko ... At pinakagwapo." sabay halik.

      "Niloloko mo lang ba ko."

      After next week, dumating na ang pinakahihintay ni Peter ... Ang simula ng Project Runway Philippines.

      "O ano naman yan?" tanong ni Neri kay Peter.

      "Laptop, sabi kapag ipinalabas na, mag-log in daw sa tweeter account ... Nandon lahat mga naging nakalaban ko na nag-uusap." dagdag pa ni Peter, "Parang interactive ang arrive."

      Awkward face lang si Neri, "Baka mamaya, kung sinu-sino lang pala tini-tweeter mo dyan, patatalsikin kita ng galaxy."

      "Wala ... shh! Palabas na, simula na."

      "Wag mo kong i-shush!"

      "Volume nga pakilakasan."

      Music intro then ipinakita si Tweetie de Leon, "This is Project Runway Philippines."

      Some music again and showing ng mga casts ng bagong season kasama na rin si Peter na ngumiting aso.

      At ang huli, si Tweetie de Leon ulit, "The search for the next best fashion designer, begins now."

      Pinakita ang ilan sa mga designer at ang kanilang background.

      Profile clip ni Leyva, "Hi I'm Leyva Santibaniez, I currently own two store called Santibaniez men's clothing line ... Two years akong nag-take ng Fine Arts dati and then, nag-shift ako ng creative Fashion design kasi, na-realize kong mahilig pala ako masyado sa, mga bagong damit kaya, pinersu ko yung fashion designing, specially men's fashion wear kasi yon yung focus ko at business pati."

      And then profile clip ni Peter, "Good morning, my name is Peter 'Pedring' Obnorte."

      - tweet ni Peter, "Ang pogi kong talaga! Hanep ang arrive! Malupet!"

      - tweet ni Curry, "Sana humble ... yun lang."

      "Wild card ang tingin ko sa sarili ko sa pagsali ko dito, pintor kasi ako ng mga sa gallery, sa simbahan, pero for the love of art na rin siguro, tinuruan ko yung sarili kong gumawa ng damit makasali lang dito ... Hopefully manalo, kasi malapit na kong ikasal pang-honeymoon."

      Binati ni Peter yung mga naunang designer, "Uy kamusta."

      Binigla sya ni Curry, "Hala late ka na ... Disqualified ka na daw sabi ng producer."

      Jawdrop si Peter.

      "Hindi biro lang, ito naman naniwala naman agad."

      Natawa lahat.

      Confessional clip ni Curry, "And then out of nowhere, merong this cute guy ... Macho, kaloka, nag-feint ako ... May lumapit na foreigner-looking guy, at take note, tumabi sya sa side ko."

      Kinamayan sila, may accent, "Hi my name is Richard, nice to meet you all, how are you."

-- like this on facebook --

http://www.facebook.com/anton.mia.714?ref=tn_tnmn#

delay

Ang Hindi Ko Siguradong Pag-ibig
Chapter 3 and 4

Add Friend me on facebook to view Chapters 3 and 4

http://www.facebook.com/anton.mia.714

delay

Ang Hindi Ko Siguradong Pag-ibig
Chapters 5 and 6

Chapter 5

      Confessional clip ni Peter, "Sinong nanalo? Woop woop --- ... Pero sa pagkakakilala ko sa byenan ko, dagdag sermon na naman aabutin ko ... Sana hindi na lang pala ako nanalo."

END OF EPISODE

      "Ba't ka naman sesermunan ni Mama." pagtataka ni Neri, "Dapat pa nga matuwa pa yon sayo."

      "Alam mo naman Mama mo, lahat ng ginagawa ko, mali ... Panget ba ko?"

      Roll eyes lang si Neri.

      Nag-ring ang phone.

      Sinagot ni Peter, "Hello?"

      "Pedring! Pucha nanalo ka!"

      "Booyah! Teka, tumatawag din si Pareng Bob 3-way ko kayo." may pinindot, "Hello?"

      "Tol! Ikaw na reyna ng mga bakla! Magpakanton ka naman!"

      "Ahahay---, nanalo aketch ng bonggang-bongga, I'm proud, to myself."

      Sabay batok ni Neri kay Peter.

      Kinabukasan, dinalaw sila ng byenan ni Peter.

      Busy silang mag-ina sa pag-prepara ng kasal na magaganap.

      "Sigurado ka bang kumpleto na tong mga invitation card na ipapadala? Wala ka na bang nakalimutan pang isulat."

      Sagot ni Neri habang nagsusulat, "No, wala naman na siguro Ma."

      Tahimik muna and then, "Alam mo bang nanalo asawa mo sa..."

      Sinaway ni Neri, "Ma."

      "Sinasabi ko lang, yun lang."

      Sabay pasok ni Peter.

      "Hoy Pedring halika nga." tinawag sya ng byenan nya.

      Lumapit si Peter.

      "Umupo ka dyan, tulungan mo ko, alam na alam ko namang wala ka na namang trabaho."

      Awkward face lang si Peter habang naglalagay ng cards sa envelop.

      "Kung ako sayo Pedring ha, eh naghahanap na ko ng normal na trabaho, yung may benefits, yung may health insurance, hindi yung ginagawa mo ngayon ... Ano bang ginagawa mo ngayon ha?"

