News:

If this is your first time to visit, you might have to register here before you can post.

Main Menu

Out of Topic Chatforum!

Started by MaRfZ, September 30, 2008, 09:10:08 PM

Previous topic - Next topic

darkstar13

sabi sa members info, April 2010 ako naging member sa PGG.
Nahagilap ko ang PGG sa pagsesearch sa google ng male closet necessity.
ayun. hehe.

wala lang. mas masaya ang PGG noon. although routine, kasi sobrang popular pa ang THIS or THAT, HAVE YOU EVER, WHAT IF at TRUE of FALSE. ngayon, ang uso na ay personal thread. hindi na napapansin yung iba. ako nga ay halukay ng halukay ng mga lumang thread in the hopes of opening up old atmosphere. pero in a few minutes, natatabunan na sila.

mas marami na ring issues na pinaguusapan. dati, puro general stuff, ngayon sobrang specific na. at minsan rin, dahil sobrang specific, sobrang personal na rin ang mga argumento. dati rati, kapag may contradiction ka or rebuttal sa isang post ng isang user, it will always be written in a nice way, with at least one smiley at the end of the sentence. in short, walang tension. may kokonting sagutan na ang ending ay maging super OT na, pero nakakatawa. ngayon, simpleng mga bagay, ang ending ay pag-aaway o parinigan. ang mga sagot ay laging 'generalized' kahit obvious naman na may pinaparinggan. may mga atake na personal. may atake sa pagkatao. may atake sa pinagmulang eskwela. may atake sa trabaho. sari't saring mukha ng mental war na ang nangingibabaw sa mga threads. parang ganito :

member1: ang letrang A ay isang magandang letra
member2: sa tingin ko mas maganda ang letrang B, kasi puro straight lines lang ang A
member3: oo nga, maganda rin ang B, hehe
member1: pero ang letrang B, mahirap isulat di ba? mas madali ang A
member2: hindi naman, madali lang rin naman isulat ang B, try mo, hindi ka mahihirapan., :)

member1: ang letrang A ay isang magandang letra
member2: mas panalo pa rin ang letrang B, kasing stiff ng letrang A ang utak ng mga may gusto ng letrang A
member3: tumpak! palibhasa kasi, hindi lumaki ng maayos si member1 kaya hindi maapreciate ang letrang B
member1: as if naman napakagaling ng letrang B, naturingan pa namang architect, hindi man lang makita na mas basic ang letrang A!
member2: palibhasa kasi, walang mga tunay na kalaro, at di galing sa magandang drafting school!
palibhasa yung iba jan, makitid ang utak, kasing stiff ng letrang A

may magandang naidulot naman ito. mas active ang mga myembro, pero ang problema, ina-isolate ng mga isyu sa PGG ang mga bagong myembro. kung ako ay ngayon pa lang magsisign-up, ang dami ko na agad tanong. sino si ganito? magkakakilala ba sila ng personal? bakit parang galit si C kay D? si E ba ay kakampi ni F? sino yung si G na laging kabuntot ni H? hindi kasing enjoy magsign-up sa PGG ngayon kesa noon. magulo eh. ma-issue.

pero bakit ganun, kung hindi masayang magsign up dahil sa mga issue, bakit sobrang dumami ang nagsisignup? hmmm..
siguro mas magandang itanong ay, sino sino ba yung laging active? sa dami ng nagsisignup, ilan dun ang nagiging active?
iilan lang. tatlo lang sa pagkakaalala ko. sa lagpas isang daang nagsignup, 3 hanggang lima lang ang naging mejo active.
ang PGG pa rin ay dominated ng mga lumang member...

