News:

Introducing PGG VIP Membership. Send PMs, Remove Ads and more. KNOW MORE

Main Menu

Kwela Nobela 2 (Florentino Cruz)

Started by antonmia, February 22, 2014, 05:32:05 PM

Previous topic - Next topic

antonmia

Kwela Nobela 2
Ang Hindi Ko Siguradong Pag-ibig
Chapters 15 and 16

Chapter 15

"Bob, may sigarilyo ka ba?"

"Huh? Wala na eh, last ko nato isa na lang."

"Pwede, sa akin na lang, parang mamamatay na yata ako."

"Saka ka na lang mag-sigarilyo, ang importante ang mabuhay ka at..."

Galit na sumigaw si Piolo, "IBIGAY MO NA SABE SIGARILYO MO!!!"

Nagulat si Bob, "Okay geez."

Binigay ni Bob yung sigarilyo at sinindihan pati.

Humithit si Piolo at nanigarilyo na.

Tumingin si Piolo kay Bob at nagsabe, "Salamat pare, napakabait mo ... At pakisabe, napakababa lang kasi ng offer, ng kapuso, net-work ... uh."

Namatay na si Piolo pagkapikit nya at nabitawan na ang sigarilyo.

Pagkalingon ni Bob, nakatayo na yung mga tao malapit sa kanila.

Sabi ng matanda, "Ang galing talagang umarte ni Mr. Piolo Pascual."

Nakatirik mga mata ni Piolo at labas ang dila.

"Walang sinabi ang iba, idol talaga." nag-agree ang lahat sabay palakpakan.

Later, pumasok si Bob sa kabilang kwarto at nakita nang wala ng malay ang babaeng holdaper.

Nagpakita ang manager, "Nasabi ko bang, marunong din ako ng martial arts?"

4th EPISODE

"This is Project Runway Philippines." sabi ni Tweetie de Leon sa intro, "The search for the next best fashion designer begins now."

Confessional clip ni Christian, "Pagkababa namin ng bus, pamiliar na sa kin ang lugar, pumasok kami kung saan naka-display lahat ng mga Japanese animation exhibits ... Madalas na ko dito kahit nung nag-aaral pa."

"Good morning designers." sabi ni Tweetie de Leon, "Today, is the Cosplay costume challenge."

Everyone clapped.

"Cosplay has been around for many years inspiring different people throughout the whole world to transform themselves into something totally different, bringing out the inner joy for those who are participating in it as well ... As you can see all around you, this is the largest Japanese Animanga gallery that hopefully will help inspires you to do your designs."

Napangiti lahat.

"And for your next challenge, you will be group into four, to make a collection from different genre of animation ... Jojie."

"Designers, I'm holding cards here divided into three categories ... The Japanese Anime, the Manga Comics, and lastly the video games ... who wants to pick first?"

Confessional clip ni Curry, "Ayun, isa-isa kaming bumunot ... Kontento naman ako sa nakuha ko at naging ka-team ko."

Sabi ni Tweetie, "Okay designers, I'll give you thirty minutes to look around and another thirty minutes to sketch with your teammates."

Sabi ni Jojie, "Go."

Habang tumitingin, nag-uusap-usap na sila Peter, Christian, Carla at Richard tungkol sa gagawin nila.

Sabi ni Carla, "I think we should all do this, the D.O.A. girls, since very close sya sa easiest to recognize na video game ... At saka movie di ba?"

Na-excite si Christian, "Oo tapos dapat may malaking boobs, malaking boobs na super heavy ang dating, kasi cosplay."

Awkward face lang si Carla, "Kahit ba naman cosplay lang, hindi kailangan..."

"Kailangang malaking boobs!"

Edit screen.

"Malaking boobs!"

Edit screen.

"Malaking boobs."

Edit screen.

"Kailangang may malaking boobs."

Edit screen.

Nagtanong si Richard, "What are you saying?"

"Big boobs, like this ... Huge, very huge."

Edit screen.

Pinakita ni Peter sketch nya, "So we all agreed, we will all have this same kind of pattern ... Okay?"

Drinowingan ni Christian, "Tapos may malaking boobs."

"Oo tapos may medyo malaking boobs dito."

Sumigaw si Christian, "Malaking boobs---!!!"

Nabingi si Peter.

Later sa workroom, medyo busy si Curry sa ginagawa nya.

Confessional clip ni Curry, "Medyo nininerbyos ako ng konte, sa aming apat kase, ako yung may kakaibang look na, mukhang ewan ... Pero kagaya na lang siguro ng sa cellphone, go na lang nang go."

Natapos na rin ni Christian gawin yung big boobs nya sabay lapit ni Richard.

Nagugulat si Richard, "Oh my God ... What kind of a monster is this? Is this alive? ... I think it's growing by the minute."

Chapter 16

Lumapit si Peter tapos pinisil-pisil yung boobs.

Natawa si Richard, "Hahahaha! That-is-hillarious."

