News:

If this is your first time to visit, you might have to register here before you can post.

Main Menu

Ang Malagkit na Thread ni judE_Law!

Started by judE_Law, July 02, 2010, 08:18:42 PM

Previous topic - Next topic

judE_Law



judE_Law



judE_Law


judE_Law


judE_Law


judE_Law

"Most bad behavior comes from insecurity."

Magandang gabi!

judE_Law

Medyo matagal din akong nawala dito sa PGG, dami ko palang nareceive na private messages, karamihan humihingi ng payo sa kanilang lovelife, nabasa daw nila yung ipinost kong thread ko. Hindi naman ako perpektong tao, pero since hiningi niyo payo ko, ay pagbibigyan ko kayo. haha... fyi lang po, inayos ko lang yung ibangshortcut na words para mas madaling maintindihan.

Isa-isa lang muna po ha.. :)

-----------------------------------------------

Mula kay "mr Scorpio"


kuya jude law,
mayroon po akong bespren mula nung elementary hanggang ngayong highschool, babae po siya, si Camille.
magkababata po kasi kami, ninong ko po yung daddy niya.
para siyang tomboy kung pumorma.
at wala po yata akong lihim na hindi niya alam.
mula sa lahat ng naging crush ko hanggang sa mga kinaiinisan ko.
alam na alam niya akong inisin at alam na alam niya din akong patawanin.
sa mga niligawan ko sa school, siya lahat ang may idea kung papaano ko sila didiskartehan.
inaalam niya kasi yung hilig nung mga niligawan ko  saka naman ako gagawa ng way para mairegalo ko o maibigay ko yun.
malas nga lang wala ni isa akong napasagot sa mga yun. kasi naman si camille din ang nagaabot nung. lol
eh pano naman kasi napaka torpe ko, madalas ligaw tingin lang.
mabilis lumipas yung panahon, graduating na kami ngayon.
isang araw napansin ko na lang hindi na masyadong lumalabas ng bahay si camille.
tinext ko siya kung bakit, sabi niya dami daw kasing project sa school.
dumalang pa ng dumalang yung pagkikita namin, pati na rin pagti-text.
minsan habang nagfe-facebook ako, nakita ko na lang sa newsfeed ko "in a relationship" na ang status niya.
natuwa ako, ay hindi nainis, ah natuwa pala, hay naku, oo na, nainis.
halo halo na yung pakiramdam ko kasi ba naman bespren mo hindi mo sasabihan ng tungkol sa lovelife mo?
hindi yata ako nakatulog magdamag, nagtatampo ba ako sa kanya o nagseselos?
binalikan ko ulit yung mga masasayang araw namin, yung mga kulitan, asaran.
bigla kong naisip, ang tanga ko naman.
siya yung taong laging nandoon sa masasaya at malulungkot na parte ng buhay ko.
pwedeng bata pa kasi ako kaya ko nasasabi ang mga ganito, kaya nagiging sentimiyento.
dapat ko ba siyang kausapin? paano ko sasabihin sa kanya na may nararamdaman ako sa kanya kung hindi naman ako sigurado?
ang hirap ng sitwasyon ko kuya.
gusto ko sana ibalik yung dati naming samahan, pero pano?


*************************


mr Scorpio,
Alam mo mas matutulungan sana kita sa problema mo kung alam mo sa sarili mo kung ano ba talaga yung nararamdman mo para sa kanya. kaibigan lang ba o may gusto ka na sa kanya? kapag sinabi mo na gusto mo na siya, then dun ka lang makakagawa ng next move. pero if you just want to keep the friendship na meron kayo, you have to understand na things will never be the same again, lalo na she's in a relationship. siguro you can visit her sa house nila o invite mo siya na gumimik o something... pero huwag mo ng asahan na mapagbibigyan niya yung alok mo. ngayon, kung ang sa tingin mo nahuhulog na ang loob mo sa kanya at nararamdaman mong mahal mo na siya, then i guess ipagtapat mo sa kanya. pero dapat mong intindihin na maraming bagay ang maaring masakripisyo lalo na ang inyong pagkakaibigan kapag ginawa mo iyon.
Sa ngayon, mahalagang siguraduhin mo muna kung ano ang nararamdaman mo para sa kanya.

:)   








judE_Law

Mula kay  mr estranghero.... yan daw ipangalan ko sa kanya. Haha..


