News:

Having problems registering or logging in?
Contact us here.

Main Menu

May bestfriend ka ba?

Started by toffer, November 09, 2008, 03:54:38 PM

Previous topic - Next topic

Ryker

Quote from: Peps on July 30, 2017, 10:36:13 AM"hindi kita best friend" totoo sinabi mo yun? kahit yun naman ang totoo? ouch! tsk tsk kung ako sa kanya magpapakalayo layo nako hahaha. Pero alam mo sabi nga nila malalaman mo lang halaga ng isang tao pag nawala na siya sayo

HINDI KITA BEST FRIEND! Ang sakit nito sa kalooban! Tumatagos sa puso. Pero @KENSAKI, ayaw mo lang ng label subalit matalik na kaibigan mo siya. Iyan ang totoo, best friend mo siya.

Pag-usapan ninyo ang ugnayan ninyo sa isa't isa. Tandaan, MAS MAHIRAP MAWALAN NG "TUNAY" NA KAIBIGAN/KABARKADA/KATROPA.

Ryker

#511
Quote from: Kensaki on July 30, 2017, 09:03:05 AM
Patulong naman mga pre.

Sa mga kaibigan/barkada ko. May isang pinakamalapit sakin. Hindi kami parehas ng hilig. Bihira talaga kaming magkasundo dyan. Athletic kasi ako, siya naman pang indoor/intellectual. Nagbabasketball ako, siya hindi ubra kasi mahina ang kalusugan niya at saka mabilis siya mapagod. Pero, marami siyang naturo sakin. Simula nung magkakilala kami, napakadami kong natutuhan sa kaniya. Dahil nga sa athletic ako, di ko nmn alam ung mga bagay tungkol sa emosyon etc. Dun kasi talaga siya magaling.

Pero, may problema. Pakiramdam ko, nasakin ang problema. Di ko kasi maramdaman ung bigat nung salitang best friend. Hirap pa nyan, ayoko kasi ng may label. Tapos, ayoko din ng committment na dala ng isang label. wala nga akong girlfriend eh. Kaya, kahit ung bestfriend, di ko alam kung paano ihandle un.

Ang problema, showy kasi un. Ako, hindi ako showy. Cool lang ako. Parang si barry allen. Tapos, ayoko din ng atensyon. E yun, maalaga sa kaibigan yun. Kahit kanino namang kaibigan niya, maalaga talaga siya. Pero, tulad nga nung sinabi nung isang nagpost dito, kapag may bestfriend ka, angat yun. Espesyal un. Kumbaga, mas mabigat un kaysa sa iba. Tama ba? Kaya yun, talagang ramdam ko na para kong may another kuya sa kaniya (may kuya pa talaga ko haha).

Ngayon, dumistansya ko sa kaniya. Di ko alam kung nasasakal ako, pero di lang talaga kasi ako sanay, at ayoko talaga ng may label na bestfriend. Pero tinuring ko siyang ganun. Ang totoo, wala namang iba pang mas malapit sakin kundi siya lng. Siya lang din sa lahat ng mga kaibigan ko na hindi pa ko humihingi ng tulong, e binibigay niya na agad ng kusa. Encouragement, lahat na. Napaka supportive nun. Pero, nito lang, nasabi ko sa kaniya, "Hindi kita bestfriend." Basta parang pinadistansya ko muna talaga siya. Ewan ko. Parang okay na ko sa normal na kaibigan.

Ano ba dapat kong gawin? Di talaga ako sanay sa ganto e. Alam ko, nahihirapan din yun. Kahit di nagsasabi un, pero minsan umiyak na un dahil parang ramdam niya worthless siyang kaibigan.  :(

Best Friend, ikaw ba iyan? Umamin ka na! Ako yata iyang tinutukoy mo! Sinabi mo pa talaga dito sa PGGF.

Seriously, maraming pangyayari at pagkakakilanlan ang hawig sa kuwento mo ang patungkol sa amin, ng tinuturing kong best friend. Tapos, ang username mong ginamit ay napakalapit sa tunay na pangalan ng kaibigan ko. Kaso, magkaiba kayo ng sports; meaning, magkaibang tao kayo ng "best friend" ko. Hehe.