Confessional clip ni Peter, "Sa grupo namin wala namang kasing na-assign na leader kaya siguro walang nagsasaway kay Christian na wag gawin yung malaking boobs nya." natawa, "Sobrang malaking distraction sa cohesiveness kasi yung, dyoga nya."

Sinusuot ni Peter kay Richard yung malaking boobs.

Nag-alala si Richard, "Is it going to break?"

"No no."

Nakasuot na sabay sigaw ni Peter, "Wooh---!"

Tawanan lahat.

Nilagyan din ni Carla ng pink na wig si Richard.

Nagpatawa si Richard by impersonating a cheerleader.

Tawanan ulit.

Nagtanong si Raymond, "What does it feel Richard?"

"It's disturbingly feels natural, I feel like a total bombshell with a tiny head and just humungous boobs!"

Confessional clip ni Richard, "Those boobs are great! If Christian didn't win this challenge, I will be like ... shocked."

Sa sewing room, nandon sila gumagawa pero wala si Richard.

Nagkwento si Christian, "Nagtanong kanina si Richard sa kin have you eaten lunch? Ang sabi ko no pa, eh alas-dos na non kaya niyaya nya ko."

Nagtanong si Andrea, "Niyayang mag-ano?"

"Niyayang mag-lunch."

Nagulat si Curry, "Ginawa nyo yon?!"

"Eh di lunch kami, wala chika-chika lang tapos ang sabi ko pa I am the bread winner of my family, and I make paaral of my siblings."

"You make paaral of your." natawa si Curry.

"Oo, and he said wow, you're so nice."

Nagulat si Curry, "Sinabi nya yon?!"

"Sabi pa nya, you are one of, ineteresting people I've ever met, I'm interested of you Christian, sabay kuha sya ng softdrinks binigay nya sa kin, ang sweet nya nga sa kin eh."

Lahat nag-comment, "Hinde sweet lang talaga sya."

Dagdag pa ni Raymond, "Ganon mga Australiano, sweet lang talaga ... Asa ka pa."

Tawanan lahat.

Napangiti si Christian, "Natuwa lang ako kanina."

Pabiro ni Peter, "Sabi ni Raymond, asa ka pa, batukan kita dyan eh."

Tawanan lahat.

"Uy wala akong sinabing ganun ah, itong si Peter."

Dagdag pa ni Peter, "Wag mo namang batukan Raymond, tadyakan mo lang."

"O sige later." natawa si Raymond.

Confessional clip ni Curry, "Pagkauwi namin sa house, nagtipon-tipon kami sa kwarto nila Peter para, kwentuhan lang ... Tapos maya-maya, itong si Carla, todo na yung yakap nya kay Peter sa kama nya at ito namang si Peter, may pahimas-himas pa sa buhok ni Carla na nalalaman."

Pinakita na magkayakap silang dalawa sa kama habang hinihimas ni Peter buhok ni Carla sabay hinalikan nya ulo nito at hinimas ulit.

Confessional clip ni Curry, "Eh alam naman naming lahat na may fiancee si Peter kaya nagulat ako ... Kung ako fiancee nya, talagang magwawala ako nang todo."

Meanwhile, sa bahay nila Barbara, habang nanonood din sila ng Project Runway, rinig hanggang bahay nila ang pagwawalang ginagawa ni Neri na nagbabasag ng pinggan at ng kung anu-ano.

"Napakawalanghiya mo talagang lalake ka ba't hindi ka pa masunog sa impyernong pinanggalingan mo!" sigaw ni Neri.

'CRASH!' 'CRASH!'

"Ipagpapalit mo rin lang naman pala ako, don pa sa kaladkaring malanding yon! Ang kapal talaga ng mukha mo!"

'CRASH!' 'CRASH!'

Napangiti si Bob, "Grabe rinig na rinig yung mga yon ah."

"Aba'y dapat lang, kung ako dyan kay Neri, naghintay na lang syang nakatulog si Pedring sabay sinunog na lang nya yung bahay nang matuto." sabi ni Barbara habang nanonood ng TV.

May pumasok agad na tao, si Peter sabay sinara agad yung pinto.

"Pareng Bob, pwede dito na muna ako?"

Awkward face lang si Bob.

Umupo si Peter, "Kamusta Barbara ... Uy, nanonood rin pala kayo."

"Napanood ka nga naming gumagawa ng milagro eh." sabi ni Barbara.

"Ganun lang talaga ako makipag-friends, friendly ako eh."

Mahinang boses ni Barbara, "Friendlihin mo mukha mo."

Kumakatok nang malakas si Neri sa labas, "Hoy Pedring! Magpakalalake ka nga! Harapin mo ko dito sa labas mag-usap tayo! Pedring!"

"Promise hindi mo ko sasaksakin?"

"Walanghiya ka talaga! Sana nilason mo na lang ako matagal na! Bubuntisin mo ko tapos lolokohin mo lang pala ako, tatadtarin kita! Tatadtarin kita ng buhay! Bob---!!! ilabas mo yang hayop na yan kundi susunugin ko yang bahay nyo! Bob---!!!"