[to be continued, natawag ang boss ko...]

angelo

aabangan ko ang katuloy.

interesado akong mabasa.

marvinofthefaintsmile

basta ako, me followers ng thread ko.., and I'm happy with it.,  ;D

darkstar13

recently ko lang nalaman sa post ni Chris sa website na four years na ang PGG noong Feb 24.
at dahil dito, ako ay napadpad sa Members List. Tinignan ko dito yung mga myembro base sa kung kelan sila nag-signup para
maging myembro ng PGG.

sa unang pahina ng members sorted by date registered, bilangin natin kung sino ang active pa.
sa 30 na nasa first page, ang kilala ko na active pa ay si angelo (2008-09-15), si jon (2008-09-22) at si Marfz(2008-09-27).
(hindi kasama si chris syempre,admin kasi). 10% sa unang page ang active. wala lang. ano na kayang nangyari kina toffer (2008-09-03)?
kina david (2008-09-06)? kina simpleguy31 (2008-09-14)?

noong ako ay nagregister halos isang taon na ang nakalipas, active pa sina simpleguy31. last year lang yun ah. ano kayang nangyari?
nagkaroon rin ba ng mga pagtatalo kaya sila nawala? hmmm.. wala akong mahanap. ilang araw na rin akong nagbabackread ng mga lumang posts.
maaaring may namiss ako, pero batay sa mga natago sa utak ko, walang away. o pagtatalo na hindi nagtapos sa magandang usapan.

ahhh, may naalala ako. bandang may 2010 siguro yun (ayoko na igoogle), may naging pagtatalo ang dalawa hanggang tatlong tao.
tapos , sabi nung isa, magpapaalam na sya sa PGG. dahil newbie pa ako noon, at hindi ko naman talaga alam ang issue, hindi na ako nakialam.
pero sa isip ko, gusto kong tanungin kung bakit aalis na sya sa PGG. yung tunay na dahilan at hindi yung kung anong nababasa ko lang.

hindi ito ang unang forum na sinalihan ko. ang una kong sinalihan ay Personality Cafe. Ito ay forum na nagtatalakay ng iba't ibang type ng
personality base sa Myers-Brigg test (napavisit tuloy ako ngayon, wow! bago na. nagupdate na sila ng system).

nakakaaliw ang forum na iyon. kasi, ang mga taong andun, mula sa iba't ibang bansa mula sa buong mundo. napakadiverse ng personality nila.
Sa paglilibot ko sa forum na iyon, (mga limang buwan), nagkaroon rin ako ng ilang kabigan. nakakatuwa sila. ang wiwirdo ng mga utak nung iba.
pero ang sigurado ako, genuine yung mga tao dun. ibig kong sabihin, napakaopen nila. hindi ko nakitaan ng inhibition, or pagprepretend.
siguro nga dahil ang mga tao doon ay bukas sa kanilang personality at aware sa strength and weaknesses ng personality ng ibang tao, walang dahilan para magpretend. napaka-accepting nila. napaka-encouraging. marami ring pagtatalo, pero dahil nga siguro alam nila ang katangian ng bawat personalidad, naging mas maunawain sila sa pagkakaiba nila.

(hindi na ako active dun. hindi na rin kasi active yung mga naging friends ko. saka mejo malalalim na yung pinaguusapan nila, hindi na ako makarelate. pero wala akong negative feelings. meron pala akong naalala, may thread doon na magpopost ka ng video ng sarili mo, telling about yourself. ang cute noon. pero naisip ko, hindi gagawin yun dito sa PGG. masyadong conserbatibo / secretive / -insert appropriate adjective here- ang mga taga PGG. sayang, masaya pa naman yun)

[itutuloy, ako ay maglulunch na, :D]

joshgroban

Quote from: darkstar13 on March 04, 2011, 08:50:19 AM
sabi sa members info, April 2010 ako naging member sa PGG.
Nahagilap ko ang PGG sa pagsesearch sa google ng male closet necessity.
ayun. hehe.