----

@KENSAKI, ayon sa iyong salaysay, ayaw mo lang talaga ng label. Iyan ang dapat mong ikumpisal sa kanya, pero i-affirm mo pa rin sa kanya ang pagkakaibigan ninyo. Huwag ka magpakalayo kundi harapin mo ang ugnayan ninyo bilang magkalapit na magkaibigan. Sa panahon ngayon, kaunti na lang na magkaroon ng TUNAY! Oo, TUNAY na kaibigan.

You should go back to normal sa anong mga ginagawa ninyo. CLOSE BROTHERHOOD minus the label of best friend.

Gaya ng sinabi ko, marami ang hawig sa kuwento mo sa naranasan ko. Ayaw ng kaibigan ko ang label na best friend at sinabi niya rin sa akin  na "wala siyang best friend" ngunit sinabi niya rin sa akin na ako ang pinakamalapit niyang kaibigang lalaki. Hanggang ngayon, "best friend" pa rin ang tawag ko sa kanya. Even though ayaw niya, pinabayaan niya na lang ako na tawagin ko siya ng ganoon. Kasi at the end of the day, hindi makakaila sa paningin ng karamihan, mag-best friend pa rin kami.

Minsan nga, napapaisip na lang ako, parang one-sided best friendship ang relasyon namin kasi nga ako lang tumatawag ng "best friend" sa amin. Ganunpaman, by heart, our friendship is solid and true. Through thick and thin, we are there for each other.

Di solusyon ang pag-alis o pag-iwas. Kailangan ninyo pag-usapan iyan, @Kensaki.

---
Napapaisip lang talaga ko, kung iisang tao lang kayo ng best friend ko.

Siya, athlectic; ako, nagpapaka-athletic at emotional-attached person.

Hey, Best Friend K____________!

Ryker

KUYA PEPS, nasaan po ang continuation ng friendship story mo po?

den0saur

Quote from: Ryker on July 30, 2017, 03:15:12 PM
KUYA PEPS, nasaan po ang continuation ng friendship story mo po?

I SECOND EMOTION, Kuya Peps hahaha  :D

Kensaki

Wow salamat sa napakaraming advice. Gagawin ko lahat para mapagisipan ang mga advice niyo.

Ryker.

Haha,parang ikaw nga siya. Kenneth ang totoo kong pangalan.

Sa totoo lang, di ko alam kung ano dapat ituring ko sa kaniya. Ayoko din kasi talaga ng masyadong may umaangat. Gusto ko pantay pantay lahat. Wala special. Kaibigan lang or barkada lang lahat. Ang tingin ko kasi sa sarili ko, pandagdag lang ako. Ayoko talaga nung may sobra sobrang atensyon sakin. Kaya sa ngayon, ayoko muna talaga ng girlfriend.

Pero eto, di ko talaga alam ang gagawin. Komportable naman ako sa kaniya, pero minsan sinasabi niya na parang nararamdaman niya na di ko siya gustong kasama. Yun din, parang borderline kasi yun. Sabi niya. Lagi niyang nararamdaman na hindi siya sapat.

Isa ba ako sa mga nagparamdam nun sa kaniya?

At ganun din siya. Ayoko din na may tawagan pang bestfriend. Pero siya, lagi niya kong tinatawag. Sinabihan ko na din siya na mas gusto ko kung tatawagin mo ko sa pangalan ko. Iba ang tawag sakin nun, endearment daw. Ayoko nun.

Kaya aaminin ko, minsan mas gusto kong kasama ung iba kong kaibigan. Paano ba. Ah, okay lang kung wala siya, pero mas okay nandiyan siya. Parang ganun.

Pero alam ko, may mali sakin e. Oo, minsan ko siyang tinuring na best friend, at parang may limang beses na tinawag ko siya na best friend ko, pero yun na yun. Pero di ko talaga alam kung ano ba yung best friend. Sakin kasi parang yung lang yung pinakaclose mo. E parang ganun kami dahil siya lagi ung gumagawa ng paraan para matulungan ako.

At naguiguilty ako. Sobra. Kasi, sa lahat ng mga kaibigan ko, siya ang pinakamaraming naitulong at nagawa. Pero sa kaniya pa ko ganito. Di ko pa alam kung ano gagawin ko sa kaniya. Gusto ko siyang maging kaibigan. Pero ewan ko...

Siguro tama ung isang nagpost dito.