      "Art dealer po."

      "Art dealer? Art dealer ba kamo? Nung dati medyo natuwa pa ko sayo dahil sikat ka pa non, pero ngayong halos naghihintay ka na sa wala, ano na lang ipapakain mo sa anak ko? Sa magiging apo ko? Aber, sige nga, sagutin mo nga ko, ano na lang ipapakain mo sa mag-iina ko?"

      "Sa pangarap at pagmamahal." sabay tingin kay Neri at ngumiti silang dalawa.

      "Aba't ikaw na ang hari ng katangahan kung ganyan din naman ang ipambubuhay mo sa mag-ina ko, ha, isaksak mo yang pangarap na yan sa ari mo at putulin mo na, at yang pagmamahal mo ay ilibing mo na kasama mo sa hukay! At ako na lang ang bahalang bumuhay sa mag-iina ko!"

      Habang nagsesermon byenan nya, nagpapatawa lang si Peter by doing funny faces at ngumingiti lang sa kanya si Neri.

      "Hoy lalake! Nakikinig ka ba!" hinampas si Peter.

      "Yes Mama, yes Boss."

      "Maghanap ka ng ibang trabaho!"

      "Susubukan ko po."

      "Mabute! Diyos ko."

      Balik ulit sa ginagawa nila.

      Umuwi naman si Bob sa bahay nya na may malaking problema, napansin naman agad ni Barbara ang itsura nito kaya agad lumapit sa asawa.

      "Bob? Akala ko ba ngayon na alis mo? May nakalimutan ka pa ba?"

      Problemadong problemado si Bob kaya hinawakan nya si Barbara at umupo silang dalawa para mag-usap.

      "Barbara, wag ka sanang mabibigla."

      "Ba't ano ba yon? Sabihin mo na, tinatakot mo lang ako."

      Medyo nag-alangan pang magsabi si Bob, "... Yung recruiter na nirekomenda sa tin, niloko lang tayo."

      "Ano?" sabay napa-iyak na lang si Barbara.

      "Tinakbo lang lahat pera natin." napa-iyak na rin si Bob, "Ang mga walanghiya huhuhuhu."

      "Pano na tayo Bob? Pano na tayo at ang mga bata?"

      Iyak na lang sila.

Chapter 6

      Nakatambay lang si Peter sa labas ng bahay nya at nagsisigarilyo sabay lapit naman sa kanya ni Kito.

      "Hoy Pedring---, bongga ang pagkapanalo mo sa Project Runway, ang taray---."

      "Napanood mo ba? ang galing ko noh."

      "Oo naman, ichi-cheer kita ... O sige na, papasok pa ko sa trabaho ko, paalam ... Manonood ako lagi, panonoorin kita."

      "Ingat, ingat sila sayo."

      Natawa si Kito.

      Sabay sigaw si Peter, "Pagahasa ka!"

      "Try ko."

      Tapos lumapit din si Bob sa kanya.

      Nagulat si Peter, "O! Nandito ka pa, akala ko ba lumuwas ka na ng bansa."

      "Yun na nga eh ... May yosi ka pa ba pare?"

      Binigyan ni Peter, " ... Ano bang nangyare?"

      " ... Niloko lang pala kami ng asawa ko na may trabahong naghihintay sa kin sa abroad, tinangay lang lahat ng, pera namin ... Bad trip nga eh."

      "Ni-report mo na ba sa pulis yung nangyare?"

      "Oo."

      " ... Yaan mo, lilipas din yang problema nyo ... Yung sa kin nga, hangga't buhay pa, bwibwisitin lang ako ng bwibwisitin eh." sumigaw sa bahay, "Narinig mo Neri! Ang sabi ko, bwisit ang nanay mo!"

      Nagtanong si Bob, "Nandyan ba si Neri?"

      "Wala, nasa trabaho."

      "Kaya pala ang lakas ng loob mo ... May alam ka bang mapapasukan na agad na trabaho? Nag-aalala ako sa pamilya ko."

      "Ako rin eh, pinaghahanap ako ng byenan ko ng ibang trabaho ... Kay Pareng Leo kaya? Baka pwede tayong maging driver sa kanya."

      "Hindi kaya nakakahiya naman kay Pareng Leo?"

      "Dude, si Pareng Leo yon, parang kapatid na turing non sa tin, ba't ka mahihiya."

      "Malaki utang ko sa kanya eh, di pa ko nagbabayad."

      "Wala akong pera."

      Tinapik ni Bob tyan ni Peter.

      "Wala akong pera."

      "Hindi ako uutang!"

      Sumigaw si Peter sa mukha ni Bob, "Wala akong pe-ra ---!!!"

      "Bwisit ka---!!!"

      "Wala akong pe-ra ---!!!"

2nd EPISODE

      "This is Project Runway Philippines." sabi ni Tweetie de Leon sa intro, "The search for the next best fashion designer begins now."

      Confessional clip ni Christian, "Habang nakasakay kami sa bus, nagtataka ako kung bakit nagbago ng ruta yung pupuntahan namin ... Hindi pa namin alam ang challenge, papunta na kami agad sa location so I think this will be the most shocking na challenge siguro agad."

