News:

Welcome to PGG Forums:
Ask for tips and advice ranging from men's fashion, grooming, hairstyles and dating women.

Main Menu

saan makakabili ng murang blank disc at dvd cases?

Started by pinoypride2014, August 20, 2014, 01:16:11 AM

Previous topic - Next topic

pinoypride2014

Hi po sa lahat saan po ba ako pwede makabili
ng murang mga blank disc na DVD-R at DVD CASES

ang mahal kasi ng nagtitinda ng blank dvd and dvd cases dito sa lugar namin
40 pesos ang isang pirasong blank DVD-R 4.7GB 16x
20 pesos naman ang isang pirasong lalagyanan ng DVD or DVD CASES

pa help naman po baka meron kayo alam jan kung saan makakabili
ng murang mga blank disc na dvd at dvd cases maraming salamat

Peps


Lanchie

CDR King has EVERYTHING> hahaha!

We use Imation or Maxwell to backup our files at home.

Flying Ninja

If wala sa cdrKing (20% propability na wala) eeeh meron nman nagtitinda sa ibang store sa. Cyberzone sa Annex na mas mura dun sa 40 mo.

pinoypride2014

hi po uli sa lahat update ko lang po yun question ko

habang nagreresearch kasi ako sa internet meron ako nabasa sa isang forum
yun mga nabibili daw na murang blank discs na dvd pangit daw ang quality
i mean karamihan daw sa mga murang blank dvd hindi daw maganda ang quality

for example pag nagburn ka daw ng movie or naglagay ka ng files sa nabili mo na murang blank dvd
oo mabuburn mo nga daw sya at malalagay yun movie or files dun sa blank dvd na binili mo
pero after 2 weeks or 1 month hindi na daw mababasa ng dvd player or dvd rom yun ni burn mo
sa madaling salita imbis na makatipid parang nagsayang ka pa ng pera at pagod
para i save yun mga importanteng files movies or pictures mo tapos mawawala lang din pala.

ngayon ko lang kasi nalaman na pati pala sa blank dvd may mga brand na maganda ang quality
at meron din brand na hindi maganda ang quality.

ang sakin naman po dun na lang ako sa mas mahal basta maganda ang quality
kesa naman sa mura nga hindi naman maganda yun quality.

bibili po kasi ako ng mga nasa 20 or 30 piraso na BLANK DVD
para pang backup sa mga importante na files ko katulad ng mga pictures installer mp3 at mga favorite movies ko
kaya gusto ko sana maganda yun quality ng blank dvd na mabibili ko.

kaya pa help naman po sana ako.
ano po ba ang magandang brand ng blank disc na DVD at DVD CASES na bilhin na maganda ang quality para pang back up sa mga files ko?

Peps

yung sinasabi mong blank dvd yun yung mga mirror both side yung mga ginagamit ng mga nagtitinda ng pirated, kung gusto mong sure bumili ka sa octagon DVD-R lang bilhin mo wag yung DVD-RW

SeanJulian

why not invest for a portable HDD?
i have like 2 boxes of CDs inaamag na ata lahat, ang hirap pang imbentaryo

pero for the case, nothings wrong with the CDR King products, wag ka lang bibili ng CDs nila

and for the CDs, mas ok nga ung sa octagon, may nkita ako Hytac ang tatak, 20 DVD-R worth 600 pesos less

cire

eh saan pa ba, kundi sa one stop electronic shop ni mang juan, cdr-king. wag lang bibili nang nakatatak o brand na cdr king, go with the the trusted brands. last time na bili ko nung dvd-rw ritek by sony around P15, cguro mas mura yung dvd-r, ok rin imation :)

regarding sa dvd quality na nabubura agad, parang tulad lang yan sa mga pirated na dvd movie sa bangketa, ilang buwan lang wala na yung files.

Lanchie

Storage is also a factor you have to check out.
Any storage device will have it's pro's and con's.

