News:

Check PGG's Instagram and I'll check your Instagram too!

Main Menu

noyskieのスレッド。noyskie's thread. thread de noyskie.

Started by noyskie, March 03, 2011, 10:10:53 PM

Previous topic - Next topic

darkstar13

Noy, tinext kita kagabi, natanggap mo ba?
anyway, salamat ng marami! ;)
super thanks!

noyskie

Quote from: maykel on May 16, 2011, 11:55:29 AM
daya mo noy.. bakit ako wala.... tampo na ako.... hahahaha.. :D

sori maykel, baka di pa kita nakikita before ako magboracay. next nalakad ko na lang...

Quote from: darkstar13 on May 16, 2011, 11:59:35 AM
Noy, tinext kita kagabi, natanggap mo ba?
anyway, salamat ng marami! ;)
super thanks!

oi dark, kung sun ung tinext mo; sorry wala na yun; na block na kasi... PM ko nlng sayo ung other number ko...

maykel

ei, wag mo akong kakalimutang pasalubungan sa susunod na lakad mo ah.hehe. kahit na hindi na tatambay dito. :)

joshgroban

noyskie

Ang dating tambayan na maraming naitulong sa aking paglago bilang isang tao, ngayon ay nasakop na ng mga di kaaya-ayang bangayan, parinigan, akusahan at awayan na sa tingin ko ay wala namang basehan.

Naniniwala ako na ang ating karapatan naipahiwatig ang ating sarili ay nagsisimula at nagtatapos sa karapatan din ng ibang tao. Ibig sabihin, kung pinanghahawakan mo ang karapatan na respetuhin at huwag husgahan ang iyong pagkatao dapat ikaw rin ay hadang respetuhin at huwag husgahan ang pagkatao ng iba.

Paumanhin po sa'yo Ginoong Chris, pakitama na lamang po kung mali ang aking interpretasiyon sa tambayang ginawa ninyo. Sa aking pagkakaintindi, ito ay ginawa upang makibahagi ng kaalaman sa kapwa, magbigay ng kuro kuro o opinyon sa mga bagay bagay at makipagkaibigan. Sa aking opinyon, lahat ay may karapatan magbigay ng kuro kuro subalit ating tandaan na ang nararapat na intensiyon ay makatulong at hindi mangutya, mang-akusa o manakit ng damdamin ng ating kapwa. Minsan may nabibitiwan tayong masasakit na salita kahit na ang intensiyon natin ay ang makatulong (kahit angmagulang natin minsan nasasakrtan tayo kahit labag sa kalooban nila para lamang disiplinahin tayo). Kaya wag natin kalimutan na humingi ng tawad kung alam nating nakasakit tayo ng kapwa. At tayo namang nasaktan matuto tayong magpatawad lalo na kung taos-puso namang humingi ng tawad ang nakasakit sa atin.

Nais ko ding ulitin ang sinabi ko sa isang paksa na ating tinalakay, kung 'di ako nagkakamali tungkol ito sa pag respeto sa mga bakla, at tunay na lalaki dito sa tambayang ito. Inuulit ko,

kung may bakla man dito at pinagmamalaki niya ito, respetuhin natin.
kung may bakla man dito at ayaw niyang maging ganyan ang kalagayan niya, respetuhin natin.
kung may lalaki dito at wala siyang problema makisalamuha sa bakla, respetuhin natin.
kung may lalaki dito at naiiilang siya sa mga bakla, respetuhin natin.

Tandaan natin na lahat tayo ay may pinagdaanan at pinagdadaanan dahilan kung bakit ganoon ang ating pagkatao.

Matanda man o bata, respetuhin natin ang pagkakaiba ng isa't isa. May makita man tayo sa ating kapwa na sa pananaw natin ay mali, maaari natin itong punahin subalit kung ayaw nilang makinig wala na tayong magagawa doon. Humingi na lamang tayo ng paumanhin at huwag nating ipilit sa kanila, ang bagay na ayaw nilang tanggapin. Tumahimik na lamang tayo. Nang sa gayo'y walang gulong magaganap.

Sa isang banda, kung alam natin sa ating sarili na tayo ay nagkamali; tayo po'y magpakumbaba at humingi ng tawad o tanggapin na tayo ay nagkamali. Para sa akin ang pagtanggap o pag-amin ng sariling pagkakamali ay marangal.

Paumanhin po sa lahat na aking nasaktan, nawa'y mapatawad ninyo ako; at kung meron man dito na sa tingin niya ay nasaktan niya ako, huwag po kayong mabahala ako po 'yong tipo ng taong mabilis magpatawad. Pinatawad ko na kayo.

Hindi man masyadong makabuluhan ang aking mga naibahagi dito. Gayun pa man nawa'y may napulot kayo kahit papaano sa mga sinasabi ko.

Pansamantala po muna akong magpapaalam sa inyo, subalit hindi ito nangangahulugan na sumusuko na ako na maibabalik ulit sa kaayusan ang tambayang ito. Lahat po kayo ay isasama ko parin sa aking panalangin(naniniwala man kayo hindi sa aking kinikilalang Diyos) na nawa'y pagpalain Niya kayo. At bigyan Niya tayo ng kalakasan na yapusin ang kapayapaan at turuan Niya tayong mahalin ang ating kapwa.

dark_phoenix

Quote from: noyskie on May 17, 2011, 05:48:43 PM

i agree with this, repect talaga dapat sa isa't isa.
i hope wala ng gulo. imposible ba yun?

Luc

judE_Law

noyskie

Yo! I guess night shift on weekends na lang ako sa PGG. Busy na sa work eh... Kumusta guys?!

noyskie

Quote from: dark_phoenix on May 17, 2011, 11:55:18 PM

i agree with this, repect talaga dapat sa isa't isa.
i hope wala ng gulo. imposible ba yun?

Thanks dp!

noyskie

Quote from: mang juan on May 28, 2011, 12:52:33 AM
Welcome back nonoy! :D

oy! jambee musta? may work na?

may plan akong football clinic + eb sali ka?

darkstar13

noyskie

Quote from: darkstar13 on May 28, 2011, 05:51:22 AM
hello Noy! ;)
Guten Morgen!
Wie gehts?

hello, kumusta?!

sumisimply na naman ako dito sa cg... hehehe... ;D

darkstar13

hehe, nakakamiss ang kakulitan mo rito sa forums.

(well, hindi ka pala makulit masyado rito, in real life lang, hehe)

kamusta ang futsal teaching/coaching career mo?