News:

Introducing PGG VIP Membership. Send PMs, Remove Ads and more. KNOW MORE

Main Menu

Chiropractor

Started by bokalto, April 23, 2018, 09:03:08 AM

Previous topic - Next topic

bokalto

Meron ba sa inyo na nakasubok na magpaconsult or therapy sa Chiropractor?
Is it worth-it? effective ba? and how much ang rate?
Thank you!

buknoy

#1
I am considering this for my slipped disc. Nagp-physical therapy kasi ako palagi. May mga napanood na ako nito sa youtube.

bokalto

Weak din kasi yung lumbar back ko dahil din sa mild scoliosis ko.. kaya gusto ko din sana ipa-correct.
I've been watching reviews din sa youtube, at halos lahat namna ok ang mga reviews nila...
ang concern ko lang is masakit kaya? hahaha!

bugnutin99

I'm also considering this dahil sa lower back injury ko but yeah, like most us, has this concern how it'd feel like. Hahaha.


Sent from my iPhone using Pinoy Guy Guide mobile app

Peps

Ask nyo si incognito kasi nagkaroon din siya back problem dati umabot sa point na naging bedridden siya ng ilang buwan dahil sibrang sakit, awang awa kami sa kanya nun gusto na niya ipa opera pero may negative effect in the long run kaya tiniis niya nag undergo siya ng therapy kasama yata chiro. Ngayon halos every week nililibot niya buong pilipinas


Sent from my iPad using Pinoy Guy Guide mobile app

HENRICKS_015

Okay din po ba to sa may scoliosis? Salamat po

buknoy

Quote from: Peps on April 28, 2018, 11:07:26 PM
Ask nyo si incognito kasi nagkaroon din siya back problem dati umabot sa point na naging bedridden siya ng ilang buwan dahil sibrang sakit, awang awa kami sa kanya nun gusto na niya ipa opera pero may negative effect in the long run kaya tiniis niya nag undergo siya ng therapy kasama yata chiro. Ngayon halos every week nililibot niya buong pilipinas


Sent from my iPad using Pinoy Guy Guide mobile app


Sir active pa ba si incognito? Nag iipon lang ako ng lakas ng loob para subukan.


Sent from my iPhone using Pinoy Guy Guide mobile app

incognito

Hi everyone! So I came back because iniisip ni Peps pwede ako makatulong sa inyo. Pero di ko sure how kung lakas lang loob lang naman pala iniipon nyo. At di ko tinuloy magpunta sa chiro. I opted to take PT sessions. naka 20 sessions ako. background lang condition ko, I was diagnosed with herniated disc around 13 years ago due a a bad fall sa upuan. Di ko pinansin pero after a few weeks sumakit na likod ko and my right leg. naglilimp na ko pag naglalakad. nagkaroon na ko ng sciatica. then nagpacheck ko sa doctor. Nagpa MRI and nakita nga na may herniation. Sabi need ko ng surgery kaya nagpaopera ako. laminectomy and discectomy ang procedure na ginawa sa lumbar spine ko. after ng surgery, naging ok. wala ng pain. pero i was advised not to engaged in activities that would put too much strain on my lower back. no running,  wag magbuhat ng mabigat, wag tumakbo. tapos may tamang posture pag kailangan talaga magbuhat. may tamang way pano umupo  or humiga sa bed. as much as possible wag din tataba. haha. there is always the danger of recurrence kase.  which is what happened to me din. that was around 2 or 3 years ago ata nung sumakit ulit ng matindi. Nagpadala pa ko sa ER kase di ko kaya ang sakit. di ko kayang umupo. even when nakahiga ako masakit pa din. parang pinupulikat pwet and right leg ko. i was prescribed with pain relievers na malalakas na pero di gumana.  Kaya bandang huli pinatry na ko nung mga restricted na painkillers na nakakahigh kaya not all doctors can prescribe that. haha. Opioids ata tawag dun sa ganung klaseng painkillers. parang patch lang sya na ididikit mo sa katawan. para akong lasing nung nakadikit sakit yun.  yun lang nagpawala sa sakit. pero everytime the effect wears off ganun na naman. kaya nagpa MRI ulit ako and they found out nga na may recurrence. gusto nung dating doctor ko reoperate. i consulted with another doctor, sabi ok lang wag muna. magpatherapy na lang.  the i went to a 3rd doctor sa Manila naman, sa Cardinal Santos, sabi the herniation is substantial and kailangan talaga magpaopera. Icoconsider ko talaga yung surgery kaso sabi ko, easy way out yun eh. dapat nga nung una pa lang di na ko nagpasurgery. di binigay na option kase ang therapy noon. pero itong huli may doctor who gave that as on option to me. kaya yun na muna ang sinundan ko and it worked naman. pero almost 2 months akong nakahiga lang.  tatayo lang pag kailangan.  buti naging maayos ako pero i di ko agad nagawa yung mga full range of motions na nagagawa ko dati. dun papasok ang exercises na low impact sa likod. more on stretchings. you can find those online. exercises for the lower back. makakatulong.  paminsan minsan sumasakit pa din likod ko. lalo na sa lifestyle ko ngayon na laging nagtatravel. laging may mabigat na bag. naaksidente pa ko recently. nadulas na naman and napuruhan tailbone ko. pero di na ko nagpacheck sa doctor. pero mejo masakit pa din until recently. then just this week, namali ako ng buhat sa mabigat kong bag sa isang byahe, nahirapan naman ako  umupo and maglakad pero not as painful as before. tolerable. need lang talagang maging careful pag nagkaroon na ng sakit sa likod.  haba na ng sinabi ko no? anyway, may pinakilala sakin recently mga friends ko na from Manila. Sabi ko nga sa inyo namali ako ng buhat ng bag ko this week lang. May pinuntahan kame nung wednesday na nakatulong sakin. dito sa mabalacat, pampanga. Taga pampanga ako ha pero di ko alam na meron ganun dito. mga manila friends ko pa nagsabi sakin about this person. and my friends are not kung sino sino lang to believe sa mga ganitong alternative form of medicine kumbaga. nasubukan na kase nila and ng mga family nila.   I don't know exactly ano tawag sa ginagawa nya. pero parang halong chiro at hilot. It's something he learned in the middle east daw where he worked before and royalties ng dubai ang mga ginagamot nya.  sabi nga nya sana di na ko nagpaopera noon. eh di ko pa naman sya kilala kase noon di ba? hehe. just give him 5 minutes para ayusin problema mo. ang catch lang is, baka maiyak kayo sa sakit. pero ako di naman naiyak. napasigaw lang at napakapit sa kanya. i feel so much better now.  I guess you should try it to believe it. pati doctors kase nagpapagamot sa kanya pag may sakit sa katawan. haha.  pasensya na po sa mahabang post.
 

