News:

Check PGG's Instagram and I'll check your Instagram too!

Main Menu

Do we really have to tell everything to our parents?

Started by pong, January 21, 2012, 02:00:19 PM

Previous topic - Next topic

pong

Bakit ko pala naitanong?

May bumabagabag lang kasi sa akin: 6am na ako nakarating sa bahay, at siyempre, huling-huli ako sa akto na papauwi pa lang kung hindi dahil sa pusang kiwal nang kiwal dahil nagugutom ...pagka-gising ko ngayon, tinanong ako ng nanay ko kung saan ako nanggaling. Sinagot ko naman siya ng: "nag-videoke po." Tapos, ganito ang susunod na spiels:
"...kung sinu-sino mga kasama mo?"
"...dapat natutulog ka na nang ganung oras!"
"...sana ipinambili mo na lang ng grocery yung ginastos mo"

Sigh... To tell, overbearing ang nanay ko sa akin. Now, ang pinaka-malala: nalaman niya na lumipat ako ng work. Hindi ko siya sinasabi sa bahay dahil umalis ako sa work na yun sa sobrang stress, at ayokong ma-rattle sila (mga magulang ko) pag nalaman nilang wala pa akong work at magre-resign ako. Isa pa, maliit na company lang ang pinasukan ko at ine-expect nila na dahil galing ako sa isang "sikat" na kumpanya, ay makaka-landing ako sa top corporations (to the point ang #1 nilang requirement ay yung company na may health benefit ang magulang) Masaya ako sa bago kong work at talagang mabait ang mga kaopisina, plus nakakapag-turo pa ako (hindi ko rin sinabi na nagtuturo ako, pero nabisto lang nila ako dahil nahuli akong nagche-check ng exam). Hindi ko rin sinabi na nagtuturo ako dahil ang impression nila sa pagtuturo ay mababa ang sahod, etc etc. Pati yung stress ko sa dati kong work, open naman sa kanila pero hindi ko sinasabi in detail na: "dahil demanding ang trabaho ko, or, hindi ko kayang sayawin yung discriminating lifestyles ng mga ka-opisina ko". Gustong-gusto rin nilang alamin ang sweldo ko. (haaaay grabe talaga)

Napapa-isip tuloy ako: "Kailangan ko ba talagang i-disclose lahat ng bagay na nangyayari sa buhay ko sa kanila?" Although, kilalang-kilala naman nila ako bilang anak. Pero, gusto ko lang sana, yung ibang details like career enhancements, lovelife (kung meron man), financial situation; sa akin na lang. Tutal, emancipated na ako.

Kindly share your thoughts. Salamat :)

Peps

Kung ikaw bread winner may karapatan kang wag ipaalam pero kung sila pa rin gumagastos ng lahat normal lang na magtatanong sila after all magulang pa rin sila

judE_Law

sabihin mo lang yung totoo pong..
na hindi ka na masaya sa dati mong work at sobrang pagod ka na dun...
i think mabuti at responsable ka namang anak, kung ang ikinakatakot nila na hindi mo sila matutulungan sa pang-araw araw na gastusin..
sabihin mo, antayin ka lang makaluwag.. nung umpisa pa naman na magwork ka, hindi lang naman sarili mo ang inisip mo eh.
sa tingin ko din naman mahal na mahal mo parents mo... pero hindi mo rin naman dapat i-sakripisyo yung mga bagay na makapagbibigay ligaya sayo. kasi kung yung gusto na lang nila ang nasusunod.. hanggang kelan yun?

pong

Quote from: otipeps on January 21, 2012, 05:04:19 PM
Kung ikaw bread winner may karapatan kang wag ipaalam pero kung sila pa rin gumagastos ng lahat normal lang na magtatanong sila after all magulang pa rin sila

hindi naman ako ang ultimate breadwinner. kumbaga, nag-e-entrega ako in terms of voluntary means (bibili ng grocery, sabon, at something nice at random) at nagpapa-aral sa kapatid ko (3 sems na lang, OK na :D ) siyempre, ang frustration ko lang eh hindi ako yung ine-expect nila na komo lisensyado eh makakapagpatayo na ng bahay in 3-5 years or kulang na lang, ibugaw nila ako sa ibang bansa, bagay na ayoko. isa ring nakakainis eh yung never-ending na pagkukumpara sa mga anak ng mga kumpare't kumare nila na "bakit si ganito? 50k ang sweldo sa ayala" (though aware sila na mababa talaga ang sahod doon sa huli kong pinasukan plus sobra-sobra ang mahal ng cost of living).

