News:

Welcome to PGG Forums:
Ask for tips and advice ranging from men's fashion, grooming, hairstyles and dating women.

Main Menu

May bestfriend ka ba?

Started by toffer, November 09, 2008, 03:54:38 PM

Previous topic - Next topic

vince92

Lurker lang ako dito sa forums pero na hook ako sa story ni Peps kaya nag register nako.. Kelan niyo po ipopost yung last part? :)

judE_Law

Quote from: Peps on February 13, 2016, 12:04:09 AM
continuation...
matapos yun hindi na niya ako kinausap uli, kung titignan nyo parang maliit na bagay lang, simpleng tampuhan lang dapat pero bakit umabot sa ganun katindi yung galit nya sa akin? actually yung nireject ko yung regalo na bigay nya yun ang dahilan kaya sobra siya nagalit. Ang nakakatawa nga diyan pag nakukwento ko sa mga kaklase, kaibigan yung ginawa ko ang lagi nilang sinasabi sakin "grabe nagawa mo yun?", "parang insulto yung ginawa mo" "naku kung ako lang sinapak na kita" "baka nga di na din kita mapatawad" puro mga ganun ang tugon nila sa akin hehe.
Na realize ko nga na malaki ang kasalanan ko sa kanya so gumawa ako ng paraan para magkaayos kaming dalawa, ang problema yung ugali ko dati pag gusto ko kasi makipag ayos lalo ko pang pipikunin yung tao ewan ko ba bat ganoon ako noon lol.  Ang nangyari lalo lang siyang lumayo sa akin tapos nangyari nalang isang araw may bago na siyang grupo ng mga kaibigan, although nagkakasama pa din sila ni best friend 1, pero yung kasama ako wala na. Siguro alam niyo pakiramdam ng nag iisa parang yung lahat ng tao ayaw sayo kahit di naman talaga ganun pero ganun ang pakiramdam ko nung mga oras na yun, base naman sa mga post dito alam ko marami sa inyo nakaramdam na ng ganun. Alam nyo ba kung sino bago niyang group of friends? sino pa edi yung mga barkada nung crush niyang babae kasama dun yung dalawang mayabang na kaklase kong lalaki. Meron naman akong naging kaibigan pero sabi ko nga di naman ganun karami, dalawang babae pero di sila yung tipong masasabihan mo ng problema kung baga nung time kasi na yun hindi ko pa sila masyadong close halos puro sa kalokohan lang kami nagkakasundo haha. Saka pag uwian iba kasi ang daan nila taga north kasi sila unlike kaming tatlo pare pareho kaming taga south so pag uwian siyempre di ko din sila nakakasama.
Alam ni best friend 1 yung nangyayari saka alam ko mahal na mahal ako nun kasi di rin niya ako pinabayaan, so ang nangyari sinasama na ako lagi ni best friend 1 kahit saan siya magpunta so meaning kasama din girl friend nya, naging kaibigan ko din naman kasi girl friend nya mabait naman yun nga lang alam nyo naman siguro ang pakiramdam ng thrid wheel diba? haha, so ganun ang pakiramdam ko nung mga oras na yun siyempre mag kasintahan sila kailangan din naman nila ng private time para sa isat isa saka ayoko din naman ng ganung set up lagi, medyo nahihiya din naman kasi ako sa girl friend niya kahit pa never naman nya pinaramdam sa akin na pabigat ako. So ang nangyari sumasama nalang din ako sa iba kong mga kaklase sa madaling salita isa nakong palaboy haha! Nung una ayaw ni best friend 1 kasi nga di nya ako nababantayan kasi alam nyo nagkasakit ako nung first year college andaming restrictions sa akin yung doktor, bawal ako sa maalat na pagkain, oily foods at higit sa lahat mga softdrinks. Di ko na maalala kung ano pangalan ng sakit ko kasi nung inexplain ng doktor sa mom saka kuya ko lang sinabi nung mga panahong yun basta ang alam ko lang nun hindi yata nagsasara lining between stomach saka esophagus ko kaya madalas ako magsuka noon grabe din kamahal yung gamot ko, yung isa nga 72 pesos bawat isa tapos kelangan inumin 3x a day eh nung mga panahong yun tatlong piso lang yata pamasahe sa jeep so may idea kayo kung gano pa