wala lang. mas masaya ang PGG noon. although routine, kasi sobrang popular pa ang THIS or THAT, HAVE YOU EVER, WHAT IF at TRUE of FALSE. ngayon, ang uso na ay personal thread. hindi na napapansin yung iba. ako nga ay halukay ng halukay ng mga lumang thread in the hopes of opening up old atmosphere. pero in a few minutes, natatabunan na sila.

mas marami na ring issues na pinaguusapan. dati, puro general stuff, ngayon sobrang specific na. at minsan rin, dahil sobrang specific, sobrang personal na rin ang mga argumento. dati rati, kapag may contradiction ka or rebuttal sa isang post ng isang user, it will always be written in a nice way, with at least one smiley at the end of the sentence. in short, walang tension. may kokonting sagutan na ang ending ay maging super OT na, pero nakakatawa. ngayon, simpleng mga bagay, ang ending ay pag-aaway o parinigan. ang mga sagot ay laging 'generalized' kahit obvious naman na may pinaparinggan. may mga atake na personal. may atake sa pagkatao. may atake sa pinagmulang eskwela. may atake sa trabaho. sari't saring mukha ng mental war na ang nangingibabaw sa mga threads. parang ganito :

member1: ang letrang A ay isang magandang letra
member2: sa tingin ko mas maganda ang letrang B, kasi puro straight lines lang ang A
member3: oo nga, maganda rin ang B, hehe
member1: pero ang letrang B, mahirap isulat di ba? mas madali ang A
member2: hindi naman, madali lang rin naman isulat ang B, try mo, hindi ka mahihirapan., :)

member1: ang letrang A ay isang magandang letra
member2: mas panalo pa rin ang letrang B, kasing stiff ng letrang A ang utak ng mga may gusto ng letrang A
member3: tumpak! palibhasa kasi, hindi lumaki ng maayos si member1 kaya hindi maapreciate ang letrang B
member1: as if naman napakagaling ng letrang B, naturingan pa namang architect, hindi man lang makita na mas basic ang letrang A!
member2: palibhasa kasi, walang mga tunay na kalaro, at di galing sa magandang drafting school!
palibhasa yung iba jan, makitid ang utak, kasing stiff ng letrang A

may magandang naidulot naman ito. mas active ang mga myembro, pero ang problema, ina-isolate ng mga isyu sa PGG ang mga bagong myembro. kung ako ay ngayon pa lang magsisign-up, ang dami ko na agad tanong. sino si ganito? magkakakilala ba sila ng personal? bakit parang galit si C kay D? si E ba ay kakampi ni F? sino yung si G na laging kabuntot ni H? hindi kasing enjoy magsign-up sa PGG ngayon kesa noon. magulo eh. ma-issue.

pero bakit ganun, kung hindi masayang magsign up dahil sa mga issue, bakit sobrang dumami ang nagsisignup? hmmm..
siguro mas magandang itanong ay, sino sino ba yung laging active? sa dami ng nagsisignup, ilan dun ang nagiging active?
iilan lang. tatlo lang sa pagkakaalala ko. sa lagpas isang daang nagsignup, 3 hanggang lima lang ang naging mejo active.
ang PGG pa rin ay dominated ng mga lumang member...

[to be continued, natawag ang boss ko...]

you always have a point darkstar... may advantage at disadvantages talaga

noyskie

i just started a thread of my own but i think darkstar is right("ouch, am hit"), let us not focus if not solely, mostly on ourserlves or personal matters because on the first place PGG is not about each of us but about "us" pinoy.

tigilan na natin ang childish things katulad ng mga parinigan, most of us naman siguro guilty sa part na 'to. di ako magkukunwaring di ko inisip at ginawa to.

let's take yung mga comment sa atin siguro as objective as well as tayo maging objective din sa ating comment.

marvinofthefaintsmile

ung nang-aaway noon eh siya pa dn ang nang-aaway ngyon..

tsaka hinde lhat ng pgg member eh secretive at conservative. hehehe. me mga open din 2lad me. and i am not afraid to be bash.