ok lang namang magtanong kung saan ako nanggaling dahil kakaiba nga naman yung uuwi ka ng alas-6 ng umaga, pero overwhelming naman na ipagkakaitan ako na mag-aliw. alam ko na nag-a-alala sila, bagay na kinasusuwerte ko rin dahil karamihan sa kilala ko: hiwalay ang parents; ang pino-point out ko lang, pag-enjoy-in naman nila ako

Quote from: judE_Law on January 21, 2012, 05:11:05 PM
sabihin mo lang yung totoo pong..
na hindi ka na masaya sa dati mong work at sobrang pagod ka na dun...
i think mabuti at responsable ka namang anak, kung ang ikinakatakot nila na hindi mo sila matutulungan sa pang-araw araw na gastusin..
sabihin mo, antayin ka lang makaluwag.. nung umpisa pa naman na magwork ka, hindi lang naman sarili mo ang inisip mo eh.
sa tingin ko din naman mahal na mahal mo parents mo... pero hindi mo rin naman dapat i-sakripisyo yung mga bagay na makapagbibigay ligaya sayo. kasi kung yung gusto na lang nila ang nasusunod.. hanggang kelan yun?

nakakatulong ako, kung tama ako ah. pero siguro, gusto nila yung tipong pa-shopping-shopping na lang. or bago yung TV namin (Trinitron Wega pa rin eh, ayokong bumili ng LED LOL). retired na kasi sila pareho at pasaway yung kapatid ko na nauna sa akin kaya ako naman ang center of attraction LOL

nage-gets ko rin naman nanay ko eh, kung bakit siya aburida sa akin :) ayoko nang i-explain yung middle child syndrome at malulungkot lang ako fufufu

judE_Law

middle child din naman ako... at ngayon, ako din ang tumutulong sa mama ko...
mga kapatid ko may sarili ng family... at ako na lahat sumasagot sa kuryente, pagkain, tubig sa bahay...
siguro ipa-intindi mo din sa mama mo yung sitwasyon na yun.

vir

sa nakikita ko parang hindi ka rin kasi masyado open sa parents mo about sa sitwasyon mo. sabihin mo ang totoo at ipaliwanag mo kung bakit ganun yung ginawa mo,kung bakit ganun yung desisyon mo, etc.. Kasi maaaring kaya ganyan sila sayo kasi di nila alam yung dahilan mo kaya namimis interpret nila yung ginagawa mo. Tingin ko matanda na rin sila, retired na..di na nila alam yung kalakaran ngayon kaya ikaw dapat ang nagpapaliwanag nun sa kanila. Kahit ano pa yung dahilan mo,sigurado maiintindihan naman nila yun..the thing is hindi kasi nila alam.

Nagresign ka, alam ba nila na kaya ka nagresign ay dahil naistressed ka na at di ka na masaya sa work mo? Alam ba nila na hindi sukatan kung malaki o maliit ang kumpanya..kasi may mga sikat na kumpanya na mababa rin magpasweldo? Alam ba nila na di mo pa kayang magpatayo ng bahay na sa panahon ngayon at hirap ng buhay kahit lisensyado ka, hindi yun ganun kadali? Alam ba nila ang dahilan kung bakit ayaw mong magabroad? Alam ba nila na kahit pinang gimik mo yung pera mo eh may natira ka pa rin na panggastos sa bahay? Alam ba nila na safe at mababait na tao yung kasama mo sa videoke? Alam ba nila na kaya mo naman sarili mo kahit buong magdamag kang gising? Alam ba nila na masaya ka ngayon sa bago mong work? Alam ba nila na kaya ka nagtuturo ay dahil yun ang pangarap mo at masaya ka sa ginagawa mo?

