News:

Having problems registering or logging in?
Contact us here.

Main Menu

May bestfriend ka ba?

Started by toffer, November 09, 2008, 03:54:38 PM

Previous topic - Next topic

madishley20

syempre naman meron, nakilala ko dati sa work tapos nag jam naman ung ugalit naman :)

sayonara

Haha biglang nahukay tong thread na to ah. Lol


Yep, may bestfriend ako.

Actually, I was a lone wolf. I am too proud of myself kaya I don't attach too much sa mga friends ko. Yes, they were there when I needed them, pero that's it. Wala talagang lalim ang friendship ko nun sa iba. Mas gusto ko pang mag Skyrim kaysa mag socialize.

Then, roughly two years ago, i met my best friend. He's two years younger than me, attends a different university, has a different/contrasting taste on almost everything under the sun, has a different outlook in life, different personality, different anything you can think of. Basically, he's the north pole and I'm the south.

But we have one thing in common: we were both lone wolves. Proud of ourselves and competitive on almost all things we do. And that's where I see myself in him. Actually, he is the person I wish I was.

Well, we developed our friendship through trust. Dahil nga sa mas bata siya, madalas ako ang umiintindi. Pero lately, siya ang nagtitiyaga sakin. Nahihiya na nga rin ako minsan, and dahil sa severe level ng pessimism at negativity ko, nahihirapan na rin siyang tulungan ako. He's the total opposite of me, kasi napaka positive niya. He sucks out all the negative energy I have, pero dahil nga sa hindi pa naman siya ganun ka strong and mature, hindi niya rin kinakaya minsan.

There's always a part of me na laging insecure sa kaniya, maybe because napaka gaan ng buhay para sa kaniya samantalang ako, parang pasan lagi ang mundo. Pero you know what? Hindi pa rin ako magawang iwan ng best friend ko. Minsan, ako na tong doubtful sa kaniya kung may pakialam ba talaga siya. Ako na tong gumagawa ng reason para lumayo siya, pero still he sticks around. Minsan nga lang talagang napaparamdam niyang mas gusto niyang kasama ang iba na katulad niya pero at the end of the day, ako pa rin ang best friend niya.


Kaya nga one time, nasabi ko na lang sa kaniya, "Par, eto random lang ah. Pero alam mo, nung una tayong nag meet, wala naman talaga kong pakialam sayo e. But then again, I was clueless. I had no idea  that you will become so important to me."

Then one time he said, "May isang bagay kang naparealize sakin pre. Na hindi ko pala kailangang mag-isa."


Haha. Sarap kutusan. Sana makahanap din kayo ng isang best friend na magiging loyal sa inyo no matter what.  ;D

marvinofthefaintsmile


sayonara


marvinofthefaintsmile

sa ngayon, di ko muna sya iniisip.. siguro dahil busy ako sa madaming bagay..

Carsnow

Ako wala. pero siguro nuon meron.   :P O0

josephbr

May bestfriend na sana ako kaso bigla na lang nainis at di na nagparamdam. Bakit kaya ganun. Alam kong di sya mababaw pero bakit ganun na lang. Tsk.

outcastblueboy

Quote from: josephbr on October 11, 2015, 10:44:20 AM
May bestfriend na sana ako kaso bigla na lang nainis at di na nagparamdam. Bakit kaya ganun. Alam kong di sya mababaw pero bakit ganun na lang. Tsk.

Hmm baka busy lang or iba na type ng friends niya...

chris_davao

Quote from: josephbr on October 11, 2015, 10:44:20 AM
May bestfriend na sana ako kaso bigla na lang nainis at di na nagparamdam. Bakit kaya ganun. Alam kong di sya mababaw pero bakit ganun na lang. Tsk.

ok lang yan.  :)

marvinofthefaintsmile

yung best friend ko... nakalibing na sa sementeryo.
yung internet best friend ko, nakakalaro ko namn every now and then..once a week.

outcastblueboy

Mayroon akong iilang best friends,,pero gusto ko pa ng mga lalaking best friends for keeps

sayonara

Para sakin, isa lang dapat ang best friend. Kaya nga best e!


Sabi sakin yan ng bestfriend ko. Ayaw niya ng ka-share hahaha!

chris_davao

Quote from: sayonara on October 21, 2015, 09:55:13 AM
Para sakin, isa lang dapat ang best friend. Kaya nga best e!


Sabi sakin yan ng bestfriend ko. Ayaw niya ng ka-share hahaha!

hahaha

nikodelacruz

Possessive at sweet ako sa bestfriend kong babae at lalaki. Dami na naming naexperience together kaya pag parang may ibang kumakaibigan sakanila, naiinis ako. Lol.

nikodelacruz

Quote from: sayonara on October 21, 2015, 09:55:13 AM
Para sakin, isa lang dapat ang best friend. Kaya nga best e!


Sabi sakin yan ng bestfriend ko. Ayaw niya ng ka-share hahaha!

Ako ata yung bestfriend mo. Haha. Parehas kami.