News:

Introducing PGG VIP Membership. Send PMs, Remove Ads and more. KNOW MORE

Main Menu

This is my rebellion

Started by ctan, October 06, 2010, 07:32:54 PM

Previous topic - Next topic

ctan

Given during a graduation ceremony ng isang masteral program sa UP.
Read on:



            Ngayong araw na ito, sa ating pagtatapos, mayroon akong dalang Transcript of Record. Ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito ay nag-aral sa De La Salle University. Sa unibersidad na ito, kapag ikaw ay isang undergraduate, may ID number ka na nagsisimula sa "94" at pataas, kung lumipas ang isang buong school year at umabot ka sa 15 units na bagsak, masisipa ka sa paaralan.

             Ang transcript na hawak ko ay mayroong 27 units ng bagsak. 12 sa mga ito ay tinamo ng estudyante sa iisang schoolyear lang. Ang isang subject ay kadalasang may bigat na 3 units. Kung iisiping mabuti, isang subject na bagsak na lang ay pwede na masipa ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito.
             
            Ang speech na ito ay hindi ko ginawa para i-acknowledge ang paghihirap ng ating mga magulang sa pagpapaaral satin. Hindi ko din ito ginawa para maghayag ng political statement, o kumbinsihin kayo na huwag umalis sa bansa at tulungan itong makaahon. Ang speech na ito ay para sa mga normal na estudyante na kagaya ng may may-ari ng transcript na hawak ko, dahil madalas, wala talagang pakialam ang unibersidad sa mga achievements nila. May mga awards na gaya ng "Summa Cum Laude", "Best Thesis Award" at "Leadership Award." Pero ni minsan, hindi pa ako nakakakita ng unibersidad na nagbigay ng "Hang-on and managed to graduate despite nearly getting kicked-out during his academic stay" award.
             
            Maaaring isang malaking kagaguhan ang konseptong ito para sa karamihan. Bakit mo pararangalan ang isang estudyanteng bulakbol, bobo, tamad o iresponsable? Hindi ba dapat isuka ito ng unibersidad? Ito yung mga tipo ng estudyanteng walang ia-asenso sa buhay, hindi ba?

             Ayun. Natumbok niyo.Iyun na nga ang dahilan.
             
            Madalas, pag ang isang estudyante ay may pangit na marka sa paaralan, lalong lalo na sa kolehiyo, nakakapanghina ito ng loob. Nandiyan yung tatamarin ka mag-aral, nandyan yung iisipin mo "Ano pa kayang trabaho ang makukuha ko? Call center na naman o clerical? Ba't kasi ang bobo ko. Kung matalino lang ako, sana, sa Proctor and Gamble ako, o kung saang sikat na kumpanya."
             
            Mas mahirap ang dinadaanan ng mga estudyanteng bumabagsak. Kahit na sabihin mong kasalanan nilang bumabagsak sila, hindi ninyo alam kung ano ang pakiramdam ng ganun. Madaling sabihin na "Kaya mo yan, mag-aral ka lang," pero alam ba natin talaga ang sinasabi natin?
             
            Kapag ang isang estudyante ay bumabagsak sa unibersidad, nandiyan yung tatawanan niya lang yan. O di kaya naman, ipagmamalaki niya pang "TAKE 5 NA KO!!!" o "Pare, magpi-PhD na ako sa Anmath3/Calculus/etc." Pero hindi alam ng mga isang Summa Cum Laude kung ano ang nasa isip ng isang normal na estudyante sa tuwing matutulog ito at alam niyang pag-gising niya, kailangan niya na naming ulitin ang isang subject na nakuha niya na sa susunod na term.
             
            Kahit kalian, hindi naging problema sa "Star Student" na sabihing "Nay, bagsak ako." at hindi kailanman sumagi sa isip nila na "Paano kaya kung sa walang-pangalang kumpanya lang ako makapagtrabaho?" Dahil sigurado sila sa kinabukasan nila.
             
