News:

Having problems registering or logging in?
Contact us here.

Main Menu

sa lahat ng kojie san soap user read this

Started by pinoypride2014, August 04, 2014, 07:23:09 AM

Previous topic - Next topic

pinoypride2014

Hi po sa lahat lalo na sa mga gumagamit ng Kojie San Skin Lightening Soap
meron lang po ako tanong about dito sa sabon na ito.

hindi ko po kasi malaman kung hiyang ba ako or hindi sa kojie san
halos 2 months na kasi ako gumagamit ng sabon na ito.

sabi ng mga gumagamit ng sabon na ito sa unang gamit mo daw ng sabon na ito
masakit at mahapdi daw talaga at magbabalat yun mukha at katawan mo

jan naman ako nagtataka kasi simula ng unang araw na ginamit ko itong
sabon na ito at hanggang ngayon hindi ako nasasaktan or nahahapdian
yun tipong kahit na kuskusin ko sya ng madiin na madiin sa balat ko
hindi talaga ako nasasaktan or nakakaramdam ng hapdi at sa loob ng
2 months na pag gamit ko nito hindi pa din nagbabalat yun mukha
at katawan ko hanggang ngayon

syaka napansin ko lang yun tinubuan ako ng isang tigyawat sa face
at yun gumaling na yun tigyawat ko parang may itim na andun pa din sa face ko
i mean yun tigyawat na nawala parang umitim hindi naman masyadong maiitim
pero pag tinignan mo sa salamin makikita mo talaga yun pinagtubuan ng tigyawat
parang nangitim hindi ko lang sure kung ito ba yun tinatawag nila na darkspot

dito din banda sa legs ko hindi ko lang sure kung kagat ba yun
ng lamok or ipis pero basta yun nakagat ako namula sya tapos yun
gumaling na sya napansin ko na parang nangitim din sya like dun sa
tigyawat ko hanggang ngayon kasi hindi pa din nawawala yun parang itim
wala na yun tigyawat at yun kagat pero yun gumaling sya parang
umitim ba yun or brown basta mapapansin mo sya kasi medyo maputi naman talaga
yun legs at mukha ko

wala naman ng yari sa mukha at katawan ko maliban jan hindi naman ako nangangati

maliban lang dito sa maliit na tuldok na kulay pula na lumabas sa katawan ko
nun una akala ko kagat lang sya ng lamok pero yun pinagdikit ko yun kagat ng
lamok sa maliit na pula sa braso ko magkaiba sila

yun kagat ng lamok parang medyo pink pa sya diba na bilog
yun lumabas naman sa katawan ko parang maliit sya na tuldok
na kulay pula at paghinawakan mo sya hindi mo sya makakapa

i mean diba pag yun tigyawat at kagat ng lamok paghinawakan natin
nakakapa natin pero yun lumabas na pula sa katawan ko hindi ko nakakapa
basta ang itchura nya parang maliit lang sya na tuldok na kulay pula
na lumabas. 2 sa braso 1 sa tyan 1 malapit sa may kamay

hindi naman sya makati or masakit basta parang wala lang pero ang tagal na kasi
mula ng lumabas yun mga yun hanggang ngayun hindi pa din sya nawawala
una sa braso lang tapos napansin ko pati sa chan ko meron na din isa at sa kamay
alam nyo ba kung ano tawag dito?

tinignan ko kasi sa google yun mga picture ng skin side effects pero wala naman sya kaparehas dun.

ask ko lang kung meron po bang mali dito sa pag gamit ko ng kojie san soap
ganito ko kasi sya gamitin

step 1. araw araw ko sya ginagamit
step 2. ginagamit ko sya sa mukha at katawan ko
step 3. ito na mismo yun ginagamit kung sabon tuwing naliligo wala ng iba pa
step 4. isang beses ko lang sya ginagamit sa loob ng isang araw
step 5. tuwing gabi ko lang sya ginagamit
step 6. hindi ko sya binababad ng matagal sa balat ko pag naliligo
basta ginagamit ko lang sya parang normal na sabon
step 7. pag katapos ko maligo nagpapahid agad ako ng kojie san cleanser + toner
step 8. pag tapos ko mag pahid ng kojie san cleanser + toner
naglalagay na ako ng kojie san face lightening cream
step 9. naglalagay din ako ng kojie san body lightening lotion pag tapos ko maligo
step 10. matutulog na ako

ganyan lang ginagawa ko araw araw may mali po ba jan?

hiyang ba ako sa sabon na ito kasi:
mula ng unang gamit ko hanggang ngayon hindi ako nasasaktan at hindi mahapdi
hindi makati hindi din ako tinitigyawat

hindi ba ako hiyang sa sabon na ito kasi:
halos 2 months na ako gumagamit nito pero hanggang ngayon hindi pa din nagbabalat
yun mukha at katawan ko

at bakit parang pagnagkasugat or tigyawat ako ang tagal mawala at pag gumaling na
parang nangingitim d ko lang sure kung ito ba yun tinatawag na darkspot?

at ano ba yun parang maliit na tuldok na pula na lumabas
sa katawan ko?

anyway tanong ko lang po kung hiyang ba ako sa pag gamit ng
kojie san skin lightening soap or hindi para malaman ko kung
ipagpapatuloy ko pa ba ang pag gamit ng sabon na ito or hindi na
halos 2 months na din kasi ako gumagamit nito