sometimes kc u urself bash people yet u demand people to be opened. not all people r tough lyk me who will still be open after repeated bashing. even my personal thread was carelessly and stupidly deleted because of me being open with the things na pinag-bubulung-bulungan lang.

however, despite these. i earned some people who appreciate my thread., some even admit to be a follower of my thread. it's great! I even got a true friend here and I'm happy having only few friends against  several commoners.

well, to each is own.

darkstar13

bakit nga ba ako sumali sa PGG? kung tutuusin, kung gusto ko lang naman humingi ng tips sa pananamit, marami pang ibang website.
siguro marahil una, blokced ang pinoyexchange sa office. pangalawa, bihira yung pinoy forum na magtatalakay ng mga issue na tinatalakay sa PGG.
naisipan kong sumali kasi naging interesado ako sa mga usapan, ang gusto ko ring sumabat (hehe) at magshare ng opinion ko. gusto ko ring magtanong ng kung ano ano.

bakit nga ba ako nagtagal sa PGG ng halos isang taon? sa totoo lang, dahil bored ako. last year kasi, sobrang walang ginagawa sa office.
papasok ako ng 530am, by 8am, tapos ko na ang mga tasks ko. tapos, halos buong araw, si google lang ang kausap ko. minsan, si wolframalpha.
pero boring sila kausap. hindi nila kayang sagutin ang mga personal kong mga tanong. at sa mga ganung mga tanong, tila may sagot si PGG.

eventually, naging araw araw na ako naglologin. basa dito, basa doon. araw-araw sasagot sa mga THIS or THAT, HAVE YOU EVER, TRUE or FALSE, na kung tutuusin, pare-pareho lang naman ang punto - pampalipas oras, hehe. seriously, ang lahat ng mga popular na thread noon, iisa lang ang purpose - makasilip sa isang butas sa personalidad ng tao batay sa kanilang mumunting sagot. (flashback: sabi ko kay ctan dati, bat di natin i-consolidate yung sagot. sabi nya yun din ang balak nya. pero walang time. ako meron, pero tinatamad. eventually, naisip ko, para san? would PGG forumers care?) hindi ko alam sa iba, pero ganun ang tingin ko. ang bawat reply natin sa thread ay isang pasilip sa kung sino tayo. in the hopes that people would bother to care about what we say, in the hopes that what they bother to care about will translate to some thoughts on better understanding each PGG forumer here.

bakit ako andito pa sa PGG? mula sa pagkaboring, nakakilala ako ng mga tao na naging interesante sa akin. sabi nga ni chris sa kanyang 'All About 4' post, natutuwa sya na magkakaibigan na sa totoong buhay ang mga PGG forumers. ako rin natutuwa, kasi i did not think i would find friends here. hindi ko na gagawin pang issue kung tunay or hindi tunay na kaibigan ang makilala ko dito. nasa akin yun kung sino ang totoo sa hindi.
hindi ko na kelangan pang ipagdikdikan kung sino ang totoo at mga hindi tunay na kaibigan. nasa puso ko na yun, no reason to brag about friendships I made, after all friendships are not about having to brag about. friendships are not confined beyond who affirms your beliefs, who likes the same things, who joins you in your quest towards the destruction of other people. friendships, real one at that, transcends beyond things defined by the sweet songs, lovely poems, or heart-tugging movies.

gusto ko pa rin bang magtagal sa PGG? alam naman ng mga active na ilang beses ko nang sinita ang mga pag-aaway dito. pati nga librehan sa EB, sinita ko eh. ewan ko ba. ganito siguro talaga ako. ayoko ng magulo. the world outside PGG is already chaotic; a forum such as PGG does not need to be one those chaotic places that people would not want to be in. ako personally, gusto kong magtagal sa PGG. at gusto kong magtagal ang PGG.
hindi lang para sa akin, pero para na rin sa mga bagong magsisignup na gaya ko noon, na bored, na naghahanap ng libangan, na naghahanap ng sagot sa mga simpleng tanong ng buhay (gaya ng saang sauna okay pumunta?, paano matanggal ang pimples ko?, anong masasabi mo about Pnoy?, mahal na magMRT, paano na?), na naghahanap ng kaibigan.