buknoy

Hello incognito! I also have herniated discs. L5S1 ang location. I also experienced sciatica. Naka 41 PT sessions ako last 2016, after nun i feel so much better. Pero ngayon masakit na naman sya. Ilang sessions ka sa chiropractor?


Sent from my iPhone using Pinoy Guy Guide mobile app

incognito

Quote from: buknoy on May 04, 2018, 10:27:04 PM
Hello incognito! I also have herniated discs. L5S1 ang location. I also experienced sciatica. Naka 41 PT sessions ako last 2016, after nun i feel so much better. Pero ngayon masakit na naman sya. Ilang sessions ka sa chiropractor?


Sent from my iPhone using Pinoy Guy Guide mobile app

Hi Buknoy, the thing about us na may ganitong condition, walang permanent solution. babalik at babalik talaga. even with surgery. If i am not mistaken sabi nung neurosurgeon na nakausap ko even after surgery, usually after 10 years babalik. just like what happened to me. Di ko tinuloy magpunta sa chiro. I have researched about it nung time na sobrang sakit ng pakiramdam ko. Meron dito sa Pampanga near Clark. American. pero di ko tinuloy na. kase it's an alternative form of treatment. natakot din ako. and i think di rin naman ganun kamura ang services ng chiropractor. though di ako sure how much.  Pero heto nga, tinry ko tong bagong discovery ko na di doctor kase i am too poor now. haha. Pero nagpakilala naman sakin is mga di poor na friends from manila.  if you are willing, I can refer you san kanya.  isang session lang. 5 minutes. 1k.  Pero sa Dau, mabalacat, pampanga. di nya gagalawin likod mo. siguro legs mo lang or pati arms. tuhod. parang there are nerves and muscles na pag ginalaw mo, kasama na ibang parts ng katawan gaya ng likod. possible lang na baka mapasigaw ka lang talaga sa sakit. pero for me, ang galing nya. di sya albularyo. napag aralan talaga nya pano ayusin.  pag isipan mo. baka magwork for you. it's either it will work for you or wala lang mangyayare. walang damage na magagawa sayo. let me know kung gusto mo. I can pm you the number para makapagschedule ka. 1 session is all you need. if you're from manila, just take a bus to dau. tapos from there mag tricycle ka lang. di nga ako bilib nung una ikwento nung friend ko. ni di ko nga kilala taga pampanga naman ako. ilang months din pinalipas ko bago ko sinubukan. basta ako, bilib ako dun sa taong yun. engineer ang tawag namin. kase engineer talaga sya by profession. pero mas nanggagamot na lang sya now. haha.

buknoy

Sir i'll think about it. Medyo risky din kasi. Sabi mo nga ilang months pa bago ka nagpunta talaga. Thanks sir.


Sent from my iPhone using Pinoy Guy Guide mobile app

incognito

Quote from: buknoy on May 05, 2018, 04:04:42 AM
Sir i'll think about it. Medyo risky din kasi. Sabi mo nga ilang months pa bago ka nagpunta talaga. Thanks sir.


Sent from my iPhone using Pinoy Guy Guide mobile app
yes, because I really don't believe in such things. pero yun na nga, i was left in awe when i finally tried it. consider it as your last option. kung kaya pa naman ng usual treatments, go lang.

bokalto

wow. parang gusto ko yan i-try. paguwi ko siguro sa December. Salamat Ingocnito!

Peps

don't worry mapagkakatiwalaan yang si incognito lol, napilit ko pa magpost uli dito kahit sobrang busy na niya. By the way he's a culinary and pastry celebrity sila may ari ng isa sa pinaka sikat na pastry shop sa pampanga. Kaya kabilaan mga naging interviews niyan sa abs-cbn, GMA, cnn saka ibang international channel kaya di pasisira yan lol