News:

If this is your first time to visit, you might have to register here before you can post.

Main Menu

URGENT: advice for school

Started by bryuscarpius, October 21, 2010, 12:03:40 AM

Previous topic - Next topic

bryuscarpius

Hi, Im Bryan,19 years old at may malaking problema. Matagal na kong nagbabasabasa dito pero ngayon lang ako sasali sa usapan. Mula nung bata pa, sinasabi na ng mga nakakatanda na dapat magtapos ng pag-aaral para guminhawa ang buhay at magkaroon ng desenteng trabaho. Ang tanong ko lang...

1. Kailangan bang mag-college kahit natapos mo na ang "basic" education mo(elem.& high)?

2. Magkakaroon ka ba ng maayos na kinabukasan/trabaho kung di ka magka-college?

3. Bakit kailangan mo pang bunuin ang 4 years sa college para lang pag-aralan ulit ang mga na-take mo na nung elementary at highschool ka?

4. Bukod sa mga major subjects nung college,may malaking pinagkaiba ba ang curriculum ng basic ed. sa college?

5. Anung pinagkaiba ng college grad sa highschool grad?

6. Highschool graduates lang ba ang nahihirapan maghanap ng trabaho sa loob ng bansa?

Sana matulungan nyo kong masagot ang mga tanong na yan. Dahil marami naman dito ang nagdaan na sa pinagdadaanan ko siguro alam nyo na ang mga sagut dyan.Nahihirapan akong magdecide wala kasi talaga sa pusu ko ang mag college pero ang family at COMMUNITY, ang paniniwala e kailangan kong magtapos sa college. Pressure talaga. Parang masama rin ang loob ko kasi pag graduate ng basic education dapat "whole" ka na, ready na to work, pero sa kultura natin parang kulang ka pa, pariwara at bobo pag di ka nagkolehiyo.

SOBRA NA KONG NAI-STRESS. Di na ko makatulog buong gabi sa kakaisip kung tutuloy ba ko sa college o hindi. Tinatanong ako ng parents ko kung ano, di ako makasagot. Ayoko mag-college pero takot akong baka tama nga sila na walang future for highschool grad "lang".

Tinanong ko naman ang maalam na si Google, paliwanag nya, "Kung ayaw mo magkolehiyo, HWAG!Ikaw ang mayhawak ng buhay mo at di garantya ng tagumpay ang magkaron ka ng college degree! Ang pag-aaral ay hindi limitado sa eskwela! Ang panahon at salaping gugugulin mo sa pag-aaral ay pwede mo nang ilaan sa pagpapaunlad ng yung buhay ngayon mismo."

Sinabi ko ke erpat/mat yung sinabi ng maalam na si Google. Sabi nila, "Mas mabuti kung magtatapos kasi mas malaki ang sweldo, mas malawak ang pwede mong marating, at mas mataas ang pwede mong maging pusisyon. Ayaw naming mahirapan ka at kutyain ng iba tulad namin kaya gusto ka naming magtapos. Kami, gusto naming mag-aral dati pero walang pampa-aral. Kayo mag-aaral nalang nagdadalawang-isip pa. Kung kami nakapag aral non maunlad sana tayo ngayon. Kapitan na sana ngayon ang daddy nyo(seaman ang dad ko).

Eto isa sa mga lumitaw nung nag-Google ako.
http://willblogforfood.typepad.com/will_blog_for_food/2006/11/10_reasons_not__1.html

Sana maliwanagan ako.Intayin ko sagut nyo.

P.S
Hindi ho ako tamad mag aral. Actually I love books and I love reading. Nag-aaral ako mag-isa, kusa, at pinag-aaralan kung anong interes ko, at madali kong naa-absorb yung impormasyon pag ganon. Ang ayaw ko lang e ang pumasok sa kolehiyo. Ayaw kong sapilitang isaksak sa isip ko ang impormasyon.



mang juan

hmm.. sakin kahit makatapos ka ng college or hindi, basta may determination ka na makapagtrabaho, kaya mo yun. pero kung makakapagtapos ka ng college parang plus point/ advantage mo na rin yun sa mga kasabayan mo.

ctan

Hi Bryan! Nakakatuwa naman ang mga tanong mo. Sa totoo lang, at one point in my life, namroblema din ako kung tutuloy ba ako ng college o hindi. Buti na lang I was driven by passion to become what I wanted to be. :-) I'll try to answer your questions with honesty as much as possible, and that is, just basing on my experiences and what have crossed my mind. :-)


1. Kailangan bang mag-college kahit natapos mo na ang "basic" education mo(elem.& high)?

Nasa sa iyo iyan kung gusto mo mag-college. Pwede ka naman mag-aral ng vocational training tulad ng secretarial, electrician, plumbing, etc sa TESDA kung gusto mo ng ganung klaseng mga trabaho. If not, pwede ka naman magbusiness (to begin with, mukhang kelangan may outstanding business ka na at hindi dapat magnenegosyo pa lang). However, ang pagtrain kasi sa college is an experience that would help you "specialize" on certain fields. If you want to be specialist in engineering, get an engineering course, etc, etc. Again, sa panahon ngayon, hindi ka makakakuha ng ganun ka-extensive na training kung hindi ka mag-college.