Baka malalaman ko lang lahat ng 'to pag minsang nawala na siya sakin.  :'(

Ryker

#515
Quote from: Kensaki on July 31, 2017, 04:55:58 AM

At ganun din siya. Ayoko din na may tawagan pang bestfriend. Pero siya, lagi niya kong tinatawag. Sinabihan ko na din siya na mas gusto ko kung tatawagin mo ko sa pangalan ko. Iba ang tawag sakin nun, endearment daw. Ayoko nun..

Kaya aaminin ko, minsan mas gusto kong kasama ung iba kong kaibigan. Paano ba. Ah, okay lang kung wala siya, pero mas okay nandiyan siya. Parang ganun.

Pero alam ko, may mali sakin e. Oo, minsan ko siyang tinuring na best friend, at parang may limang beses na tinawag ko siya na best friend ko, pero yun na yun. Pero di ko talaga alam kung ano ba yung best friend. Sakin kasi parang yung lang yung pinakaclose mo. E parang ganun kami dahil siya lagi ung gumagawa ng paraan para matulungan ako.

At naguiguilty ako. Sobra. Kasi, sa lahat ng mga kaibigan ko, siya ang pinakamaraming naitulong at nagawa. Pero sa kaniya pa ko ganito. Di ko pa alam kung ano gagawin ko sa kaniya. Gusto ko siyang maging kaibigan. Pero ewan ko...

Siguro tama ung isang nagpost dito.

Baka malalaman ko lang lahat ng 'to pag minsang nawala na siya sakin.  :'(

Haha,parang ikaw nga siya. Kenneth ang totoo kong pangalan. May similarity ang pangalan ninyo.

Ayoko din kasi talaga ng masyadong may umaangat. Gusto ko pantay pantay lahat. Wala special...Kaya sa ngayon, ayoko muna talaga ng girlfriend. Sa totoo lang, may favoritism tayo sa lahat ng bagay. Hindi man natin aminin, may mga paborito tayo: Pagkain, Clothing Brand. Movie. Sports. Athletic team. Hobby. Kahit nga sa pamilya, sabihin pa ng magulang natin na wala silang pagtatangi sa mga anak nila, hindi maiiwasan na may paborito silang anak. GANUNDIN SA KAIBIGAN. May favorite friend tayo. Karaniwan kung sino naman ang nagiging best buddy mo, siya rin ang nagiging best friend mo by definition. Kaya tama ang kahulugan na kapag may BEST FRIEND ka, angat iyon! Espesyal iyon! Matimbang! FAVORITE!

Aminin mo, gusto mo rin ng GF! Ayaw mo lang ng commitment na dala ng label.

Sabi niya. Lagi niyang nararamdaman na hindi siya sapat...Isa ba ako sa mga nagparamdam nun sa kaniya? Sa tingin ko, oo. Kasi may mga instance na mas gusto mo pang kasama ang iba. Action speaks lounder than words.

Sa kaso namin, maraming pagkakataon na nagseselos ako kapag may kasama siyang ibang lalaki kahit nga makasama lang yung ibang kaibigan namin e nang wala ako. (Kung sa kaibigang babae o GF, no need to selos).    

Sinabihan ko na din siya na mas gusto ko kung tatawagin mo ko sa pangalan ko. Iba ang tawag sakin nun, endearment daw. Ayoko nun. Ikumpisal mo kasi sa kanya na nabibigatan ka sa commitment na dala ng label. Ni kasintahan nga, ayaw mo kasi may commitment din iyon. But i-affirm mo na ikaw ay kaibigan at hindi bilang magkakilala o estranghero.

Hayaan mo na lang siyang tawagin ka niya sa BFF kasi iyon naman talaga ang totoong namamagitan sa inyong dalawa. May label man o wala.

Sa kaso namin, while conversing in social media recently, sabi niya sa kin, "Bro" na lang ang itawag ko. I never respond to his wish. Bahagya, nadismaya ako. Bakit "bro" parang napaka-general na. 8 years and counting na ang friendship namin e, along in our core circle of friends. Sa palagay ko naman, di na man siya naiilang sa pagtawag ko ng best friend." Kaya until now, best friend pa rin. Nasanay na ko "pre/pare" ang tawag niya; ako naman, "best friend."

To note: Every class section in each school year, group, community, jobs, circles, may mga naka-close ako na tinuring kong best friend o best buddy. But in my life of existence, dalawa lang an matuturing kong ultimate male best friend. Yung una, siya ang kinukwento ko rito na never niya ko ni-label na BFF. Yung pangalawa, kinikilala namin ang isa't isa bilang best friend. Sa kanilang dalawa, mas matimbang, mas espesyal, mas angat pa rin yung una.