Personally, we decided in burning our data in DVD's because we didn't want to run into the risk of a corrupted external HDD. Kung masira ung isang disk un lang ung sira, not the whole collection.

pinoypride2014

nagpunta pala ako kanina sa CDR KING meron nga dun murang mga blank dvd
mga nasa 8 pesos lang at ang pinaka mahal yata nila na blank dvd ay nasa 12 pesos
TDK yata ang brand kaso 2 piraso na lang yun TDK na andun wala din sila tindang DVD CASES
kaya hindi ko na lang muna binili hindi ko kasi alam kung maganda ba ang quality ng blank dvd na TDK ang brand.

wala ako nakitang brand ng blank dvd sa CDR KING na Sony DVD+R 16x or Benq DVD+R 8x
TDK lang ang nakita kung pinaka mahal na blank dvd-r na meron dun sa CDR KING.

bigay na lang po uli kayo kung ano ano pa ang mga brand na alam nyo na maganda ang quality at subok nyo na talaga
i mean yun mga brand ng blank dvd at dvd cases na hindi pa kayo nagkakaron ng problema or mga issue sa mga backup files nyo.

para if nag punta uli ako sa CDR KING at wala pa din sila tinitindang brand ng blank dvd na sony or Benq
meron ako ibang mapagpipilian kasi yun nagpunta ako kanina sa CDR KING yun pinaka mahal lang nila na blank dvd dun ay TDK yun brand
wala ako nakitang sony or Beng na brand ng blank dvd sa cdr king kanina.

may balak kasi ako na bumili ngayon ng 20 or 30 piraso ng blank dvd at dvd cases pero hindi para ibenta.
for my personal use like pang backup ng mga importanteng files ko
kaya gusto ko sana yun mabili ko na blank dvd at dvd cases maganda yun brand at quality para tumagal yun buhay
yun lang po maraming salamat

Peps

maganda mga TDK yun ginagamit ko pag nagburn ako ng mga tv series hanggang ngayon napapanood ko pa rin di naman nasisira yung pinaka matagal ko several years na din

pinoypride2014

#11
so totoo po pala yun mga nabasa ko sa isang forum na yun mga ibang murang blank dvd na nabibili after ilan months lang minsan nawawala  na yun mga files at hindi na nababasa ng mga dvd player or dvd rom?

at yun sinasabi nyo po ba na OCTAGON para din sya CDR KING
i mean para syang tindahan shop or store na puro blank cd dvd ang mga tinda?

ngayon ko lang po kasi narinig yan octagon kaya hindi ko alam kung name ba yan ng store like cdr king or name yan ng mall or name yan ng isang lugar.

yun CDR KING kasi matagal ko ng nakikita yan store na yan sa mga sm malls

anyway ask ko lang po kung saan po ba meron octagon para mapuntahan ko i mean meron po ba nito sa mga sm malls like sm manila etc?

syaka ano naman po ang magandang brand na bilhin na blank dvd sa octagon
or kahit anong brand ng blank dvd ang piliin ko basta dun ako bibili sa octagon sure na ako na maganda ang quality na mabibili ko?

meron kasi nagsabi sakin sa isang forum na SONY or BENQ daw
ang magandang brand ng blank dvd na bilhin at sa case naman daw po
jewel cases daw.

Quote from: otipeps on August 20, 2014, 10:20:46 PM
maganda mga TDK yun ginagamit ko pag nagburn ako ng mga tv series hanggang ngayon napapanood ko pa rin di naman nasisira yung pinaka matagal ko several years na din

so maganda din po ba yun nasa CDR KING na TDK ang brand?
kaso ilan na lang kasi yun andun kanina yun bibilhin ko kasi mga nasa 20 or 30 piraso na blank dvd. parang ganyan din po kasi yun gagawin ko
pang burn ng mga pang backup files ko at movies at mga tv series.

Peps

octagon halos lahat ng SM malls meron, parang silicon valley, pc corner, asianic etc.. basta lagi mo makikita sa mga cyberzone yun and yes maganda TDK, actually imation maganda din nasa gumagamit naman yan.

Lanchie

Imation is also used by most of my friends in IT.

pinoypride2014

Hi po uli sa lahat update ko lang yun question ko guys.

saan po ba ako pwede makabili ng blank dvd na SONY ang brand?
meron po ba nito sa sinasabi nyo na octagon? or what store
ako dapat pumunta para makasigurado ako na meron talaga sila tinitinda na blank dvd disc na SONY ang brand?

ayun kasi sa pagreresearch ko SONY yata ang may pinaka magandang quality ng blank dvd disc so dun na lang ako sa sigurado SONY na lang yun brand ng bibilhin ko na blank dvd disc