      Then pumunta sila sa SM Mall of Asia, ground floor.

      "Good morning designers." bati ni Tweetie sa kanila.

      Everybody said good morning.

      "Part of the promotion of this show is to bring the show itself to the public people ... As you can see behind me, we are making a ramp catwalk for your designs for people to see what hard work you're putting into the show ... And of course, this is Project Runway, so there is a twist."

      Tawanan lahat.

      Dinagdagan ni Jojie, "Designers, this challenge is a, avant garde challenge ... Pero hindi pa yon yung twist, the twist for this challenge is I'm gonna put you in a team of two and then, the two of you will be designing clothes for each other."

      Confessional clip ni Curry, "Oh my gulay, ako? Ako magiging model? Hindi ko talaga sya kinaya ... At sa harap pa ng madlang people, kaloka."

      "That's right, each of you will be walking the runway on that stage ... Kaya galingan nyo, goodluck."

      Nag-pair na ng pangalan si Tweetie, "Christian and ... Richard."

      Napangiti lahat.

      Confessional clip ni Carla, "Lahat even me, gusto sanang maging partner si Papa Richard just to know him lang." then tawa, "Kung big deal yon sa kin, mas big deal yon sa mga bakla."

      Sabi ni Curry, "Christian palit tayo."

      "Belat."

      Confessional clip ni Christian, "Siguro fate na rin yung nangyare kasi, although I'm gay, hindi naman ako attracted kay Richard gaya nung iba ... Kaya I think I'm gonna do well in this challenge."

      Then later, sa workroom, consultation with Sir Jojie.

---

Like this on facebook
http://www.facebook.com/anton.mia.714

delay

Ang Hindi Ko Siguradong Pag-ibig
Chapter 7 and 8

Add Friend me on facebook to view Chapters 7 and 8

http://www.facebook.com/anton.mia.714

delay

Kwela Nobela 2
Ang Hindi Ko Siguradong Pag-ibig
Chapters 9 and 10

Chapter 9

      Natawa si Leo, "Ang lakas ng loob mo ah."

      "Salamat nga pala pare ah, sa trabahong ibibigay mo." dagdag pa ni Bob, "Hayaan mo, isasantabi ko munang magkaibigan tayo kapag nasa trabaho."

      Napangiti si Leo, "Ang drama mo ah ... Yung sa kin lang naman, kapag may problema, wag kayong mahihiyang lumapit sa kin ... Alam nyo namang, sa inyo din naman ako tatakbo kapag may problema ako."

      Niyakap bigla ni Peter si Leo, "Salamat Pareng Leo, okay na sa kin vice-president na posisyon dito."

      "Gustuhin ko man, si Misis na ang vice-president na ng kumpanya ... Pasensya ka na Peter."

      May lumapit na trabahador, "Boss, kailangan po ng pirma nyo."

      Pinirmahan ni Leo at umalis na ang trabahador.

      "Sabi naman ninyo driver ang kailangan nyong trabaho di ba? Tamang-tama, nangangailangan ako ng bagong taxi drivers."

      Humirit na naman si Peter, "Gusto ko yung limousine yung ida-drive ko, mas sosyal kasi yon."

      "I'm not sure." nag-aalangan pa si Leo, "Hindi mo pa kasi nai-earn ang trust ko."

      "Dude, ako nagbigay sayo ng advice na magtayo ng taxi operation sa lugar nato."

      "Totoo totoo."

      "Ako rin umagaw ng syota mo dati na hindi faithful sayo."

      "Oh yeah."

      "At kaninong kidney yang ginagamit mo ngayon, sa kin di ba? Nagmula yan dito." pinakita ni Peter yung surgery scar nya.

      "Totoo ngang lahat yon pero, hindi sapat ang lahat ng yon para ipagkatiwala ko sayo ang very expensive na mga limousine ko ... Milyones yata ang ipinuhunan ko dyan baka akala mo."

      Medyo galit si Peter, "Wala kang utang na loob."

      "Pero ... Mai-earn mo lang ang trust ko, kung sasabihin mo sa kin kung anong nangyari sayo sa Project Runway ... Yung totoo ah, ayoko ng chismaks lang."

      "Hindi pwede madidiman episode five natanggal na ko."

      Nabigla si Bob, "Hanggang episode five ka lang Pare? Mahina ka pala."

      "Bwisit na wedding challenge yun eh, pahamak."

      Napangiti si Leo, "Panonoorin ko yon, gusto ko yung umiiyak ka habang pinapakitang pinupulot mo na mga gamit mo sa hule."

      "Mamatay ka sa kakaasa, hindi po ako umiyak non."

      "Tignan na lang natin."

      "Talaga."

      "Magpapa-party ako kapag hindi ka umiyak."

      "Talagang talaga, magpaparty ka na ngayon, tutulungan pa kita."

      "Ibibili pa kita ng brand new car kapag hindi ka umiyak."

      "Gawin mo nang Mercedes Benz matutuwa pa ko sayo."

      Sa opisina ni Neri, pauwi na ang lahat pati sya.

      May lumapit na mga kaopisina, "Hoy Neri, pauwi ka na rin ba? Sabay-sabay na tayo."

      "O sige teka lang mga gamit ko."

      "Tara na."

