News:

If this is your first time to visit, you might have to register here before you can post.

Main Menu

Kwela Nobela 2 (The End of the World)

Started by antonmia, May 15, 2014, 11:13:08 AM

Previous topic - Next topic

antonmia

Kwela Nobela 2
"Ang Hindi Ko Siguradong Pag-ibig"
Chapters 23 and 24

Chapter 23

EXTENDED STORY

May bagong kapitbahay sila, yung mga trabahador ay nilalagay na yung mga gamit papasok sa bahay.

Kasama sa mga usisero na mga kapitbahay ay sila Bob, Peter at Leo na gustong makita kung sino yung bagong lilipat na may-ari sa lugar nila.

"Sino daw yung bagong lipat?" tanong ni Leo.

"Wala pa, hindi pa nagpapakita." sabi ni Peter.

"Akala ko ba nasa honeymoon ka, ang aga naman ng uwe."

"Mapapaaga ka talaga ng uwe kung kasama mo byenan mo sa honeymoon."

Natawa si Bob, "Kasama mo yung byenan mo sa honeymoon? Ang kapal naman ng mukha non."

"Sing kapal ng bloke ng simento." dagdag pa ni Peter, "Tinanong ko nga byenan ko eh, alam nyo po ba yung salitang cockblock? Ang sagot nya, ba't don ba tayo pupunta? Gusto ko sana sa malamig na lugar ... Umuo na lang ako."

"Mas demanding pa sa pupuntahan nyong mag-asawa."

Sa malayo, sumigaw yung byenan, "Pedring! Umuwi ka nga muna, may kailangan ako sayo!"

Pakanta, "Coming mother."

"Dalian mo!" then pumasok na sa bahay yung byenan.

Nakatayo lang si Peter.

Nagtaka si Bob, " ... Di ka ba papasok sa loob? Puntahan mo na byenan mo don."

"Hayaan mo yun, nang makahalata na ayaw ko sa kanya." napangiti si Peter.

"Sumbong kita." sabi ni Leo.

"Sumbong mo, samahan pa kita eh."

Dagdag pa ni Leo, "Sasabihin ko, alam nyo po, ang sabi ni Peter, sa sobrang laki daw ng bunganga nyo, lima dapat dila nyo."

Natawa sila Bob at Peter.

"Ang gusto ko sanang kotse bago ako tumanda, eh yung lumilipad." sabi ni Peter.

Nag-comment si Bob, "Baka naman kailangang may riles yon para umandar."

"Lumilipad nga eh."

"Para nga lumipad, kailangang may riles."

"San mo ilalagay yung riles." natatatawa lang si Peter.

"Ang sa kin lang, kailangang may riles para lumipad."

Nagtaka si Leo, "Lilipad nga eh, ba't may riles pa."

"Yung kotse ni Bob para lumipad, nakakabit sa riles."

Napapangiti lang si Leo.

Merong tumuntong sa nakataob na ref na medyo ermitanyo ang dating.

"Mga kapatid kong taga-rito, ang mabuting salita ng Diyos ay nakarating na sa kin ... Gugunawin na daw nya ang mundo dahil sa pakikialam ng mga taong ayaw makontento sa kung anong pinagkaloob nya para sa ating lahat."

"Ano bang pinagsasabi neto?" nagtaka si Peter.

"Baliw na yata." sabi ng isa pang kapitbahay.

Dagdag pa ng ermitanyo, "Babaguhin ng mga tao ang balanse ng mundo at yon ang magiging hudyat ng simula ng pagkagunaw ... Kaya kung sino ka mang tagapagdala ng pagkawasak! Mas mabuti pang itigil mo na! Itigil mo na hangga't maaga pa! Huwag mo nang hintayin ang pag-iyak ng napakaraming sanggol na mawalan ng mga magulang, mawalan ng magkakalinga para sa kanila, at dito mismo sa lugar natin..."

Pagkatapos ay may dalagang pumigil sa matanda, "Itay tama na po yan ... Halika na po sa loob."

"Pero hindi pa ko tapos magbigay ng babala sa kanila."

