News:

Having problems registering or logging in?
Contact us here.

Main Menu

Lockdown Problem

Started by kaixx, June 14, 2020, 09:43:22 PM

Previous topic - Next topic

kaixx

2 years na kaming bf-gf and last week nagkaroon kami ng misunderstanding. Dahil lockdown at taga province sya, online and phone lang kami nakakapag usap. Nagkaron kami ng problema na lumala last week kasi feeling ko nawawalan na sya ng time sakin. Kahati ko sa oras ang work nya as a frontliner sa isang hospital. Parang once a week na lang kami nakakapag video call and madalang na ang messages and text tapos madalas pa sya galit kapag tinatawagan ko sya pag off nya. Parang sakin nya nabubuhos yung frustrations nya sa work. Di ko sya mapuntahan para maayos to at Mahirap naman dumayo papunta sa province dahil madaming process ang pagdadaanan. Di ko tuloy alam gagawin kaya nagregister ako dito to seek advise at para may makausap.

den0saur

Mag-usap kayo. Assure each other na okay pa kayo, manage your expectations rin kung ganyan nga na frontliner sya. Malamang she's under so much stress right now. Baka she needs your support now more than ever.

kaixx

Thank you po. Kelangan lang talaga siguro namin makapag usap ng maayos. Yung walang tension.  :(

ash

Quote from: kaixx on June 14, 2020, 09:43:22 PM
2 years na kaming bf-gf and last week nagkaroon kami ng misunderstanding. Dahil lockdown at taga province sya, online and phone lang kami nakakapag usap. Nagkaron kami ng problema na lumala last week kasi feeling ko nawawalan na sya ng time sakin. Kahati ko sa oras ang work nya as a frontliner sa isang hospital. Parang once a week na lang kami nakakapag video call and madalang na ang messages and text tapos madalas pa sya galit kapag tinatawagan ko sya pag off nya. Parang sakin nya nabubuhos yung frustrations nya sa work. Di ko sya mapuntahan para maayos to at Mahirap naman dumayo papunta sa province dahil madaming process ang pagdadaanan. Di ko tuloy alam gagawin kaya nagregister ako dito to seek advise at para may makausap.

Siguro kailangan nyo pag usapan kung ano yung problema. Kasi kung stress na siya sa work niya. Dapat sa'yo siya naglalabas ng sama ng loob or kung anuman kasi boyfriend ka niya. Alamin mo kung bakit siya ganun sa'yo. Para alam mo yung gagawin mo sa kanya. Hindi mo alam baka may iba na palang dahilan bakit siya ganun sa'yo.

kaixx

Yes po. Mukhang kelangan ko talaga makipagkita asap para makapag usap kami. Thank you!

ash

Hindi mo na kailangan makipagkita ASAP. Via call lang pwede na. Pwede nyo na pag usapan kung ano yung problema. Hindi mo na kailangan pumunta sa lugar nila or hintayin matapos tong COVID para makapag usap kayo. Dahil phone call lang pwede nyo na pag usapan kung ano yung problema. Sorry bro kung yan yung opinion ko. 😅😅😅

kaixx

Maghahanap muna ko ng magandang timing siguro pag call kasi lagi mainit ulo e kaya gusto ko sana personal. Kaya lang delikado e.  Thanks sa input par.

ash

Yes bro, ask mo siya kung kailan ka pwede tumawag. Sana kasi naiisip din niya nararamdaman mo. Hindi yung puro sarili lang niya. May feelings din naman tayo. Tao rin tayo. Hahahaha! Huwag puro init ng ulo. And sana naiisip niya yung byahe. Delikado talaga sa labas ngayon.

Jhay Emm

Quote from: ash on June 15, 2020, 08:38:34 PM
Yes bro, ask mo siya kung kailan ka pwede tumawag. Sana kasi naiisip din niya nararamdaman mo. Hindi yung puro sarili lang niya. May feelings din naman tayo. Tao rin tayo. Hahahaha! Huwag puro init ng ulo. And sana naiisip niya yung byahe. Delikado talaga sa labas ngayon.

Kamusta dito. ,

kaixx

Ay mas delikado po sa loob diba. LOL  ;D

ash

Iba naman yang sinasabi mo. Hahaha! Delikado pag hindi ka pa handa.

kaixx

Iba talaga pag delikado minsan yun pa masarap. LOL. Sana mawala na pandemic para magkita na kami.

ash

Kung ano yung bawal, ayun yung masarap gawin. Hahahaha! Saan ba province niya?

kaixx

Sa Luzon din pero malayo sa Metro Manila. Hehe. Pag lumuwag na GCQ pupunta ko agad.

ash

Ahhh, magbabati rin kayo. Tiwala lang. Medyo maluwag na GCQ. Wala lang talagang masakyan.