      Sa may labas lang, naghihintay si Peter na naka-driver uniform at dala ang limousine.

      "My ladies."

      Nagtaka si Neri, "Hoy Pedring ikaw ba yan?"

      "Sino pa ba?" lumapit kay Neri.

      "Ba't ganyan ang ayos mo? At saka kanino yan?"

      "Kay Pareng Leo, kinuha na kaming bagong driver ni Bob ... Limousine yan, ano, hanggang mamaya pa yan ang saule."

      "Ganon."

      Nagtanong yung isang kaopisina, "Pedring, pwedeng magpahatid dyan?"

      "Oo ba, kung gusto nyo kayong lahat joy ride na muna kayo, bayad na pati lahat ng alak sa loob nyan."

      Lahat sila, "Yehey."

      "Tara let's."

      "Panong bayad na lahat?" tanong ni Neri.

      "Yung kliyente ko kanina, mga chinese businessman, sila nagbayad ng limo service ... oks ba."

      May lumapit na bading, "Excuse me, ikaw ba si Peter sa Project Runway?"

      "Huh? Ako nga baket."

      "Totoo ba? Isa ka sa mga kafatid ng federasyon?"

      Nagalit si Peter, "Lumayas ka nga dito! Panira ka ng moment, kita mong kasama ko fiancee ko dito eh."

      Hinawakan ng bading yung kamay ni Neri sabay sabi, "I'm very sorry."

Chapter 10

      Hinampas ng sumbrero ni Peter yung bading, "Umalis ka na baka mabugbog pa kita."

      Umalis na yung bading.

      Sa loob ng umaandar na limousine, nagbukas na ng champagne yung mga babaeng kaopisina ni Neri habang may sumasayaw na isa sa dance music.

      "Tubig lang sa kin, buntis ako."

      "O eto na cheers." sabi nung isa, "Hoy ganda cheers ka muna mamaya na sayaw."

      "Aaah---!!!" todo sigaw.

      Awkward face lang si Neri.

      "Iklaro ko lang na hindi counted ito bilang bachelorette party ha, iba pa yon syempre."

      Nagalit si Neri, "Hay naku ayoko ng mga ganon dagdag gastos pa yon."

      "Gaga! Mga friends mo gagastos non syempre, kame."

      "Pedring! Pedring pakihinaan mo nga yung sounds, masyadong malakas eh ... Pedring!"

      "Ano yon Neri?"

      "Yung sounds!"

      "Okay lalakasan ko pa."

      Lalong lumakas.

      "Wooh---!!!"

      Sayawan lahat.

      "Pedring."

      "Magsayaw ka na nga lang ... Tara." sabi nung kaopisina.

      Lumusot sila sa butas ng bubong ng limousine habang nagsasayaw.

      "Wooh---!!!"

      Napangiti na si Neri, "Grabe pala kayo kapag nagwawala ah."

      "Minsanan lang to." and then sumigaw, "Mga madlang people! Ikakasal na tong si Nerissa namin!"

      Sigaw silang lahat, "Wooh---!!!"

3rd EPISODE

      Sabi ni Tweetie de Leon sa intro, "This is Project Runway Philippines ... The search for the next best fashion designer begins now."

      Nagpakita si Tweetie sa runway habang nakaupo sa harap ang mga designers.

      "Good morning designers."

      Everybody said good morning.

      "You know what they say about fashion, one day you're in, and the next day you're out ... For your next challenge, we will challenge you how you can deal with small packages, and test your patience dealing with these new clients ... Are you ready to meet them?"

      Everybody said yes.

      "Let's bring out the new models."

      Nagulat silang lahat at napangite dahil mga batang lalake lahat ng models.

      Confessional clip ni Andrea, "Ang ku-cute nila--- ... Nami-miss ko na tuloy mga anak kong mga boys din, madadalian lang ako dito kasi ako madalas gumagawa ng damit nila."

      Confessional clip ni Leyva, "Madadalian lang ako kasi linya ko gumawa ng men's clothing, gagawin ko lang smaller size kaya I think I'm gonna win this challenge."

      Sa workroom, consultation with Sir Jojie.

      "Kamusta na Peter, ano na."

      "Ah mabuti naman po."

      May napansin si Sir Jojie, "Tama ba tong nakikita ko ... Anong gagawin mo dito sa tutu? My God, you're making me nervous."

      Natawa si Peter, "Wala, gusto ko lang lokohin mamaya yung bata."

      "Ikaw, pilyo ka ... Kurutin ko singit mo eh."

      Later, dumating na yung mga bata.

      Lumapit na yung model ni Peter sa kanya at hinay-five ni Peter.

      "Where is my new clothes?" sabi nung bata.

      "Your new clothes? Wait ... Can you understand Tagalog?"

      "A little."

      "Okay ... Okay try this one." kinuha yung tutu.

      Yung tutu ay yung sinusuot na palda ng mga ballerina.

      "What the heck is that?" nagulat yung bata.

      "This is what you're going to wear to make us win."

      "I am not going to wear that, no way men, uh-uh."

      "If we win, we will win a lot of money, you can buy a lot of toys ... You like money?"

      "Yes I like money."

      "So wear this, we will only win if you wear this."