"Um." at humingi ng patawad yung babae sa mga tao, "Pasensya na po, pasensya na po sa abala."

Sumigaw ulit yung matanda, "Magbago na kayong lahat! Walang makakapigil ng pagkagunaw kundi kayo lang!"

Tawanan lang yung mga tao sabay umalis na.

"Tara na po itay."

Pumasok na sila sa loob ng kanilang bahay.

"May topak pala yung isang yon eh." sabi nung usisero.

"Uwi na rin ako." paalam ni Leo.

Umalis na ang lahat.

Sa loob ng bahay ni Peter merong kausap yung byenan nya na manghuhula.

Tumabi si Peter sa byenan nya, awkward face lang sya sa ginagawang ritwal ng manghuhula.

Habang nakapikit, ang sabi ng manghuhula, "May nakikita ako, nakikita ko sa bolang kristal nato na malapit na ang pagkagunaw ng mundo."

Nagulat yung byenan, "Naku! Mukhang delikado po yan ... Ano po dapat naming gawin."

"Una sa lahat, kailangang magkaroon kayo neto."

"Ano po yan?"

"Kwintas to na magproprotekta sa inyo kung sakali mang nagugunaw na ang mundo."

"Ay kailangan po namin yan." pag-aatubili ng byenan.

"Singkwenta pesos po bawat isa, ilan po kukunin nyo?"

"Bale, tatlo po kami dito sa bahay ... Tatlo po."

"Mama, wag nga kayong magpapaniwala ... Niloloko lang kayo nyan." pagpigil ni Peter.

Hinampas ng byenan si Peter, "Ikaw nga wag ka ngang maging bastos sa bisita ... Pagpasensyahan nyo na po to, lumaking walang manners tong asawa ng anak ko ... Eto po yung bayad."

"Ikaw iho." tinuro ng manghuhula si Peter, "May nararamdaman akong galit dyan sa puso mo."

"Um, ako? Wala ah."

"Meron ... At para patunayan yan, tumingin ka sa orasang kwintas nato." nag-swing ang manghuhula ng orasan nya, "Sabihin mo, sino ba itong kinasusuklaman mo ... Magsabe ka ng totoo, magsabe ka ng totoo, magsabe ka ng totoo..."

Paulit-ulit na sinabi ng manghuhula yon at nawalan ng ulirat si Peter, dilat lang ang mga mata nya at namalayan na lang nyang nasa ibang lugar na pala sya.

"Nasan na ko." pagtataka nya, "Tao po? May tao po ba dito?"

"Pedring!"

"Neri? Neri ikaw ba yan? Nasan ka?"

"Pedring halika dito, nandito ako."

Tumakbo si Peter sa direksyon na yon.

Sa malayo, nakita nya ang isang batang babae at nilapitan nya to.

"Neri?" nagtaka si Peter.

"Ako nga to Pedring ... Halika umupo ka, tabihan mo ko dito."

Ginawa nga yon ni Peter at nagtanong, "Nasan ba tayo ngayon?"

"Hindi ko pa alam Pedring, pero nandito ka para malaman mo kung anong galit ang bumabalot dyan sa puso mo."

Chapter 24

"Ganun ba ... Pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula."

"O sige tutulungan kita." may kinuha si Neri na mga cardboards, "Sabihin mo agad kung ano ang nasa isip mo kapag nabasa mo na ang salita ... Handa ka na?"

May pinakitang cardboard kay Peter.

Sumagot agad, "Ang nanay mo."

May pinakitang iba.

"Ang nanay mo."

May pinakitang iba ulit.

"Ang nanay mo."

May pinakitang iba pa ulit.

"Sigurado akong ang nanay mo."

"Hmm." nagtaka yung bata, "Alam mo kung anong intrisante sa resultang ito, walang nakasulat sa lahat ng cardboards na pinakita ko sayo ... Alam mo bang ibig sabihin non?"

"'gasp!' May naaalala na ko, nung mga panahong nililigawan kita hanggang sa naging asawa kita."

Iba't ibang pangyayare ni Peter.