------------------------------------


Bro jude,
Ako na yata pinaka torpeng tao.
Hindi ko alam kung saan ko namana ito.
Pero kasi chickboy naman tatay ko ganun din ang kuya ko.
Ako lang talaga ang hindi.
Hindi naman sa pagmamayabang pero may itsura naman ako.
May mga nagkakagusto din naman sa akin pero di sila yung gusto ko.
Meron akong crush sa school kaso hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Hindi kami magka klase at ahead siya ng one year sa akin. Patulong naman oh.
Thanks!


*******************


Mr Estranghero,
2016 na, di na uso ang torpe. Haha... palagay ko nga kung magtatapat ka dun sa crush mo, malamang aminin niya sayo na crush ka din niya. :-)
Pero dahil torpe ka nga, eto lng yung mga naiisip kong peede mong gawin para makagawa ka ng move at makilala mo siya ng husto..
Kilalanin mo mga kaibigan niya at alamin mo kung ano ang hilig niya. Malay mo may common friends pala kayo,from there pwede kang sumama sa kanila one time na gumimik o kaya pareho pala kayong miyembro ng  science club o glee club? Pwede kayong magshare ng thoughts niyo. Tapos konting push lang sa sarili, konting lakas ng loob. Kasi kung hindi ka rin naman gagawa ng move, eh malamang walang mangyayari sayo. Wag lang tipong magmumukha kang presto o mayabang. Kaya mo yan! :-)

judE_Law



Problemang puso mula kay Avan.... hahaha...





Jude,
I need your advice.
I think mahal ko na yung girlfriend ng bestfriend ko.
dapat ko bang sabihin sa kanila o itatago ko na lang sa sarili ko?
ang hirap, kasi nasasaktan ako kapag nakikita ko sila.
minsan, hindi ko alam kung nakakahalata na sila, kasi hindi na ako sumasama sa mga lakad nila.
may time nahuhuli ako ng bestfriend ko na nakatingin sa gf niya.
ano ba dapat kong gawin? ipagtapat sa kanila yung totoo?

thanks in advance sa payo mo.

*********************************

Alam mo Avan, mahirap yang sitwasyon mo... kung sigurado ka sa nararamdaman mo kay girl, at gusto mong ipagtapat sa kanila yung nararamdaman mo.. kailangan ikunsidera mo muna ang maraming bagay. una na diyan, ay kung handa ka ba na masakripisyo yung pagkakaibigan niyo sakaling malaman nila? maaring mawalan ka ng bespren, pero mabubunutan ka naman ng tinik sa dibdib. sa tingin ko kung hindi mo kayang masira ang pagkakaibigan niyo, mainam na itago mo na lang muna yung nararamdaman mo. kung handa kang maghintay, at dumating ang panahon na hindi naman pala para sa isa't isa sila, saka mo siguro doon i-try. pero siyempre you can't wait forever... what if kung sila na nga pala ang nakatadhana diba? try mo munang ibaling yung atensyon mo sa iba. hindi madali sa una, pero i'm sure makakahanap ka pa ng iba na mamahalin mo at mamahalin ka ng walang kahati o walang kaagaw. malay mo, dahil nakatuon yung pansin mo dun sa gf ng bespren mo, eh meron pala sa paligid mo na hinihintay ka lang na mapansin mo siya diba?








judE_Law

Tanong mula kay "mr Gigil"


-------------------------------------

Sir, paano ba magkaroon ng sense of humor? kasi kadalasan, ang corny ko talaga. Pero minsan kahit ang corny ng banat ko, meron paring tumatawa.


******************************************

mr Gigil, hindi madali ang magkaroon ng good sense of humor. pero the fact na may mga natatawa sa'yo, i think ibig sabihin lang nun eh meron ka ngang sense of humor. maaring corny sa'yo pero patok naman sa iba o sadyang mabababaw lang ang kaligayahan nung mga taong nasa paligid mo. malalaman mo naman kung meron ka nun eh, yung tipong ang mga taong nakikinig sa'yo eh hindi pilit yung tawa. natural, ika nga. i think hindi rin naman kasi inaaral yun eh, parang natural na sa'yo yun. eto pa, another way to find out kung may good sense of humor, ay kung may mga girls na pansin mo ay nahuhumaling na sa'yo. haha...

judE_Law

Mula kay 'Tommy'


*Buntis Problem*

Jude,
Just call me Tommy.
I'm 32 now, marami na akong naka-relasyon, pero parang wala pa rin akong nakikita na tipong masasabi ko na pakakasalan ko.
I'm in a relationship now, ang masakit nabuntis ko yung girl.
Mahal ko naman yung girl, pero hindi pa ako ready maging tatay, hindi pa ako handa sa mabigat na responsibilidad.
Kilala naman na siya ng magulang ko, at ganundin ako.
Mabait ang parents niya sa akin kaya nakokonsensiya ako.
Ano ba ang dapat kong gawin? Kahit anong payo Jude, malaking tulong para sa akin.