subalit, sa pagevolve ng PGG, mula sa simpleng forum para sa mga pinoy guys, hanggang sa ngayon na ang PGG ay tila isang masalimuot na mundo, parang classroom noong highschool na may kanya kanyang grupo, may mga sikat, may mga boplaks, may mga 'mean girls' at bully guys, mga tahimik na nagmamasid lang, mga estudyanteng tanong ng tanong sa teacher ng tanong na kakasagot lang ng isang kaklase, mga geeks na pedeng kopyahan ng assignment, mga over-achievers na gustong tumakbo sa student council kaya kinakaibigan ang lahat, mga sosyal at fashionista, mga patpat at 'baboy' na mag-aaral, mga tsismoso, mga mahilig gumawa ng kwento, mga sipsip sa teacher, mga palaging absent, mga ayaw umabsent kahit nabagyo, mga estudyante na ang unang dahilan sa pagpasok ay para mag-aral at matuto, ano nang mangyayari sa mga 'transferees'? mga bagong dating sa klase (nasundan mo ba ang pagkahaba habang sentence na ito na dito pa lang matatapos)? hindi kaya sila ma-OP? makahanap kaya sila ng barkada? magtagal kaya sila at hindi makick-out, o sila mismo ay magpalipat na ng school dahil sa mga bully sa klase?

[last na yung susunod dito, patapos na ako kumain.
ayoko kasing gumawa ng personal thread, ok na sa akin ang ilang pahina dito sa OTChaF]

joshgroban

marvinofthefaintsmile

marvinofthefaintsmile

I agree!

Bigla n nman aqng napakanta ng Ironic ni Alanis..

"It's like ten thousand spoons when all you need is a knife."

Quality over Quantity..

Kahit sa muscles eh masmagkkaron k ng better muscle response by having 12 reps na controlled lifting compare sa 100 sit ups.

marvinofthefaintsmile

^^haha! tnx! what im trying to point out is.. kahit mismong katawan mo eh alam kung alin ang mas-epektib at mas worth the try against sa 2 options n nbangget..,

judE_Law

hi Darkstar!
you have my respect.
ayoko ng magsalita pa.

marvinofthefaintsmile

darkstar13

ang PGG ay parang high school. puno ng mga bagong kakilala. mga taong gusto mong kausapin pero nahihiya ka. mga taong gusto mong kaibiganin
pero takot ka, mga taong kinaiinisan mo dahil wala lang; mga taong badtrip ka kasi ayaw magpakopya; mga matatalino, mga nagsusumikap maging matalino, mga hindi pinalad maging matalino pero maraming alam, mga estudyanteng maraming gustong alamin; mga emotero, mga inggitero, mga chismoso; mga bida, mga nagpapabida, mga nagbibida-bidahan; mga teacher's pet, mga mukhang pet ng ibang estudyante; mga kaklaseng brat, sosyalero,
pintasero, mukhang asero.

minsan, hindi na rin natin alam kung sino tayo dun. minsan tayo si estudyanteng taga-sumbong kay teacher dahil kinurot sya sa siko.
minsan, tayo naman si estudyanteng nanapak kay kaklase kasi tinukso syang bakla. may mga araw na tayo si estudyanteng pinatid si kaklase dahil
nalaman nya kay kaklase na binackfight sya nito. may mga araw din tayo ay si superhero, tagapagtanggol kay kaklaseng binully. sa ibang araw, tayo naman si estudyanteng kinuwelyuhan ang bawat kaklaseng makikita at tinatanong kung sino bumura nung drawing nya sa blackboard. iba iba tayo araw araw. pero hindi natin napapansin minsan na nag-iiba tayo, kung anong role ang ating ginagampanan, at kung ano ang kahihinatnan ng bawat gagawin natin batay sa role na ating napagpilian.