      Lumapit si Curry, "Peter kanina pa kita naririnig, ano na naman yang pinaggagagawa mo sa bata."

      "You see that?" tinuro ni Peter si Curry, "You see that face? That is ugly, because he has no money."

      "Ang kapal naman ng mukha mo." umalis na si Curry.

      "You wanna be ugly?"

      "No."

      "Good, so wear this." pinasuot na ni Peter yung tutu sa bata.

Like this on facebook
http://www.facebook.com/anton.mia.714

delay

Kwela Nobela 2
Ang Hindi Ko Siguradong Pag-ibig
Chapters 11 and 12

Add Friend me on Facebook to view Chapters 11 and 12

http://www.facebook.com/anton.mia.714

delay

Kwela Nobela 2
Ang Hindi Ko Siguradong Pag-ibig
Chapters 13 and 14

Chapter 13

      "Sigurado ka bang ikaw napagsabihan ko kahapon? Kasi kwinento ko yon kay Pareng Johnny sa pagkakatanda ko, nag-inuman pa nga kami pagkatapos."

      "Ako si Johnny! Urgh, makinig ka na lang okay, itong sideline na sinasabi ko sayo, kung marunong ka lang umarte, iha-hire ka na agad ... Pero sa next audition, kailangan pa natin ng isa pa."

      "Uy, tamang-tama, meron akong kakumpare may TV experience na, kasama nga ngayon sa Project Runway, contestant sya don."

      "Project Runway? Di ba pang-ano lang yon, pang-badaf ... Ganun ba kakumpare mo?"

      "Eh---." nag-alangan si Bob, "Kaibigan ko kasi kaya siguro bawal masyado pag-usapan ... Pero confident ako na pinagnanasahan ako non."

      Sa bangko, kinausap ng manager ang mga tao.

      "Magandang araw sa inyong lahat, ako nga po pala si Ted Flores, ang manger nitong bangko ... At para sa kaalaman ninyong lahat, today is the celebration of Robbery Precautionary Month na kung saan taun-taon, ang bangkong ito ay nagsasadula ng kung anong dapat gawin, kapag may nangyayaring holdapan sa loob mismo ng bangko ... Well mostly, dadapa lang kayong lahat ganun lang pero mas mabuti nang maeksperyensya nyo beforehand, para maging aware naman kayo kung anong nangyayare kapag may holdap ... Palakpakan po muna."

      Lahat ng tao pumalakpak.

      "At ang mga gaganap na mga holdaper eto po sila, kasama syempre ang original heartrob ng bayan, ang hunk na hunk na si Mr. Piolo Pascual!"

      Nagulat yung mga tao habang nagpapalakpakan.

      Nagpakita na sila Bob at ang huli si Piolo sabay sigawan ang mga tao.

      "Aaah---!!!"

      Pati mga empleyado sigawan din.

      "Aaah---!!! Pogi ng fes!"

      Dagdag pa ng manager, "Kita nyo naman si Mr. Piolo Pascual yata to ang lakas ng arrive, parang ako lang ... At para patunayang si Piolo Pascual nga ang nasa harapan nyo ... Maghuhubad sya ng kanyang t-shirt palakpakan!"

      "Yehey!" sabi lahat ng tao.

      Naghubad ng t-shirt si Piolo.

      Sigawan ulit lahat, "Aaah---!!!"

      "Settle down it's not that exciting." sabi ng manager, "Mr. Piolo, care to say something?"

      Binigay yung microphone.

      "Yes, thank you ... Una sa lahat, nagpapasalamat po ako sa inyong lahat, sa paanyaya na gawin itong Robbery Precautionary Month kasama po ninyo."

      May nagsabe, "I love you Piolo."

      Natawa sya, "At sana, wag mawawalan agad ng pag-asa, kapag nasa ganitong napaka-delikadong sitwasyon, maraming salamat po."

      "Aaah---!!!" sigaw sabay palakpakan ang lahat.

      "Maraming salamat Mr. Piolo Pascual, kahit nakatingin lang ako sa abs mo the whole time ... Bibili rin ako ng ganyang abs, sa China." pabiro ng manager, "At bago namin simulan ang pagsasadula, gusto ko lang paalalahanan ang lahat, na kahit na anong mangyare, dumapa lang kayo sa sahig kapag pinadapa na, okay? Okay, tara let's."

      Nagsimula na sila, astig na pumasok sila Piolo at Johnny at saka sumigaw si Piolo ng, "Dumapa kayong lahat! Holdap ito!"

      'bang!'

      Nagpaputok sa itaas.

      Lahat ng tao dumapa kaagad.

      Bumunot ng baril ang dalawang security guards pero nakaabang na pala katabi nila sila Bob at Peter na nakatutok na yung baril nila sa mga ito.

      Sabi ni Johnny sa mga guards, "Kayong dalawa, ihagis nyo mga baril nyo papunta sa kin, dali!"

      Ginawa nga nila.

      'bang!' 'bang!'

      Pinaputukan ni Johnny yung dalawang guards sabay bagsak sila sa sahig nang duguan.

      Awkward face lang si Peter.

      Nagtaka si Piolo, mahinang boses, "Pare, wala sa script yung ginawa mo ah."

      Sumagot si Johnny, "Wala nga, at eto, tunay na baril ito."

