need help about sa calories para mag lose ng weight?

Started by pinoypride2014, August 01, 2014, 07:41:28 AM

Previous topic - Next topic

pinoypride2014

Hi po sa lahat pa help naman po please
about sa calorie intake and calories burn
medyo nalilito po kasi ako dito at hindi ko masyado maintindihan

nagresearch kasi ako about sa weight loss at ayon sa pagreresearch ko
ang 3500 calories daw ay katumbas ng 1 pound or 1 lb

sa madaling salita kailangan mo mag burn ng 500 calories sa isang araw
sa loob ng isang linggo kung gusto mo mag lose ng 1 pound or 1 lb
sa loob ng isang linggo.

at kung gusto mo naman mag lose ng 2 pounds or 2 lb
sa loob ng isang linggo kailangan mo mag burn ng 1000 calories
araw araw sa loob ng isang linggo para mabawasan ka ng 2 pounds.

dito naman ako medyo nalilito ganito kasi ang pagkakaintindi ko dito

for example sa loob ng isang araw
500 calories lang ang kakainin ko ( calorie intake )
at magbuburn naman ako ng 1000 calories (calorie burn)
kung ganyan ang gagawin ko sa isang araw
makakapag burn ako ng 500 calories sa loob isang araw ( 1000 - 500 = 500  )

ganyan lang ang gagawin ko araw araw para makapag burn ng 3,500 calories
at mag lose ng 1 pound sa loob ng isang linggo.

pero meron ako nabasa sa isang site na ang kailangan daw na calories ng isang tao
sa loob ng isang araw ay

1,500 calories para sa lalake
1,200 calories para sa babae

According to medical site MedLine Plus, women should be
eating a minimum of 1,200 calories per day in order to meet their
body's minimum nutritional requirements.
Men should be eating at least 1,500 calories.

meron din ako nabasa sa mga comments na depende pa yata ito
sa age gender height at weight mo.

may nabasa din ako sa isang forum na hindi daw maganda mag lose ng
malaking weight sa loob lamang ng ilang araw
Health professionals agree that a healthy weight loss is about 1-2 pounds per week.

dito na po ako medyo naguguluhan paano ako makakapag burn ng 500 calories
sa isang araw kung kailangan ng katawan ko ng 1,500 calories sa isang araw?

ang ibig sabihin po ba nito kailangan kung kumain ng 1,500 calories
at kailangan kung mag workout at magburn ng 2,000 calories
para makapag burn ng total na 500 calories sa loob ng isang araw?
kasi 2000 - 1500 = 500 at kailangan mo yan gawin sa loob ng isang linggo
kung gusto mo mag lose ng 1 pound per week.

kung ang gagawin ko naman ay kakain ako ng 1500 calories tapos magbuburn
lang ako ng 500 calories sa pag workout meron pang matitira na 1000 calories
kung ganyan ang gagawin ko sa loob lang ng 4 days makaka 4000 calories na ako
at imbis na mabawasan madadagdagan pa ako ng 1 pounds. kasi 3,500 calories = 1 pound

kung ganito naman ang gagawin ko kakain lang ako ng 500 calories tapos magbuburn
ako ng 1000 calories. makakapag burn nga ako ng 500 calories sa loob ng isang araw
pero hindi naman sa healthy na paraan at malamang hindi ko kakayanin na
500 calories lang ang kakainin ko sa loob ng isang araw
tapos nasa 232 pounds pa ang weight ko.

at hindi daw tama yun ganyan paraan ayon kasi sa pagreresearch ko
mali daw yun kakain ka lang ng hindi lalagpas ng 1000 calories a day
dahil ang bawat tao daw ay may kailangan na tamang calories sa katawan
depende pa ito sa age gender height at weight ng isang tao kung ilan
ang kailangan na calories ng katawan ng isang tao sa loob ng isang araw ( calorie intake )

may plano po kasi ako ngayon magpapayat pero sa tama at healthy na paraan
like healthy diet at tamang pag exercise at gusto ko din sumunod dun
sa magbawas lang ng 1 or 2 pounds sa loob ng isang linggo

ito naman po ang tanong ko gusto ko lang po sana malaman kung
ilan calories ba ang kailangan ko kainin sa loob ng isang araw
at ilan  calories naman ang kailangan kung maburn sa loob ng isang araw
para makapagburn ako ng 500 calories sa isang araw sa loob ng isang linggo
para makapag lose ako ng 1 pounds?

