News:

Welcome to PGG Forums:
Ask for tips and advice ranging from men's fashion, grooming, hairstyles and dating women.

Main Menu

May bestfriend ka ba?

Started by toffer, November 09, 2008, 03:54:38 PM

Previous topic - Next topic

sayonara

Ever heard of the Law of Polarity?

The Law of Polarity tells us that "everything is dual; everything has its poles." That opposites are actually identical in nature, just different in degree.

This, I can affirm. It's me and my bestfriend.

If you want, I can tell you a story that might sent chills down your spine. As in, chill na kilig ng bromance. Hahaha!

Ryker

Quote from: sayonara on February 12, 2016, 04:22:22 PM
Ever heard of the Law of Polarity?

The Law of Polarity tells us that "everything is dual; everything has its poles." That opposites are actually identical in nature, just different in degree.

This, I can affirm. It's me and my bestfriend.

If you want, I can tell you a story that might sent chills down your spine. As in, chill na kilig ng bromance. Hahaha!

Sige, share your Bromantic story.

----

Ngayon ko lang nalaman iyan "Polarity Law". Is it universal natural law? Para bang "opposite attracts" ang dating?

coxxxz

Seems to be the yin and yang...

Hahaha just thinking if it ia the theory your talking, parang parehas kasi.

Correct me, i do feel i am wrong haha.