May pangatlo pa pala, kaso this time babae na. Kaso tapos na kami. Para akong na-heartbroken kahit hindi pa nagiging kami officially.

Anyway, any relationship including best friendship is MORE THAN A LABEL.

Paano ba. Ah, okay lang kung wala siya, pero mas okay nandiyan siya. Parang ganun. Sa pahayag na ito, malinaw na higit na mas masaya kapag kasama mo siya. Kasi nga MAS ANGAT, MAS ESPESYAL, MAS MATIMBANG, MAS FAVORITE mo ang pagkakaibigan ninyo.

Kumbaga bromance. Romance minus the sex stuff eka nga.

Oo, minsan ko siyang tinuring na best friend, at parang may limang beses na tinawag ko siya na best friend ko, pero yun na yun. Pero di ko talaga alam kung ano ba yung best friend. Sakin kasi parang yung lang yung pinakaclose mo. Ayon sa salaysay mo, hindi makakaila na matalik mo siyang kaibigan.

Gusto ko siyang maging kaibigan. Pero ewan ko... ( Kaibigan mo na siya, pre. Need mo na lang na mag-grow positively ang ugnayan ninyo.

Baka malalaman ko lang lahat ng 'to pag minsang nawala na siya sakin.  :'( Mapagtatanto mo lang iyan kapag talagang mahalaga sa iyo ang sinumang tao o bagay na hindi mo nakikita ang kahalagahan sa ngayon.

--

Kausapin mo na siya hanggang may pagkakataon pa. BE A REAL FRIEND. 

Friendship break is worser than a BF-GF/husband-wife break.

outcastblueboy

den0saur

Sayonara, bro, baka pwede mo na ituloy yung kwento mo. Hehehehehe. Good morning at welcome back! Thanks

kevinjoe

Quote from: Kensaki on July 31, 2017, 04:55:58 AM
Wow salamat sa napakaraming advice. Gagawin ko lahat para mapagisipan ang mga advice niyo.

Ryker.

Haha,parang ikaw nga siya. Kenneth ang totoo kong pangalan.

Sa totoo lang, di ko alam kung ano dapat ituring ko sa kaniya. Ayoko din kasi talaga ng masyadong may umaangat. Gusto ko pantay pantay lahat. Wala special. Kaibigan lang or barkada lang lahat. Ang tingin ko kasi sa sarili ko, pandagdag lang ako. Ayoko talaga nung may sobra sobrang atensyon sakin. Kaya sa ngayon, ayoko muna talaga ng girlfriend.

Pero eto, di ko talaga alam ang gagawin. Komportable naman ako sa kaniya, pero minsan sinasabi niya na parang nararamdaman niya na di ko siya gustong kasama. Yun din, parang borderline kasi yun. Sabi niya. Lagi niyang nararamdaman na hindi siya sapat.

Isa ba ako sa mga nagparamdam nun sa kaniya?

At ganun din siya. Ayoko din na may tawagan pang bestfriend. Pero siya, lagi niya kong tinatawag. Sinabihan ko na din siya na mas gusto ko kung tatawagin mo ko sa pangalan ko. Iba ang tawag sakin nun, endearment daw. Ayoko nun.

Kaya aaminin ko, minsan mas gusto kong kasama ung iba kong kaibigan. Paano ba. Ah, okay lang kung wala siya, pero mas okay nandiyan siya. Parang ganun.

Pero alam ko, may mali sakin e. Oo, minsan ko siyang tinuring na best friend, at parang may limang beses na tinawag ko siya na best friend ko, pero yun na yun. Pero di ko talaga alam kung ano ba yung best friend. Sakin kasi parang yung lang yung pinakaclose mo. E parang ganun kami dahil siya lagi ung gumagawa ng paraan para matulungan ako.

At naguiguilty ako. Sobra. Kasi, sa lahat ng mga kaibigan ko, siya ang pinakamaraming naitulong at nagawa. Pero sa kaniya pa ko ganito. Di ko pa alam kung ano gagawin ko sa kaniya. Gusto ko siyang maging kaibigan. Pero ewan ko...

Siguro tama ung isang nagpost dito.

