News:

If this is your first time to visit, you might have to register here before you can post.

Main Menu

Out of Topic Chatforum!

Started by MaRfZ, September 30, 2008, 09:10:08 PM

Previous topic - Next topic

bokalto

pa-out na rin ako. naghihintay na lang ng 10 minutes. on the dot. hahaha!
Apir Mang Juan!

outcastblueboy

Kauuwi ko lang ng 930pm after battling with traffic at españa, quezon avenue, c'nwealth ave! Nakakapagod as in! Musta kayo mga bros?

mang juan

Ok naman. Pauwi na sa wakas Friday na! Yay! 🤘🏽

den0saur

^^dinadaanan mo araw araw yan, sir? Edi commonwealth, circle, qave, españa? Iniisip ko pa lang, pinapawisan na ako sa traffic. :( good luck sir!

^Isang set na lang ng walong oras na pagpuputa. Lol. Excited na ako for tomorrow!

mang juan

Naku di ko kasi alam gano katraffic di pa ko kasi nabyahe to North. Hehe. #teamsouth

Buti ka pa fixed weekends off. Hehe.

den0saur

Mixed breed ako eh, northener and southerner. Pero ngayon, #teamsouth din ako at bihirang bihira na makapunta sa north.

Di fixed rd mo? Yung sa field ko kasi, I vowed na hindi ako hahanap ng may sat-sun na pasok. Hirap kasi eh. Kaya bilib ako sa mga shifting na, 12hours pa, tapos 6day workweek pa.

mang juan

Hindi fixed. Request off kung kelan trip mo basta 1 RD per week lang, 8 hours duty. Hay.


den0saur

Awtsuuu. Pero buti 8hours lang at hindi required mag-OT. Walang ibang pwedeng work? Like management para office ka na lang?
Pero depende kasi sayo. Baka hanap rin ng katawan mo yung ganyan. Baka pag nag-office work ka eh maburat ka lang kasi maghapon nakaupo. Nurse ka di ba?
Tinanong mo nga pala ako kung sedentary ako no? Oo. Very much. Haha. Pero tinatry ko mag exercise every morning.

mang juan

Oo nurse. Hehe. Minsan kelangan mag OT lalo na understaffed lagi. Ewan ko masaya naman ako kahit toxic. Siguro kasi gusto ko yung mga katrabaho ko.

Mahirap yang sedentary lifestyle. Tama try maging active kahit papano.

den0saur

Sasabihin ko nga sana dapat 5-day-workweek lang dapat para kahit pagod, may enough time to recuperate. Tsaka yung weekend ay family/syota day eh, pangtanggal ng stress. Kaso understaff pala.
Sa huli, dun tayo sa masaya tayo. Siguro sa experience ko, nagkataon lang na tugma na hindi ako masaya sa sweldo, mga kasama at sa trabaho kaya mabilis ako nakapagdecide na umalis.

mang juan

Haha! Ayan! Mababa talaga sweldo Kuya Den. Di makakabuhay ng family. Plus toxic duties na nakakaiyak. Hahaha. Patibayan na lang ng loob.

den0saur

Nag medrep ako for a time. Madami akong mga kwentong nurses noon na naririnig kasi 19/20 sa batch namin ay nursing grad, may iba na RN pa. Sobrang bilib ako sa inyo. Yung mga kilala ko na hindi practicing nurses, usually lumilipat sila pag nagkakapamilya na. Either lumipat sa sales o kaya lumipad abroad.

mang juan

Rewarding talaga feeling kapag nakita mong gumaling ang patient mo. Lalo na kung matagal mong nahandle. Mayaman sa experiences kahit mababa ang kita.

den0saur

Naks. Sarap pakinggan hehe. Sana ganan lahat. At sana umokay na ang sweldo para naman hindi disheartening. May iba akong naiisip pero saka na lang pag may PM na or kung matuloy ang buffet. Haha.

mang juan

Sige PM mo ko. Wag yung PM na kagaya ng sinabi mo kanina ha. Haha! Oo nga sana matuloy yung pabuffet ng Master Bok naten. Yay!