- Ipininta ni Peter yung byenan nya at ibinigay to sa kanya ... Ipinukpok lang ng byenan yung canvas kay Peter at lumusot yung ulo ni Peter sa painting ... Nalungkot pagkatapos si Peter.

- Nag-bake ng cake si Peter at ibinigay to sa byenan nya ... Dumakot ng cake byenan nya at ipinahid to sa buong mukha ni Peter sabay hinawakan ng byenan ulo ni Peter at ibinagsak sa cake yung mukha nya ... Nalungkot pagkatapos si Peter.

- Binigyan ng maraming pera ni Peter byenan nya ... Kinuha lahat ng byenan ang pera pagkatapos ay sinampal nang malakas sa mukha si Peter sabay nag-walk out ... Nalungkot pagkatapos si Peter sabay may binatong cream pie sa mukha nya, nalungkot ulit si Peter pagkatapos.

- Naghubad ng tuwalya si Peter sa harap ng byenan nya, hubo't hubad lahat si Peter at walang damit ... Nagtakip ng mata yung byenan nya at nagsisisigaw sabay sinipa sa b a y a g si Peter pagkatapos ay tumakbo ... Lumuha si Peter sa sakit sa pagkakasipa sa kanya.

Balik ulit sa kanila.

"Naalala ko na, naalala ko nang lahat ... Siguro wala akong inisip dati kundi ang tanggapin lang ako ng byenan ko, pero dahil sa kahit na anong gawin ko, laging galit na lang sa kin ang byenan ko, kaya natutunan ko ring magalit na lang sa kanya para maging patas kami."

Nag-agree ang bata, " ... Pedring, kung talagang mahal mo ako, ipangako mong buburahin mo na sa puso mo itong galit na nararamdaman mo ... Alang-alang na lang sa akin, magagawa mo ba yon?"

"I don't know." nag-alangan si Peter, "Medyo naniniwala kasi ako sa kasabihan na, wag mong pilitin ang taong ayaw ... Alam mo bang hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam pangalan ng nanay mo ... Nung minsang tinanong ko sya kung anong pangalan nya, sinigawan lang nya ko ng eat your vegetables! ... At kumain ako ng banana sa paraang hindi dapat gawin ng isang tunay na lalake."

"Pedring, mahal ka ng nanay ko, at tanggap ka rin nya ng buong puso ... Sigurado akong sa oras na masiguro mo to, sya na mismo ang magsasabi ng pangalan nya sayo."

Walang imik lang si Peter.

Ngumiti yung bata pagkatapos ay naging tubig.

Nagulat na lang si Peter at nahulog sya sa gitna ng malalim na tubig at umahon sa itaas na umuulan.

Humingi sya ng saklolo, "Tulong! Tulong nalulunod ako! Tulong! Tulungan nyo ko!"

Balik na ulit sa bahay nila.

Sumisigaw pa rin ng tulong si Peter sa sahig habang lumalangoy na parang nakataob na aso.

"Hoy Pedring!" hinampas ng byenan sya, "Pedring ano bang pinaggagagawa mo! ... Hoy!"

"Tulong ..." nagkamalay na si Peter, "Nasan na ko, nasan na yung manghuhula?"

"Kanina pang umalis, na-wirduhan na sa pinaggagagawa mo."

"Ganun ba." tumabi ulit sa byenan, "Mama, ano po bang pangalan nyo?"

Sumigaw, "Eat your vegetables!"

Naglabas sya ng malaking banana at ibinigay kay Peter sabay walk out.

"Okay." malungkot na nilunok ni Peter yung malaking banana ng isang subuan lang.

Balita sa TV.

"Magandang araw Pilipinas si Tom Benilde po ulit ito ... Sa ibang mga balita, nakakuha ng witness ang source po namin tungkol sa mga nawawalang mga mangingisda nung nakaraang araw lang ... At para sa iba pang mga detalye, ito po ang foreigner correspondent namin na si Britney Smith, na ayaw na ayaw nya talaga sa salitang Tagalog ... Britney, come in."

Sa ibang lokasyon, may blonde na foreigner ang nag-report.