kamahal ang 72 pesos that time di tulad ngayon typical na yata sa mga gamot yung ganyang presyo. Naalala ko pa nung first year college ako nung sinabi ng nanay ko kay best friend 1 yung mga bawal sakin bantay sarado ako kay best friend 1 noon di ako makainom ng softdrinks haha, wala pa kasi si best friend 2 nung mga panahong yun kasi sa mapua pa siya that time. Anyway may pagka pasaway ako noon patago ako uminom ng softdrinks hehe. So ganun nga ang nangyari ayaw nya kasi nga di nya ako nababantayan pero inexplain ko naman sa kanya saka nag promise naman ako na I'll take care of myself naks haha, sira nga yun kinausap ba naman yung dalawa naming kaklaseng babae na alagaan daw ako haha kakahiya para akong bata. So yun na nga ang naging set up namin, matapos ang ilang buwan mas lalo akong napalapit sa dalawa kong kaibigang babae although nakakasama ko pa rin naman si best friend 1 pero si best friend 2 wala na talaga, pag nakikita ko siya mukha namang masaya  siya sa mga bago niyang kaibigan lagi pa niya kasama yung crush nya ang balita ko nga hatid sundo pa nya yung crush nya sa bahay eh ang layo kaya nung bahay nun papasok ka pa sa subdivision. At least alam kong ok siya at nakalimutan na talaga ako.
Tapos isang araw nagkaroon kami ng field trip sa UPLB  so ilang oras yun kasi from Pampanga pa kami, at alam nyo ba kung paano arrangement namin sa upuan? alphabetical order, isang malaking kalokohan haha! para hindi daw magulo lol. So ang nangyari kami ni best friend 2 naging magkatabi sa upuan kasi C surname nya ako D. Halata namang di siya komportable na ako katabi haha pero wala no choice siya yun utos ng adviser namin. Umpisa pa lang ng andar ng bus tahimik na siya nakatingin lang siya sa bintana siya kasi nakaupo sa window side. Siyempre dahil gusto ko nang makipag ayos ako na pumutol sa katahimikan.
Ako: oi (sabay kalabit sa kanya) kailan mo ba ako kakausapin :(
Pero tahimik lang siya ni di man siya umimik
Ako: sige na bati na kasi tayo (para lang bata haha)
Pero wala ayaw nya talaga ako kausapin, alam nyo kung pwede lang makipag palitan yun ng lugar sa iba naming mga kaklase matagal na nya ginawa haha. Sa buo naming trip papunta dun wala ayaw talaga nya ako kausapin ayoko na din naman siya kulitin kasi nagmumukha lang akong tanga. So pagdating namin sa UPLB mga lunch time magkakasama kaming buong klase kumain katabi ko si best friend 1 tapos sa kabila naman siya katabi nya din si best friend 1 saka yung crush nya naman sa kabila, ok naman nagkwekwentuhan sila, tawanan, ako nakikinig lang. Natapos yung activities namin at medyo mag gagabi na nung makaalis kami sa UPLB. Pagdating namin sa bus nag attempt uli ako na makipag ayos sa kanya.
Ako: wala na ba talagang pag asa na mawala yung galit mo sa akin :( (malumanay kong tanong sa kanya)
At sa unang pagkakataon nagsalita siya
best friend 2: Peps I don't hate you hindi nako galit but "we can't be friends anymore, just treat me as a companion" hindi naman maiiwasan na magkasama pa rin tayo tulad kanina pero dahil yun kay Jay (palayaw ni best friend 1) pero hanggang dun nalang yun sana maintindihan mo. (seryoso niyang tugon)
Ewan ko kung ano yung mararamdaman ko nung mga oras na yun di ko alam pero masakit yung sabihan ka ng ganun hindi ko talaga makakalimutan yung mga katagang yun. Alam nyo ba "ah ok" lang yung naisagot ko nun at hindi ko na siya kinausap pa nung time na yun. Kung iisipin nyo medyo nakakaiyak kasi matagal din naman kami naging mag kaibigan para balewalain nya nalang ng ganun. Pero ayoko naman mag mukhang tanga, bakit ko ba ipipilit ang sarili ko sa taong ayaw sa akin  eh di naman ako martir. Magmula nun umiwas na din ako pero may isang pangyayari ang di inaasahan.
itutuloy....

