News:

If this is your first time to visit, you might have to register here before you can post.

Main Menu

GF o Kaibigan...

Started by lipwaysr, November 17, 2015, 11:32:50 PM

Previous topic - Next topic

lipwaysr

Good Day! Nahihirapan kasi ako sa situation na ang GF ko pakiramdam ko at nararamdaman ko na dapat sa kanya lang umikot ang lahat sa akin. Even sa mga friends ko.  Before pa man sya dumating sa buhay ko.  nagagalit sya lalake man o babae. Madalas namin pagtalunan na hindi kami mabubuhay ng kaming dalawa lang. Lagi niya reason sya daw ako over friends nya. Pag kaibigan nmn nya ang ni introduce nya sa akin pinakikisamahan ko ng maayos. Pero pag ako ang nagpakilala sa kanya halos pakitaan nya ng hindi maganda. Mahal ko gf ko pero gusto ko rin ng kaibigan at sa nakikita ko  wala namang masama doon. Ang hirap sa pakiramdam na kailangan kong itago sa kanya na may kasama akong kaibigan at nahihiya naman ako sabihin sa kaibigan ko na halos bawalan na ako ng gf ko na sumama sa kanila. Mahal na mahal ko gf ko pero may time na gusto ko na makipag break dahil nahihirapan narin ako sa situation namin na ganun. Tatangapin ko na lang ba ang ganung situation nmin o susukuan ko na ang relasyong tumagal ng halos pitong taon.....???? Sya daw mabubuhay ng ako lang... bakit daw ako nasasabi ko na hindi lang kami mabubuhay ng kaming dalawa lang..  :'(

Chris

lipwaysr - welcome to PGG.

question lang: does your gf go out with her friends? does she go out without you?

in my opinion, parang ang selfish kasi kapag she gets to go out with her friends, pero ikaw hindi ka nya pinapayagan? I feel na unhealthy yung ganong relationship.

may nagawa ka ba dati (e.g. cheating, lying, etc...) para pagdudahan ka ng gf mo? you need to find out the reason kung bakit ganito.

Peps

lol makipag break ka na baka pag nagkatuluyan kayo pati magiging anak nyo pag selosan nya, tandaan mo ang mga kaibigan mo lagi sila nandyan eh yang gf mo sure ka na bang kayo na nga?. Baka sa huli ikaw din talo maghiwalay kayo ng gf mo tapos wala ka na ding kaibigan.

lipwaysr

Quote from: Chris on November 18, 2015, 12:28:33 PM
lipwaysr - welcome to PGG.

question lang: does your gf go out with her friends? does she go out without you?

in my opinion, parang ang selfish kasi kapag she gets to go out with her friends, pero ikaw hindi ka nya pinapayagan? I feel na unhealthy yung ganong relationship.

may nagawa ka ba dati (e.g. cheating, lying, etc...) para pagdudahan ka ng gf mo? you need to find out the reason kung bakit ganito.
Thanks admin, yup nakakalabas nmn sya with Her friends. Paminsan kasama ako. Ang point ko lang lagi sa kanya basta pag kaibigan nya ok lang sa akin na kasama ko pero pag kaibigan ko na ayaw na ayaw nya. Never akong ngcheat or what ever negative. Mahal na mahal ko sya.  Sinabihan ko n nga sya na possessive sya galit na galit sa akin. Papatunayan daw nya na hndi sya ganun..

lipwaysr

Quote from: Peps on November 18, 2015, 07:09:22 PM
lol makipag break ka na baka pag nagkatuluyan kayo pati magiging anak nyo pag selosan nya, tandaan mo ang mga kaibigan mo lagi sila nandyan eh yang gf mo sure ka na bang kayo na nga?. Baka sa huli ikaw din talo maghiwalay kayo ng gf mo tapos wala ka na ding kaibigan.

Thanks po sa rply.. tama ang kaibigan hndi mawawala. Pero pagmahal mo ang isang tao lahat i sacrifice mo para sa kanya... unconditional love siguro sa panahong ito meron parin. I hope pagdating ng tamang oras ma realize nya na walang masama sa pagkakaibigan ko.

dhie221

Mas maganda sakin yung kaibigan, kasi bago mo pa naman nakilala si GF kasama mo na yan e. Darating pa yung pag kakataon na tatalikuran mo sila para sa babaeng gusto mo pero anytime pwede mo silang balikan at tatanggapin ka nila ng buong buo.

Ryker

Dapat balanse lang. Friendship and Girlfriend, magkaiba iyon.


lipwaysr

Hi! its been a long time hindi naka pag open. MAraming ngyare. binalanse ko ang kaibigan at ang relasyon pero kahit ano gawin ang relasyon ang laging nag suffer. Pero sa mga nangyare isa lang natutuhan ko, huwag magtiwala basta basta sa kaibigan. Itong kaibigan kong ito naibigay ko nalahat ng tulong pati sa family nya nagawa pa akong traydorin in a way na masira ako sa lahat. ang GF ko nasa tabi ko pa rin. salamat sa mga kaibigan na tapat. salamat salamat.

brian

Quote from: lipwaysr on February 04, 2018, 02:55:11 PM
Hi! its been a long time hindi naka pag open. MAraming ngyare. binalanse ko ang kaibigan at ang relasyon pero kahit ano gawin ang relasyon ang laging nag suffer. Pero sa mga nangyare isa lang natutuhan ko, huwag magtiwala basta basta sa kaibigan. Itong kaibigan kong ito naibigay ko nalahat ng tulong pati sa family nya nagawa pa akong traydorin in a way na masira ako sa lahat. ang GF ko nasa tabi ko pa rin. salamat sa mga kaibigan na tapat. salamat salamat.
I always thought bros before hoes hehehe. Case to case basis pala

Sent from my EVA-L19 using Pinoy Guy Guide mobile app