Isa sa mga iisipin natin din, is that ang buhay at ang mga problema na ma-eencounter natin ay hindi "de kahon". We can't put life in a box. What would seem to be routine may sometimes surprise you with something perplexing and exciting. I'll give you an example. Ako kasi nagdodoctor. Kapag nag-oopera kami, madali lang yan. Papanoorin mo lang kung anong techniques ginawa, magagaya mo na. Even taxi drivers, lawyers, teachers, etc who aren't doctors, kapag makita nila kung papano mag-opera, kaya nilang gawin yun. Pero why still study medicine and surgery? It is through specializing in the field of medicine that we know the basis of the techniques we do. And if ever problem arises, we also would know how to handle it since we thoroughly understand what is happening. So ganun din kapag nag-college ka. Yes, equipped ka na to understand the higher academe after graduating from highschool. But hanggang equipped lang yun.

2. Magkakaroon ka ba ng maayos na kinabukasan/trabaho kung di ka magka-college?

Posible naman na magkakaroon ka ng maayos na kinabukasan kahit di ka mag-college. Magsikap ka, maging maabilidad. Pero dadaan ka muna sa butas ng karayom, or kung sanay ka dumaan sa butas ng karayom, masanay kang magtatagal ka sa pagdaan sa butas ng karayom. There are stories about people who have become successful kahit hindi nag-aral. However, remember that today is the present day. marami na ang competitors. We are going back to the barbaric "survival of the fittest" kasi napakadaming tao ang may pare-parehas na credentials. Ano na lang mangyayari sa yo kung gahol ka sa credentials dahil di ka nag-college? Anyway, nasa abilidad mo na lang yun. Kung di ka mag-college, magsumikap kang umunlad ang buhay mo.

3. Bakit kailangan mo pang bunuin ang 4 years sa college para lang pag-aralan ulit ang mga na-take mo na nung elementary at highschool ka?

Hindi mo naman pag-aaralan ulit ang mga naaral mo nung highschool. Ang mga inaral mo nung highschool ay very basic information so that when you finish highschool, equipped ka to understand higher form of learning. In college, even the basic/general subjects are geared towards the specialization that you will be taking.

4. Bukod sa mga major subjects nung college,may malaking pinagkaiba ba ang curriculum ng basic ed. sa college?

Napakalaki ng pinagkaiba ng curriculum. Very general yung sa basic education (elementary and highschool). Yung general education subjects sa college are in line with your specialization. They are pre-requisites to taking up major subjects. For example, you need a general language subject with emphasis on essay writing or speech writing, so that you will be able to cope up well with highly specialized subjects which would entail you to write journals, scientific reports, or thesis. Another example is that you first need to take up general math so you could take up and understand better complex principles in chemistry and physics, or even higher math.

5. Anung pinagkaiba ng college grad sa highschool grad?

Napaka-competitive na ng society ngayon unlike before. Naging competitive because a lot of people are going to college and thus earning a better credential than those who haven't gone to college. May edge sa mga trabaho may malaking sweldo ang isang college graduate kesa sa highschool graduate. Another thing is that if you have a passion, that will be one major reason to pursue higher education. Like my example earlier, I pursued medicine despite my dilemma in highschool whether I would pursue college or not. Kasi, before I could study Medicine, I would have to go through college first. So kung hindi ka mag-college, you will be at the bottom of the human food chain.

6. Highschool graduates lang ba ang nahihirapan maghanap ng trabaho sa loob ng bansa?


Maraming college graduates ang nahihirapan humanap ng trabaho. Hindi lang highschool graduate. Pero like what I've said, competition is tight for those who have credentials that are at par with one another. If you lack the capability/credential, you might not even be considered for a job in the first place.

MaRfZ

Galing galing ni kuya doc! Hehe.  ;) ;D

*APIR*  ;D

ctan

Ikaw pol, ano masasabi or ma-advice mo? :-)

MaRfZ

Hehe. Ang masasabi ko lang sayo bryuscarpius -

Kahit ilang beses mo pang isipin kung mag go go ka sa collage, dapat gawin mo na.
sa panahon ngayon competition ang laban. Mas maraming alam and experience, mas malaki ang chance na makakuha ka ng magandang trabaho.

Naisip ko din yan dati kung bakit pa natin dapat pag aralan sina cosign, tangent, x=ab at kung anu anu pa. Pero kung iisipin mo pano na lang yun future mo kung di ka magsisipag.