Hindi mo naman kailangan idetalye lahat ng nagyayari sayo pero may masama ba kung malaman nila ang mga ginagawa mo? Bakit ayaw mo ipaalam sa kanila, mas nakakabuti ba pag di nila alam? Tingnan mo ngayon ang nangyayari,mas ok ba?parang hindi..Natural magulang mo yan, gusto nilang malaman ang nangyayari sa anak nila. Ikaw ba kung magkaanak ka,ayaw mo ba malaman ginagawa ng anak mo?

Naiintindihan ko yung point mo na kapag sinabi mo kasi, ganito ganyan lng sasabihin nila, magagalit lng sila, sesermonan ka lng nila, blah blah blah..Oo malamang ganyan ang mangyari..eh kasi di nila alam kung bakit..sinusubukan mo bang ipaliwanag?

ctan

Para sa akin, bilang anak, hindi ka required to tell them everything that is happening in your life. PERO, the bond, the intensity and intimacy of the relationship that you have with your parents is compelling enough to tell them everything that is happening in your life...

pong

Punto 1a:
Quote from: judE_Law on January 21, 2012, 07:10:51 PM
siguro ipa-intindi mo din sa mama mo yung sitwasyon na yun.
napa-intindi ko naman, siguro nung 1 year pa lang ako sa auditing firm. ewan ko, nakakalimutan niya yata anytime na may ginagawa akong kabalbalan. or nakakalimutan din niya pag ginigiyera ko yung paborito niyang anak. hehehe...

Punto 2a:
Quote from: vir on January 22, 2012, 05:20:29 AM
sa nakikita ko parang hindi ka rin kasi masyado open sa parents mo about sa sitwasyon mo. sabihin mo ang totoo at ipaliwanag mo kung bakit ganun yung ginawa mo,kung bakit ganun yung desisyon mo, etc..
may tama ka diyan. open ako in terms sa usapan sa current events, or anything in life; pero hindi ko masyadong dini-disclose yung mga bagay na nangyayari sa akin. siguro epekto na rin yun na pakiramdam ko may oblivion sila sa akin, na hindi lang ako ang ideal na anak nila. nabalisa lang ako kanina nung sinabi sa akin ng tatay ko habang nagluluto ako (hahahaha, doon kami nag-uusap sa kusina, how weird): "ano ka ba? tatay mo ako, hindi mo sinasabi sa akin na lumipat ka pala..." gusto ko lang kasi na ako na lang ang dumiskarte. karamihan kasi, sa magulang pa nagpapalakad sa kung sinong kakilala nila sa work para ipasok sila, etc etc., bagay na naumpisahan ko na nang makapasok ako sa work na ako lang ang naglakad lahat.

Punto 3a:
Quote from: vir on January 22, 2012, 05:20:29 AM
Nagresign ka, alam ba nila na kaya ka nagresign ay dahil naistressed ka na at di ka na masaya sa work mo? Alam ba nila na hindi sukatan kung malaki o maliit ang kumpanya..kasi may mga sikat na kumpanya na mababa rin magpasweldo? Alam ba nila na di mo pa kayang magpatayo ng bahay na sa panahon ngayon at hirap ng buhay kahit lisensyado ka, hindi yun ganun kadali? Alam ba nila ang dahilan kung bakit ayaw mong magabroad? Alam ba nila na kahit pinang gimik mo yung pera mo eh may natira ka pa rin na panggastos sa bahay? Alam ba nila na safe at mababait na tao yung kasama mo sa videoke? Alam ba nila na kaya mo naman sarili mo kahit buong magdamag kang gising? Alam ba nila na masaya ka ngayon sa bago mong work? Alam ba nila na kaya ka nagtuturo ay dahil yun ang pangarap mo at masaya ka sa ginagawa mo?
3.1 alam nila na may balak akong mag-resign dahil nai-stress ako. pero hindi ko lang sinabi na nag-resign na pala ako.
3.2 ewan ko. may duda ako na kaya nila gustong mapunta ako sa malaking kumpanya dahil yun ang magandang pakinggan. minsan, naiinis ako pag binibida nila na sa UST ang kapatid ko at hindi nila masabi-sabi kung saang mumurahing eskuwelahan kami naka-graduate ng kapatid ko.
3.3 alam rin nila na kaya ayokong mag-abroad dahil mabubuhay ako nang marangal dito sa Pilipinas. (eh sila rin naman kasi, kaya ine-emulate ko lang). siguro mas gusto nila na mas mabilis ang pag-asenso.
3.4 hindi, hindi nila alam yun hehehe. tsaka alam naman nilang magaling akong maghawak ng pera eh
3.5 yep alam nila na aabutin ako ng 20 taon bago ako makapagpatayo ng bahay. at pinakitaan ko pa sila ng kalkaleytor (at sinabad pa ako na: "kung nasa abroad ka, 2 taon lang, makakapagpatayo ka na")
3.6 hindi pa. LOL. ang kilala lang nilang kaibigan ko ay yung mga dinadala ko sa bahay. :)
3.7 hindi rin.
3.8 napoint-out ko na na gusto kong magturo (isinama ko pa yung plano kong mag-Masters' at PhD, etc etc), then, in-ignore lang nila pffft