"Yes thanks Tom, hate na hate ko talaga ang salitang Tagalog ... And I am here right now with the one that saw entirely everything, as in all of it, before all the fishermen went missing ... Let us now ask him, or ask, it to be precised."

Nakatutok yung mic sa dagat na background at nagsalita ito.

"Oh my God, nalerkey aketch nang biglang nag-woosh at winash away all the tears ng mga na-chorvang mga papamen ... Hindi ko talaga kineri na magpigil, kasi it happen na lang all of a sudden ... Parang break up lang nila Papa Derek Ramsay at Angelica, na-knowing na lang natin nung tapos na."

---

All Chapters here
http://www.facebook.com/anton.mia.714

- Updates every week -

antonmia

Kwela Nobela 2
"Ang Hindi Ko Siguradong Pag-ibig"
Chapters 25 and 26

Chapter 25

Balik sa studio.

"Are you kidding me." sabi ni Tom, "Nag-iinterview na tayo ngayon ng mga dagat."

Nagtanong si Jess na isa pang anchor woman, "Ah Britney, pakitanong nga ulit yung dagat kung nakita nya ba kung nasan na ngayon yung mga mangingisda."

Balik sa field.

"Yes Jess, hate ko talaga salitang Tagalog, but instead of doing that, we will ask another witness that truly knows where the missing fishermen are."

Nakatutok yung mic sa isang dolphin at nagsalita ito.

"O.M.G., OMG talaga, I'm like making tsismis to my mga amigang dolphins and all of a sudden, nagulantang lahat kami sa mga nagbabagsakang mga papamen mula sa heaven, I'm like, aaah---!!! Kakainin ko na mga to! Magsitabi lahat kayo---!!! Pero as usual, dumating na naman si bading na butanding, sinolo na naman lahat ng mga papamen ... Wala na lang kaming nagawa ng mga ka-amiga ko kundi mag-fly away na lang sa scene."

Balik sa studio.

Awkward face lang si Tom, " ... Kailan pa tayo naging comedy? I mean really? Mapera na lang kung talagang nagsasalita yung mga yon at ganon talaga ang nangyare." may naririnig sya sa earphone nya, "Um, ah, ah ganon ba, okay then ... Talagang ganon nga talaga ang nangyare ... Anyway, isang scientist ng Pilipinas ang nakahanap ng paraan para gawing habitable ang planetang Venus na maging katulad na katulad ng planetang Earth ... And live at kausap natin ngayon via skype, si Prof. Napoleon Maghirang para sa kanyang progreso ... Professor Maghirang? Naririnig nyo po ba ako ngayon?"

"Yes yes, naririnig na kita Tom."

"Maaari nyo po bang ipaliwanag sa publiko kung ano po tong newest development na I believe, hindi pa alam sa buong mundo."

"Yes opo ... Ang research team po namin dito, ay nakahanap na ng paraan para mahila ang planetang Venus, papalayo po sa araw, at ang device na gagamitin para sa misyon na yon ay tinatawag naming gravity tractor ... At tamang-tama, ni-launch na namin papuntang space na ngayon, ang device naming yon, panoorin nyo."

Video clip ng rocket launch papataas ng atmosphere

Balik sa studio.

"At ano naman po tong sinasabi nyong gravity tractor device na ito, maaari nyo rin po bang ipaliwanag?"

"Yes of course, hihilahin ng gravity tractor device ang planetang Venus at ilalagay ito sa kabilang dako ng kaparehas ng axis ng Earth para maging hospitable ang atmosphere nito sa hinaharap na future ... Yon po yung inaasahan naming mangyare."

"Maraming salamat, Professor Maghirang."

"At saka Tom, ipapahabol ko lang, oras na nakarating ang last na parte ng device namin sa space, manghihiram ito ng gravity sa Earth para mapabilis ang proseso ng paglipat ng planetang Venus sa tamang destinasyon nito ... Mangyayari ang borrowing of gravity event, sa may Baywalk along Roxas Boulevard ... Mawawala ang gravity sa area lang na yon ng eksaktong ten minutes kaya inaanyayahan ko ang lahat na magpunta doon at saksihan ang umpisa ng pagbangon ng makabagong teknolohiya ng bansang Pilipinas."