Kung yun mga nakatapos nga ng 4 years hirap pa din maghanap paano pa kaya yun mga HS grad lang. If ever man na makakuha ka ng work na HS grad ka, maybe nasa low level position at may chance pa na di ka mapromote dahil sa di ka tapos ng collage / 4yr. course.

Basta advice ko lang Aral na lang ng mabuti, at lahat ng pagtyatyaga mo ay may karampatang gantimpala.  ;D

Godbless you brotha!  ;)

pinoybrusko

hi bryus welcome to PGG

Most of the students who finish high school experience this dilemma if going to college or not. Malaki ang difference pag may natapos ka ng kurso lalo na pag lisensyado ka pa. Take it this way, you are lucky enough that your parents can afford to send you to college, sa panahon ngayon sa hirap ng buhay marami hinde nagtutuloy sa college hinde dahil sa ayaw nila mag-aral kundi dahil sa financial problem. Hinde na kaya ng magulang ang dagdag na pasanin sa tuition sa college at pang araw araw na baon. Like my case, I struggle to finish my college and pass the board exam. Yun lang ung pede kong magawa sa sarili ko na pede ika-angat ng buhay ko kasi mahirap lang na pamilya kami. Gusto ko naman na maranasan na guminhawa ang buhay ko.

Kaya ko nasabi na malaking bagay ang may natapos ka sa kolehiyo kasi may ginhawa naman after. Like for example, nakapagtapos ako ng eng'g at sa field of construction ang linya ko. Maginhawa ang work ko kasi nasa opisina lang ako at nagpupunta lang ako sa site pag may routine inspection. pero pag hinde ako engr at hinde ako nakapagtapos ng pagaaral, ako yung nakabilad sa araw nagpapala at nagbubuhat ng mga hollow blocks. Sinusunod ang inuutos ng amo. Kahit masipag ako magtrabaho hanggang dun na lang ang hahantungan ko mapromote man di ko pa din mapapantayan ang sinusuweldo ng isang engineer.  Sa panahon ngayon, ang isang laborer minimum ang pasahod sa sariling panggastos pa lang kulang na kulang na lalo na pag gusto mo ng magkaroon ng sariling pamilya paano na?

Yung basic education na natutunan natin sa high school ay basic lang. Malayo sa katotohanan sa college at malayo sa actual na trabaho. Naisip ko nga yung pinagaralan ko ng 5 years sa college ay hinde ko na-apply sa actual na work konti lang yung nagamit ko like yung conversion lang ng meters to inches hahaha. Malayong malayo. Yung mga subjects sa college ay puro theories, concepts at analysis na hinde mo naman magagamit sa actual na trabaho. Maganda lang ngayon sa ibang colleges like sa napasukan ko meron kaming isang semester na on-the-job training or practicum nung nasa 5th year na ako. Para iyon magkaroon ako ng idea what's like working in a company. Maganda nga ang nasa medical field like nurses and doctors kasi required na magtrain sila sa hospital at para mafamiliar sila sa work nila at nag gain sila ng actual experiences pero ang tulad namin na engr as in wala hawak lang namin ang diploma at zero experience hehehe.

Ngayon nga mapapansin mo yung mga college students nahihirapan na mag-apply sa work dahil sa competition what more yung walang natapos sa college?  Tulad ko nag-abroad na lang at nakipagsapalaran dito sa labas ng pinas dahil maraming matatalinong engr sa pinas eh hehehe.

You still have time to decide for yourself. Alamin mo kung ano talaga ang gusto mong mangyari sa buhay mo at kung ano yung plano mo sa buhay mo? Yan ang sinasabi kong dilemma ng high school grad kasi naging focus sila sa mga subjects na dapat ipasa at hinde na naisip ano nga ba ang kukunin kong course sa college at ano ba ang plano ko after that? Pag high school ang nasa isip lang ang mga PC games, panliligaw sa mga chikas, gimik, etc na malayo sa reality ng buhay.

Eto payong kaibigan lang, kunin mong kurso yung alam mong magugustuhan mo at mageenjoy ka para hinde mo maisip na ayaw mo magcollege. Kahit wala kang work college grad ka naman, may maipagmamalaki ka pa din sa sarili mo. Yun na ang pinaka-last na paghihirapan mo ang magtapos ng college after that smooth na ang lahat madali na lang ang buhay.

angelo

tanong ko lang, ano ba ang gusto mong gawin sa buhay mo?

yung tipong, how do you see yourself 10 years from now? Kapag nasagot mo na yan, by-product na niyan kung dapat kang mag-take ng college or not.

sana nakatulong ako.

bryuscarpius

Hi, salamat sa advice nyo medyo nalilinawan na ko ngayon. Pasensya na kung ngayun lang ako nakasagot.

