News:

If this is your first time to visit, you might have to register here before you can post.

Main Menu

Debate Topic No. 1: Kasalanan ba ng isang mahirap na ipinanganak siyang mahirap?

Started by sayonara, January 14, 2013, 11:32:24 AM

Previous topic - Next topic

sayonara

So, let's make fruitful discussions. And please, keep your opinions tactful. Thanks!


To start, sa tingin ko hindi kasalanan ng isang mahirap na ipinanganak siyang mahirap, pero kasalanan niya kung mamamatay siyang mahirap.

marvinofthefaintsmile

^yan ang sinasabi sa akin ng nanay ko. kung mahirap ka, wag mong ipapasa sa mga magiging anak mo ang kahirapan. para magawa ito, wag kang mag-aanak ng madami at yung mga anak mo ay dapat mapagraduate mo ng college at magkron ng trabaho.  meron namang mga pambulikong courses na mababa lang ang tuition. So hindi mo pwedeng i-angal na "mahirap lang kami".

lelouch

Ganun din pinaniniwalaan ko, kasi di mo naman kailangan maging sobrang yaman basta may sapat kang pera para sa mga importanteng gastusin...

mang juan

Hindi naman kasalanan na pinanganak na mahirap kasi wala ka namang choice nung bata ka. Sa pagtanda maiisip mo rin na mahirap maging mahirap. Nasa sayo na kung gagawa ka ng way para matakas sa kahirapan.

superosmdummi

I think na it's not someone's fault na ipanganak silang mahirap. Magiging kasalanan lang nila if they stay that way and if mali yung path na tinake nila paglaki nila... examples: crimes, vices, corruption, lazy lifestyle, lack of education, etcetera. Actually dapat nga mas maging determined sila to live a better life eh. Kaso in real life baliktad ang pananaw nila. All they want is to be fed not to learn how to feed themselves, kaya nga maraming namamalimos eh.

joshgroban


marvinofthefaintsmile

tong mga dugyot na mhhrap na to. panay pa gang war. ang tunay na gangster ay naka-amerikana, nakakoche, at swabe kumilos. hindi yung tipong nagkatitigan lang, gang war na kagad? agad-agad?

Jon

kasalanan ng mga magulang.

dapat before mag enter into marriage dapat may pera na sila.

ayun, namamana ang kahirapan.

marvinofthefaintsmile

^taaa---ma!!

kea ang daming mahihirap ngayon panahong ito.. at dahil sa kahirapan.. dyan umu-usbong ang mga holdaper, kidnaper, snatcher, rapist, adik, mandurukot, pokpok, at mga gang-wars na mahilig mag-rap.

Abarekiller

hindi kasalanan ang pagiging mahirap, ngunit malaking kasalanan kung mamamatay kang mahirap, sapagkat hindi ka gumawa ng tamang hakbang kung papaano ito tutuldukan o mababawasan...

joshgroban


Jon


Skullspitter

No, hindi nila kasalanan. Pero kung pababayaan lang nila sarili nila na maging mahirap forever, fault na nila yun.

joshgroban

sin is something that needs forgiveness.. since all is forgiven 2000 years ago on the cross ... then we can live a new life now.... poverty will always be around us but we can rise up from it...

marvinofthefaintsmile

ang mga mahihirap.. meron silang paniniwala na hindi inuubos ang kinakain.. nanlibre ako few weeks ago sa Papa John Pizza. May kasama kaming isang mahirap.. Hindi niya inubos yung food nya samantalang kaming mga mayayaman ay inubos ang food namin..



Di ko talaga maintindihan ang mga mahihirap.. Madami din pala akong nakitang mga dukha na hindi inuubos ang pagkain at softdrinks sa mga fast food..