News:

Having problems registering or logging in?
Contact us here.

Main Menu

Mahal na mag-MRT?

Started by marvinofthefaintsmile, September 13, 2010, 09:31:59 AM

Previous topic - Next topic

judE_Law

Quote from: angelo on February 17, 2011, 07:12:18 AM
Quote from: judE_Law on February 15, 2011, 12:13:02 PM
kanina sa tren.. naipon ang tao...
eh puno na rin yung dumating na tren, may lalaki na nagsusumiksik...
eh may ale sa unahan niya na may kasamang bata.. sige pa rin ang pagpupumilit na pumasok..
nagalit yung ale... sinampal sa mukha yung lalake... 'hindi mo ba nakikita yung bata naiipit?' sabi ng ale.. naisip ko, buti nga sayo nakahanap ka ng katapat.
sumagot pa yung lalake, "eh bakit kasi nagti-tren kayo kung ayaw niyong maipit? kundi ka lang babae.."
sumagot ulit yung ale.. "ano?? **** ka ha.. kita mo ng puno magpipilit ka pa"
lumabas yung lalake.. nagsasabi sabi pa paglabas ng tren.. pagsara ng pinto, minura niya yung babe..
pag-alis ng tren.. sumagot yung ibang tao sa tren.. "tama lang yung ginawa mo.. bastos eh.." sabi nun isang lalake..
tas sumagot din yung isang babe na naka-pormal na damit.. "puno na kasi nagsusumiksik pa.. baka mamya mandurukot pa yun eh"


^hindi ito imbento.. totoo lang po.



mrt experience din kaso sa elevator ng shaw blvd station.

nakasakay na ako sa elevator at huling 3 pumasok ay isang lalake na mga mid 30s, isang ale na mid 30s din at isang mga 20s na buntis. pagkapasok nilang 3, umangal na ang elevator at hindi na kaya ang weight. nagkatinginan sila at nag give way na yung lalake at bumaba. pero tumutunog pa rin, kaya nag-suggest yung 30s na female to the pregnant woman na siya na lang bumaba.. nagtalo sila kasi ang point nung buntis sila ang priority sa elevator.. hanggang sa isa pang lalake na lang ang bumaba. hanggang sa bumaba, nagpaparinigan pa rin sila ng mga POV nila. yung isa dahil priority yung buntis, at yung isa sinasabing nauna sa pila at lahat ng tao nagmamadali.

nahihiya na lang ako at nakasakay ako sa elevator...

naiintindihan kita, ako man yun, mahihiya ako...
yan ang isa pa sa dapat malaman ng lahat ng mrt commuters...
na yung elevator talaga, ang priority eh yung mga buntis, may mga bata, matatanda at may kapansanan..
'wag na tayong makipagtalo sa kanila..
pero kung ikaw naman yung buntis.. okay na rin siguro na hayaan mong magkusa na yung mga nakapila ay sila na ang magpauna sayo..
'wag ka na ring makipagtalo.. pwede naman sigurong makiusap ka na kung pwede paunahin ka na.. ;)

ctan

Hindi na yata tataas ang presyo.

spydermark

sir ctan, mailbox full ka sa forum...

maykel

Kasi ang dinig ko eh parang planong ibenta sa private sector ang pagmamanage sa MRT/LRT.


naisip ko lang, diba sabi nila subsidized ng government ang price ng fare sa MRT/LRT sa bawat pasahero. paano kaya nalalaman kung magkano per month ang kelangan nilang isubsidized?

Kasi hindi naman constant ang number of passenger sa MRT/LRT. Iba iba ang value nya per day. so which means na iba iba din per day or per month ang sinusubsidized ng gov't. :)

judE_Law

Quote from: ctan on February 17, 2011, 12:10:39 PM
Hindi na yata tataas ang presyo.

tataas pa yan doc..
medyo inurong lang kasi mainit na masyado yung sunod-sunod na pagtaas ng serbisyo at bilihin..

ctan

Sana nga hindi na, kasi kung i-privatize naman nila yung mrt/lrt, for what pa ang pagtataas ng fare?

Mr.Yos0

MVP offered to buy the MRT for 1B+ yata. nabasa ko last week.

judE_Law

Quote from: Mr.Yos0 on February 21, 2011, 09:45:31 PM
MVP offered to buy the MRT for 1B+ yata. nabasa ko last week.

talaga? hmmm... sabagay, malaking business ang MRT.. kaya hindi ako naniniwala na lugi ang gobyerno.. gusto lang talaga nila na kumita ng mas malaki.

joshgroban

bahala silang magtaas ...basta maayos ang serbisyo at magdagdag pa pag rush hour

judE_Law

Quote from: joshgroban on February 22, 2011, 12:58:36 AM
bahala silang magtaas ...basta maayos ang serbisyo at magdagdag pa pag rush hour

maliit din kasi capacity ng mga tren ng mrt kesa sa bagong tren ng lrt, kaya madalas mapuno.

angelo

naisip ko lang sana may levels kung gaano nagmamadali, tapos mas mahal kapag express.

judE_Law

Quote from: angelo on February 26, 2011, 12:39:27 AM
naisip ko lang sana may levels kung gaano nagmamadali, tapos mas mahal kapag express.

hmmm... pwede rin..

angelo

kung hindi naman, may first class / business class tapos may common area. kaso napaka iksi ng biyahe to have one.

all for the sake of de-clogging the trains. kapag tinitingnan mo talaga from the outside, parang pantalong puputok na yung button.

judE_Law

hmmm... what if kung alternate kaya yung hihintuan ng tren? like for example..
from north avenue, next stop nung unag bus ay sa gma kamuning na..
tas yung isa naman from quezon avenue station sunod na stop niya ay cubao.. magkakaroon parin kaya ng matinding siksikan?

carpediem

^ pero pano yung mga bababa sa stations na ni-skip?