Hahaha medyo nakakaiyak yung last part.



kelan kaya kasunod ng story na 'to? can't wait.. :)

coxxxz


Ryker

@Kuya Peps, nakakabitin.....

Cannot wait for the next episode...

@Sayonara, nasaan din ang continuation? Kailan?

Friendship Rocks!

Peps

Quote from: tom on February 19, 2016, 08:40:37 PM
@Kuya Peps.. hmmm kinasal yung Bestfriend 1 mo at ikaw yung huling naka alam :/

Yup naisulat ko na story nun sa kabilang thread, yung story na ito kay best friend 2. And yes yung girlfriend ni best friend 1 yun ang nakatuluyan nya



@guys

Try ko ipost mamaya yung last part

tom


Ryker

Kuya @Peps: kailan po ang ikatlo at huling bahagi ng kuwento mo?

Isulat mo rin para sa MMK. Maisatelebisyon ang kuwento mo.

chris_davao

@PEPS; post mo na part 3 please.  ;D :-[

kevinjoe

Hi PGG,

Bago lang ako dito sa site na to. I was searching for a forum topic about guy bestfriends and the search result brought me here. Nagregister ako ng new account just to share my story too. hehehehe

Marami na ako nabasa dito at nakarelate ako. Akala ko, ako lang may ganung level ng pakikipagkaibigan. hehhehe

Marami na ako naging mga kaibigan na tinuring namin ang isa't-isa na 'best friends'. I just have three of them na nakakatuwa lang ishare ang story. Medyo bumobromance na nga e pero ndi naman umaabot sa level ng Romance. Parang magkadugo lang sa sobrang pagiging close at open sa isa't isa. Tipong kaya namin sumulat ng libro tungkol sa buhay ng isa't isa. I'll start with the first one.

Describe ko muna characters namin. Ako si Kevin, sakto lang ang hitsura. Hindi kagwapuhan, pero hindi rin naman pangit. Light complexion pero ndi naman maputing maputi. Sakto lang din ang activity ko sa sports, hindi ganun kacompetitive. May asawa at anak na ako ngayon. 5'6" height ko at normal lang ang BMI. hehehe. Si bespren 1 naman, category sya ng heartthrob. Sumasali sya sa school sa mga Mr. Intrams. Mas matanda sya sakin ng dalawang taon. Halos magkaheight kami pero napaka-active nya sa basketball. Marami syang girlfriends.

Nagkakilala kami sa trabaho. Sabay kami ng first day. Kagagraduate ko lang noon tapos sya, 3rd job na nya. Noong una, medyo may pagkamayabang ang dating nya sakin. Sabi ko sa sarili ko, parang hindi ko to makakasundo ah. Tapos pogi pa kaya sa isip ko puro yabang lang to. Magkalayo kami ng upuan sa trabaho, mga 10 seats away. First company meeting namin, magkatabi kami sa upuan. Magpapakilala kami lahat na bago noon, isa-isa. Sya una kumausap sakin. Kinakabahan daw sya magsalita sa harap ng maraming tao. Sabi ko, ok lang yan pre. Ako din naman kinakabahan e. Di ko na lang pinapahalata. Sabi nya, ah ganun ba. Sige ako din, di ko papahalata. Hehehe. Napatawa din ako.

Pagkatapos ng meeting, lumapit sya sa upuan ko at nagpakilala.

Pre, Jim nga pala.