      Sabay hinampas si Piolo sa ulo gamit ang baril.

      Bumagsak sya sa sahig at nawalan ng malay.

      Tinignan ni Peter yung pulso nung guard, "Pareng Bob, patay nato."

      Nagulat si Bob.

      May employadong babae ang lumabas ng counter at hinalikan si Johnny, pinulot din yung mga baril ng guards sabay tinutukan nya ang manager.

      Nagtaka sya, "Misty, anong ibig sabihin nito?"

      "Ano pa Sir, eh di holdap ... Totoo nga lang to, alam ko kase na may napakalaking deposito ngayon sa may vault nitong bangko ... Sayang naman kung palalagpasin ko tong pagkakataon nato ... Tara na?"

Chapter 14

      Then pumunta na sila sa kabilang kwarto.

      Nagpaalam ang babae, "Baby, babalik din ako."

      "Bilisan mo." sabi ni Johnny, "Bob, Peter, pumunta kayo sa may gilid ... Dalian nyo!"

      Habang naglalakad si Bob, "Johnny, niloko mo lang pala ako, ginamit mo lang pala kami para makuha yung audition."

      "Lahat ng tao naglolokohan, di ba alam mo na dapat yon matagal na? Tama ba ko, Bob? Ang laking utu-uto mo kase, di ba Bob?"

      Mukhang nagalit si Bob.

      "Hahahaha, at salamat sayo, milyunaryo na ko paglabas ko dito salamat sa kabobohan mo!"

      Biglang sinuntok ni Bob si Johnny sa mukha.

      Susuntukin pa sana ni Bob sya pero nasalag at sinuntok sa tyan ni Johnny sya sabay hinampas nang malakas ang ulo ni Bob gamit ang baril.

      Bigla namang sumugod si Peter at pinagsusuntok nya si Johnny sa sahig.

      Nabitawan nya ang baril pero nasalag na nya ang suntok ni Peter sabay sabe.

      "Hindi ako magpapatalo sa isang katulad mong sumali ng, Project Runway!"

      Sinuntok nya nang malakas si Peter at umibabaw sa kanya.

      Sya naman ang sumusuntok sa kanya pero nahawakan ni Peter parehas na braso ni Johnny sabay sabe.

      "Isang marangal na trabaho ang maging isang, mananahe!"

      Sabay bangon ni Peter at nag-headbutt sa mukha ni Johnny.

      Napansin ni Johnny yung baril na nabitawan sabay inabot nya agad ito.

      Hinabol ni Peter sya pero nahampas kaagad sya ng baril sa ulo.

      Tumayo si Johnny at itinutok yung baril sa walang malay na si Peter.

      'bang!'

      Dumaplis dahil sinugod sya ni Mr. Piolo Pascual.

      Hinawakan ni Piolo yung braso na may baril ng dalawang kamay sabay siniko nya sa mukha si Johnny ng dalawang beses at ibinagsak sa tuhod nya yung kamay na may baril ni Johnny.

      Nabitawan na yung baril sabay tulak ni Piolo sa kanya.

      Parehas silang nakatayo at unang sumuntok si Piolo pero nakailag si Johnny at nag-counter attack ng suntok sa tagiliran ni Piolo at sinuntok din sa mukha nya.

      Lumapit si Johnny sa kanya at sumuntok ulit pero nasalag ni Piolo at nag-uppercut sa mukha ni Johnny sabay sinundan pa ng suntok ng kaliwang kamay sa mukha.

      Lumapit ulit si Piolo sa kanya at sinuntok nya ulit si Johnny sa mukha, gamit ang kanan, ginamit din ang kaliwa, at isa pang suntok ulit sa mukha ng kanang kamao ni Piolo.

      Duguan na si Johnny at pagkalapit ni Piolo ulit sa kanya.

      'plak'

      Nagulat si Piolo.

      Sinaksak ni Johnny sya gamit ang kutsilyo.

      Pagkabunot ng kutsilyo, bumagsak si Piolo sa sahig.

      Sasaksakin pa ulit nya si Piolo.

      'bang!'

      Bumagsak sa sahig si Johnny at nakita nyang binaril pala sya ni Bob sa malayo.

      Pagkalapit sa kanya ni Bob nagmakaawa si Johnny, "Pare wag, di ba friends tayo."

      Habang nakatutok ang baril, "Wag mo kong tawaging pare ... At hindi rin tayo mag-best-friends."

      'bang!'

      Nilapitan nya agad si Piolo na duguan.

      "Piolo okay ka lang?"

      Ngumingiti lang si Piolo pero nahihirapan, "Ungh, medyo, masakit ng konte."

      "Teka lang, kukunin ko lang ang cellphone ko."

      Binuksan ang cellphone at tumabi sa mukha ni Piolo para magpa-picture.

      "Wait lang, lagyan natin ng dugo mukha mo para mas dramatic." tapos pinahiran ni Bob ng sariling dugo ni Piolo mukha nito.

      "Okay smile."

      'flash!'

      May flash yung cellphone.

      "Pare, magiging okay lang ang lahat, narinig mo? Marami ka pang gagawin na baduy na mga telenobela na puro sa channel two lang." sabi ni Bob.