6th EPISODE

Sabi ni Tweetie de Leon sa intro, "This is Project Runway Philippines."

Naghihintay lahat ng designers sa may lobby sabay labas ni Tweetie at Sir Jojie.

"Good morning designers." sabi ni Tweetie, "We are now here in Cultural Center of the Philippines and we are all here for your next challenge ... But before that, let us first reveal the twist of this challenge ... Everyone, please look to your right."

Lahat tumingin sa kanan.

Lumabas si Peter na tumatakbo papalapit sa kanila.

Lahat napangite.

Confessional clip ni Raymond, "Diyos ko, pagbangon ko kaninang umaga eh ang sama-sama ng pakiramdam ko ... Lalong sumama yata nung nakita ko pagmumukha ni Peter."

Tumabi si Peter kay Tweetie na nakangiti.

"How are you Peter ... And that's not all, everyone, please look behind you."

Lahat tumingin sa likod nila.

Lumabas si Curry na naglalakad papunta sa kanila.

Lahat nagtawanan.

Confessional clip ni Andrea, "Ayun ... Actually hindi ko pa ma-process yung nangyayare paglabas ni Curry, kasi naghihintay pa ko kung sino pa isusunod nila sa kanya ... Ba't sila nagsusulputan? Ganon lang ako."

"Curry how are you." Dagdag pa ni Tweetie, "Peter and Curry are both here because they are the last two people that has been eliminated in this competition ... But now, we will be returning them back in the game."

Chapter 26

Nagulat yung iba.

"Peter, Curry, please join your fellow designers."

Ginawa nila yon.

"Them joining again only means, we will be eliminating, not one, but three designers for this challenge."

Confessional clip ni Andrea, "Natakot ako nung sinabi ni Tweetie na three designers daw ang uuwing luhaan agad-agad ... I don't know, I don't know what to do, bahala na si Batman sa kin."

Sabi pa ni Tweetie, "Peter, Curry, it only means in order for you to stay in this competition, one of you should only win this challenge."

Nag-agree silang dalawa.

"Now let us meet your models."

May mga naka-civilian na mga tao na nagpakita.

Inexplain ni Sir Jojie, "Designers, these are some of the registered members of the Philippine Dance Society, from break dancers, to pole dancers ... And for your next challenge, you will be creating an outfit that suits their dancing style."

Nag-agree ang lahat.

"This is a very special challenge." sabi ni Tweetie, "Instead of the usual runway, this time, we will be judging your works, also on how it moves on the dance floor ... So designers, are you already excited? Let's pair you up now."

Confessional clip ni Curry, "Nag-iiyak talaga ako nung pagkauwi ko after I got eliminated ... Tapos heto na naman, nandito na naman ako, paiiyakin na naman ako ng Project Runway nato, ang sama-sama ninyo ... Anyway, kakaiba ang nakuha ko, yung iba kasi grupo-grupo like yung break dancers, ethnic dancers, pole dancers, at yung pares na ballroom dancers ... Yung sa kin nag-iisa lang syang ballad dancer pero nakatulong naman din yung dinala nyang portfolio nung mga previous nyang naisuot from before."

Confessional clip ni Peter, "Very challenging, yung challenge nato para sa kin." natawa, "Una sa lahat, kailangan kong manalo ... Pangalawa, wala masyadong variety yung pinakadamit ng isang pole dancer kundi one-piece bathing suit lang at best ... Pinag-iisip talaga ako netong Project Runway."

Bumili na sila ng mga fabrics.

Sa sewing room, nagtatawanan sila Carla at Peter.

Confessional clip ni Carla, "I know naman nakakakuha ako ng mga titig minsan sa mga tao sa paligid-ligid, I mean I'm aware naman na may fiancee si Peter and everything, pero nag-usap na kami ni Peter dati na mutual understanding lang feelings namin sa isa't isa ... Soul mates kami pero, not in a romantic way ... Ganon lang."

"Nagbalik pa si Peter, eh ang yaman-yaman mo na ... Di ba mayaman ka naman na Peter?" pabiro ni Carla.

