News:

Having problems registering or logging in?
Contact us here.

Main Menu

paano kayo magburn at maglagay ng files sa blank dvd?

Started by pinoypride2014, August 24, 2014, 07:04:01 AM

Previous topic - Next topic

pinoypride2014

Hi po sa lahat lalo na dun sa mga may alam at matagal na
talaga nagbuburn ng movies at naglalagay ng files sa mga blank dvds
para pang backup ng files nila.

ask ko lang po sana kung tama ba yun ginagawa ko na procedure
para magburn ng movies at maglagay ng files sa blank dvds.

ganito po pala yun procedure ko pag meron ako gusto ilagay na pictures
pdf jpeg video mp3 notepad installer at iba pang files sa blank dvd
para may backup ako sa mga importanteng files ko.

step 1:
ilalagay ko yun BLANK DVD-R ko sa dvd rom or dvd writer ko
step 2:
hahanapin ko yun folder sa desktop ko kung saan nakalagay
yun mga pictures mp3 notepad video installer ko.
step 3:
pag nakita ko na yun folder kung saan nakalagay yun mga files ko
cocopy ko yun folder na yun.
step 4:
pupunta ako sa "My Computer" tapos hahanapin ko yun
CD Drive (E:) yan kasi yun DRIVE ng DVD ROM ko kung saan nakalagay yun
BLANK DVD na nilagay ko kanina. then click ko lang yan CD Drive (E:)
tapos paste ko lang jan yun folder ng files ko na ni copy ko kanina
sa desktop ko.
step 5:
pag na copy paste ko na yun folder ng files ko sa may CD Drive (E:)
meron ako makikita jan sa gilid ng CD Drive (E:)
na nakalagay "CD Writing Tasks" Write these files to CD
i click ko lang yan Write these files to CD then hihintayin ko na lang
matapos na malagay lahat ng files ko dun sa blank dvd.
malalaman mo naman kasi yan pag finish na kasi kusang bumubukas yun dvd rom
ko pag natapos ng malagay yun files dun sa blank dvd.

ang tanong ko lang po tama at ganyan din po ba yun ginagawa nyo or hindi
para malagay yun mga importanteng files nyo dun sa blank dvd para may back up kayo?

ganyan kasi yun procedure ko para malagay ko yun mga files ko dun sa blank dvd
para may backup ako ng mga importanteng files ko.

i mean wala ako ginagamit na kahit anong software.
basta ganyan lang yun ginagawa ko para malagay yun mga files ko sa blank dvd.

ask ko lang kung tama po ba yan ginagawa ko na procedure or mali?
i mean ganyan din po ba ang ginagawa nyo pag may gusto kayong ilagay na files
sa blank dvd or iba ang procedure na ginagawa nyo at may ginagamit pa kayo na software
para malagay yun mga pictures installer files nyo sa blank dvd?

pinoypride2014

about naman po dito sa pagbuburn ng mga movies sa blank dvd.

iba naman po ang procedure ko pag nagbuburn or naglalagay ako ng mga movies sa blank dvd
hindi kasi nag paplay yun movie sa dvd player ko pag katulad dun sa una ko na post yun ginawa ko na procedure.

pag sa mp3 naman wala akong problema ganun lang din yun ginagawa ko na procedure
pag gusto ko magburn dati ng mp3 sa blank disc para magplay sa dvd player ko
ganun lang din yun ginagawa ko i mean copy paste lang din at hindi na ako
gumagamit ng mga software para maburn at malagay yun mga mp3 ko dun sa blank disc.

wala naman ako problema pag dating sa mp3 kasi pag tapos ko malagay yun mga mp3
dun sa blank disc at sinalang ko na sa dvd player ko nababasa at nagpaplay naman yun mga mp3 files ko
so makakapag soundtrip na ako.

ang problema ko naman po ngayon hindi umuubra yun ganyan procedure at paraan
pag dating sa mga movies i mean yun first time na ginawa ko yan na ni copy paste
ko lang yun na download ko na movies dun sa BLANK DVD-R at sinalang ko
sa DVD PLAYER ko ayaw mag play i mean hindi nya binabasa yun movies
so sinubukan ko din ilagay yun movie dun sa usb kaso ayaw pa din mag play
sa dvd player ko.

so ang ginawa ko nagresearch ako sa internet at nalaman ko na
kaya pala hindi nag paplay yun movies kasi mp4 or yun format
ng na download ko na movies ay hindi binabasa ng DVD PLAYER ko.

ngayon meron ako na download na 2 free software sa internet
para yun movies na mp4 format ay maconvert dun sa format
na kayang basahin ng dvd player ko.

dati kasi ang pagkaka alam ko sa salitang "mag burn ng movies"
ito yun malalagay mo yun movie dun sa blank dvd para mag play sa dvd player.

hanggang sa nabasa ko ito:
How to Burn a Movie. If you wish to view your home movies on your television
using a DVD player or Blu ray, you need to first burn those movies onto a DVD.

ang ibig sabihin pala ng burn those movies onto a DVD ay parang coconvert
mo muna yun movies na na download mo sa DVD format
para mag play sya sa kahit anong dvd player.

kasi yun ibang dvd player pala hindi binabasa yun mga mp4 or avi format.

so after mo mag download ng movies kailangan mo muna ito iburn or iconvert sa DVD format
then pag naka dvd format na yun movies pwede mo na ito iburn or ilagay dun sa blank dvd
na magpaplay dun sa dvd player mo.

ngayon ganito ang procedure ko pag gusto ko maglagay ng movie sa blank dvd na
mag paplay sa dvd player ko para mapanood ko yun movie dun sa big screen na TV.

step 1:
mag download ng movies sa mga torrent sites

step 2:
pag nakapag dl na ako ng movies icoconvert ko muna yun movies sa DVD FORMAT
para mag play sa dvd player ko.