ang gusto ko kasi sana gawin 50 percent sa diet 50 percent sa workout
ayoko kasi ng puro diet lang hindi daw kasi maganda yun diet lang at walang exercise
kaya ang plano ko ngayon healthy diet na may kasamang workout
para makapagbawas ng 1 or 2 pounds sa loob ng isang linggo.

meron na din po pala ako insanity by shaun t ng beachbody
workout program sya na gagawin mo araw araw sa loob ng 60 days
kaya wala na ako problema ngayon sa pag exercise kasi meron na ako
workout video na gagawin ko araw araw.

ang gusto ko na lang po sana malaman kung ilan calories po ba ang
kailangan kung kainin sa loob ng isang araw at paano ako makakapag burn
ng 500 calories?

ganito po ba ang ibig sabihin nyan yun 500 calories na yan buburn ko lang
sa pamamagitan ng pag woworkout or sa pamamagitan lang ng pag diet?
or yun 250 calories buburn ko sa pag woworkout
tapos yun 250 calories naman sa diet?
para makapag burn ako ng 500 calories sa isang araw

sa mga may alam po jan about sa healthy weight loss
pa help naman po ako please about dito sa calorie intake and calorie burn
medyo nalilito po kasi talaga ako jan at hindi ko masyado maintindihan
kung ilan ba ang kailangan kung calories sa loob ng isang araw
at paano ako makakapag burn ng 500 calories sa isang araw
at dapat ba mas madami yun calories na buburn ko sa calorie na kakainin ko?
for example na lang po kung 1500 calories ang kailangan kung kainin
sa isang araw kailangan ko magburn ng 2000 calories para makapagburn
ako ng 500 calories sa isang araw?
nakakalito po kasi talaga syaka parang ang hirap naman po yata magburn ng 2000 calories
sa loob lang ng isang araw.

gusto ko po kasi makapag burn ng 500 calories sa isang araw
sa loob ng isang linggo para makapag bawas po ako ng 1 pounds
kaso hindi ko alam kung ilan ang kailangan na calories ng katawan ko
kaya hindi ko tuloy alam kung ilan ba dapat ang calories na kakainin ko
sa loob ng isang araw

ito po pala yun information ko
Age: 25 years old
Gender: male
Height: 5'7 or 5 feet 7 inches
Weight: 232 lb or 232 pounds

wait ko na lang po yun mga reply nyo maraming salamat

Kilo 1000

#1
Wow haba,

Yung 2000 kcal daily requirement is based on a 70kg man with normal BMI and height.

Daily requirement is based on calorie needs of a person
1. Basal Metabolism (you will burn calories by simply living in this world)
2. Activity Expenditure (exercise, physical activity)
3. Digestion Needs (Your body needs to spend energy to digest)

This is what you need just to maintain weight.
If you eat below your daily needs your body will get energy from your stores (body glycogen and fat)

So to burn 3500 calories in 1 week  you need to to burn 500 kcal /day
500 kcal =
a) Diet 250 less calorie intake = 1 bottle of ice tea (210) OR 1 cup of rice (200 kcal) OR 1 slice of pizza (300) OR 1 grande size designer espresso drink in starbucks (270)
b) Exercise 250 kcal  = 1 hour of Moderate run in treadmill hitting 5k, 1 hour moderate resistance exercise (weight lifting)

Try mo rin mag join ng marathon ng 10k every 2 weeks. Tiyak mabuburn mo more than 500k in one day.
Try mo rin mag swimming (sa gabi pag ayaw mo ng mga tao nanonood) ng 1 oras. You'll burn a lot.

