News:

If this is your first time to visit, you might have to register here before you can post.

Main Menu

Personal Finance

Started by pong, November 11, 2011, 05:30:11 PM

Previous topic - Next topic

pong

Alam ko isa itong usapin na hindi magandang talakayin sa PGG. Pero i-share ko lang para kahit papaano mamulat tayo :)

Sa araw-araw na buhay, lalo na sa Metro Manila, lahat ng galaw ay may katumbas na pera. Ganunpaman, isa ito sa pinag-aawayan, ayaw pag-usapan at hindi tinatalakay ng mga magkakaibigan. Either allergic sa math o masyadong personal ang pera. Hindi naman siya taboo topic. :) Pero lahat tayo gustong yumaman kaya lang wala naman tayong ginagawang paraan para mapalago ito.

Ano ba ang concept niyo sa personal finance? Let's share. :)

ctan

hmm.. wala akong concept nyan. hahahaha!

seriously, it boils down into investing into something you really want to achieve. it involves savings and wise money handling. for me, if one is only relying on chance to win in lotteries or luck games, his view on personal finance is a quite deluded. if there is one word that qualifies the attitude in investing, i think it would be diligence... as in diligently investing for your financial status.

vir

mukang kailangan to ng matinding self-assessment..

grade school plng,marunong na ko magsave..good thing is merong rural bank malapit samen na may student account program kung saan pwedeng magopen ng bank account ang mga estudyante sa halagang 200pesos lng..so elementary plng may sarili na kong pera..pero naubos ko rin yun during high school days..

then nung college ayun nakaipon ulit..yung mga binibigay saken na pera iniipon ko rin..hanggang sa nagwork..nung nagresign ako sa first job ko,di ko ginastos yung back pay ko..nai time deposit ko yung iba..

ngayon naginvest ako sa sunlife mutual funds..nakumbinsi ako nung agent kaht di ko maxado naiintindihan yung kalakaran nun..

so far yan plng yung mga naging action plans ko pagdating sa personal finance..mahirap kasi pag nakatago lng sa bank account mo yung pera mo..kasi napaka accesible,madaling makuha,madaling iwithdraw..and before you know it,nauubos mo na pla..

pong

^nawks vir, siguro kuripot ka sa tunay na buhay hehehe **peace** \/..

nung bata ako, wala akong savings. P20 (malaking pera na noong 1990s) ang baon ko nung grade 1 at ginasta kong lahat sa holen, tex, at big boy bubble gum. naka-ipon ako nung elementary pero ipinambibili ko lang ng Lego at Game Boy (na monochrome) na maluluma rin pala. nung HS naman, P100 nga baon ko pero nauubos sa kapapa-xerox ng mga libro na hindi ko naman binasa. in short, hindi naman ako talaga ganung kasinop sa pera.

anong point ng kinuwento ko? kung nung bata pa tayo ay katulad tayo ni vir na nagka-idea na sa pagsa-save ng pera, eh di naka-program na yung isip natin na magtabi para sa kinabukasan. kadalasan kasi, masama ang impression natin sa kuripot, maarimuhunan at tiyane. mali ang ganoong pananaw.

noong college lang ako nagka-idea mag-ipon dahil sobrang baba ng cost of living ko kumpara sa binabaon ko. 3rd year ako nung bumili ng Treasury bills. sana sumugal ako sa stock market nung 2001 nung nag-9/11, at ngayon, 4x na sana ang value ng pera ko ngayon.

sa ngayon, aaminin ko na sabog ang finances ko. wala pa ako sa 1/4 ng isang milyon pero tingin ko kung gagawin nating wasto ang paggastos ng ating pinaghirapang sweldo, mabubuhay naman tayo ng masagana. pero, ang point ko, wag nating i-sentro ang sarili natin sa pera. wag rin natin siyang dibdibin to the point na makikipag-away tayo sa GF o sa asawa pag gastadora siya. for education purposes lang ^_^

vir

very well said pong..

oo kuripot talaga ako,lalo na sa mga gadgets,hehehe..i don't have expensive car,i don't have signature clothes pero i feel secured in times of need..

sometimes it pays to be kuripot..or sabi nga nila "money smart"..hehe..

pong

^ yeah boy!


minsan, nakakalungkot isipin na may ibang ini-invest ang pera sa damit, parties, gadgets at payday na payday ubos na ang pera :|  ako yung phone ko 2 taon na sa akin, nag-dive na sa timba, nagrollercoaster sa hagdanan, heto't buhay pa!

but reading between the lines it shows you already afforded yourself a car :)

darkstar13


pong

yeah. got B+, though what's peculiar in this quiz is that it requires a minimum age of 25.