DVD Flick - yan po yun software na download ko sa internet
ang maganda sa software na ito pwede ka pa gumawa ng sarili mo na
DVD MENU at pwede ka maglagay ng madaming movies sa isang blank dvd-r na 4.7 GB 16x
depende kung gaano kalaki yun size ng movies na ilalagay mo.
sakin kasi 2 movies lang yun nalalagay ko sa isang blank dvd
masyado kasing malaki yun files lalo na pag high quality yun movies.

pag nakagawa na ako ng dvd menus at na convert na yun movies dun sa format
na magpaplay sa dvd player ko.

pupunta lang ako dun sa folder kung saan naka save yun project
then may makikita ako dun na AUDIO_TS and VIDEO_TS.

NOTE: ang ayaw ko lang sa DVD FLICK sobrang tagal matapos nito
yun 2 movies inabot ng 4-5 hours. kaya ginagawa ko yan pagmatutulog na ako
para pag gising ko tapos na.

step 3:
pagnatapos na ako jan sa step 2 ilalagay ko na yun BLANK DVD-R
dun sa DVD ROM or DVD WRITER ko.

step 4:
InfraRecorder - ito yun isa pang software na pang partner ko dun sa DVD FLICK

yun dvd flick kasi software lang sya para makagawa ka ng dvd menus and para maconvert
yun movies na pwede magplay sa dvd player pero hindi nya malalagay yun movies
dun sa blank dvd.

so gagamitin ko yan InfraRecorder na software para malagay ko yun movies dun sa
BLANK DVD-R na nilagay ko sa dvd rom or dvd writer ko.

PROCEDURE:
oopen ko yun software na tinatawag na "InfraRecorder" then click ko lang yun "VIDEO DISC"
then browse or hahanapin ko lang yun folder kung saan naka save yun project
ng movies ko sa dvd flick.

then meron ako makikita jan na AUDIO_TS at VIDEO_TS na FOLDERS
click ko lang yun VIDEO_TS na folder para mapunta sya dun sa infrarecorder
tapos aayusin ko lang yun settings then buburn ko na yun movies.

maghihintay na lang ako ng mga 1-2 hours para malagay yun movies dun sa blank dvd
malalaman mo naman yan kung nalagay na yun movie dun sa blank dvd kasi kusang bubukas
yun dvd rom mo pag tapos mo ng maburn yun movies.

step 5:
pag naburn at nalagay ko na yun movie dun sa blank dvd
kunin ko lang yun blank dvd dun sa dvd rom at ilagay ko dun sa dvd player ko
100 percent babasahin na yun movies at magpaplay na sa dvd player ko.

so pwede ko ng mapanood yun naburn kung movies sa malaking TV.

ang tanong ko na lang po ngayon tama at ganyan din po ba ang ginagawa
nyo na procedure pag nag buburn kayo ng movies sa BLANK DVD-R
para mag play yun movies dun sa DVD PLAYER nyo?

ganyan po kasi ang ginagawa ko pag nagbuburn ako ng movies
kaso ang tagal po kasi maburn ng movies pag ganyan ang procedure
i mean sa DVD FLICK pa lang umaabot na ako ng 3 to 4 hours
then sa InfraRecorder umaabot naman ng 1 to 2 hours

so mga 5 to 6 hours ang inaabot para makapagburn at malagay ko yun movies
dun sa blank dvd para mag play sa dvd player ko.

pa help naman po baka pwede malaman kung paano ang procedure na ginagawa nyo
pag nagbuburn kayo ng movies sa blank dvd-r.

i mean ano ang software na ginagamit nyo para maconvert yun movies dun sa DVD FORMAT
at ano ang software na ginagamit nyo para malagay yun movies dun sa blank dvd-r

or baka may ibang software kayo na ginagamit na pag ni burn nyo yun isang movies
automatic na macoconvert yun movie sa dvd format at malalagay sa blank dvd-r
at mag paplay sa kahit anong dvd player.
i mean yun hindi ganun katagal yun inaabot na oras sobrang tagal kasi
pag nagbuburn ako ng movies. or baka hindi lang maganda yun software
na ginagamit ko.

baka pwede paki share nyo naman po dito yun procedure nyo kung paano kayo
magburn ng movies sa blank dvd-r.

para matuto din yun ibang mga katulad ko na gusto malaman kung
paano ang tamang pagbuburn ng movies at paglalagay ng files
sa mga blank dvd.