---

Like this on facebook
http://www.facebook.com/anton.mia.714

- Updates every week -

antonmia

Kwela Nobela 2
"Ang Hindi Ko Siguradong Pag-ibig"
Chapter 17 and 18

Chapter 17

Nagulat si Barbara, "Aba't, susunugin daw."

"Nagbibiro lang yon." dagdag pa ni Peter, "Pareng Bob, di ba may internet ka dito sa bahay, pahiram muna magti-tweeter lang ako."

Tinuro ni Bob, "Yan o, anak, pahiramin mo muna Tito Peter mo."

Nag-computer si Peter.

- tweet nya, "I am so totally being chase by my fiancee right now holding a butcher knife."

- tweet ni Curry, "You go girl."

- tweet ni Peter, "Langhiya ka pinahamak mo ko, help me ... LOL."

Balik sa show, pinapakilala na ni Tweetie de Leon mga judges.

"Top fashion designer Mr.Rajo Laurel."

"Top model and fashion writer Ms. Apples Aberin."

"And our guest judge for today is cosplay model and host Ms. Dafne Medina."

"Okay designers, let's start the show."

Nagpakita na isa-isa yung mga models at nung lumabas na yung model ni Christian, nagtawanan lahat.

Napangiti rin lahat ng judges.

Pagdating pa ng end of runway, naghubad ng vest yung model at binaliktad, sinuot ulit at lumakad na pabalik.

Yung vest ay white and white magkabila.

Later, walong designers ang napiling manatili sa runway.

Nagtanong si Tweetie, "Curry, please tell us your work."

"Ang category namin is Japanese Anime, we got our theme from the animation of Samurai X where I got my inspiration from the character named Shishio ... Burnt victim sya don na villain slash gangleader so I came up with this one."

Nag-comment si Rajo, "Actually manghang-mangha ako sa details ng pagkakagawa mo particularly what you did with fusing the ribbons together to make a full, bondage, whatever, all over your model's body pati sa face ... Pero parang nabitin pa rin ako kase, wala akong beauty na nakikita sa entire look mo kundi, tignan nyo ko, na-torture ako parang ganon lang ... Maybe next time you'll keep that in mind when you're doing something scary such as this, okay?"

Nag-comment yung guest judge, "Hi Curry, curious lang ako sayo, what is your motto?"

Natawa si Curry, "Um, love is blind, no no, time is gold."

"Why time is gold?"

"Because if you have gold, you can sell it and become a millionaire."

Tawanan lahat.

"Nice, nice answer."

Dagdag pa ni Rajo, "That is true, you can sell gold and become a millionaire."

Natawa yung guest na judge, "Okay moving on ... I don't know if it's just me or, I just love Cosplay too much ... Kasi ang Cosplay para sa kin is the art of copying eh, the more the same ng entire look sa pinagkunang character, the better ... People in Cosplay will appreciate it more if they easily recognize who you're wearing or what you're wearing, at ang nakikita ko sayo is, although na-appreciate ko yung interpretation mo, masyado kasi syang nag-stray away sa sinasabi mong character unlike comparing it to her, I easily recognized na si Kenshin Himoura sya kahit medyo feminine ang dating ... You know, hindi kinopya pero nandon pa rin yung right image."

Nag-comment si Tweetie kay Christian, "Christian, hi ... Bakit ... Bakit why?"

Natawa lahat.

"Nung kinumpara ko to sa boobs ni Curry ang sabi ni Sir Jojie, 'gasp!' parehas na parehas nga."

Tawanan lahat.

"He gave me naman his blessings na if I feel this really capture the raw spirit ng Cosplay, then go ... For me, Cosplay is all about selling fantasies, and if I wanna go to a Cosplay convention, I wanna see characters with sexy legs and big boobs."

Nagbiro si Rajo, "Sana sa stripper bar ka na lang nagpunta hindi sa Cosplay."

"Pwede both?"

Natawa yung guest na judge.

Nag-comment ulit si Rajo, "Paglabas na paglabas pa lang ng model mo, wala talaga akong nakikita kundi yung, boobs, you know ... Hindi ko man lang napapansin yung ibang ginawa mo ... At meron ka pang pinagawa sa model which is very confusing eh."

"The vest." sabi ni Apples.

"Yes, bakit, anong purpose non?"

Pinahubad ni Christian yung vest, "Para lang maipakita ko na marunong din akong gumawa ng reversible vest."

Napangiti si Apples.

"There's nothing reversible about that ... Ikaw talaga Christian o." sabi ni Rajo.

May pahabol si Tweetie, "Actually na-appreciate ko yung ideya nya na, yun nga, yung reversible nya kasi ako, may mga damit kasi akong parehas yung color panel ... Tapos medyo nai-stress pa ko kung ano dapat ang labas, at kung ano yung loob."