Ah Jim, ako si Kevin. Nagshake hands kami. Inaya nya ako lumabas para magyosi at doon ituloy ang usapan namin. Sabi ko, pre, hindi ako nagyoyosi eh. Ah, ganun ba. Eh di, samahan mo na lang ako. Ako na lang magyoyosi. Sabi ko Ok, sige, tara.

Fast forward tayo:
Naging magkasama kami sa team at mas naging madalas ang paguusap namin. Madalas sya magkwento about sa buhay nya. Samantalang ako, magshashare lang ako pag tatanungin nya ako. Habang tumatagal, mas nagiging open kami sa isat isa. Tipong alam ko ilan mga gf nya, sino nakasex nya last night, Sino pinagjajakulan nya sa office. Pati istorya ng buhay niya mula pagkabata. Ako naman, nagoopen din ako sa kanya kung ano yung mga bagay na inoopen nya sakin. Alam namin pag may problema ang isa kahit hindi magsalita. Masaya pala kapag meron ka kaibigan na talagang nagkakaintindihan kayo sa lahat ng bagay.

Di tumagal, nagturingan na kaming magbestfriend at bespren na tawag namin sa isa't isa. Nag-establish pa nga kami ng rule ng pagkakaibigan namin. Parang mga bata hehehehe. bawal magsekreto, anytime pedeng itext at tawagan. Hindi na kelangan itanong kung busy ang isa bago tawagan. Kahit madaling araw, hindi dapat mahiya na tumawag sa isat isa kung may problema.

May time pa nga na tumawag sya ng madaling araw para lang sabihin na, pre may bago akong issue ng FHM, pagjajakulan ko to. Ipahiram ko sa yo sa Monday hahahah. Sabi ko, ulol ka, ginising mo ako para lang sabihin yan hahahahah. Sige, pahiram ako nyan sa Monday.

Ako naman, ganun din, tatawag sa kanya ng alas tres ng madaling araw, pre nasa inyo ka ba? nagugutom ako, may pagkain ka ba jan?

Yun, gusto ko lang nga mashare gaano kami kabestfriend na tipong para na kaming magkapatid. Yun lang. Salamat sa pagbabasa. Meron pa ako dalawang bespren din na halos same ng samahan. Iba lang ang flavors.

darkstar13


SeanJulian

nakakainggit naman lalo yung mga may bestfriends, i have a "so-called" bestfriend for like 10 years pero we never really treated each other like it. In fact, bihira kami magkita at mag usap.

lumaki at tumanda ako sa paniniwalang friends do come and go. kung may mga kaibigan kayo na alam nyong mattreasure nyo, wag nyo sila pakawalan, mahirap maghanap ng tunay na kaibigan.

kevinjoe


miggymontenegro

its been a while. =)

I have a best friend before way back nursery. we share each others thoughts however I got transferred school and we have lost communication I can still remember my best friends name and searched it via social networking sites... I saw my old pal and I tried to message my old pal however my pal just stated that its way back from the past and there is nothing left to get back..

Inspired from the article that Chris has posted. =)

kevinjoe

Quote from: miggymontenegro on March 28, 2016, 01:21:03 PM
its been a while. =)

I have a best friend before way back nursery. we share each others thoughts however I got transferred school and we have lost communication I can still remember my best friends name and searched it via social networking sites... I saw my old pal and I tried to message my old pal however my pal just stated that its way back from the past and there is nothing left to get back..

Inspired from the article that Chris has posted. =)

Fading na siguro mga memories ng pal mo. Ok lang yan, dami ka pa magiging tropa.

Peps

meron din ako best friend nung elementary from grade 4 to grade 6, kaso nung highschool nagkahiwalay na kami lumipat kasi siya ng school tapos mula nun wala na kami communications tapos pagdating ng college bigla nalang nagparamdam sa akin, dinner daw kami minsan kakauwi lang nya yata galing states nun, naging US military kasi siya, pero di ako pumunta, di ko alam kung bakit para kasing pakiramdam ko din past is past na, although friends kami sa FB pero di kami nag uusap.