News:

Introducing PGG VIP Membership. Send PMs, Remove Ads and more. KNOW MORE

Main Menu

High School Life..

Started by ValCaskett, March 30, 2011, 03:07:41 PM

Previous topic - Next topic

maykel

HAHAHA...

yung time na yan eh hindi pa ako kasama sa honor list. :) 1st year yan nangyari.
nung tumigil na ako sa pangongopya, dun ako nasama sa list.


angelo

@val hahahaha puro secret. corny. para naman ma-murder ka pa.

ValCaskett

Ok ok.. Its my First KISS :D HAHAHA!! Ayan ah..

angelo

first kiss sinisikreto pa?

marvinofthefaintsmile

my first kiss was way way back from elementary.. Dun ako natutong magfrench kiss..

ValCaskett


maykel

Quote from: ValCaskett on March 31, 2011, 10:08:12 PM
Ok ok.. Its my First KISS :D HAHAHA!! Ayan ah..
eto lang yun!!!!! ayaw pang sabihin. ano ba yan... peace ValCaskett. :)

judE_Law

Quote from: maykel on April 01, 2011, 11:20:10 AM
Quote from: ValCaskett on March 31, 2011, 10:08:12 PM
Ok ok.. Its my First KISS :D HAHAHA!! Ayan ah..
eto lang yun!!!!! ayaw pang sabihin. ano ba yan... peace ValCaskett. :)

teka, Kiss saan ba yan? nyahaha.. joke!

ValCaskett


marvinofthefaintsmile

Quote from: ValCaskett on April 01, 2011, 04:25:39 PM
Hahaha :D NO COMMENT!

you can PM me.. at bka me maitulong paq sa yo. hehehe. :)

noyskie

cge, magkukukwento din ako.

nung high school nag start mag evolve ang personality ko.

1st year:
height: 4'5"; weigth: ewan(kasing bigat ng isang ream na bond paper).
Tahimik ako, magsasalita lang ako tuwing recitation.
Bitbit ko ang library sa likod ko.
Naging partner ko sa ballroom dance ang crush ko.(ang klasik nun, sa sobrang slim ko ang luwag ng hiniram kong pants kaya bumabagsak. iniipit ko na lang ng hita ko habang sumasayaw, talented diba?)

2nd year:
height: 4'7"; weight: no comment
Tahimik parin pero nakikipag-usap na sa katabi paminsan minsan.
Bitbit ko parin ang library sa likod ko.
Sa sobrang bait ko, ako ang paborito ng Values Ed. teacher ko. Paboritong i-bully kasi ako lng ang hindi lumalaban sa kanya. (take note: Values Ed Teacher siya at ang 1st quarter grade ko sa kanya 75. atlis pasado!)
Naging partner ko sa ballroom dance ang crush ko.(ang klasik nun, sa sobrang slim ko ang luwag ng hiniram kong pants kaya bumabagsak. iniipit ko na lang ng hita ko habang sumasayaw, talented diba?)
Nabobore ako sa cross stitch na project namin sa T.H.E. kaya di ko tinapos, pinabili na lang ako ng vase(related diba?).

3rd year:
Bumaba ng isang level ang section ko pero...
height: 5'2" weight: wag na natin pag-usapan ang timbang ang importante tumangkad na ako!
Maingay na ako, syempre natuto na ko! May kasabihan nga tayo na, "ang taong sobrang bait at tahimik, nagpapanggap lang!"
At last! Iniiwan ko na ang library ko sa bahay.
Kami lang ang lower section na di matapatan ng "cream of the crop" sa math.
Lalong sumaya ang year na ito dahil napagtripan namin ng barkada ko na sumali sa Kasadyahan Festival(event before Dinagyang Festival)
Na elect ako na Class Treasurer(magaling daw kasi ako sa math) ang klasik lang nito, ginawa rin akong calculator ng class adviser namin. Ako ang nagkkwenta ng average namin.

4th year:
height: 5'4"
kalimutan na natin ang weight, please!
may bumasag sa sekreto ko na crush ko si partner sa ballroom dance nung 2nd year.
di ako masyado pinapansin ni crush, kung papansinin man niya ako, ito ang laging linya niya, "hoy! pagong bilisan mo!" "hoy! payatot!"; sobrang lambing niya dba?
nakabalik na ako sa dati kong section.
dahil laging magulo ang buhok ko, tinatawag akong einstein(trip lang nila)
sinubukan ko narin maglagay ng gel, pinatayo ang buhok ko. Yes hindi na ko einstein.(kaso matalino sila, son goku naman tawag nila.)
ang tawag sakin ng History teacher ko ay "the late <family name ko>" dahil lagi akong late.
gumawa ako ng poem para kay crush pero ni-crashed niya agad.
Sumali ulit ako sa Kasadyahan(bilang isang aeta)
Napagtripan ng barkada na sumali sa intrams' larong bayan, patentero.(varsity!)

Luc

@the late noyskie: haha natawa ako sa library at son goku.

cge mag share din ako sa naalala ko.

1st year: Galing ako sa isang exclusive for boys elementary kaya nabaguhan ako na may kaklaseng babae. Sa first day ng homeroom, binigyan sana ako ng assignment ng teacher na "taga-tapon ng basura" pero binawi nya ito ng makita nya mga maliliit na braso ko.
Pagtingin ko rin sa sarili ko ay isang napakatahimik na bata, pero yung naging seatmate ko na lalake sa 1st year ay halos ayaw magsalita :P Naging magkaibigan naman kami kahit papano.
Naalala ko na may locker kami, kaya di ko bitbit isang library :D. Ang section ko noon ay Venus. (named after the planet. science high kc). Naalala ko rin as a lesson sa music namin, tinuruan kaming lahat na mag-gitara ;D
Hindi sa nagmamayabang, pero medyo popular ako sa mga babae sa first year. Pinagbiru-an nga ako ng batch muse namin, papakasalan daw nya ako sa 18th birthday ko. Yun nga lang sa first year lang. Sila lumalapit sa akin e :P pero in the end, torpeng torpe ko nun. Na-alala ko nga sa isang school event, may blind-date booth. Nakakuha ako ng winning vote kasama ang isang magandang babae sa kabilang section. Siya mismo ang nagnominate na kami magkapares. Sayang naman at later ko lang na realize na may pagtingin pala ako sa kanya. Nababaguhan pa talaga ako sa mga babae nun.

Dito ko rin nakilala ang isang napakagandang nilalang. Ano kaya ang naging mga pangyayari sa amin? Ipagpatuloy sa 2nd year. Abangan! :P

judE_Law

^^haha.. natawa naman ako diyan sa mga kwento niyo Noy at Luc!


meron pa akong di makakalimutan pa...

hate ko pag "cleaners of the day" ang grupo namin kasi late na kami nakakauwi...
kinakainisan ko rin ay yung kapag nalista ako sa "Noisy" kasi may bayad.. hehehe..


ValCaskett

Well. On My First Year of High School I Got my First Kiss.. Smack Kiss lang yun Actually :D


angelo

^ haha hindi na secret...

natutong maki-uso at simula na ng totohanang barkada.