Peps

Quote from: pong on November 11, 2011, 09:29:59 PM
^ yeah boy!


minsan, nakakalungkot isipin na may ibang ini-invest ang pera sa damit, parties, gadgets at payday na payday ubos na ang pera :|  ako yung phone ko 2 taon na sa akin, nag-dive na sa timba, nagrollercoaster sa hagdanan, heto't buhay pa!

but reading between the lines it shows you already afforded yourself a car :)

ako maingat sa cellphone minsan kahit mahigit isang taon na sakin mukhang brand new pa din kaya if ever na ibenta ko mataas nakukuha

@topic

alam ko insured ako eh, pero try ko magpakamatay di ko alam magkano makukuha nila hehe

joshgroban

Quote from: ctan on November 11, 2011, 07:28:57 PM
hmm.. wala akong concept nyan. hahahaha!

seriously, it boils down into investing into something you really want to achieve. it involves savings and wise money handling. for me, if one is only relying on chance to win in lotteries or luck games, his view on personal finance is a quite deluded. if there is one word that qualifies the attitude in investing, i think it would be diligence... as in diligently investing for your financial status.


haha wala ka ngang concept dito doc ..ang dami mong sinabi e...


ako siguro savings a.d being a good stewards of finances

vir

Quote from: pong on November 11, 2011, 09:29:59 PM
^ yeah boy!


minsan, nakakalungkot isipin na may ibang ini-invest ang pera sa damit, parties, gadgets at payday na payday ubos na ang pera :|  ako yung phone ko 2 taon na sa akin, nag-dive na sa timba, nagrollercoaster sa hagdanan, heto't buhay pa!

but reading between the lines it shows you already afforded yourself a car :)


di pa..para sa future yun..pero yung para sa present needs and wants,di pa kaya..inuna ko lng talaga ang future,hahaha..so yung present nlng pagtatrabahuahan ko ngayon.. =)

pong

hehehe apir tayo diyan. after all naman mas maganda kung may mahuhugot pa tayo para sa future eh. isa pa, magpapa-aral pa tayo, magpapalaki ng mga anak. kumbaga, time to take charge of everything that has been done to us by our parents.

joshgroban

Quote from: otipeps on November 11, 2011, 10:54:38 PM
Quote from: pong on November 11, 2011, 09:29:59 PM
^ yeah boy!


minsan, nakakalungkot isipin na may ibang ini-invest ang pera sa damit, parties, gadgets at payday na payday ubos na ang pera :|  ako yung phone ko 2 taon na sa akin, nag-dive na sa timba, nagrollercoaster sa hagdanan, heto't buhay pa!

but reading between the lines it shows you already afforded yourself a car :)

ako maingat sa cellphone minsan kahit mahigit isang taon na sakin mukhang brand new pa din kaya if ever na ibenta ko mataas nakukuha

@topic

alam ko insured ako eh, pero try ko magpakamatay di ko alam magkano makukuha nila hehe


katakot naman yang idea na yan tipeps.... baka mamuura ka pa nila pag ginawa mo yun....wahahahaa pera is not everything

Isamu

alam mo kung personal finance din lang minsan di masamang gumastos pero yung pinag gagastusan sana ay napapakinabangn may ibang tao kasi na madami ngang pera pero ginagastos sa walang katuturan most of the time tsaka lang nila marerealized na ubos na ang pera nila kung kelan malapit na maubos

angelo

mahirap pag-usapan ang personal finances. walang makakapagsabi kung saan ba dapat gastusin ang perang kinita niya. depende sa hilig, depende sa trip. but what is important is that the individual knows how make his/her money work for him/her and not the other way around.

pwede kasing umupo ka na lang at kumikita ka.

also, need to be prepared for all the risks in life, lalo na kung breadwinner ka ng pamilya. paano na kung na-aksidente ka? paano na  kung naputulan ka ng mga kamay? paano kung nasunugan? etc. one should always be "financially secured". yun lang ang importante.