ano ngayon kung sikat ka? ano ngayon kung ikaw si valedictorian? ano ngayon kung ikaw si best in english? ano ngayon kung ikaw ang prom king?
ano ngayon kung ikaw si althlete of the year? masarap isipin na marami kang na-achieve o napatunayan habang ikaw ay nasa highschool. kakaiba yung feeling na ang proud proud mo habang naglalakad ka sa hallway, dahil alam mong kinatatakutan ka, o di kaya'y kinaiinggitan ng mga kaklase mo.

ano ngayon? pagkagraduate mo ng highschool, maaalala ka pa ba ng kaklase mo? maaalala pa ba nilang ikaw yung kumalabit sa kanila nung nakatulog ka sa klase? paglipas ba ng sampung taon, sasambahin ka pa ba ng mga kaklase mo dahil naka 100 ka sa algebra? paglipas ng mga taon, importante pa ba na si kaklase ang umagaw ng peyborit mong upuan kaya inaway mo sya at inaway ka rin nya, at inaway mo ulit sya, at nagsagutan kayo at nagkapaksyon sa classroom dahil sa inyo? importante pa ba kung sino ang nauna? pagdating ba ng panahon, pagnagkaharap kayo ulit, mas mataas ba ang pagkatao ni estudyante A dahil nung highscool, mas maraming naniniwala sa kanyang si estudyante B ang naunang nang-away? pag nagreunion ba kayo after 25 years ng highschool, nagmamatter pa ba yang pag-aaway nyo?

ang PGG ay parang high school. gaano ka man naging masaya o gaano man naging masalimuot sa iyo ang high school,
gragraduate at gragraduate ka rin. hindi pedeng hindi. kung hindi ka man grumadweyt, baka nakick-out ka, o nagpakick-out ka.
either way, may katapusan ang lahat ng ito.

pero habang andito pa tayo sa highschool, habang iisang blackboard lang ang sinusulatan natin, habang iisang gusali lang ay pinagtatambayan natin,
matuto tayong makibagay. we do not need to like each other, but to not like each other and make a living hell out of their PGG life is too much and even if you were proclaimed the prom king, no one would care about that after we all leave this freaking life.

gusto ko ng masayang highschool. kahit nakakasawa ang araw araw na THIS or THAT, kahit hindi bumebenta ang mga jokes ko sa mga kaklase ko, kahit di na mababalik yung pagsasamahan ko dun sa katabi ko nung first year na naging kaibigan ko dahil pareho kami ng hilig na music, okay lang. willing akong kalimutan yung mga nanulat sa tshirt ko nung tulog ako. willing akong isantabi yung inis ko kay kaklase na minamaliit yung pinanggalingan kong elementary school. willing akong patawarin yung kakalse kong pilit akong pinapaamin na ako yung nagkulay ng pink at naglagay ng mga butterflies sa bulletin board. kasi gusto ko maging masaya ang highschool. maging masaya ulit. alam ko hindi madali, pero sismulan ko yung kayang kong gawin ngayon - yun ay gustuhing isantabi yung pagkakaiba ko sa iba kong kaklase.

hindi naman atin ang highschool. deCs (oo, walang C ang DepEd) ang namamahala rito at sa totoo lang, nakikitambay lang tayo sa highschool.

ang PGG ay parang highscool.

(end of the long transcription of my random thoughts for today).

PS: bukas, kahit walang pasok sa highscool, papasok ako. sana happy na ulit pumasok. kung hindi man, sana sa lunes. o sa susunod na lunes.
o sa next school year. basta sana, mabalik yung dating highscool na naging reason kung bakit ako nagenroll dito in the first place.