      "Pare, totoo bang may langit?" lumuha si Piolo, "Sana, sapat na mga nagawa kong kabutihan sa mundo, para tanggapin ako sa langit."

      Pinipindot ni Bob yung cellphone, "Ito na-tweet ko na, hindi namatay si Piolo Pascual, kailangan tuparin mo to."

---

Like this on facebook
http://www.facebook.com/anton.mia.714

delay

Kwela Nobela 2
Ang Hindi Ko Siguradong Pag-ibig
Chapters 15 and 16

Chapter 15

      "Bob, may sigarilyo ka ba?"

      "Huh? Wala na eh, last ko nato isa na lang."

      "Pwede, sa akin na lang, parang mamamatay na yata ako."

      "Saka ka na lang mag-sigarilyo, ang importante ang mabuhay ka at..."

      Galit na sumigaw si Piolo, "IBIGAY MO NA SABE SIGARILYO MO!!!"

      Nagulat si Bob, "Okay geez."

      Binigay ni Bob yung sigarilyo at sinindihan pati.

      Humithit si Piolo at nanigarilyo na.

      Tumingin si Piolo kay Bob at nagsabe, "Salamat pare, napakabait mo ... At pakisabe, napakababa lang kasi ng offer, ng kapuso, net-work ... uh."

      Namatay na si Piolo pagkapikit nya at nabitawan na ang sigarilyo.

      Pagkalingon ni Bob, nakatayo na yung mga tao malapit sa kanila.

      Sabi ng matanda, "Ang galing talagang umarte ni Mr. Piolo Pascual."

      Nakatirik mga mata ni Piolo at labas ang dila.

      "Walang sinabi ang iba, idol talaga." nag-agree ang lahat sabay palakpakan.

      Later, pumasok si Bob sa kabilang kwarto at nakita nang wala ng malay ang babaeng holdaper.

      Nagpakita ang manager, "Nasabi ko bang, marunong din ako ng martial arts?"

4th EPISODE

      "This is Project Runway Philippines." sabi ni Tweetie de Leon sa intro, "The search for the next best fashion designer begins now."

      Confessional clip ni Christian, "Pagkababa namin ng bus, pamiliar na sa kin ang lugar, pumasok kami kung saan naka-display lahat ng mga Japanese animation exhibits ... Madalas na ko dito kahit nung nag-aaral pa."

      "Good morning designers." sabi ni Tweetie de Leon, "Today, is the Cosplay costume challenge."

      Everyone clapped.

      "Cosplay has been around for many years inspiring different people throughout the whole world to transform themselves into something totally different, bringing out the inner joy for those who are participating in it as well ... As you can see all around you, this is the largest Japanese Animanga gallery that hopefully will help inspires you to do your designs."

      Napangiti lahat.

      "And for your next challenge, you will be group into four, to make a collection from different genre of animation ... Jojie."

      "Designers, I'm holding cards here divided into three categories ... The Japanese Anime, the Manga Comics, and lastly the video games ... who wants to pick first?"

      Confessional clip ni Curry, "Ayun, isa-isa kaming bumunot ... Kontento naman ako sa nakuha ko at naging ka-team ko."

      Sabi ni Tweetie, "Okay designers, I'll give you thirty minutes to look around and another thirty minutes to sketch with your teammates."

      Sabi ni Jojie, "Go."

      Habang tumitingin, nag-uusap-usap na sila Peter, Christian, Carla at Richard tungkol sa gagawin nila.

      Sabi ni Carla, "I think we should all do this, the D.O.A. girls, since very close sya sa easiest to recognize na video game ... At saka movie di ba?"

      Na-excite si Christian, "Oo tapos dapat may malaking boobs, malaking boobs na super heavy ang dating, kasi cosplay."

      Awkward face lang si Carla, "Kahit ba naman cosplay lang, hindi kailangan..."

      "Kailangang malaking boobs!"

Edit screen.

      "Malaking boobs!"

Edit screen.

      "Malaking boobs."

Edit screen.

      "Kailangang may malaking boobs."

Edit screen.

      Nagtanong si Richard, "What are you saying?"

      "Big boobs, like this ... Huge, very huge."

Edit screen.

      Pinakita ni Peter sketch nya, "So we all agreed, we will all have this same kind of pattern ... Okay?"

      Drinowingan ni Christian, "Tapos may malaking boobs."

      "Oo tapos may medyo malaking boobs dito."

      Sumigaw si Christian, "Malaking boobs---!!!"

      Nabingi si Peter.

      Later sa workroom, medyo busy si Curry sa ginagawa nya.

      Confessional clip ni Curry, "Medyo nininerbyos ako ng konte, sa aming apat kase, ako yung may kakaibang look na, mukhang ewan ... Pero kagaya na lang siguro ng sa cellphone, go na lang nang go."

      Natapos na rin ni Christian gawin yung big boobs nya sabay lapit ni Richard.

      Nagugulat si Richard, "Oh my God ... What kind of a monster is this? Is this alive? ... I think it's growing by the minute."

Chapter 16

      Lumapit si Peter tapos pinisil-pisil yung boobs.

      Natawa si Richard, "Hahahaha! That-is-hillarious."

