News:

Introducing PGG VIP Membership. Send PMs, Remove Ads and more. KNOW MORE

Main Menu

Makatarungan ba na harangin ng DOJ ang pag-alis ni CGMA ng bansa?

Started by judE_Law, November 16, 2011, 07:32:08 PM

Previous topic - Next topic

Makatarungan ba na harangin ng DOJ ang pag-alis ni CGMA ng bansa?

OO
3 (21.4%)
HINDI
11 (78.6%)
Walang Pakialam
0 (0%)

Total Members Voted: 14

jazaustria

haha! minsan lang naman maging ganito ako.... minsan lang umatake yang mga ganyang idea ko. =)

pong

teka bibili lang ako ng tissue... sobra dami ng tulo... ng dugo sa ilong ko

tumilamsik pa nga eh. sumisirit. grabe

jazaustria

pong

nakalanghap ka ng rugby, katol, shabu at robitussin all-in

jazaustria

pong

hippie ito. LSD ang tinitira ko LOL

at nakaka-high na rin pag matagal ka nang kaong LOLs

vir

masaya ako in a sense na may kaso na si GMA at matutuloy na ang tamang proseso na gusto kong mangyari..nakakaawa lng rin yung sitwasyon nya ngayon na parang nagkasabay sabay pa ang kamalasan..

sana maging maayos ang takbo ng lahat para maliwanagan na rin ako kung totoo nga ba ang binibintang kay Gloria o hindi..ayoko kasi maniwala agad sa mga sabi sabi at opinyon ng nakararami o ng media..i want to know the truth na may basehan..

pagdasal nlng natin ang paggaling ni GMA,nakakaawa rin kasi talaga..pero sabi nga ni Honorable Pong "naniniwala ako na hindi dapat pinaghahalo ang awa sa tao at awa sa bayan"

ctan

Para sa akin, karapatan ni GMA malapatan ng akmang lunas sa kanyang karamdaman. Karapatan ni GMA kung sinong manggagamot ang pipiliin niya. Inherent right ika nga.

judE_Law

Quote from: vir on November 18, 2011, 05:48:39 PM

ako'y nagdududa kung katotohanan din pa ang iyong hanap.. hehehe...

marami kasi nagsasabi, katotohanan daw.. pero once napawalang sala si gma, am sure sasabihin nila kakampi kasi nila o nabayaran ang korte... endless.... sabagay, she's been judge guilty noon pa man ng publiko, kahit di pa proven guilty.. aantayin na lang ang hatol na korte na inaasahang magsa-satisfy sa mob. tsk! tsk!

Peps

sos mga politikong yan pare pareho naman kung makapang husga kala mo ang lilinis di pa lang kasi sila nahuhuli iba talaga pag nakaupo ka sa malakanyang lahat ng baho mo nahahalungkat

kasi naman bakit ka gagastos ng milyon milyon sa pangangampanya kundi mo rin babawiin.

pong

Quote from: ctan on November 18, 2011, 06:15:29 PM
Para sa akin, karapatan ni GMA malapatan ng akmang lunas sa kanyang karamdaman. Karapatan ni GMA kung sinong manggagamot ang pipiliin niya. Inherent right ika nga.

Bago ang lahat, ano nga ba ang mga karapatan? Kailangan ba nating suriing maigi kung entitled siya sa karapatan na iyon? Siguro. Maaaring tama ka, Doc. Nguni't ano bang rights meron siya? Isa-isahin natin:

1) right to health care - ok, karapatan yan ng bawat tao. Pero malama't sa malamang nabigyan ba niya ang mga mamamayan ng gayunding karapatan? Ano ba ang malaman niya na halos walang bulak ang mga health center sa liblib na lugar? Ano ba ang malaman niya na swerte ang taong nakaka-survive sa public hospital, o kaya swerte kung asistehin ka ng doktor?! Ano ba ang malaman niya na nae-expire ang gamot sa DOH, na magkalat ang pekeng gamot, na mamatayan ng kamag-anak dahil sinusupil niya ang karapatan na iyon sa mismong nasasakupan niya? Palibhasa, mayaman siya, may pera siya, pwedeng-pwede siyang mamili ng ospital na gagamot sa kanya? Aba, ang swerte naman! Sana kami rin, tayo rin, may karapatan sa ganyan bagay: kaso, mahal magpaospital. At minsan, hindi pa ilalabas ang bangkay ng namatayang mahal sa buhay dahil may utang pa sa ospital.