Then nag-comment yung guest na judge, "Hi Christian, napapansin ko sayo you're a fun person, of all the people there, ikaw lang yung typical guy kung mag-isip, and it really shows on your work ... It's fun, it's vibrant, it's full of energy, parang ako rin ... I like it, and I like you, minsan labas naman tayo."

Chapter 18

"Dude I'm gay." sabi ni Christian.

"And I'm out of here." tumayo yung guest na judge, "Adios, nice to meet you all, asan ang exit."

Nakatingin lang ang lahat.

"Hindi nagbibiro lang." umupo ulit sya, "Good work Christian, nice job."

Nagtanong si Tweetie, "Christian, I have to ask you something, who do you think on your team, should go."

"Um ... If it's not me, I think, Richard should go."

Napatingin si Richard.

"Why?" sabi ni Tweetie, "Why Richard?"

"Because, ang pogi kasi nya, nadi-distract lang ako."

Napangiti lahat.

"What else?"

"Kapag nakikipag-usap sya sa kin, hindi ko sya maintindihan."

"May accent kase." sabi ni Apples.

"Maganda kasi yung mga mata nya, nalo-lost ako."

Tawanan lahat.

"Parang love letter lang ah." sabi ni Rajo.

Dagdag pa nung guest na judge, "Parang happy birthday card lang."

Balik ulit sa bahay nila Bob, nagsisisigaw pa rin si Neri sa labas ng bahay.

"Hoy! Buksan nyo to! Buksan nyo sabi to! Bob---!!! Barbara---! Alam ko na naririnig nyo ko ilabas nyo sya!"

Nagtanong si Bob, "Sinong matatanggal Peter."

"Si Curry, hindi pinakita pero nag-away yan si Curry at si Ate Venus nang dahil lang sa bote ng shampoo."

Natawa si Bob.

Parang winawasak na yung pinto ni Neri sa labas.

"Pedring---!!! Hindi ka na sisikatan talaga ng araw oras na makapasok ako dyan!"

"Hoy! Ang ingay mo!" then kinausap ni Peter si Bob, "Pare sigurado ka, matibay yang pinto na yan."

"Custom made ko yan, ako pa mismo nag-install nyang bakal na pinto na yan, kaya relax ka lang dyan okay."

"Da best ka talaga pare, maaasahan ka talaga."

Tapos nag-apir silang dalawa at tumawa.

"Hahahaha."

Sabay bumukas bigla yung pintuan.

Tumayo agad sila Bob at Barbara at dinala yung mga anak papuntang kwarto.

Sumunod si Peter pero tinulak ni Bob sa mukha si Peter papalabas ng kwarto pagkatapos sinara agad ang pinto.

Pagkalingon ni Peter sa pintuan, pumasok si Neri at humarap sa kanya na may hawak na kutsilyo.

Sumandal si Peter sa pader at natatakot.

Mahinang boses ni Neri, "esta muinyivo diferente gestar."

"Neri, wag kang lalapit Neri kundi sisigaw ako."

Dahan-dahan nang lumalapit si Neri kay Peter, "en la espiritu santi numerosos de la noche testa."

Tumakbo si Peter sa may santo rebulto at binuhat ito sabay tutok kay Neri, "Inaatake ka na naman ng pagkademonyo mo Neri punyemas ka hindi na kita ipaglalaba!"

'CRASH!'

Sumabog mag-isa yung santo rebulto.

Nagboses demonyo na si Neri, "UNA VIAJE CONMIGO GRANDIOSOS GRANDIOSA."

Biglang lumalakas na yung hangin at sa sobrang lakas ng hangin nagsisisigaw na lang si Peter.

"Aaah---!!! Aaah---!!!"

Tumabi na si Neri at dinidilaan leeg at pisngi ni Peter habang sinasayaw yung kutsilyo sa palibot ng ulo nya.

Sumisigaw lang si Peter, "Aaah---!!! Aaah---!!! Aaah---!!! Aaah---!!!"

Hindi nagsasalita si Neri pero may demonyong boses pa ring naririnig, "CUANTO MAS TESTAMENTE ADUMAR EN LA AMORES AQUI, EN LA AMORES AQUI!"

Todo sigaw, "AAAAHHH---!!!"

Tapos may demonyo na kulay pula ang tumabi kay Peter at dinidilaan na din yung pisngi at leeg nya.

"Aaah---!!!"

Kinabukasan, nasa ospital na si Peter at nakahiga sa kama.

Binuhat sya ni Neri at pinaupo sya para subuan ng pagkain.

Puro gasgas ng sugat mukha ni Peter at may black eye at marami ring bondage ang katawan.

Mahinahon na si Neri.

"Yan, simula ngayon, ako na lang mag-aalaga sayo at hindi na kung sinu-sino pa." dagdag pa nya, "Alam mo, napakasaya ko ngayon, hindi ko alam kung pano nangyare sayo yan."

Awkward face lang si Peter.

"Pero ang importante, nagsasama pa rin tayong dalawa ... Ako, at ikaw." sabay sinubuan ni Neri sya.