      Confessional clip ni Peter, "Sa grupo namin wala namang kasing na-assign na leader kaya siguro walang nagsasaway kay Christian na wag gawin yung malaking boobs nya." natawa, "Sobrang malaking distraction sa cohesiveness kasi yung, dyoga nya."

      Sinusuot ni Peter kay Richard yung malaking boobs.

      Nag-alala si Richard, "Is it going to break?"

      "No no."

      Nakasuot na sabay sigaw ni Peter, "Wooh---!"

      Tawanan lahat.

      Nilagyan din ni Carla ng pink na wig si Richard.

      Nagpatawa si Richard by impersonating a cheerleader.

      Tawanan ulit.

      Nagtanong si Raymond, "What does it feel Richard?"

      "It's disturbingly feels natural, I feel like a total bombshell with a tiny head and just humungous boobs!"

      Confessional clip ni Richard, "Those boobs are great! If Christian didn't win this challenge, I will be like ... shocked."

      Sa sewing room, nandon sila gumagawa pero wala si Richard.

      Nagkwento si Christian, "Nagtanong kanina si Richard sa kin have you eaten lunch? Ang sabi ko no pa, eh alas-dos na non kaya niyaya nya ko."

      Nagtanong si Andrea, "Niyayang mag-ano?"

      "Niyayang mag-lunch."

      Nagulat si Curry, "Ginawa nyo yon?!"

      "Eh di lunch kami, wala chika-chika lang tapos ang sabi ko pa I am the bread winner of my family, and I make paaral of my siblings."

      "You make paaral of your." natawa si Curry.

      "Oo, and he said wow, you're so nice."

      Nagulat si Curry, "Sinabi nya yon?!"

      "Sabi pa nya, you are one of, ineteresting people I've ever met, I'm interested of you Christian, sabay kuha sya ng softdrinks binigay nya sa kin, ang sweet nya nga sa kin eh."

      Lahat nag-comment, "Hinde sweet lang talaga sya."

      Dagdag pa ni Raymond, "Ganon mga Australiano, sweet lang talaga ... Asa ka pa."

      Tawanan lahat.

      Napangiti si Christian, "Natuwa lang ako kanina."

      Pabiro ni Peter, "Sabi ni Raymond, asa ka pa, batukan kita dyan eh."

      Tawanan lahat.

      "Uy wala akong sinabing ganun ah, itong si Peter."

      Dagdag pa ni Peter, "Wag mo namang batukan Raymond, tadyakan mo lang."

      "O sige later." natawa si Raymond.

      Confessional clip ni Curry, "Pagkauwi namin sa house, nagtipon-tipon kami sa kwarto nila Peter para, kwentuhan lang ... Tapos maya-maya, itong si Carla, todo na yung yakap nya kay Peter sa kama nya at ito namang si Peter, may pahimas-himas pa sa buhok ni Carla na nalalaman."

      Pinakita na magkayakap silang dalawa sa kama habang hinihimas ni Peter buhok ni Carla sabay hinalikan nya ulo nito at hinimas ulit.

      Confessional clip ni Curry, "Eh alam naman naming lahat na may fiancee si Peter kaya nagulat ako ... Kung ako fiancee nya, talagang magwawala ako nang todo."

      Meanwhile, sa bahay nila Barbara, habang nanonood din sila ng Project Runway, rinig hanggang bahay nila ang pagwawalang ginagawa ni Neri na nagbabasag ng pinggan at ng kung anu-ano.

      "Napakawalanghiya mo talagang lalake ka ba't hindi ka pa masunog sa impyernong pinanggalingan mo!" sigaw ni Neri.

      'CRASH!' 'CRASH!'

      "Ipagpapalit mo rin lang naman pala ako, don pa sa kaladkaring malanding yon! Ang kapal talaga ng mukha mo!"

      'CRASH!' 'CRASH!'

      Napangiti si Bob, "Grabe rinig na rinig yung mga yon ah."

      "Aba'y dapat lang, kung ako dyan kay Neri, naghintay na lang syang nakatulog si Pedring sabay sinunog na lang nya yung bahay nang matuto." sabi ni Barbara habang nanonood ng TV.

      May pumasok agad na tao, si Peter sabay sinara agad yung pinto.

      "Pareng Bob, pwede dito na muna ako?"

      Awkward face lang si Bob.

      Umupo si Peter, "Kamusta Barbara ... Uy, nanonood rin pala kayo."

      "Napanood ka nga naming gumagawa ng milagro eh." sabi ni Barbara.

      "Ganun lang talaga ako makipag-friends, friendly ako eh."

      Mahinang boses ni Barbara, "Friendlihin mo mukha mo."

      Kumakatok nang malakas si Neri sa labas, "Hoy Pedring! Magpakalalake ka nga! Harapin mo ko dito sa labas mag-usap tayo! Pedring!"

      "Promise hindi mo ko sasaksakin?"

      "Walanghiya ka talaga! Sana nilason mo na lang ako matagal na! Bubuntisin mo ko tapos lolokohin mo lang pala ako, tatadtarin kita! Tatadtarin kita ng buhay! Bob---!!! ilabas mo yang hayop na yan kundi susunugin ko yang bahay nyo! Bob---!!!"

---

Like this on facebook
http://www.facebook.com/anton.mia.714