"Teka lang, magtitinda pa ko ng balot at penoy mamayang gabi."

Natawa si Carla.

"Si Curry tanungin mo kung mayaman, tatlo aircon nyan, sa banyo lang." sabi ni Peter.

Confessional clip ni Richard, "I was not upset or anything when Peter and Curry came back to the competition again, both of them are the life of the party ... It's always good to have that kind of energy around."

Sa workroom.

Sa malayo, sumigaw si Curry, "Hoy Peter! Magpatalo ka ah ... Para ako manalo."

Walang imik si Peter, busy lang sa table nya.

"Peter! Sabi ko magpatalo ka!"

"Oo ba ... Alam mo namang labs kita eh, labs kitang patayin."

Natawa si Christian, "Alam mo, bagay kayong dalawa Peter."

"Sino, si Curry?" sabi ni Peter.

Nagtanong si Christian, "Kung kayo magkakatuluyan, saan first date nyo?"

" ... Pupunta kami sa forest, tapos iiwan ko sya doon."

Natawa si Christian.

Dagdag pa ni Peter, "Forest with tigers."

Sa sewing room, ipinasuot ni Peter yung one-piece bathing suit nya kay Curry.

"Ano ba tong pinaggagagawa mo sa kin Pedring." sabi ni Curry.

"Suutin mo na, para ma-stretch yung tela ... Baka mapunit mamaya kapag isinayaw na nung model ko yung damit."

"O ayan na, nakasuot na ... Pangalawang beses nato ah."

"Lakad ka nga."

Ginawa ni Curry, tapos bumalik.

"Tapos tumuwad ka." sabi ni Peter.

"Gaga! Masisira na naman."

"Hindi na yan, may binago na ko."

"O eto na." pagkatuwad ni Curry, nasira yung damit sa pwet, "Ayan, sabi ko na nga ba eh."

Nagkamot ng ulo si Peter, "Mali yata yung nabili kong tela, umpisa na naman ako."

Lumapit si Christian, "Subukan mo Peter paapuyan yung tela, ginagawa ng nanay ko yon para yata tumibay."

Later, sa auditorium.

Lumabas na si Tweetie, "So designers, are you all ready now?"

---

All Chapters here
http://www.facebook.com/anton.mia.714

- Updates every week -

antonmia

Kwela Nobela 2
"Ang Hindi Ko Siguradong Pag-ibig"
Chapters 27 and 28

Chapter 27

Everybody said yes.

"Okay, let's start the show."

Nagsasayaw na yung ballad dancer ni Curry.

Narration ni Curry, "Confident akong mananalo ako this challenge, nagflo-flow naman sya nang bongga, at fit na fit yung damit sa maganda kong model."

Later, nagsasayaw na yung tatlong pole dancers nang sabay-sabay.

Naka-highlight na dancer ni Peter.

Narration ni Peter, "I made a tough-looking jacket para magkaroon ng initial picture ng isang strong woman, at para sa bathing suit, black and red fusion ng fabrics na may sequin para may shimmering effect sa stage."

Hinubad na nung pole dancer ni Peter yung jacket sabay nagsayaw na sa pole.

"May kakaibang art naman yung pole dancing routine na ginawa nila, pwede rin palang wholesome ... Yung bathing suit hindi nasira, naisip ko kaya pala nasisira kanina, pinapasuot ko lagi kay Curry, eh ang laking balyena non."

Back to studio.

Sa may runway, pitong designers ang naiwan.

Sabi ni Tweetie, "Curry, tell us about your work."

"Long flowy dress sya kasi madalas madrama daw lagi dance routine nya ... Tapos nakita ko si Peter pinapaapuyan yung tela nya kaya medyo nagka-ideya ako, but instead na paapuyan, ginamit ko yung usok para kulayan yung dress kaya nakuha ko yung smoky color."

Nag-comment yung guest na judge, "Naiyak ako habang pinapanood ko yung dancer mo kanina, I don't know if it's the music, if it's the dance, but I do know that what you've done, that dress, it added with the presence of the whole performance ... Napakaganda nya talagang tignan, good job."