Peps

post ko maya maya tinatapos ko lang hehe

coxxxz


Peps

continuation...
matapos yun hindi na niya ako kinausap uli, kung titignan nyo parang maliit na bagay lang, simpleng tampuhan lang dapat pero bakit umabot sa ganun katindi yung galit nya sa akin? actually yung nireject ko yung regalo na bigay nya yun ang dahilan kaya sobra siya nagalit. Ang nakakatawa nga diyan pag nakukwento ko sa mga kaklase, kaibigan yung ginawa ko ang lagi nilang sinasabi sakin "grabe nagawa mo yun?", "parang insulto yung ginawa mo" "naku kung ako lang sinapak na kita" "baka nga di na din kita mapatawad" puro mga ganun ang tugon nila sa akin hehe.
Na realize ko nga na malaki ang kasalanan ko sa kanya so gumawa ako ng paraan para magkaayos kaming dalawa, ang problema yung ugali ko dati pag gusto ko kasi makipag ayos lalo ko pang pipikunin yung tao ewan ko ba bat ganoon ako noon lol.  Ang nangyari lalo lang siyang lumayo sa akin tapos nangyari nalang isang araw may bago na siyang grupo ng mga kaibigan, although nagkakasama pa din sila ni best friend 1, pero yung kasama ako wala na. Siguro alam niyo pakiramdam ng nag iisa parang yung lahat ng tao ayaw sayo kahit di naman talaga ganun pero ganun ang pakiramdam ko nung mga oras na yun, base naman sa mga post dito alam ko marami sa inyo nakaramdam na ng ganun. Alam nyo ba kung sino bago niyang group of friends? sino pa edi yung mga barkada nung crush niyang babae kasama dun yung dalawang mayabang na kaklase kong lalaki. Meron naman akong naging kaibigan pero sabi ko nga di naman ganun karami, dalawang babae pero di sila yung tipong masasabihan mo ng problema kung baga nung time kasi na yun hindi ko pa sila masyadong close halos puro sa kalokohan lang kami nagkakasundo haha. Saka pag uwian iba kasi ang daan nila taga north kasi sila unlike kaming tatlo pare pareho kaming taga south so pag uwian siyempre di ko din sila nakakasama.
Alam ni best friend 1 yung nangyayari saka alam ko mahal na mahal ako nun kasi di rin niya ako pinabayaan, so ang nangyari sinasama na ako lagi ni best friend 1 kahit saan siya magpunta so meaning kasama din girl friend nya, naging kaibigan ko din naman kasi girl friend nya mabait naman yun nga lang alam nyo naman siguro ang pakiramdam ng thrid wheel diba? haha, so ganun ang pakiramdam ko nung mga oras na yun siyempre mag kasintahan sila kailangan din naman nila ng private time para sa isat isa saka ayoko din naman ng ganung set up lagi, medyo nahihiya din naman kasi ako sa girl friend niya kahit pa never naman nya pinaramdam sa akin na pabigat ako. So ang nangyari sumasama nalang din ako sa iba kong mga kaklase sa madaling salita isa nakong palaboy haha! Nung una ayaw ni best friend 1 kasi nga di nya ako nababantayan kasi alam nyo nagkasakit ako nung first year college andaming restrictions sa akin yung doktor, bawal ako sa maalat na pagkain, oily foods at higit sa lahat mga softdrinks. Di ko na maalala kung ano pangalan ng sakit ko kasi nung inexplain ng doktor sa mom saka kuya ko lang sinabi nung mga panahong yun basta ang alam ko lang nun hindi yata nagsasara lining between stomach saka esophagus ko kaya madalas ako magsuka noon grabe din kamahal yung gamot ko, yung isa nga 72 pesos bawat isa tapos kelangan inumin 3x a day eh nung mga panahong yun tatlong piso lang yata pamasahe sa jeep so may idea kayo kung gano pa kamahal ang 72 pesos that time di tulad ngayon typical na yata sa mga gamot yung ganyang presyo. Naalala ko pa nung first year college ako nung sinabi ng nanay ko kay best friend 1 yung mga bawal sakin bantay sarado ako kay best friend 1 noon di ako makainom ng softdrinks haha, wala pa kasi si best friend 2 nung mga panahong yun kasi sa mapua pa siya that time. Anyway may pagka pasaway ako noon patago ako uminom ng softdrinks hehe. So ganun nga ang nangyari ayaw nya kasi nga di nya ako nababantayan pero inexplain ko naman sa kanya saka nag promise naman ako na I'll take care of myself naks haha, sira nga yun kinausap ba naman yung dalawa naming kaklaseng babae na alagaan daw ako haha kakahiya para akong bata. So yun na nga ang naging set up namin, matapos ang ilang buwan mas lalo akong napalapit sa dalawa kong kaibigang babae although nakakasama ko pa rin naman si best friend 1 pero si best friend 2 wala na talaga, pag nakikita ko siya mukha namang masaya  siya sa mga bago niyang kaibigan lagi pa niya kasama yung crush nya ang balita ko nga hatid sundo pa nya yung crush nya sa bahay eh ang layo kaya nung bahay nun papasok ka pa sa subdivision. At least alam kong ok siya at nakalimutan na talaga ako.
Tapos isang araw nagkaroon kami ng field trip sa UPLB  so ilang oras yun kasi from Pampanga pa kami, at alam nyo ba kung paano arrangement namin sa upuan? alphabetical order, isang malaking kalokohan haha! para hindi daw magulo lol. So ang nangyari kami ni best friend 2 naging magkatabi sa upuan kasi C surname nya ako D. Halata namang di siya komportable na ako katabi haha pero wala no choice siya yun utos ng adviser namin. Umpisa pa lang ng andar ng bus tahimik na siya nakatingin lang siya sa bintana siya kasi nakaupo sa window side. Siyempre dahil gusto ko nang makipag ayos ako na pumutol sa katahimikan.
Ako: oi (sabay kalabit sa kanya) kailan mo ba ako kakausapin :(
Pero tahimik lang siya ni di man siya umimik
Ako: sige na bati na kasi tayo (para lang bata haha)
Pero wala ayaw nya talaga ako kausapin, alam nyo kung pwede lang makipag palitan yun ng lugar sa iba naming mga kaklase matagal na nya ginawa haha. Sa buo naming trip papunta dun wala ayaw talaga nya ako kausapin ayoko na din naman siya kulitin kasi nagmumukha lang akong tanga. So pagdating namin sa UPLB mga lunch time magkakasama kaming buong klase kumain katabi ko si best friend 1 tapos sa kabila naman siya katabi nya din si best friend 1 saka yung crush nya naman sa kabila, ok naman nagkwekwentuhan sila, tawanan, ako nakikinig lang. Natapos yung activities namin at medyo mag gagabi na nung makaalis kami sa UPLB. Pagdating namin sa bus nag attempt uli ako na makipag ayos sa kanya.
Ako: wala na ba talagang pag asa na mawala yung galit mo sa akin :( (malumanay kong tanong sa kanya)
At sa unang pagkakataon nagsalita siya
best friend 2: Peps I don't hate you hindi nako galit but "we can't be friends anymore, just treat me as a companion" hindi naman maiiwasan na magkasama pa rin tayo tulad kanina pero dahil yun kay Jay (palayaw ni best friend 1) pero hanggang dun nalang yun sana maintindihan mo. (seryoso niyang tugon)
Ewan ko kung ano yung mararamdaman ko nung mga oras na yun di ko alam pero masakit yung sabihan ka ng ganun hindi ko talaga makakalimutan yung mga katagang yun. Alam nyo ba "ah ok" lang yung naisagot ko nun at hindi ko na siya kinausap pa nung time na yun. Kung iisipin nyo medyo nakakaiyak kasi matagal din naman kami naging mag kaibigan para balewalain nya nalang ng ganun. Pero ayoko naman mag mukhang tanga, bakit ko ba ipipilit ang sarili ko sa taong ayaw sa akin  eh di naman ako martir. Magmula nun umiwas na din ako pero may isang pangyayari ang di inaasahan.
itutuloy....