Pilit na ngumiti lang si Peter.

Pinunasan, "Ang gwapo talaga ng ama ng magiging anak ko."

Isa pang subo ng pagkain.

Sabay may pumasok na lalake.

---

Like this on facebook
http://www.facebook.com/anton.mia.714

- Updates every week -

antonmia

Kwela Nobela 2
"Ang Hindi Ko Siguradong Pag-ibig"
Chapter 19 and 20

Chapter 19

"Mawalang galang po, dito po ba nagpapahinga si Peter Obnorte?"

Tumayo si Neri, "Ay ito nga sya, bakit, sino po sila?"

Ngumiti yung lalake and then nagpakilala.

"Ako nga pala si Florentino Cruz, ako ang nagrerepresinta ng grupo na tinatawag na GABRIEL."

Nagtaka si Neri, "GABRIEL?"

"Tama, kami ang grupong GABRIEL, ipinaglalaban namin ang karapatan ng mga kalalakihang naaabuso at naging biktima ng domestic violence."

May pumasok na dalawang malalaking katawan na mga bodyguards.

"... Ano bang kailangan nyo sa amin? Pwede ba, umalis na lang kayo, at nagpapahinga pa magiging asawa ko."

Tinutulak ni Neri si Florentino pero ayaw umalis.

"Layas! Layas!"

Nagbigay ng signal si Florentino.

Hinawakan si Neri ng dalawang bodyguards.

Walang imik lang si Peter.

"Bitawan nyo ko!" nagpupumiglas si Neri, "Bitawan nyo ko sabe! Tulong! Tulungan nyo kame dito---!"

Pumasok nanay ni Neri, "Hoy kayo! Kayo anong ginagawa nyo sa anak ko! Bitawan nyo anak ko!"

Pinapalo ng pamaypay yung bodyguards.

"Bitawan nyo sabe!"

Binitawan na.

"Mama hu---." umiyak si Neri sabay yakap sa nanay.

"Okay na anak, nandito na si Mama." sabay sigaw, "Hoy kayo! Hindi kami natatakot sa inyo, sino bang mga hudas kayo!"

May pinakitang papel, "Hawak namin ang dokumento na nagpapatunay, na ang lalaking ito ay pinagsasaksak daw ng kutsilyo ng maraming beses, tama ba?"

Sumagot yung byenan, "Oo! Oo tama! Magpasalamat pa nga yang damuhong yan at hindi napuruhan eh."

Pinalo si Peter sa ulo.

"Ang lakas ba naman ng loob na magloko at mambabae, at take note, doon pa sa napapanood ng libu-libong mga tao, hindi na nahiya ang walanghiya!" binatukan si Peter, "Kung ako lang, kulang pa nga yan eh, tinuluyan na dapat ng anak ko yan eh."

Pinapalo na ng pamaypay ng byenan si Peter.

Hinaharang na ng isang bodyguard.

"Kunin mo na lang." sabi ni Florentino.

Nakipag-hilahan pa yung byenan sa bodyguard pero naagaw din yung pamaypay.

Sabay binatukan na lang sa ulo si Peter ng kamay nya.

"Misis, itigil nyo na yan!" galit na sabi ni Florentino, "Kundi mapipilitan kaming ipakulong din kayo!"

"Heh!" sabay tumabi sa anak.

"Peter, karapatan mo ang maproteksyunan mo ang yong sarili sa mga ganitong uri ng tao ... Mga mapang-abusong malulupit na mga tao."

Awkward face lang yung byenan.

"Mapalad ka aking kapatid, kami, ang mga kapatid mo sa grupong GABRIEL, ang magtuturo ng leksyon sa mga katulad nila ... Hinding-hindi ka na muling masasaktan pa."

Nagsalita si Peter na paos na paos ang boses.

"Bukas, luluhod din ang mga tala."

Sa may site ng pagtitipon, lahat ay puro mga nakasuot na puting damit ang mga tao. Lahat din ay mapapansin ay puro mga kalalakihang mga kasapi rin ng grupong GABRIEL.

Pati rin yung mga babae ay nakaputi lahat ang suot, yun nga lang nakaposas at nakakadena ng magkakadugtong.

Kasama na dito sila Neri at ang nanay nya.

Dumadaan si Florentino, "Pakisabe, asikasuhin yung mic sa stage, i-sound testing muna bago tayo magsimula mamaya."

"Opo sir." and then umalis na yung isa.

"Hoy lalake!" tinawag ng byenan si Florentino, "Eh ba't ba kailangan pati ako kasama hindi naman ako yung nanaksak."

"Ma, dito ka lang." sinaway ni Neri.

"Heh! Tumigil ka! Pati ako nadadamay."

"Lahat ng nang-aapi ay dapat ikadena, yan ang layunin ng misyon nato." dagdag pa ni Florentino, "Kaya kung ayaw mong makulong ang anak mo, sumunod na lang kayo."

Umalis na sya.

"Madapa ka sana, panget!"

