News:

Welcome to PGG Forums:
Ask for tips and advice ranging from men's fashion, grooming, hairstyles and dating women.

Main Menu

Kaleidoscope World (ctan's random musings)

Started by ctan, April 13, 2011, 01:12:57 AM

Previous topic - Next topic

bajuy

gising!! takot ako mag isa ako d2 sa pgg scary  :'(

maykel


ctan

Hehe. Good night guys. Medyo na-badtrip ako dun sa isa kong kakilala. Sencya pero pangit talaga siya, pangit pa ang ugali. Sana talaga lahat gagandahan ang ugali... Hehehe. Napag-express tuloy ng saloobin dito.

ctan

Miss ko na pala mag PGG. Patuloy niyo akong ipagpray ha. Medyo kabado kasi napapalapit na ang exams... Hehehe. Thanks guys. God bless!

ctan

Hello guys!!! Salamat sa mga nakaalala sa akin sa mga panalangin nila. Ganap na po akong duktor! :-)

joshgroban

no doubt about it.... larawan ka naman talaga ng isang mahusay na doktor....may discount ba consultation namin hehe

ctan

ganun ba monch? hahaha! salamat. sige, kapag natapos na ako sa residency at nabuntis ka, libre ka. hahaha!

joshgroban

mwahaha....yahooo..papabuntis na ko...first in the history ikaw pa doktor sikat ka agad

ctan

busy days na naman. :-)


pero every once in a while, check pa rin sa PGG. nakakamiss din kasi minsan. hehehe!

ctan

sabihin niyo lang kung buntis na mga asawa niyo. haha.

ctan

kakauwi lang galing sa isang medical mission kanina sa Bagong Silang, QC.

tindi talaga kapag medical mission. mostly naman, pumupunta dun ang mga tao para lang humingi ng multivitamins kahit wala naman talagang iniindang sakit. ayus lang naman yun. given fact na yun na halos sa mga ganitong medical mission lang nakakakuha ng libreng vitamins ang mga kapus-palad nating mga kababayan...

kanina, may mga pasyenteng kelangan sa ospital na ang gamutan. nakakaawa, kasi wala naman daw pambayad pang-ospital. naisip ko, kung walang pambayad, hindi maaaddress ang kanilang sakit ng wasto, at baka yun pa ang magiging dahilan ng kanilang kamatayan.

naisip ko, sana may socialized healthcare system na lang ang pilinas. sadly, wala talaga. budget nga sa sangay ng kalusugan, napaka-meager na e.

kung patuloy magiging hindi malusog ang bawat pilipino, patuloy din magiging mahirap ang bansa. sana mabigyan ng pagkakataon na husayan pa lalo ang healthcare system ng ating bansa.

pong

^doc, suportado ka namin diyan. ang tanong kailan ba tayo matututo magtustos sa mga social costs? nasa ugali na kasi nating mga pilipino ang mag-arimuhunan. kung sa grassroots o family level, importante ang social costs, tingin ko yun din ang magiging norm ng buong bansa, pero sadly, hindi eh. ang gobyerno ay repleksyon lang ng taong pinamumunuan nito

ctan

sa tingin mo ba pong nakasalalay yung national socialized program sa health, education, etc sa practice o kultura ng nasa grassroots level?

pong

^ tanungin natin si vir. sociology grad yun. kailangan natin ng matinding kwentuhan, doc. tingin ko palala na nang palala ang kultura natin. nawawalan ng moral at ethical values. ang mga bata, hindi na nagmamano. hindi na rin nangungu-po. nakikita nila sa mga magulang nila na ang pag-gasta tuwing payday ay tama. nakikita nila na acceptable sa mga magulang nila ang corruption.

meron namang philhealth eh, kaya lang, umamin ka rin, doc na sa ospital niyo pahirapan ang pag-asikaso sa philhealth. may programa ang gobyerno pero mismong tao at private sector hindi nakikipag-cooperate.
may SSS, pero may iba hindi naghuhulog ng contribution.
mas gusto pa ng taong mag-lagay kesa magbayad ng buwis.
mas gusto pa ng tao ang fixer kesa sa normal na proseso.

ctan

ipost ko nga sana yung about sa philhealth kanina. pahirapan siya, hindi lang naman sa ospital namin, kundi sa most private hospitals in general kasi andaming mga restrictions sa philhealth which could be an impediment to accessing benefits for health care. though maganda ang layunin ng philhealth ha.. health for all.. alma ata.

pero balik sa topic, sa tingin ko kung bibigyan lang ng budget for socialized health care ang pilipinas, mababago nito ang grassroots practices...

kaya nagiging corrupt ang tao dahil sa greed, which is fueled by social stratification. yung mahirap, gagawin lahat para magkaroon ng karangyaan. yung mayaman, lalo pang nagpapayaman. kung bibigyan ng patas na treatment and benefits ang lahat, maaaring ma-eradicate nito yung "survival of fittest" notion ng tao.