Nag-comment si Rajo, "Curry, what you've done with the manipulation of the smoke to color your dress is a very intelligent move on your part, kitang-kita ko na nagmo-move hindi lang yung dress, kundi pati yung color habang nagsasayaw sya, what you really did really fits in this challenge, napahanga mo ko ... Naku Peter, medyo delikado ka na, tinulungan mo kase."

Awkward face lang si Peter.

Pahabol ni Curry, "Actually ideya ni Christian yung pagpapaapoy ng dress."

"Ganun ba, o pasalamat ka kay Christian." sabi ni Rajo.

"Thank you Christian." sabay natawa si Curry.

Then nag-usap-usap na yung mga judges para sa pagpili ng winner at loser ng challenge.

Later, pinabalik na sila.

"And now for the winner of this challenge ... Congratulations." sabi ni Tweetie habang naghihintay pa ng konte para dagdagan.

Walang imik lang sila Curry at Peter.

"Leyva."

Napangiti si Leyva.

"Your outstanding work making a ballroom dress for a woman is a real eye-catcher ... It's vibrant, it has grace, yet it still carry the sophistication of your design." dagdag pa ni Tweetie, "You're in you may now leave the runway."

Nagpasalamat si Leyva pagkatapos ay umalis na.

"That means Peter and Curry, you're out ... Thanks for being with us again."

Nag-farewell kiss na sa cheeks si Tweetie kay Peter at Curry.

"Both of you goodluck, you will do great after this experience."

"Thank you po." sabi nilang dalawa.

Sa lounge room, magkakatabi sila Richard, Peter at Curry.

"You're leaving us again, I really will miss you guys." sabi ni Richard.

"Yeah, before we end, I always wanted to do this." dagdag pa ni Peter, "You would offend me and I'll storm off."

"Oh okay ... Is it true that your plastic card is three inches longer and no more?"

"You know what." tumayo si Peter, "F u c k you, f u c k you, the hell with this jazz." then nag-walk out.

Sabay pasok ni Christian.

Nagtanong si Peter, "Ikaw na-out?"

"Hinde safe ako ... Hindi ko pa alam kung sino."

"Christian palit tayo, ikaw na lang natanggal."

"Ang galing mo naman."

Tawanan lahat.

END OF EPISODE.

Balita sa TV.

"Tonight is the night na pinakahihintay ng lahat, ang borrowing of gravity event."

"Tama yon Tom." sabi ni Jess, "At para dagdagan ang excitement ng publiko, nag-organize pa ng Kissapalooza in Space na kung saan libu-libong magkakasintahan ang nagtipon-tipon para sa nasabing event."

"At live from Baywalk along Roxas Boulevard, ang foreigner correspondent naming si Britney Smith na hate na hate ang salitang Tagalog ... Britney come in."

Chapter 28

"Thanks Tom, hate na hate ko talaga salitang Tagalog, and I am here right now where they say the borrowing of gravity will happen ... Whether it is true or not, these lovers are not stopping them from going here and miss a thing like this and take that supposedly very memorable kiss ... In fact, let's talk to one of these couples and ask them how they feel."

May tinapik si Britney at si Peter at Neri pala yon.

"Excuse me sir, may I speak to you?"

Nagulat si Peter, "Oh si Britney Smith, why do you hate salitang Tagalog?"

"It doesn't matter because I'm beautiful."

Sigawan ang mga tao, "Boo---"

Nagalit si Britney Smith, "Mamatay kayong lahat!!!"

Natawa lang si Peter.

Nagsalita yung manong, "Wag nyong pansinin yan maganda lang yan!"

Pinalo nya yung manong gamit ang mic pagkatapos nagtanong ulit kay Peter, "So, tell us about your first meeting."

Nag-isip si Peter, " ... Naalala ko unang sinabi nya sa first meeting namin."

"And what is that?"

"Walanghiya ka sinagasaan mo ko."

"That is so romantic, you hit her with a car right?"

"Opo."

Pinalo sya ni Neri.

"And there you have it Tom, this dude literally crashed his car, to her face, all the way to her heart ... nice, back to studio and again, hate na hate ko talaga salitang Tagalog."

