News:

If this is your first time to visit, you might have to register here before you can post.

Main Menu

I’m not sporty, not into sports also pero...

Started by JuanNiyebe, May 28, 2018, 12:38:08 PM

Previous topic - Next topic

JuanNiyebe

Hi PGG.
So this is my case, my girlfriend's father and her brothers are sports buffs. Typical, nanonood ng basketball, palaging nasa sports channel yung tv, ang discussions puro basketball players... at ako, well I was never into sports, ewan ko di ako nag eenjoy manood.  And everytime na nandun ako sa bahay nila palagi akong na a out of place kasi wala naman akong mai-share tungkol sa topic. Tapos kung mag she-share man ako, magmumukha naman akong trying hard. Ang panget kasi sa society natin ngayon kasi kung hindi ka nahihilig sa basketball eh bakla kana agad, which is not the case. What should I do?




Sent from my iPhone using Pinoy Guy Guide mobile app

den0saur

Ako rin, wala akong kahit na anong sports. Yung brothers-in-law ko, they're into basketball and football. Pero di naman sila nag uusap masyado ng tungkol sa sports kapag magkakasama kami. Saktong updates lang like, uy panalo gantong team, ang tanga ni gantong player. Mga ganun lang sila. Father-in-law ko naman, di rin masyado sa sports. Mas gusto nya yung mga intellectual na usapan.
Yung barkada ko naman, mga basketball fanatics din. Syempre di maiwasan minsan na puro yun ang usapan, kagaya ngayon, puro yun ang topic nila, pero pag kasama ako at yung ibang mga barkada na di nagbabasketball, they're sensitive enough to change the topic naman. I mean, ako, I don't mind as long as it doesn't become the topic for the whole 10 hours na mag iinom kami.
Sa case mo, you'll eventually get used to that and they'll eventually get used to you. Haha. Wag mo na lang masyado pansinin kasi hindi naman yan ang magdedefine sayo as a person. And that's what some people need to realize.
Good luck!


Sent from my iPhone using Pinoy Guy Guide mobile app

buknoy

Di ako magaling maglaro ng basketball, di din ako ganun ka fan ng nba, mas gusto ko ang pba. Pero recently lagi ako nanonood ng nba tulad ngayon na magsstart na ang finals. Yun ay dahil sobrang hilig sa basketball ng 8 year old son ko. Sinasabayan ko & i am enjoying it now. Sobrang hilig nya sa basketball and nagssearch sya sa google ng trivia.

By the way I play table tennis in high school and college.

May pagka pikon ako. Siguro ayaw ko ng team sports.


Sent from my iPhone using PGG Forums

bokalto

Same here. Not into sports. Good thing, most of my close friends are not into sports din. Kaya ok lang din. Hehe

In your case, I think hanap ka ng common factor nyo. Like other than sports, what do they like? Food? Movies? I'm sure meron yan. Eventually, mahahanap mo din ang kiliti nila. Hehe. Kaya kung kasama mo sila, ikaw ang mag-start ng conversation. Nagsisimula yan sa mga slumbook questions. Hehehe..