Punto 4a:
Quote from: vir on January 22, 2012, 05:20:29 AM
Hindi mo naman kailangan idetalye lahat ng nagyayari sayo pero may masama ba kung malaman nila ang mga ginagawa mo? Bakit ayaw mo ipaalam sa kanila, mas nakakabuti ba pag di nila alam? Tingnan mo ngayon ang nangyayari,mas ok ba?parang hindi..Natural magulang mo yan, gusto nilang malaman ang nangyayari sa anak nila. Ikaw ba kung magkaanak ka,ayaw mo ba malaman ginagawa ng anak mo?

Naiintindihan ko yung point mo na kapag sinabi mo kasi, ganito ganyan lng sasabihin nila, magagalit lng sila, sesermonan ka lng nila, blah blah blah..Oo malamang ganyan ang mangyari..eh kasi di nila alam kung bakit..sinusubukan mo bang ipaliwanag?
mmm... ayoko nang pahabain yung usapan. isa kasi itong social issue. LOL. palagay ko lang, ang kasalanan ko lang eh mas open ako sa ibang tao kesa sa pamilya ko. epekto ba ito ng middle child syndrome?! bwahaha!!! pares niyan, marami akong sinasabing bagay like, magpagamot, ibenta yung lupa, mag-shuttle service, or mga financial advice at mga kung anong maisipan: hindi naman nila pinakikinggan eh. may tsansa na siguro dahil kung sa mga ganung bagay, ayaw nila akong pakinggan; mas lalong ayaw nila akong pakinggan sa mga personal kong problema. minsan rin, may pakiramdam ako na umuuwi lang ako sa bahay para mamalengke, maglaba, magplantsa, magluto at umasiste. oo, anak ako. tungkulin ko sa kanila yun. pero naa-unfair-an lang ako.

Punto 5a:
Quote from: ctan on January 22, 2012, 10:47:51 AM
Para sa akin, bilang anak, hindi ka required to tell them everything that is happening in your life. PERO, the bond, the intensity and intimacy of the relationship that you have with your parents is compelling enough to tell them everything that is happening in your life...
marahil ganun nga, pero too late the hero.

ctan

sa tingin mo ba pong totoo na nag-eexist ang Middle Child Syndrome? and if it really does exist, kelangan ba lahat ng hindi panganay at bunso dadaan sa stage na to? wala lang. i'm just thinking that we can always choose the road less traveled by. :-)

joshgroban

alam mo pong kung lahat as in lahat... i dont think di naman dapat... pero kasi yung respeto sa parents ay dapat laging anduon... ipaintindi mo sa kanila ang sitwasyon mo... be a good son konting lambing... at wag mo silang tratuhing kontrabida... concern lang ang mga yan... basta elt them feel that you care for them... in such a way di yan makakahirit pag may gimik ka.....tanda mo na no...

judE_Law

Quote from: joshgroban on January 23, 2012, 02:32:53 PM

pero aminin Monc.. ikaw din may paboritong anak... right? am not saying na hindi mo love lahat.. pero for sure, may special treatment(i don't know if that's the exact word).