Kung kakakain ka ng 500 kcal less, babagsak yung weight mo ng 1 lbs per week pero babagsak rin basal metab mo kung pure diet lang. Remember if you start starving yourself, your body will try to protect itself by trying to conserve energy. One way to trick your body from getting into starvation mode is to eat constantly but in smaller and less calories. (example, eating 1 bag of lettuce salad greens is 30 kcal)

That why maganda mag off set ng exercise next week para mag increase yung metab mo. (yun lang mas mabilis kang magugutom haha)
Weight lifting increases your muscle mass, more muscles demands more energy.

If you start doing heavy weights, don't be surprised if you slightly gain weight because growth of muscles contribute to weight gain.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Some math part:
5'7 or 5 feet 7 inches   Weight: 232 lb or 232 pounds
Current  BMI = 36.3 Obese 2

Ideal Weight somewhere between = 134 - 162
To obtain a normal body weight, you must lose between 73.02 and 113.88 pounds.

Kung 1 pound per week ang target mo.
Mga 20 months mo magagawa yan safely.

angelo


pinoypride2014

#3
maraming salamat po sa pag reply @Kilo 1000

nagresearch ako sa google ng BMR at BMI calculator hindi
ko lang po alam kung accurate ba ito or hindi

HERE MY BMR RESULT:

http://www.calculator.net/bmr-calculator.html
BMR = 1,996 Calories/day

http://www.bmi-calculator.net/bmr-calculator/
You have a BMR of 2192.26.

http://www.bodybuilding.com/fun/bmr_calculator.htm
2199 kcal per day

http://www.myfitnesspal.com/tools/bmr-calculator
Your estimated BMR is: 1,996 calories/day*

HERE MY BMI RESULT:

http://www.bmi-calculator.net/
You have a BMI of 36.33.

http://www.weightwatchers.com/health/asm/calc_bmi.aspx
Your BMI 36

may tatlong tanong po pala ako paki sagot na lang po sana salamat

Question 1:
tanong ko lang po yun BMR po ba yan po ba yun kailangan na calories ng isang tao sa loob ng isang araw? for example na lang po kung ang BMR ko ay 1,996 Calories per day yan po yun kailangan ko na kainin na calories sa loob ng isang araw? ( calorie intake )

Question 2:
kunyari ang BMR ko ay 1,996 Calories per day at ang gagawin ko naman ay ganito hahatiin ko sya yun 250 calories kukunin ko dun sa calorie intake ko then yun 250 naman ay kukunin ko dun sa calorie na buburn ko sa pag workout.

ganito ang gagawin ko sa loob ng isang araw

kung ang kailangan ko na calories sa loob ng isang araw ay 1,996 calories ( BMR )

kakain lang ako ng 1,746 calories sa isang araw babawasan ko sya ng 250 calories tapos mag workout naman ako para makapag burn ng 250 calories
kung ganyan lang po ba ang gagawin ko sa loob ng isang araw makakapag burn ako ng 500 calories?

at kung gagawin ko yan araw araw sa loob ng isang linggo makakapag lose na ako ng 1 pounds

tama na po ba ngayon yan pagkakaintindi ko kung paano magburn ng 500 calories sa loob ng isang araw?

Question 3:
dagdag ko na lang din parang meron kasi ako nabasa na pag magwoworkout ka daw kailangan mo din dagdagan yun calories na kakainin mo so yun BMR ko na 1,996 calories a day kailangan ko pa yan dagdagan kung mag may plano ako na mag workout? tama po ba yan or hindi

wait ko nalang po yun reply nyo kung tama na ngayon ang pagkakaintindi ko about dito sa calorie intake and calorie burn para makapag burn ako ng 500 calories a day thanks


Kilo 1000

BMR is BASAL Metabolic Rate
How much calories you will burn by simply being alive.

Sabi sa site ng  nirefer mo kailangan mo imultiply ng 1.2 -1.9 (depende sa activity level) to get your daily calorie needs.

So 2000kcal *1.2 = 2400 ang daily calorie needs mo to maintain weight at 232 lbs.


BUT I'd rather compute at your IDEAL WEIGHT.

Using the same site, Computing at 5'7 150lbs
BMR is around 1600
1600 *1.2 = 1900 kcal daily to maintain a 150 lbs weight.

Tignan mo oh

2400 - 1900 = 500 kcal :P