Hahaha medyo nakakaiyak yung last part.

coxxxz

Parang dapat nang i MMK yang story mo. Bka kung sumulat ka, mging best selling din yan.

Haha though maay pgkafictioonal

Peps

Quote from: coxxxz on February 13, 2016, 12:15:11 AM
Parang dapat nang i MMK yang story mo. Bka kung sumulat ka, mging best selling din yan.

Haha though maay pgkafictioonal

haha yan din akala nila fiction pero totoong nangyari yan actually alam ng ibang mga taga PGG yung story ko matagal na naikwento ko na din kasi sa kanila dati pa. Kaya di ko talaga makakalimutan ito kasi para talaga siyang telenovela lol

sayonara

Peps, that's a good read. Thanks for sharing it. Looking forward to the last part.


Well, here's an intro of mine.

Kami kasi ng bestfriend ko ay magkaibang pareho. Alam ko magulo pero ganun talaga e. Anyway.

Tama yung sinabi na yin and yang kami. Ganto. Ako, mahilig sa Game of Thrones. Siya mahilig sa anime like One Punch Man. Ako, brainy. Siya, sporty. Ako, intuitive. Siya, clueless. Ako, overthinker. Siya, light-headed. Ako, serious. Siya, happy go lucky. Ako, intimidating. Siya, charming. And the list of opposites go on.

Pero one particular polarity made our friendship quite bromantic. Showy ako, siya reserved. Here it is.

We spent our summer last year in Oriental Mindoro. Apat kami: ako, bestfriend, at isa pang magbestfriend din. So basically, we are a pair of bestfriends.

Si bestfriend, like what I said, ay very sporty. He's younger than me ng 2years, kaya bata pa siya magisip at makitungo. Pero idol ko sa basketball un, matangkad kasi. Payat pa, kaya magaan ang katawan. Unlike me, medyo tumaba na because of work.

Ung isang mag bestfriend na kasama namin, label natin na A and B. As a group, kami ang Fatal4our. Korni alam ko. Haha.

Si bestfriend ko at si B ang talagang compatible ang personalities. Kami naman ni A, medyo okay lang kasi kami ang magkaedad.

Then, one day dun sa vacation namin, naisip namin ni A na umakyat ng bundok na hindi kasama si bestfriend at si B. Umaga pa lang un. Tulog pa sila. So ayun, biglang hiking kami ni A. Paguwi namin after lunch, nakita namin si bff at si B na, as usual, naglalaro ng basketball. Pero hinihintay na pala nila kami for lunch.

Bff: san ba kayo galing?
A: wala. Secret.
Ako: may pinuntahan lang. Pero enjoy. *sabay apir kay A
B: ...
Bff: K.

Yep, it never occured to me na seloso pala ang bff ko. Hahaha pero ang nakakatuwa din is ako ang talagang di assured kung ako ba talaga o turing niya ba talaga sakin ay bestfriend niya. So naisip namin ni A...

Ako: Par, galit ata yung dalawa.
A: oo nga yari.
Ako: anong gagawin natin? Ayaw mamansin. Ni ayaw maglaro ng baraha. Halaaa.
A: bilan natin ng regalo?
Ako: wow. Genius ka talaga! Tara sa bayan mamaya. Ayain mo na! Ayaw ako kausapin ni bff e.

So ayun nga. Mahilig ang bestfriend ko sa Gummy Bears. Tapos, pasmado ang kamay niya. Lagi siyang pawis. In short, lagi siyang may panyo. So dahil probinsiya yun at wala namang starbucks dun, bumili ako ng gummy bears at dalawang panyo. Si A, binilan ng sling bag at Ding Dong si B. Then, sinet up namin sila sa may aplaya, malapit sa light house. Tabing dagat. Dramatic.

Ako: oyy. Wag ka na magtampo.
Bff: ano bang sinasabi mo? Sino nagtatampo?
Ako: sus. E bat di ka namamansin?
Bff: akala mo lang un.
Ako: ganyan ka naman e. Si A at B pinapansin mo tas ako hindi. Ge.
Bff: waaaw ako pa ngayon ah? Di ka man lang nagpaalam sakin. Di mo man lang ako ginising kanina. Bahala ka nga.