2) human rights, in general - siya ba ay tao sa tingin niya? Aba, tao pala siya! Alam ba niya ang empathy? Ang golden rule? Alam ba niya ang pakiramdam na mahilo sa gutom? Ang pakiramdam na ma-hit and run? Oh well, pagkapanganak naman niya hindi naman niya nararanasan ang hirap ng katawan eh. Sige na, may damdamin siya. May puso siya. May wisdom nga siya eh. Economics grad pa nga siya sa Ateneo, pero umigi ba ang ekonomiya? Pagpalagay natin na TAMA ang ginagawa niya sa tingin niya, hindi ba siya nahihindik na maraming galit sa kanya? Pagpalagay natin na ganun ang UPBRINGING sa kanya ng magulang niyang ewan na nagpa-dekontrol ng piso sa dolyar, nagpalaya ng isang banyagang kriminal; wala ba siyang malay na mali ang turo sa kanya ng magulang niya? At ngayon, nanghihingi siya ng karapatan? Nanghihingi siya ng respeto? Ng kaukulang paggalang? Ginalang ba niya tayo? Nirespeto ba niya tayo? Pinamihasa ba niya tayo sa mga karapatan na nasasaad sa Konstitusyon? Kung tingin mo, oo, ako HINDI.

At hindi ko sukat akalain na ganyan ang opinyon niyo hinggil dito. Yun lang :) Pax vobiscum.

judE_Law

una, ang mga inilatag ni gma na karapatan, ay karapatan na mayroon ka rin at ang bawat Pilipino, ikaw din maari kang pumili ng taong gagamot sayo kung iyong nanaisin  lalo na kung may sapat kang pera para gawin ito... kung wala naman, 'wag mong isisi ito kay Gloria.. Ano na ba ang nagawa ng kasalukuyang Administrasyon para sa'yo Pong?

si gma ay hindi ordinaryong mamayan lamang, dati siyang pangulo at ngayo'y halal na kongresista ng mga mamayan ng Pampanga...
kung hindi pa sapat sayo ang listahang ito :

Accomplishments:
http://www.philippinecountry.com/philippine_presidents/President_arroyo/accomplishments.html

Initiatives:
http://www.philippinecountry.com/philippine_presidents/President_arroyo/initiatives.html

Achievements:
http://www.thepoc.net/blogwatch-features/9287.html

sa mga nagawa niya, ano pa ang gusto mong hingin sa kanya? gaya nga ng sabi mo.. tao lang din siya... wag mong hingin ang alam mo na imposible..

its sad na sa dinami-dami ng nagawa niya, mas binigyan pansin ang mga bintang ng katiwalian, na hanggang sa ngayon ay hindi pa napapatunayan.
sa kaso ni gma, hindi madali ang maging anak ng dating pangulo.. at lalo na ang pantayan o higitan pa ang nagawa ng iyong ama.
kung ikaw si gloria, hindi mo nanaising mabahiran o madungisan ang magagandang bagay na iniwan ng iyong ama.

Ang hirap sa marami sa ating mga Pilipino, lahat iniaasa at isinisisi sa Gobyerno...
ang kanilang pagiging mahirap, ang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, ang pagkakaroon ng sakit, ang hindi makakain ng tatlong beses sa isang araw...
ako, nagmula sa mahirap.. pero kailanman hindi ako o ang Pamilya ko umasa o sinisi ang Gobyerno.
tumayo kami sa sarili naming paa, nagsikap, nag-aral mabuti para makapagtapos ng pag--aaral.
ngayong nagta-trabaho na ako, kinakaltasan ng malaki sa tax ng gobyerno, na ni minsa'y hindi nakatulong sa pag-angat ng kalidad ng buhay ko.
sino ang mas may karapatang magreklamo? ang mga mahihirap na sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay nagbi-binggo?
ang mga mahihirap na sinusunog ang baga sa alak at sigarilyo tas isisi sa gobyerno pag walang maibigay na libreng gamot o pagpapagamot?
kung ganyan ang pananaw nating lahat, ngayon pa lang masasabi ko, lulubog at lulubog ang bansang ito!
huwag mo ng antayin ang gobyerno ang magbangon sayo.. iahon mo ang sarili mo.
sa huli naniniwala pa rin ako sa kasabihang "nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa".