Sa madaling sabi, ang purpose generally ng pagka-college ay para maging mas competitive sa paghahanap ng trabaho. Mahirap makakakuha ng maayos(malaki) na sweldo/trabaho pag HS ka lang kumpara kung nag-college ka.

Kahit anong course ba na interesado ako ok na basta makatapos at masabi lang na college grad?Pag ganon kahit anong job na desente ang sahod pwede ka na(except dun sa highly specialized)? Ano kaya kung political science?

Pangarap ko kasi mabuhay lang sa isang farm kung san sustainable ang pamumuhay. Typical buhay probinsya. Raising your own food, living off the grid, pero bagu yon, kaylangan kong makaipon. Kaya natanung ko kung ok na ba magtrabaho kung HS lang. Simple lang naman kasi gustu ko.

ctan

Hi again bryan. Hindi ako sure kung parehas kami ng pananaw ng iba dito pero for me, it still is important kung yung course na ipupursue mo ay yung field kung saan ka interesado, kung saan mo nakikita ang sarili mo pinapractice yung kurso na yun in the next years to come. Ang pagpupursige kasi para sa isang bagay para sa akin ay influenced ng priorities and passion mo sa buhay. If hindi mo gusto yung course mo and consequently yung jobs related dito, baka hindi mo rin matatamasa ang fulfillment or joy of satisfaction sa buhay kung napipilitan ka lang. So if I were you, I would pursue something na gusto ko gawin and at the same time, nakikita ko ang sarili kong pinapractice yung field na yun in the next years to come.

angelo

kung goal mo makaipon ng pera, may naisip ka na bang paraan kung paano?

kung ang goal mo is to live a life in the farm and become self-sustaining (mula sa aking pagkakaintindi), then i suggest if you would puruse college, get something very much related to operating a farm and growing crops / feeding animals and all other farm related jobs.. i dont know what exactly the courses are but the related ones are agriculture, environmental science, botany/biology etc. Para may kaalaman ka na makaktulong sa iyo para matupad ang iyong pangarap.

pinoybrusko

Quote from: bryuscarpius on October 25, 2010, 03:53:24 PM
Hi, salamat sa advice nyo medyo nalilinawan na ko ngayon. Pasensya na kung ngayun lang ako nakasagot.

Sa madaling sabi, ang purpose generally ng pagka-college ay para maging mas competitive sa paghahanap ng trabaho. Mahirap makakakuha ng maayos(malaki) na sweldo/trabaho pag HS ka lang kumpara kung nag-college ka.

Kahit anong course ba na interesado ako ok na basta makatapos at masabi lang na college grad?Pag ganon kahit anong job na desente ang sahod pwede ka na(except dun sa highly specialized)? Ano kaya kung political science?

Pangarap ko kasi mabuhay lang sa isang farm kung san sustainable ang pamumuhay. Typical buhay probinsya. Raising your own food, living off the grid, pero bagu yon, kaylangan kong makaipon. Kaya natanung ko kung ok na ba magtrabaho kung HS lang. Simple lang naman kasi gustu ko.



alam mo pangarap ko din iyan na magkaroon ng sariling farm raising different kinds of animal livestock with ricefields, fruits and vegetation plantation. If magexceed sa consumption ng family I can sell it to others. Pero I need to strive more kasi wala pa ako lupa sa probinsiya at pangkapital. Everything is still in the planning stage kasama na ang daydreaming  ;D

well kung any course ang kukunin mo parang useless ang pagtapos mo ng college parang may masabi lang na may natapos ka kasi required. Ngayong may plano ka na sa mangyayari sa buhay, aim mo kung pano mo ito magagawa. Since mahilig ka sa farming why not related to agricultural ang course mo para yung matutunan mong knowledge dun ay magamit mo sa plano mo in the future.

pinoybrusko

Quote from: angelo on October 25, 2010, 06:29:15 PM
kung goal mo makaipon ng pera, may naisip ka na bang paraan kung paano?

kung ang goal mo is to live a life in the farm and become self-sustaining (mula sa aking pagkakaintindi), then i suggest if you would puruse college, get something very much related to operating a farm and growing crops / feeding animals and all other farm related jobs.. i dont know what exactly the courses are but the related ones are agriculture, environmental science, botany/biology etc. Para may kaalaman ka na makaktulong sa iyo para matupad ang iyong pangarap.



hahaha sabay tayo ng post parehas din yung nasa isip natin. 1 second lang ang difference ng pagpost natin  ;D

angelo

ok.

kaya nga ang una kong tanong is ano ang balak niya sa buhay niya.
ngayon may sagot siya, tinatanong ko lang din kung may methodology na siya para maabot ang kanyang pangarap.

kung wala, then isang mabuting suhestiyon ang ating ibinigay. we somehow know that it can light the path towards fulfilling the dream.