Ang arte!! Parang babae e. Haha!

Ako: sorry na.
Bff: ...
Ako: ay par may nakalimutan ka.
Bff: ano?
Ako: *inabot ko regalo
Bff: ano to?
Ako: pambihira buksan mo kaya.
Bff: *binuksan
Ako: par...sorry na. Alam ko naman di ka showy e. Ako pag nagseselos, sinasabi ko sayo. Pero akala mo ba, pag ikaw ang nagseselos, di ko nararamdaman? Di ganun.
Bff: grabe ka...
Ako: ayaw mo ata e.
Bff: di...grabe ka. Ang galing mo. Talino mo talaga. Naisip mo pa to. Grabe ka par. Kahit magkakasama na tayo, may ganto ka pa ring pang gulat. Thank you. Thank you talaga. *tearyeyed
Ako: *tapik sa likod tas akbay* kita mo ung dalawa na un? *tinuro ko sila A at B* Kung cheesy sila, mas cheesy tayo. Di nga lang halata. Ninjaaa! Hahaha!
Bff: hahaha! Apir nga diyan! Galing mo e!

Kilig na ba? Hahahaha. Taena wag ganun di kami talo. Pero alam niyo yun? Di lang pala babae ang pwedeng magparamdam sayo ng ganung feeling. Pwede rin pala ang mga kaibigan.

May shocking twist sa susunod. Yun talaga yung nagulat ako e. Abangan.  ;D

Ryker

@PEPS:
Kailan ang last part? Mala-teleserye pala ang peg. Tama si @coxxxz, pwedeng i-MMK. Ang pamagat ay "Friendship Bracelet."

So ang nag-uugnay sa pagkakaibigan ninyo ni BFF2 ay si BFF1. Si BFF1, kayong dalawa ang lagi niyang kasama. Sana ma-restore ang pagkakaibigan ninyo. Ilang taon na bang di kayo nagpapansinan? I assume it took long, long more years (dahil sa pamasaheng 3pesos pa lang that time and 2016 na ngayon).

May pagka-fiction o sobrang OA ng story. Napakababaw lang kasi ng dahilan kaya nagkaroon ng "break up" sa friendship dahil sa pagtanggi ng regalo o pagtatampo ng kaibigan.

@SAYONARA:
Talagang may ganyan kayong usapan? Selos factor? Base nga sa kuwento, nagseselos si Best Friend; sa halip na si BFF ang kasama mo, si A ang naka-bonding mo.

---
Kailangan ba talagang maging exclusive ang best friendship?




Peps

Quote from: Ryker on February 13, 2016, 10:15:13 AM
@PEPS:
Kailan ang last part? Mala-teleserye pala ang peg. Tama si @coxxxz, pwedeng i-MMK. Ang pamagat ay "Friendship Bracelet."

So ang nag-uugnay sa pagkakaibigan ninyo ni BFF2 ay si BFF1. Si BFF1, kayong dalawa ang lagi niyang kasama. Sana ma-restore ang pagkakaibigan ninyo. Ilang taon na bang di kayo nagpapansinan? I assume it took long, long more years (dahil sa pamasaheng 3pesos pa lang that time and 2016 na ngayon).

May pagka-fiction o sobrang OA ng story. Napakababaw lang kasi ng dahilan kaya nagkaroon ng "break up" sa friendship dahil sa pagtanggi ng regalo o pagtatampo ng kaibigan.

@SAYONARA:
Talagang may ganyan kayong usapan? Selos factor? Base nga sa kuwento, nagseselos si Best Friend; sa halip na si BFF ang kasama mo, si A ang naka-bonding mo.

---
Kailangan ba talagang maging exclusive ang best friendship?




Actually nagkaipon ipon nalang talaga yung galit nya mapagtanim din kasi ng sama ng loob yun, hindi ko na nilagay yung ibang mga kasalanan ko kasi inaamin medyo grabe yung iba medyo kinahihiya ko yun kaya ayaw ko talaga i share pero yung bracelet talaga yung nagtrigger

coxxxz

Believe me peps. I m still waiting for the last part.

bar_rister

Quote from: Peps on February 12, 2016, 11:26:28 PM
post ko maya maya tinatapos ko lang hehe

Pakipost na po ung part 3 :)

Ryker

@Peps at @Sayonara, where's the continuation?

Anong shocking twist?


bar_rister