News:

Welcome to PGG Forums:
Ask for tips and advice ranging from men's fashion, grooming, hairstyles and dating women.

Main Menu

Mahal na mag-MRT?

Started by marvinofthefaintsmile, September 13, 2010, 09:31:59 AM

Previous topic - Next topic

judE_Law

sana ibalik nila yung 24 hours service ng MRT o at least i-extend pa ng konti yung oras.. na una ng pinatupad under PGMA's administration.. talagang mas-safe kasi sa MRT kesa sa Bus.. minsan kasi pag di ako umabot sa train.. nagbu-bus ako.. eh grabe naman.. literal na lumilipad kadalasan yung Bus na sinasakyan ko.... tas lahat yata ng may ibabaw sa Edsa hinihintuan para kumuha ng pasahero, suma total, mas mahaba pa ang oras ng biyahe ko pa-guadalupe kesa pag-uwi ko ng pampanga...

Mr.Yos0

^ yung mga bus galing fairview na dumadaan sa east ave. ambibilis.. umiilalim..

pinoybrusko

yes gawin 24 hours ang operation at magdagdag ng train para ma-accommodate lahat ng pasahero


Mr.Yos0

man, kung mag-aantay ka pa ng maluwag-luwag na tren pag rush hour baka gabi ka na makasakay..  ;D

judE_Law

Quote from: Mr.Yos0 on September 18, 2010, 11:35:24 AM
^ yung mga bus galing fairview na dumadaan sa east ave. ambibilis.. umiilalim..

in short.. lumilipad na bus pailalim.. lol! ;D


Quote from: Mr.Yos0 on September 18, 2010, 11:37:28 AM
man, kung mag-aantay ka pa ng maluwag-luwag na tren pag rush hour baka gabi ka na makasakay..  ;D

actually effective nga yung technique ko na yun eh.. ang ginagawa ko.. pag sobra talagang puno yung dumating na tren, tiyak ang kasunod nun maluwag-luwag, especially kung hindi matagal ang interval... proven na yan tsong. araw-araw me sumasakay sa MRT.

Mr.Yos0

^ haha.. ako kasi sa LRT. pag rush hour tlagang ganun ang scenario ng bawat tren.. wala akong choice kundi maging aggressive.  ;D

pinoybrusko

Quote from: Mr.Yos0 on September 18, 2010, 11:42:51 AM
^ haha.. ako kasi sa LRT. pag rush hour tlagang ganun ang scenario ng bawat tren.. wala akong choice kundi maging aggressive.  ;D


aggressive ba yung papasok ng derecho kahit marami masasaktan at matatamaan para lang makapasok?  ;D

judE_Law

Quote from: Mr.Yos0 on September 18, 2010, 11:42:51 AM
^ haha.. ako kasi sa LRT. pag rush hour tlagang ganun ang scenario ng bawat tren.. wala akong choice kundi maging aggressive.  ;D

aha! ikaw siguro yung mahilig manulak at sumiksik kahit puno na yung tren? hehehe.. ;D

Mr.Yos0

^ hindi naman ganun.. basta yung tipong may nakita pa kong space.. as in space ah, papasok ako.

Mga tao naman kasi, mahilig tumambay malapit sa pintuan, pagkalaki-laki pa ng space sa gitna.



..

Kung sakali mang magtaas.. Mapipilitan akong mag-bus.

Mr.Yos0

Wait, bat kaya di nila gawing "ordinary" (alang aircon) ang ibang tren para mabawas-bawasan ang maintenance costs?

judE_Law

Quote from: Mr.Yos0 on September 18, 2010, 07:29:01 PM
^ hindi naman ganun.. basta yung tipong may nakita pa kong space.. as in space ah, papasok ako.

Mga tao naman kasi, mahilig tumambay malapit sa pintuan, pagkalaki-laki pa ng space sa gitna.



..

Kung sakali mang magtaas.. Mapipilitan akong mag-bus.


isa pa yan... maluwang naman sa gitna dun pa sa malapit sa pintuan nagsisiksikan...

ako, mapapasakay mo lang ako ng bus pag hindi na ako umabot sa last trip ng MRT.. kahit na siguro dagdagan pa nila pasahe MRT pa rin ako..

joshgroban

hahaha bat kaya ako gusto siksikan.... bad trip nga ko nung nahiwalay na mga girls e kumonti na ang chicks na makakatabi.... mga lola naman nagsisiksik pa dun sa panglalaki kahit sinabi na ngang may lugar para sa kanila e hahaha

Mr.Yos0

^ oo nga. tapos makikita mo sumisimangot. alam namang mapipiga dun.

joshgroban

akom pag di pa napapasakay yung mga matanda at buntis sinasabihan ko na dun sila sa unahan kawawa naman e minsan talagang di nila alam

pinoybrusko

ako hinde ko alam na pang babae lang yung sa harapan wala naman sumita sa akin kaya pala puro babae ang sakay dun  ;D