Baka malalaman ko lang lahat ng 'to pag minsang nawala na siya sakin.  :'(

I completely understand you bro. Pero ang sukatan ng pagiging best sa mga friends eh hindi base sa dami ng naitulong nya sayo at sa dami ng pabor na ginawa nya para sayo. Para sa akin, ang pagiging "best" sa mga kaibigan eh base sa tiwala. Kung hindi mo sya pinagkakatiwalaan, kahit pa sandamakmak na tulong ang nagawa nya para sa yo, para sa akin, hindi mo sya "bespren". Siguro sya ang iyong best supporter? :-). Kasi dapat two-way eh.

Siguro tama lang na sinabi mo na hindi mo sya best friend at pantay pantay lang sila, masakit yun sa kanya na showy at affectionate pero kung yun ang totoo, yun ang dapat nya malaman kesa umasa sya na ganun din ang turing mo sa kanya.

Siguro, naiilang ka din pag tinatawag kang best friend in public or privately because you translate it to a deeper kind of relationship, a label, a commitment? Minsan ba sumagi sa isip mo na baka bading sya at may gusto sa 'yo?

To sum it up, you don't have to force yourself into "bestfriendship" label. Having someone you can rely on is already a gift. Having someone you can treat as the best among your friends, is a blessing. Not everyone is blessed with a gift of real friendship. :)

bokalto

Well, for me, we should not label friendship. Whether they are the best, close friends or just friends.
If you think you have a "bestfriend", let it be. Being a bestfriend to someone is very flattering. But if this "bestfriend" label means giving the label back to that friend, there is still a point of uncertainty. Friendship is a unique relationship. It is not like marriage that Husband and Wife labels comes in a package. We love having friends, we enjoy everything with them and we can identify to ourselves who is the best, your closest one, the fun-to-be-with friends, one-I-can-depend-on friends, etc. We can sort them in any way we can. But we should not assume that the label is the same with you. :)

Let's cherish and enjoy our friends. No labels.

Peps

Quote from: den0saur on August 03, 2017, 06:56:30 AM
Sayonara, bro, baka pwede mo na ituloy yung kwento mo. Hehehehehe. Good morning at welcome back! Thanks

andyan pa pala sayonara akala ko dati na suspend account nya for uploading his nude picture (yeah with stiffy lol)

den0saur

Quote from: Peps on August 09, 2017, 01:55:57 PM

Seryoso ba yan Sir Peps? Hahaha. Na-hack daw eh sabi nya.
Baka kailangan ireiterate ang forum rules. Bawal nudes haha. NSFW eh.

Ryker

Quote from: kevinjoe on August 09, 2017, 02:50:38 AMI completely understand you bro. Pero ang sukatan ng pagiging best sa mga friends eh hindi base sa dami ng naitulong nya sayo at sa dami ng pabor na ginawa nya para sayo. Para sa akin, ang pagiging "best" sa mga kaibigan eh base sa tiwala.

To sum it up, you don't have to force yourself into "best friendship" label. Having someone you can rely on is already a gift. Having someone you can treat as the best among your friends, is a blessing. Not everyone is blessed with a gift of real friendship. :)

AGREE.

Lahat ng relasyon mapa-BFF, mapa-GF, o pamilya, kailangan may tiwala.

Peps

Quote from: den0saur on August 09, 2017, 02:10:23 PM
Quote from: Peps on August 09, 2017, 01:55:57 PM
Quote from: den0saur on August 03, 2017, 06:56:30 AM
Sayonara, bro, baka pwede mo na ituloy yung kwento mo. Hehehehehe. Good morning at welcome back! Thanks

andyan pa pala sayonara akala ko dati na suspend account nya for uploading his nude picture (yeah with stiffy lol)

Seryoso ba yan Sir Peps? Hahaha. Na-hack daw eh sabi nya.
Baka kailangan ireiterate ang forum rules. Bawal nudes haha. NSFW eh.

Sabi nya nahack daw? Ewan ko basta naaalala ko  natataranta si chris nung mga oras na yun kasi nasa event yata siya nahihirapan siya i access admin acct nya kaya kinontact nya ako kaso profile picture siya kaya wala sa jurisdiction ko yun hahaha

buknoy

Quote from: Peps on August 09, 2017, 03:45:49 PM

Dami makulit dito. Several times i received messages na di maganda. Mga indecent proposals. Haha. But i'm not gonna name names. I turn them down in a polite way. Except dun sa isa na nkblock talaga sa akin. Hehe.