Tapos nag-ring cellphone ng byenan.

"Hello?"

Sabi sa kabilang linya, "Hoy mare, anong ginagawa mo sa TV nakakadena ka?"

"TV? Asan? Nasa TV ako ngayon?"

"Oo, yan o, pinapanood ko ngayon dito sa bahay."

"Anak nasa TV daw tayo ngayon magpaganda ka."

"Ba't ka ba naka-posas?"

"Yun ba namang magaling na sinasabi ko sayong mamanugangin, aba'y sya na tong nambabae, kami pa tong kinadena! Sino ba namang hindi mapepeste sa buhay nato."

Chapter 20

Meanwhile, inihatid ni Bob ang isang babae sa kanyang taxi.

"Ito po yung bayad manong." sabi nung babae, "Kung papayag po kayong maghintay, thirty minutes lang po ako dyan tapos uuwi na ko."

"Sasakay po ulit kayo? O sige Ma'am walang problema sa kin po yun, ire-reset ko na lang ulit mamaya yung metro."

"Salamat ah."

Sa labas, bumili si Bob ng dyaryo at bago nya basahin ito, may napansin sya sa may restaurant. Sa may loob nito, may nag-uusap na mag-asawa at isang lalaking nakasalamin.

Tumayo sa labas ng glass window si Bob at tama ang hinala nya, yung lalake nga yung illegal recruiter na nanloko sa kanilang mag-asawa.

Tinignan nya yung mag-asawa na masayang-masaya at na-picture nya na sila ni Barbara sila dati.

Sa loob, kumuha si Bob ng maleta at ibinigay sa lalake, sabay binuksan nya to at punung-puno ng pera ang maleta.

Napangiti na ngayon yung lalake at nagpakita ng papeles sa kanilang mag-asawa.

Kinausap sila at nagsabe, "Pakipirma na lang po to."

Pumirma sila Bob at Barbara na masayang-masaya.

Ngayon, kinamayan ng lalake ang ibang mag-asawa na, "Congratulations, you are the new owners of this business venture."

Sumagot sila, "Maraming salamat, maraming salamat po."

And then nagpaalam na yung lalake dala-dala yung maleta.

Sinundan ni Bob sya hanggang sa lumabas ng restaurant ito. Pagkalabas, hinarangan nya yung taong nangloko sa kanya.

"Excuse me, nakaharang ka sa daan." sabi nung con man.

"Natatandaan mo ba ko? Ako ang isa sa mga niloko mo dati."

Nilakaran lang, "Wala akong alam sa sinasabi mo, baka ibang tao yon."

Nagalit si Bob at hinawakan yung damit sa leeg nung con man, "Ibalik mo perang ninakaw mo sa ming mag-asawa!"

"Nababaliw ka na ba? Bitawan mo ko! Bitawan mo ko sabe!"

"Ibalik mo muna mga ninakaw mo sa min! Ibalik mo na!" idinikdik ni Bob sya sa pader.

May dalawang patrol guards ang lumapit at humawak kay Bob.

"Wag ako ang hulihin nyo, magnanakaw ang isang yan sya ang hulihin nyo!"

Wala na yung con man.

Sumigaw yung babae kanina sa restaurant, "Hoy! Bumalik ka dito! Peke tong papeles na ibinigay mo sa amin! Ibalik mo pera namin hoy!"

Nakita ni Bob na tumatakbo na yung con man.

"Bitawan nyo ko!" tapos hinabol ni Bob sabay takbo.

Nag-report sa radyo yung guard samantalang umiyak yung babae sa asawa nito.

Hinahabol na ni Bob yung tumatakbong conman hanggang sa mapadpad sila sa pinangyayarihan ng grupong GABRIEL.

Sa gitna ng napakaraming tao na nakaputi, nagpakalat ng maraming pera yung con man at nagkumpulan ang mga ito sa dinadaanan ni Bob.

"Pera!" tuwang-tuwa yung mga tao na puro mga lalake.

Nahirapan tuloy si Bob na mahabol yung con man sabay litaw ni Peter na nakaputing damit.

"Bob anong ginagawa mo dito? Pera o."

"Tumabi ka dyan may hinahabol ako!" tinulak si Peter sa mukha nito.

Pumunta diretso yung conman sa may mall.

Sa loob ng CR, pumunta sya sa may out of order na stool at binuksan yung inodoro at may kinuhang bag. Nagpalit sya ng damit at nilipat lahat ng pera sa may backpack.

Naghahanap pa rin si Bob sa kung saan-saan at umakyat ng escalator.

Habang sumasakay sya papaakyat ng escalator, may napansin syang lalakeng naka-sumbrero. Pagkatapos ay ngumiti ito.

"Ikaw! Tigil!" sigaw ni Bob.

Lumiko agad yung lalake sa may kanto.

Hinabol ito ni Bob, at pagkalapit sa lalake na nakikipag-usap sa cellphone, paglingon nito ay ibang tao pala yon.

" ... Sorry."

