For those who'd like to travel to Cebu City, this will be your source of additional information with regards to anything you are interested with. :-)
For those living in Cebu City, share what you know (ie. Going to/around Cebu City, foods, shopping, leisure, etc). :-)
Don't just copy and paste links. Share what you know based from first-hand experiences. :-)
kakagaling ko lang cebu last week. madali lang naman mag ikot ikot. sakay lang ng taxi at sabihin mo lang sa manong driver kung san mo gusto magpunta.
san ka pumunta, incognito?
last cebu trip ko nung sinulog.
meron ulit sa may.
Quote from: Luc on March 24, 2011, 07:49:05 PM
san ka pumunta, incognito?
city tour lang on the first day. tapos we spent the next 3 days sa bantayan island. the trip to bantayan island is tiring. 3 oras na bus ride. wala pang aircon. buti na lang mejo cloudy nung nagbyahe kame kaya di mainit. pero masikip. tapos ung ferry ang tagal din. 1 1/2 hours. pero sulit naman. we had fun.
^meron din bus aircon for san remegio, mga Ceres lines. nasa dulo kc ang bantayan island sa cebu, kaya matagal ang byahe.
kung papiliin ako, mas gusto ko sa Camotes islands, sa kawasan falls, sa moalboal diving, or sa mga malalaking resorts sa mactan island mismo. Andami ko pa rin nga di napuntahan.
^meron ngang aircon bus pero di namin naabutan. mejo matatagalan pa daw ung next aircon bun kaya dun na kame sa ordinary sumakay. nung pauwi kame aircon na ung nasakyan namin. plano ko pag bumalik ako ng cebu next time is to go to malapascua and camotes. isama mo na din ang moalboal.
share ko lang. nagstay kame sa parklane sa cebu city. for dinner we decided to go to ayala center. sakay kame ng taxi. langya, withing walking distance lang pala from parklane ang ayala. haha.
^Hahaha, natawa ako sa parklane-taxi-ayala. Mga 100m lang kaya yun. ;D
For Camotes, nagustuhan ko ang Buho Rock Resort, kc i'm a sucker for deep swimming, yung Santiago Bay ay isang napakataas na shoreline with one of the best sand I have been to.
For Moalboal, favorite ko ang Club Serena. Hanep talaga, mga 10m away from the shore, coral reefs na tinatapakan mo.
^ parklane din nung sinulog. lapit lang talaga sa ayala. next time masubukan naman ang hotel elizabeth na sana makakuha ng discount. basta laging naghohotel close to ayala para lang may walking distance na mapupuntahan.
ang tip ko lang based on experience, wag na pumunta sa taboan. magbayad na lang kahit mahal sa ibang store kung anuman ang habol mo doon.
^favorite hotel & resort ko pa rin Shangri-La at Imperial Palace. kaso lang nga, not as accessible to the City's center as the one you've mentioned. Kakatapos lang rin ng Hotel Elizabeth.
Sinulog Tip: Book hotels EARLY. How early? Right now. Na-unahan na kayu ng iilan nga, nagpapabook right after sinulog day.
Quote from: Luc on March 29, 2011, 10:51:35 PM
^favorite hotel & resort ko pa rin Shangri-La at Imperial Palace. kaso lang nga, not as accessible to the City's center as the one you've mentioned. Kakatapos lang rin ng Hotel Elizabeth.
Sinulog Tip: Book hotels EARLY. How early? Right now. Na-unahan na kayu ng iilan nga, nagpapabook right after sinulog day.
na disappoint ako sa shangrila. hindi na ako bumalik..
may bago rin yung radisson blu ba yun?? ok kaya?
Quote from: angelo on March 29, 2011, 10:57:48 PM
na disappoint ako sa shangrila. hindi na ako bumalik..
may bago rin yung radisson blu ba yun?? ok kaya?
Talaga? palagi ko ata binabalikan ang shangrila. So far di pa naman ako na disappoint, agreeable customer service, comfortable accomodation. Nakapasok lang ng radisson pero di pa na test ang services nila.
layshu kayo.
yan lang masabi ko.
been all over cebu.
south=north=west=east.
camotes island, badian island and sumilon island lang ang di ko na puntahan.
ang trip ko na ngayun outside cebu na.
What's layshu jon?
@angelo, why do you recommend not going personally to Taboan market?
Anyway, when I was in highschool, my friends and I went to that very beautiful place sa may bandang Toledo City. The place is a hidden spring mountain resort (I forgot the name of the place). Maganda yung lugar, very "nature-y" :-)
@doc: layshu = sosi. :) palagi ka bang pumupunta ng cebu non, doc? Parang di ko alam yun spring mountain resort na sinasabi mo a.
@jon: mas layshu ka jon, outside cebu nga trip! =P
salitang bading nila ng sosyal.
pareho lang yan ng opportunities. opportunity cost lang nagkakaiba.
why not? kasi...... try mo muna kaya? hahaha
@luc
Yearly ako nagpupunta Cebu kasi nga yung relatives ko andyan. This year punta na naman ako, huntingin ko kayo nina Jon. Hehe.
UP!
Para di medyo OT sa Greet & Meet Thread.
Quote from: incognito on March 26, 2011, 01:17:06 AM
Quote from: Luc on March 24, 2011, 07:49:05 PM
san ka pumunta, incognito?
city tour lang on the first day. tapos we spent the next 3 days sa bantayan island. the trip to bantayan island is tiring. 3 oras na bus ride. wala pang aircon. buti na lang mejo cloudy nung nagbyahe kame kaya di mainit. pero masikip. tapos ung ferry ang tagal din. 1 1/2 hours. pero sulit naman. we had fun.
antagal pala ng byahe papuntang bantayan..
^haha uu, nasa dulo talaga yan ng cebu, on another island pa. dapat at least overnight ka talaga doon.
excited na ko! :D
Mga pupuntahan:
Fudge
The Ranch
(more to come)
ano yung the ranch?
^parang american style meat restaurant. nasuggest ko ni cocoy sa last naming eb. =)
^ saan yan? steak house? gusto ko ma-try!
^In Banilad. Nagseserve din sila ng lobster, iirc. Yung fudge naman na suggest ko rin ni cocoy kc mahilig siya sa sweets, at ito ay isang dessert all you can buffet.
Nagustuhan ko sa Tops!
Kita ang buong city, peaceful ang lugar kaya masarap mag muni muni. Haha! 8)
Overnight kami sa bantayan island. Grabe pala talaga ang byahe, ang layo! haha! after more 3hrs sa bus then ferry pa about 1hr din. pero masaya ang experience dun.
kumain ng lechon
Maganda sa malapascua.. ;)
2nd time ko sa TOPS!
It feels good talaga kapag nandon ako..
Babalik balikan ko talaga ito..