maykel

For me, the answer to your question is NO especially in terms of finances. Kasi it is too private na for me. Kaya nga may word na PRIVACY....

pong

Quote from: ctan on January 22, 2012, 02:43:04 PM
sa tingin mo ba pong totoo na nag-eexist ang Middle Child Syndrome? and if it really does exist, kelangan ba lahat ng hindi panganay at bunso dadaan sa stage na to? wala lang. i'm just thinking that we can always choose the road less traveled by. :-)
may tendency akong maniwala at may tendency na hindi. natanong ko na dito sa forums yung tungkol sa birth order and gusto ko sanang i-verify kung totoo ba siyang nakaka-apekto sa personality ng tao. pero in turn, parang ako pa ang naging panganay sa bahay namin dahil ako ang mas compelling kesa sa panganay. i can see what's apparent: that is, there are always chances na mas maalwan na ang magiging buhay ng last born. in which, i won't whine.

Quote from: joshgroban on January 23, 2012, 02:32:53 PM
alam mo pong kung lahat as in lahat... i dont think di naman dapat... pero kasi yung respeto sa parents ay dapat laging anduon... ipaintindi mo sa kanila ang sitwasyon mo... be a good son konting lambing... at wag mo silang tratuhing kontrabida... concern lang ang mga yan... basta elt them feel that you care for them... in such a way di yan makakahirit pag may gimik ka.....tanda mo na no...
yep, hindi mawawala yung reverence ko sa parents ko. kahit papaano naman sinikap nila ang sa lahat ng makakaya nila na itaguyod ako, at natutuwa ako na magkasama pa rin sila. mahirap lambingin ang nanay ko, masyado siyang maraming hinahanap. parang ma-a-appreciate ka niya ngayon at mamaya, maiinis siya sa iyo. ramdam ko ang pag-a-alala nila pero ewan ko... parang incoherent minsan.

OT: naniniwala ba kayo na ang pagmumura ay nasa tono?

kaya ko naitanong, kasi may mga lambing siya na iba ang tono na kung ordinaryong tao ang makakarinig ay mao-offend kesa ma-strengthen ang morale.

Quote from: maykel on January 23, 2012, 10:03:59 PM
For me, the answer to your question is NO especially in terms of finances. Kasi it is too private na for me. Kaya nga may word na PRIVACY....
apir! in terms of finances, hindi ko talaga sinasabi. pero para't-parati nila akong tatanungin tungkol doon. hindi dahil sa usapin na ako'y uutangan nila, siguro para maibida sa mga amigo nila. or siguro para makumpirma kung OK pa ako maghawak ng pera.

marvinofthefaintsmile

pong, middle child din ako.. Hinde pala-tanong ang mga parents ko pero nag-aala Sherlac Holmes sila. S Mama at Papa. Binubuklat nila yung sari-saring bank accounts ko at inaakusahan akong millionaire. Tapos minsan, naninilip pa yang mga yan. Naalala ko nun nung nagjaja*** ako practicing my "pinagbabawal na technique". Hahahaha!

Tpos nung kumlat yung video ko eh nadinig ni Nanay eh tinanong ako bout that pero pinagtakpan ako ng kua ko.

Hinahalungkat din ng mga magulang ko pati yung mga porn DVDs ko. Minsan naka-lock yung bakal na kabinet ko eh dinistrongka ni Nanay para makita yung laman at yung mga itinitinda ko dati na fleshlight. Kaya minsan nagtatanong si Tatay kong me mga sex toys ba daw na iniregalo sa akin.

Nag-kikickback din si Nanay. Magsasabi na P800 ang LPG pro nabisto ko na P600 lang pala. Buking si Nanay.

Pong, galapong.. Di ka nag-iisa.. :D

Nga pla, pag minsan eh umuuwe ako ng madaling araw at tinatanong ako eh sinasabe ko na "nambabae lang ako.."  o kea "nanlalake lang." <-pag bad trip. sabay banat ni Tatay na "dapat magcondom ka palagi.  :D".

geo