Umalis na yung lalake.

Lumingon-lingon si Bob habang hinihingal na.

Sa site ng grupong GABRIEL, nasa stage si Peter at nagsasalita.

"Tumawag si Neri ng kampon ng kadiliman bago nya ko pinagsasaksak ng kutsilyo at nireyp ng anim na oras."

"Napakawalanghiyang babae talaga." dagdag pa ni Florentino, "Isa lang si kapatid na Peter ang naging biktima ng mga babaeng tumatawag ng kampon ng kadiliman at sa kasamaang palad, isa rin ako sa naging biktima rin non ... Kulay pula di ba?"

Sumagot si Peter sa mic, "Opo, at wag nyo pong kalimutang manood ng Project Runway Philippines, alas-otso ng gabi, araw ng Linggo."

---

All Chapters here
http://www.facebook.com/anton.mia.714

- Updates every week -

antonmia

Kwela Nobela 2
"Ang Hindi Ko Siguradong Pag-ibig"
Chapter 21 and 22

Chapter 21

"Maraming salamat kapatid na Peter, maaari ka nang umupo." bumaba si Florentino ng stage at naglakad, "Aking mga kapatid, narito tayo ngayon para buksan ang mga mata at bigyan ng leksyon ang mga makasalanang mga babaeng ito ... Tatanungin ko kayo, papayag ba kayong hayaan na lang nilang tapak-tapakan at yurakan ang inyong pagkalalake!"

Lahat sumigaw, "Hinde!!!"

"Papayag ba kayong mura-murahin na lang at ipahiya sa maraming tao kahit sa mga pagkakataong wala naman talaga kayong kasalanan!"

Lahat sumigaw, "Hinde!!!"

Lumapit si Florentino sa mga babae, "Tumingin kayo, tignan nyo silang mabute, bawat isa sa kanila ay may ginawang mas malala pa kaysa sa mga taong nakakulong sa Muntinlupa, mas malala pa kaysa sa corrupt na gobyerno na gumugutom sa ating mga kababayan ... Isa lang silang babae, tama ... Mahina, walang laban, at dapat protektahan ... Pero kung sila pa mismo ang umaatake sa atin, eh tayo! Tayong mga kalalakihan ang nagiging mahina! Tayo ang nagiging walang laban sa kanila! At tanging tayo lang ang makakaprotekta laban sa mga mapang-abusong mga babaeng katulad nila! Kaya ano pang hinihintay nating lahat! Parusahan na sila!!!"

Lahat sumigaw, "Oo!!!"

Then may hinihilang papatayo na malaking istatwa ng may sungay na babae sa ibabaw ng float vehicle na kung saan nakaupo lahat ng mga babaeng nakakadena, pagkatapos ay umandar na ito ng dahan-dahan.

Lumapit si Peter kay Florentino, "Ah boss, sir."

"Kapatid na Peter, Florentino na lang."

"Ah kapatid na Florentino, nag-aalala lang kasi ako, buntis kasi si Neri eh, baka..."

"Wag kang mag-alala, ang parusa naming gagawin ay pregnant-friendly, sinigurado yan ng mga abogado namin."

"Ganon ba ... Susundan ko na lang si Neri kung ganon."

"Medyo dumistansya ka lang, mga makasalanan lang kasi ang binubuhusan para malinis ang kanilang mga kasalanan."

Natatakot si Neri, "Mama, saan nila tayo dadalhin."

"Ewan ko anak, Diyos na lang ang bahala sa tin."

Then may nagtapon sa kanila ng tubig.

"Aaah---!"

Sunud-sunod na ang pagbuhos sa kanila ng tubig ng mga lalaking kasapi ng grupong GABRIEL.

Karamihan sa kanila ay meron ding sinasabi habang nagbubuhos.

- "Mga wala kayong mga kaluluwa!"

- "Hindi dapat kayong kaawaan!"

- "Mga hayop lang ang mga walang konsensya!"

Meron ding isang lalake ang lumapit masyado sa mga babae at sinigawan yung byenan.

"Mabubulok kayong kasing baho ng kilikili ko HAHAHAHA!!!"

Pagkatapos ay tinulak sya pabalik ng pulis na nagbabantay at naka-kapote.

Sa sobarang dami pa nung iba, mahaba pa ang daanan na puro kasapi ng grupo na naghihintay para buhusan sila.

Sa may istasyon ng tren, may matandang matabang lalake ang nakaupo sa bench.

Pagkatapos ay may tumabi sa kanya, si Bob.

Sabi ni Bob, "Ano, kaya mo pa bang tumakbo? Kasi hahabulin lang ulit kita."

Napangiti yung matanda, "Hindi na kailangan, pagod na rin siguro ako ... Pano mo nalamang ako ito?"

"Napansin ko kasi sa malayo na may ginagawa ka madalas sa ulo mo para lang makahinga ng maayos, may asthma rin kasi isa sa mga anak ko, parehas kayo ... Pangalawa, pag-upo ko dito, naamoy ko ulit yung pabango mo ... At siguro yung pangatlo, kung hahayaan mo kong tignan laman ng dala mong bag."