------------------------------------------



Tommy,
Dapat mong tandaan na bawat aksyon na gagawin natin ay may kaakibat na responsibilidad.
Siguro nga hindi ka pa handang maging ama, pero isipin mo yung mga taong naniwala o nagtiwala sayo.
Sa tingin ko naman, hindi naman masama ang intensyon mo, siguro nga, takot ka lang sa responsibilidad o matali sa isang tao.
Tommy, ako man hindi pa pamilyadong tao, siguro iisipin ng iba na wala akong karapatan na magbigay ng payo sa sitwasyon mo.
Basta ang masasabi ko lang, harapin mo yung problema.. actually, hindi ko nga siya msasabing problema eh. Gaya nga ng madalas sabihin nila... ang baby daw ay blessing. Siguro sa umpisa lang medyo matatakot ka na pumasok sa bagong kabanata ng buhay mo, pero once na nandun ka na, i'm sure mae-enjoy mo rin. Sabi mo nga, mahal mo naman yung girl diba?
Wala ng sasarap sa pagtanda kundi ang makasama ang taong mahal mo.


judE_Law

WOW! ngayon ko lang napansin, 139,725 Views na 'tong thread ko.

Thank you guys for making this thread as one of the most viewed dito sa forum.  :)



judE_Law

*Childhood Sweetheart*


Mula kay Reden.

***********************


Jude_law,
May asawa na ako at dalawang anak, 12 years na kaming andito sa Florence, Italy.
Simple lang ang buhay namin dito, tahimik at masaya din naman.
Nagsimula yung problema ko nung minsang nagka-chat kami ng Ex ko. Tawagin na lang natin siyang Joy.
May anak na din si Joy, kasing edad nung panganay ko. Ang pagkakaiba, matagal ng hiwalay si Joy sa asawa niya.
Childhood sweetheart kami ni Joy, at aaminin ko na hanggang ngayon ay may pagtingin pa rin ako sa kanya.
Pano naman kasi, walang closure na nangyari sa relasyon namin.
Hindi boto ang magulang ko kay Joy, isa yun sa dahilan kung bakit hindi siya sumama sa akin noon sa Italy.
Dinamdam ko yun, at sabi niya, ganun din naman siya.
Ngayon, bumabalik lahat sa akin yung mga nakaraan namin.
Iniisip ko pa lang, pakiramdam ko nagkakasala na ako sa Misis ko at sa mga anak ko.
Aaminin ko, i think i'm still in love with Joy. Plano aming magkita sa Pinas pag-nagbakasyon kami.
Ano ba dapat kong gawin?


**************************


Reden,
Mahirap pumasok sa ganyang sitwasyon... Ang maipapayo ko sa'yo habang hindi pa huli ang lahat, iwasan mo na yan.
Kailangan mong siguraduhin na yung nararamdaman mo kay Joy ay pagmamahal pa nga. Baka naman kasi dahil matagal na kayong hindi nagkikita at nagkakausap kaya nadala lang kayo ng inyong damdamin. Sabi mo nga, wala pang closure sa relasyon niyo diba? Baka naman ito lang yung pagkakataon na hinihintay niyo para ayusin ang lahat ng bagay, aminin yung mga naging pagkakamali at magpatawad. Baka naman kasi magiging mas masaya kayo kung magiging magkaibigan na lang kayo.
Pero sabi nga nila, hindi mapipigilan ang idinidikta ng puso. Kung talagang desedido ka na ituloy yung naunsyami niyong pagmamahalan ni Joy.. dapat mong ihanda ang sarili mo sa maraming bagay. Tulad ng kung papaano mo ito sasabihin sa asawa mo, anak mo, pati na rin sa inyong pamilya at mga malalapit na kaibigan. At kung sakali man dapat natuto na kayo ni Joy sa mga pinagdaanan niyo... maraming mga bagay ang hindi niyo na maibabalik pa ulit.

Salamat sa pag-share ng story mo Reden. Nakatulong ba ako o nakagulo? haha..