Sigawan ulit, "Boo---"

"And also, pabor na pabor ako sa pork barrel, magkaroon sana ulit nito sa Pilipinas."

Nagalit mga tao, "BOOOOO--- !!!"

"Mababaho kayong lahat!!!" sigaw ni Britney Smith.

Studio

"Maraming salamat Britney Smith ... At bukod sa kissapalooza, nagpadala rin ang publiko ng mga suggestions kung anong dapat gawin ngayon sa may Baywalk, sakali mang mawala ang gravity ... Tulad ng."

Picture by picture.

" ... Elephant tossing."

" ... Bulldozers versus tractors."

" ... Flying butanding above water."

" ... At lastly, spider-man wannabees sa gilid ng mga buildings."

Sa may restaurant ni Bob, nanonood si Bob ng TV.

"Nasa TV na naman tong si Peter, ako hindi pa."

Nilapitan sya ni Barbara, "Bob yung oven ayaw na naman yatang gumana."

"Ayaw na naman ba, ba't ka kasi pabigla-bigla sa pagbili netong second-hand restaurant lahat naman puro sira."

"Wag ka nang magreklamo dyan, dalhin mo munang mga to sa table 3, sabihin mo pati libre nato kasi hindi magamit ang oven." nagluto na ulit si Barbara.

Sa table 3, yung bago nilang kapitbahay ang mga nakaupo.

Nagsasalita mag-isa yung matanda, "Lahat ng mga tao sa mundo, isa-isa silang lilipad sa kalawakan, lilipad sila patungo sa kawalan."

"Itay." pag-comfort sa kanya ng anak nya.

"Lahat sila lilipad na walang mga pakpak."

Lumapit si Bob, "Ito na po Ma'am, Sir yung order nyo po ... Pasensya na po sa isang order, hindi po magamit sa ngayon yung oven kaya yung isang special sa menu na lang po tong isa ... Wala pong bayad po tong isa kaya enjoy po."

Paalis na sana si Bob pero biglang hinawakan ng matanda braso ni Bob, "Ikaw, ikaw ang magliligtas sa ating lahat."

Napangiti lang si Bob, "A-ako po?"

"Nakikita kong ikaw lang ang may ginintuang puso na tanging makakatalo sa kanya, ililigtas mo kaming lahat, ililigtas mo ang sangkatauhan."

"Um." natatawa lang si Bob, "Pero waiter lang po ako sa restaurant ng asawa ko po."

Hinawakan na sya ng dalawang kamay, "Makinig ka iho, tanging ikaw lang ang inaasahan ng lahat, inaasahan ng buong mundo, iligtas mo kaming lahat, iligtas mo kaming lahat!"

Nagtitinginan na lahat ng tao sa kanila.

"Itay tama na po." tumayo na yung babae at inalalayan yung tatay nya, "Pasensya na po, pasensya na po talaga ... Ito po yung bayad, itay tara na po."

"Ah teka, ipagbabalot ko na lang po kayo, mabilis lang po to."

Ngumiti yung babae sabay umalis na lang agad kasama ang ama.

Nagtaka si Bob.

Sa may Baywalk, kumakain ng itlog ng pugo sila Peter at Neri.

"Ang cheap ah, itlog ng pugo." sabi ni Neri.

"Ay may ipapakita nga pala ako sayo." may kinuha si Peter.

"Ano yan."

"Ito nag-drawing nga pala ako para sayo."

Yung drawing ay may dalawang palitong tao na may smiling face, at may parang araw sa itaas at isang puno.

Awkward face lang si Neri, "Grade two ka ba nung drinowing mo yan."

"Kahapon lang ... Ikaw to kapag nakangite, at ako naman to napapangite, ng dahil sayo."

Natawa si Neri, "Ang baduy ah ... pero sweet, thank you."

Kiniss sa cheeks si Peter.

Dagdag pa ni Neri, "Akala ko napapangiwe ... Ngiwi ka nga Pedring."

Ginawa nga ni Peter.

Tumawa si Neri.

---

All Chapters here
http://www.facebook.com/anton.mia.714

- Updates every week -