News:

Having problems registering or logging in?
Contact us here.

Main Menu

High School Life..

Started by ValCaskett, March 30, 2011, 03:07:41 PM

Previous topic - Next topic

incognito

batch 2000 ako ng hs. ikaw, 1999. matanda ka ng isang taon.  hehehe.

ctan

OT: hahaha! tama! di tayo batch. haha! pero class 2004 ako ng college kasi nagshift ako. hehehe. anong college mo dun?

incognito

originally sa college of liberal arts ako. lumipat ako sa college of business and economics (cbe). pero ngayon hiniwalay na pala nila ung cbe into college of business at school of economics.

ctan

Quote from: incognito on May 01, 2011, 08:55:06 PM
originally sa college of liberal arts ako. lumipat ako sa college of business and economics (cbe). pero ngayon hiniwalay na pala nila ung cbe into college of business at school of economics.

May kilala ka ang apelido Chee, Co?

incognito

Quote from: ctan on May 01, 2011, 11:41:44 PM
Quote from: incognito on May 01, 2011, 08:55:06 PM
originally sa college of liberal arts ako. lumipat ako sa college of business and economics (cbe). pero ngayon hiniwalay na pala nila ung cbe into college of business at school of economics.

May kilala ka ang apelido Chee, Co?

ung kaibigan na sinasabi ko na taga cdo co ang last name. hehe. chee wala ako kilala.

ctan

Share na ako. :-)

Ang highschool ang pinakamasaya kong phase sa buhay. Siguro dahil hindi pa matured enough to be burdened by the problems of the world... And at the same time, not very young to be too much carefree and irresponsible. Somehow, dito kasi natin talaga nakikilala ang ating sarili. Highschool life... :-)

Akala ng karamihan, dahil grumadweyt ako ng Valedictorian nung grade 6, ang highschool life ko ay marked with "nerdiness" and "geekiness". Maloko din ako nung highschool. Hehehe.

1st Year
Hindi talaga ako palaaral. Marami akong extracurricular activities. Dahil dito nakapagtravel ako sa iba't ibang lugar ng Pilipinas. Sumali ako sa Nat'l Schools Press Con bilang sports writer, sali sa Nat'l Quiz Bee, sa Oratorical Contest ng Rotary Club, sali sa Glee Club at sa soccer team. Ok naman lahat ng yun. Naging vice president sa science club ng lahat ng highschool sa CDO. Presidente rin ng class namin. Yung crush ko nung elementary na naging ka-MU ko rin, lumipat sa ibang school, pero bumibisita ako palagi sa school nila kahit napakalayo. Pero hindi naging kami kasi comfortable na ako sa kung ano kami nun. 40 kami lahat sa class, masaya kasi napakarami namin. Uso ang awayan ng boys vs girls. Ewan, kampihan talaga nun. Natapos ang taon na naging 1st honor ako.

2nd Year
Mula 40, naging 18 na lang kami. Marami ang nakick out dahil sa mababang grades, may iilan naman dahil sa poor conduct. Sa chinese christian school kasi ako nag-aral kaya napaka-strict ng admin namin. Ayun, tuloy pa rin ako sa soccer team. Laro kami sa PRISAA, pero talo. Haha. Sumali rin yung glee club namin sa NAMCYA or yung Nat'l Amateur Music Competition for Young Artists. Umabot kami hanggang sa regional level lang. Feeling ko nga kasalanan ko kung bakit runner-up lang glee club namin nun. Kumanta ako ng flat note at nahawa ang ibang mga tenor sa akin. Hehehe. Pero di ko na yun pinagkalat. Bumibisita pa rin ako sa ka-MU ko sa kabilang school. Tuloy pa rin ang communication at pagkikita pero hindi talaga naging kami. Ito rin yung panahon na uso yung "dare". Ang dare sa akin, kelangan kong ligawan yung isa sa mga pinakapangit sa class namin at kelangan mapasagot ko ito within 1 week. Tinanggap ko yung challenge, nanalo naman ako on the 4th day. Nagtagal kami ng 3 days lang kasi walang kwentang relasyon yun. Di ako masaya! Hehe. Na-invite din ako maging prom partner ng taga-ibang school (exclusive school for girls). First time ko kaya di ko alam pano gagawin. Hindi rin ako asal gentleman nun. Naasar yata sa akin ang kapartner ko. Hehehe. Pero worth the experience talaga yun. Sumali rin ako sa Phil Math Olympiad. Sa time na to, hanggang division level lang ako pati yung team namin. Nag battle of the brains din ako. :-) Tambayan namin nun ang library kasi airconditioned. Hindi kami nag-aaral nun, nagdadaldalan lang kami. Di kasi kami pwede lumabas sa campus premises hanggang 3:30pm kung saan lahat dismissed na from English classes. May chinese classes pa kasi ng 4pm. Nung time na to, mahilig kami mag-overnight sa bahay ng kaklase namin. Sabay usually nood ng p*rn siguro kasi curious kami lahat. Pero wala namang orgy naganap. Hanggang panonood lang. Hehehe. Nagtapos ulit ako ng 1st honor.