            Huwag na tayong maglokohan. Grades are everything.Kahit bali-baligtarin mo iyan, hindi magiging patas ang mga kumpanyang kumukuha ng fresh graduates para magtrabaho sa kanila. Minsan din naman, nadadaan sa palakasan, pero ganun pa din. Kung hindi ka academically good, wala kang patutunguhan. Kung hindi man yun, mas mahirap yung dadaanan mo para lang makaabot sa prestihiyosong posisyon.
             
            Kaya ngayong graduation, ang speech na ito ay inaaalay ko para sa mga estudyanteng lumagpak, muntik-muntikan nang masipa o yung sa lahat ng paraang pwede, ginawa na para lang makatapos. Gagawin kong patas ang mundo para sa inyo kahit isang araw lang. Kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao, kesyo kasalanan mo man na pangit ang marka mo o muntik ka nang makick-out, saludo ako sa hindi mo pagtigil sa pag-aaral. Saludo ako na may lakas ka ng loob na harapin pa rin ang mundo kahit alam mong hindi ito magiging patas sa iyo.Saludo ako na kahit pangit ang transcript mo, taas noo ka pa rin ngayong graduation at proud na proud sa sarili mo.
             
            Ano ngayon ang mangyayari sa mga graduates pagkatapos nitong graduation? Ayoko nang puntahan yung pwedeng mangyayari sa mga Cum Laude. Baduy. Alam mo namang may patutunguhan ang buhay nila e. Pero dun sa mga lumagpak, ano ang meron?
             
            Maaring makakuha kayo ng mediocre na trabaho lang. Pwede ka rin swertehin, baka makapagtrabaho ka sa magandang kumpanya. Madami pang pwedeng mangyari. Huwag kayong mawalan ng pag-asa. Kung nung college, nagtiyaga kayo e ba't titigilan niyo yung pagti-tiyaga ngayon?
             
            Pwede ring ganito: Mag-aral ka ulit. Ipakita mo sa kanila na kung sisipagin ka lang, malayo ang mararating mo. Subukan mong patunayan sa kanila na kapag pinilit mo, kaya mo ring abutin yung naabot nila. Na hindi ka bobo, kundi tinamad ka lang.
             
            Baka sabihin ninyo, drowing lang ako.
             
            I've been on both sides. Naranasan ko na ring lumagpak, at muntikan na din akong masipa. Naranasan ko na ang umulit ng 4 na beses sa iisang subject. Naranasan ko na ang masumbatan ng magulang, kapatid at kung sino-sino pang propesor na walang pakialam sa pakiramdam ng estuyante. Naranasan ko nang hindi makatulog ng maraming gabi sa pagiisip kung paano ko na naman sasabihin sa magulang ko na may bagsak na naman ako. Kaya alam ko ang pakiramdam ninyo.
             
            Akin ang transcript na ito.
             
            Pagkagraduate ko ng college, ano ang ginawa ko? Eto.Nagtrabaho muna ng konti, tapos aral ulit. Kuha ng Masteral sa kurso ko. Hindi para sa trabaho o kung ano man. Kundi para patunayan sa sarili ko na noong mga panahong bumabagsak ako, tinatamad lang ako.
             
            This is a rebellion. I raise my middle finger to every professor, over-achiever, naysayer and detractor that told me that I can't make it. I raise my middle finger to every valedictory or graduation speech that only gratifies the university, those who were achievers in school or those who gratify the country when it's supposed to be the graduate's moment of glory. You are supposed to acknowledge EVERYONE. Even those who failed many times.
             
            Kaya sa inyong mga graduates na medyo hindi maganda ang marka, para sa inyo ito. Kung kinaya ko ito, kaya niyo rin to. Imposibleng hindi.

carpediem

#1
Although grades are not always a good measure of knowledge gained in school, it is however a very good practical indicator on a person's ability against a certain standard. For example, an applicant that has a high grade during school most certainly passes some very basic requirements for the job.

It is also practical for companies to use grades as a basis of recruitment to weed out the "unqualified" applicants. Of course there might be potential "star employees" in those disqualified ones, and undeserving candidates also in the group that pass the criteria, but for the purpose of practicality, grades are a good measure for recruiting employees.

noyskie

Caloy, thanks sa post. It just pointed out that grades is "just" a good indicator for a qualified applicant but not an absolute basis. It is your character.