" ... Magaling Bob, nahuli mo na rin ako sa wakas." pagkatapos ay sinira nya yung synthetic mask sa ulo nya.

... Isa pala syang babae.

"Kamusta Bob, ikaw pa lang ang kauna-unahang tao na nakita totoong itsura ko bilang con man."

Nagulat lang si Bob.

Nagkwento yung babae, "Malupit ang mundo sa kin, ang una kong niloko at winasak ang buhay ay yung guro kong gumahasa sa kin nung nag-aaral pa ko ... Pangalawa yung mga kamag-anak kong trumato sa kin na parang hayop dahil lang sa wala na kong mga magulang ... Hanggang sa naging isang libo na sila, at ikaw yon Bob, ang buong akala ko ay titigil na ko pagkatapos ko sa inyong mag-asawa ... Pero naisip ko na kung hindi ako magmamalupit sa kanila, sila ang magiging malupit sa kin ... At ayoko nang bumalik ulit sa pinagmamalupitan nila ako." sabay luha nya.

Ngumiti na yung babae kay Bob, pagkatapos ay tumuntong sa ibabaw ng harang.

Nabigla si Bob, "Teka lang anong gagawin mo!"

Mukhang masayang-masaya yung babae, "Salamat Bob! Sa paghuli mo sa kin! Isang malaking karangalan para sa kin ang naloko ko ang isang tulad mo!"

Pumikit yung babae na may ngiti sa labi at sumandal na sa kawalan.

Tuluyan na syang nahulog sa kalsada sa ibaba na maraming tumatakbong mga sasakyan.

Chapter 22

Tumingin si Bob at nakitang patay na yung babae sa lupa.

:: Sa buhay, simple lang ang mangarap, ang mangarap na maging normal ang buhay. ::

Tumigil na yung float vehicle at nagsisiuwian na yung mga kasapi ng grupong GABRIEL.

Tinanggal na ni Florentino ang posas ni Neri na basang-basa sa tubig.

Pagkatapos ay niyakap naman ni Neri si Florentino.

:: Ang magkaroon ng laging magmamahal sayo anuman ang maging pagsubok na dumating sa buhay. ::

Habang nakayakap, napansin ni Neri si Peter na nakangiti at kumakaway sa kanya sa malayo.

Kinausap ni Neri si Florentino, "Maraming salamat."

Pagkatapos ay tumakbo si Neri papunta kay Peter.

Nagyakapan silang dalawa.

Mukhang disappointed naman yung byenan kay Neri.

"Tara na uwi na tayo." sabi ni Neri na masayang-masaya.

Binigyan sila ng grupo ng kumot at ibinalot ni Peter ito kay Neri.

:: Ang masuportahan ang pamilya at masiguro ang kinabukasan ng mga anak. ::

Umuwi si Bob dala yung bag.

Pagkabukas nila Barbara nito, maraming pera ang laman nito, meron ding mga mamahaling diamante at hindi mabilang na mga ginto.

Tuwang-tuwa sila at nagyakapan.

Nagkaroon na rin si Barbara ng sariling Italian Restaurant at nag-ribbon cutting sila para sa first day opening ng restaurant nila.

:: At ang magkaroon ng maraming kaibigan na dadalo sa pinakamasayang araw ng buhay mo. ::

Sa loob ng simbahan ay maraming tao kasama na rin ang buong cast ng Project Runway at kumpleto rin ang mga judges.

Pagkatingin ni Peter sa kabilang dulo, nagpakita na si Neri na naka-wedding dress.

Napangiti sya at naluha na rin.

Later, kinakasal na sila ng pari, "Do you, Peter Obnorte, take Neri Montano, to be your beloved dear wife?"

"I do." sabi ni Peter.

"Do you, Neri Montano, take Peter Obnorte, to be your beloved dear husband?"

"I do." sabi ni Neri.

:: Simple lang talaga ang mangarap ... Ang katuparan, na maging masaya sa buhay. ::

Lumabas na sila Peter at Neri sa simbahan na masayang-masaya habang binabati sila ng mga tao, at sumakay na sila ng kotse.

5th EPISODE

Ending agad, na-eliminate na si Peter sa wedding challenge ng Project Runway.

Confessional clip ni Peter na umiiyak, "Itaga nyo sa bato, hinding-hindi na ko magpapakasal nang dahil sa inyo hu--- ... Makonsensya sana kayo sa pagtanggal nyo sa kin hindi sana kayo makatulog sa gabi hu--- ... Binigyan nyo ko ng phobia na sa wedding dress, mga walanghiya kayo." iyak na lang.

Umiiyak pa rin si Peter habang pinupulot na yung mga gamit nya sa table, pagkatapos ay pinatay na ang ilaw.

THE END.

---

All Chapters here
http://www.facebook.com/anton.mia.714

- Updates every week -