3rd Year
Masaya sa 3rd year kasi dito feeling ko binatang binata na ako. Hehehe. Dito, naging girlfriend ko na yung ka-MU ko sa ibang school. Magastos pala talaga magkagirlfriend pero dahil highschool kami, dependent sa allowance galing sa magulang ang lugar kung saan kami nagdedate. Hehe. Kaso, nagin 13 na lang kami sa klase nun. Nalagas dahil sa poor academic performance. Dito rin yung 1st prom ng karamihan. Pero dahil naranasan ko na magprom, hindi ako ganun ka-excited sa event. Bawal mag-invite ng outsider sa amin, so inask ko as prom partner yung isa kong crush sa campus na 4th yr student. Naging Mr. Junior ako nun. Hahaha. May time na nalito ako sa feelings ko sa gf ko kasi feeling ko minahal ko na yung crush kong iyon. Buti na lang, nagkaboyfriend siya kaya iwas na ako sa kanya. Bumuo kami ng 3 ko pang kaklase ng quartet. Maganda naman naging career namin. Hahaha. Na-invite kaming kumanta sa mga events sa iba't ibang parts ng Mindanao, usually mga events ng mga taga chinese chamber of commerce. Tuloy pa rin ako sa soccer, pero dahil naging busy na ako sa iba pang activities, hindi na ako naging active sa team. Bukod sa singing quartet, bumuo rin kami ng band ng iba ko pang mga kaklase, at sumali kami dun sa battle of the bands sa isang barangay. Bale, keyboardist ang role ko nun sa buhay. Shempre, hindi kami nanalo. Hehehe. Naging top 8 din sa buong Mindanao yung team namin sa school sa Nat'l energy quiz show. Kaya naipadala kami sa Davao para makipagcompete dun. 4th lang kami overall. 1st honor ulit ako nung natapos ang year na to.

4th Year
13 pa rin kami sa class. Konti lang kami pero magkakabarkada kami. Masaya. Nagtake kami lahat ng UPCAT at ACET. Lahat naman kami pumasa sa pinili naming course at campus. Sumali ulit ako sa Phil Math Olympiad. Yung team namin naging regional champion, pero wala nang place sa national. Sa prom, bawal ulit ang outsiders so naghintay na lang ako na may 3rd yr na mag-ask sa akin kung pwede niya ako maging partner. Hahaha. Kapal ng mukha ko pero ayun, sa awa ng Diyos, meron naman nag-ask. Hehe. Prom king ako nito. Hahaha. Hindi pa rin ako palaaral pero ewan, pumapasa naman. Dito ko unang sinabi na sana lahat ng bagay sa mundo ganun kadali na parang sa highschool lang. Dito ako 1st time nagkaroon ng cellphone. Hehehe. Analogue pa yun, pwede ipukpok sa mga magnanakaw. Hehe. Kahit 13 lang kami sa class, nag-CAT din kami. 3 kami naging officer, highest rank ay company commander at ako yun. Hahaha. Nakakatawa kami kapag nagfoformation kasi pwede kami hipan ng isang giant at for sure liliparin kami. Hahaha. Mahilig kaming magkakaklase nun mag outing every weekend. After ng CAT training ng Sabado, nag-oouting kami: akyat ng bundok, swimming sa resort/beach/spring, day trip to other points in Mindanao, etc. Grumaduate kami, ako bilang valedictorian.

ctan

Quote from: incognito on May 01, 2011, 11:49:56 PM
Quote from: ctan on May 01, 2011, 11:41:44 PM
Quote from: incognito on May 01, 2011, 08:55:06 PM
originally sa college of liberal arts ako. lumipat ako sa college of business and economics (cbe). pero ngayon hiniwalay na pala nila ung cbe into college of business at school of economics.

May kilala ka ang apelido Chee, Co?

ung kaibigan na sinasabi ko na taga cdo co ang last name. hehe. chee wala ako kilala.

Hahaha. Talaga? Ang initials ng first name niya ay J.P.?

incognito

sagutin ko muna to bago matulog. heHe. tama! at ung ate nya ay doctor! same hs ba kayo?

valedictorian ka pala eh. galing!

ctan

Quote from: incognito on May 02, 2011, 12:36:22 AM
sagutin ko muna to bago matulog. heHe. tama! at ung ate nya ay doctor! same hs ba kayo?

valedictorian ka pala eh. galing!

Hahaha! Si Chee pala sa admu yun. Si Co sa school mo. Hahaha! Tama, kabarkada ko ate niya. Hehehe! Astig!!!

incognito

^wow!! akalain mo un!!! in fairness, cute si ate. hehehe.

ctan

Quote from: incognito on May 02, 2011, 09:24:17 AM
^wow!! akalain mo un!!! in fairness, cute si ate. hehehe.

Hahaha. Last Feb nag- EK kami kasama ate niya. Wui, crush. Hahaha.

incognito

nacutan lang. di naman crush. ate un eh. hehe.

ctan


pinoybrusko

wow ganda ng story ng HS life ni CTAN, parang ayoko na magshare hehehe

marvinofthefaintsmile

^^ straight k p nung time n un di ba? or nagssway na?