This just reminds me that "I may commit mistakes but I can always learn from them."

ram013


Mr.Yos0

epic. lalo na nung sinabi niyang "akin tong transcript.."




naalala ko tuloy yung panahon noon na halos di na ko nagsisipag mag-aral (or competing for class top) dahil lang maraming sipsip at prevalent ang palakasan system. Lagi ko na lang nasasabi noon na "there's more into a person's character than his grades."


ctan

Quote from: ctan on October 06, 2010, 07:32:54 PM

            Huwag na tayong maglokohan. Grades are everything.Kahit bali-baligtarin mo iyan, hindi magiging patas ang mga kumpanyang kumukuha ng fresh graduates para magtrabaho sa kanila. Minsan din naman, nadadaan sa palakasan, pero ganun pa din. Kung hindi ka academically good, wala kang patutunguhan. Kung hindi man yun, mas mahirap yung dadaanan mo para lang makaabot sa prestihiyosong posisyon.
         


I still stand by the principle that: grades do not define who you are. :-)

ram013

I totally agree, grades will not define how good or great a person is.

Misan may mga di magaling sa skul pero pag labas sobrang successful. nasa diskarte kc yan

angelo

change is constant as well as hope.  ;)

bukojob

to whoever made that speech. paki sabi na lang na maraming salamat  :)

kasi agree ako sa sinabi nya na hindi alam ng isang magaling na estudyante ang nararamdaman ng isang ordinaryong estudyante

feeling ko, kung present ako dyan sa ceremony na yan, kahit hindi ako kasama sa mga ga-graduate, mapapa-tayo at papalakpak ako

judE_Law

naalala ko tuloy yung dalawa kong friend nung high school.. yung nagtapos ng may medalya, yung isa naman umulit ng isang taon.. pero ngayon mas malayo ang narating nung walang medalya.

Mr.Yos0


ctan

I myself am a product of failure too. :-) So that is why I can relate to the speech given. Another fact about me, is that there was one semester in my college life that I passed no subject. I was bound to be kicked out because of my zero-unit passing status, not just from UP Diliman, but from the whole UP System. Buti na lang at ipinaglaban ako ng mga professors ko, I was retained in the university. Looking back, it happened in my 4th year in college. While being a consistent scholar from 1st year to 3rd year, all of a sudden I was being kicked out on my supposedly last year in college. Tragic, yet worthwhile. :-)

angelo

Quote from: junjaporms on October 07, 2010, 09:58:27 PM
epic nga... sa haba hahaha  ;D pero kung babalikan ko yun, laking pasasalamat ko talaga.. kasi ayoko na mag-stay pa ng isang sem para lang sa isang subject...

so wala ka naman talagang bagsak?

carpediem

Quote from: judE_Law on October 07, 2010, 07:16:06 PM
naalala ko tuloy yung dalawa kong friend nung high school.. yung nagtapos ng may medalya, yung isa naman umulit ng isang taon.. pero ngayon mas malayo ang narating nung walang medalya.

Some people call it "the curse of the gifted":

When you were in college, did you ever meet bright kids who graduated top of their class in high-school and then floundered freshman year in college because they had never learned how to study?  It's a common trap.  A friend of mine calls it "the curse of the gifted" -- a tendency to lean on your native ability too much, because you've always been rewarded for doing that and self-discipline would take actual work. - ESR

ram013

so true.. sa amin sa school..sobrang hate ko ung mga nas cream section and the administration kc they always pick the leaders from the cream section.... bawal tumakbo sa School Org pag lower section ka...di ka magiging part ng school newspaper pag di ka from top section...ipapadala sa contest ung mga nsa top section...

puro sila mga students from top section pero when everyone went to college ung mga nsa lower section ang nagexcel..mga naging big time..

Ang yayabang ng mga tao dati sa top section nmin akala mo mga Anak ng diyos, pero look at some of them now.

Kaya sobrang idol ko ung nagdeliver nung message na to, dpat we should not look at the grades shown at school. we must learn to discern true talent and gift from those that are just a mere fluke.