News:

Having problems registering or logging in?
Contact us here.

Main Menu

Birth Order

Started by pong, November 15, 2011, 03:48:17 PM

Previous topic - Next topic

pong

Matanong ko lang kung pang-ilang anak ka sa inyong magkakapatid. And then, naniniwala ba kayo na may psychological effect o personality difference kung panganay ka, bunso o gitna, o nag-iisang anak?

;D ;D ;D

vir

ako eldest..oo naniniwala ako jan..napag-aralan din natin yan sa psychology at napatunayan kong totoo dahil sa mga kwento at experience na sineshare ng mga katulad kong panganay..

pong

middle child naman ako. mmm, may study about middle child syndrome na tingin ko nag-a-apply sa akin pero parang hindi naman.


hehe sana hindi ka isang utuserong kuya hehe  :P

vir

mejo ganun nga..hehehe..pero bihira lng din naman sumunod mga kapatid ko,maliban nlng pag nagalit na ko at tumaas boses ko..taranta na cla..

pong

eh tsong baka naman bossy ka tulad ng ibang mga panganay hehehe...

vir: hoy, ibili mo ako ng shampoo maliligo ako
kapatid: eeeeeeeh (magdadabog)
vir: aba (inumang ang alfombra hahaha) hindi ka susunod?! Tatamaan ka sa akin!

Hahahaha parang bata lang eh :D

Peps

pangalawang bunso ako, 1 and a half year lang pagitan namin ng bunso kong kapatid tapos malayo pa agwat ng edad namin sa mga kuya ko, 15 years agwat ng panganay namin sa akin tapos 13 years sa pangalawang panganay then 10 years sa pangatlong panganay tapos 5 years sa pangatlong bunso, by the way anim kaming magkakapatid lalaki lahat hehe

and yes inuutusan kami lagi nung mga bata kami pero ngayon hindi na nagkabaligtad na hehe ;D

arthur_allen30

I have 3 siblings...The eldest died....and I did not have the chance to know here...they say that if she's alive....I will never be born...because my parents do like to have only 3 children.....

I am the youngest.....

I have an elder sister and elder brother...
my sister is the eldest and my brother is in the middle...

Being the youngest ...hindi din masaya...hehee :-*

blue_ice1103

Nagiisang anak lang ako ng nanay ko. yung tatay ko naman maraming anak  :o

noyskie

para sa akin may effect nga yun, pero depende parin sayo kung panu ka magrereact sa sitwasyon mo...

gitna ako, at ako ang hindi napapansin sa magkakapatid... kaya ako ay naging tahimik na bata, di nagcocomplain at sinasarili ang problema...

pero lumaki ako maingay, mareklamo, at open sa mga pinagdadaanan ko(sa mga malalapit lang na tao)

Mr.Yos0

7th ako. pero sa tita ko ako lumaki. kaya parang solo.


pero i agree, may psychological effect yang birth order.tingin tingin ka na lang sa psych.

pong

Hypotheses:
1) Since first-borns tend to experience everything first-hand, they have the tendency to become in-born leaders. Most Presidents of the United States are first-borns.
2) Last-borns are independent and usually being taken care of everything by their parents. Corrections from the other parenting "mistakes" made from previously born children will be applied to them, thus, make them more attached to their parents.
3) Middle-borns constantly seek attention and they want to equal or surpass the attention given to first-borns.
4) Only children gets all the attention they could ever have dreamed of, unless, if being treated overwhelmingly by parents they may have the tendency to "free themselves" from the close observance.

maykel

QuoteMatanong ko lang kung pang-ilang anak ka sa inyong magkakapatid.
I am the youngest.

Quotenaniniwala ba kayo na may psychological effect o personality difference kung panganay ka, bunso o gitna, o nag-iisang anak?
yup. naniniwala ako na related and personality ng isang tao sa birth order nito.

enzoafterdark

i think it doesnt follow

but it cant be helped. may effect din talaga eh

pero in my case parang wala naman. normal naman kami and we respect each other to the point na we are almost equal yun lang di talaga maiiwasan na ma-front na panganay ako <special cases lang naman>

pong

well in general, let's not have stereotypes na:
1) pag panganay, utusero (or bawal utusan)
2) pag bunso, pasaway (or spoiled)
3) pag nag-iisang anak, super spoiled
4) pag gitna, black sheep

mga ganun.

OT: may sibling rivalry ba sa inyo? matanong ko lang po. salamat :)

maykel

yup. Me and my brother. that was during our school days. pero ngayon ok na. My brother is the middle child.

Ang tingin ko kasing reason dun is yung tagal bago sya nasundan. 5 years kasi bago sya nasundan kaya may selos factor.