judE_Law po for President! lol! ;D

pong

^^nais ko lang liwanagin ang naging punto ko. Ikinukumpara ko lang ang hinihingi niyang karapatan at ang mga karapatang siniil niya nung siya'y nanunungkulan. Marahil, mali nga na siya lang ang pagbuntunan ko ng galit sa mga sakit ng lipunan. Ngayon kung may mga nagawa siya ay yun lang ay kanyang tungkulin. Sineswelduhan siya ng Estado, na siya naman nating sinusuportahan sa pamamagitan ng pagbabayad ng buwis. Hindi ko isinasatinig ang mga mahihirap na wala namang ginagawang maigi sa pag-unlad ng bansa, ngunit ang totoo'y hindi rin sila mahihikayat na makipagtulungan para rito hangga't walang malinaw na proyekto ang gobyerno. The government should control the people and the people should control the government. Kung gusto niyang pangalagaan ang pangalan na iningat-ingatan nila, hindi na dapat nila inabuso ang kapangyarihan. Maaaring walang-saysay din ang mga nasasabi ko, siguro masyado akong nagpapaniwala sa mga balitaktakan ng mga kritiko ng media, ngunit ito ay base na rin sa pagmamasid nitong mga nakalipas na taon. Sa huli, naniniwala ako na may kontribusyon ang kainaman ng gobyerno sa ugali at pagdadahilan ng tao ngunit batid kong hindi iyon ang tanging batayan. Isa rin itong mahabang usapin na sasaklaw hindi lang sa nangyayari sa kanya kundi sa lumalalang sakit ng lipunan. Masyado tayong nagpapadala sa sakit niya ngunit wala tayong kapaki-pakialam sa sakit ng bansa. Kung siya man ay mahahatulan ng korte, marahil hindi na niya nanaising mabuhay pa, at tingin ko yun lang ang magiging vindication ko. Uulitin ko, hindi dapat pinaghahalo ang awa sa tao at awa sa bayan. At hindi tayong pwedeng maawa lang nang maawa, kailangan nating sumulong, umaksyon, makiisa.

Maraming sakit ang Pilipinas, pero walang gustong gumamot. -Bob Ong

bajuy

nosebleed

ANG HAHABA NG MGA REPLY NYO SIMPLA LANG NAMAN TANONG YES OR NO!

kailangan nobela ang sagot? hahaha peace  ;D

vir

Quote from: judE_Law on November 18, 2011, 08:39:42 PM
Quote from: vir on November 18, 2011, 05:48:39 PM
masaya ako in a sense na may kaso na si GMA at matutuloy na ang tamang proseso na gusto kong mangyari..nakakaawa lng rin yung sitwasyon nya ngayon na parang nagkasabay sabay pa ang kamalasan..

sana maging maayos ang takbo ng lahat para maliwanagan na rin ako kung totoo nga ba ang binibintang kay Gloria o hindi..ayoko kasi maniwala agad sa mga sabi sabi at opinyon ng nakararami o ng media..i want to know the truth na may basehan..

pagdasal nlng natin ang paggaling ni GMA,nakakaawa rin kasi talaga..pero sabi nga ni Honorable Pong "naniniwala ako na hindi dapat pinaghahalo ang awa sa tao at awa sa bayan"

ako'y nagdududa kung katotohanan din pa ang iyong hanap.. hehehe...

marami kasi nagsasabi, katotohanan daw.. pero once napawalang sala si gma, am sure sasabihin nila kakampi kasi nila o nabayaran ang korte... endless.... sabagay, she's been judge guilty noon pa man ng publiko, kahit di pa proven guilty.. aantayin na lang ang hatol na korte na inaasahang magsa-satisfy sa mob. tsk! tsk!

totoo yan!..yan ang realidad sa ating bansa..kung ganyan man ang mangyari at maging issue in the end..tulad ng sabi ko,ang pananaw ko ay hindi nanggagaling sa desisyon,opinyon at sabi sabi ng nakararami..gusto ko muna makita at mapagaralan ang mga ebidensyang ilalatag (bilang manunuod)..at kung sa huli ay mapawalang sala nga sya at sabihing nabayaran ang korte..bahala sila,ang mahalaga sa akin,narinig ko at nakita ko ang takbo ng kaso at mula doon,dun ko masasabi sa sarili ko kung totoo nga ba o hindi ang mga ibinibintang sa kanya.. hahaha..pasensya frustrated lawyer/judge eh!..

wala ako tiwala sa judicial system ng Pilipinas,like what you said..pwedeng mabayaran ang korte..pero bilang Pilipino andun pa rin ang hope ko na maging maayos ito..

at yun lng din ang hangad ko kung bakit di ako pabor sa pag-alis ni GMA..dahil gusto kong masigurado na bago sya mahusgahan ay sana dumaan ang lahat sa tamang proseso ng paglilitis..at gusto ko rin sya bigyan ng pagkakataon na maipagtanggol ang sarili nya,at marinig ang side ng kampo nya..kasi all this time,sa dami ng ibinibintang sa kanya,hindi sya nagsasalita about dun..never sya ngcomment,walang confirmation, walang pagdeny..

un lang,gusto ko marinig ang boses nya, dahil lahat ng paratang ng administrasyon narinig ko na..kaya please wag nyo sya paalisin..wag yan papasukin sa airport,hahaha..for once..please hayaan natin na harapin nya ito..