News:

Introducing PGG VIP Membership. Send PMs, Remove Ads and more. KNOW MORE

Main Menu

Random Thoughts

Started by Lanchie, March 27, 2013, 05:34:22 AM

Previous topic - Next topic

Lanchie

Lanchie

#1
Tusday Paloma

pagkauwi makikita mo ung tag sayo tungkol sa mga activities na di na naman feasible. Paulit ulit ulit ulit ulit na lang.

Ilang minutong tumuturbo ang utak nang maubusan ng laman ang tangke ng gas.

Gastos na naman.

Nakikipagtroubleshoot ng ideyang pangkalakal nang kuyugin ng mga tiyahing makomento.

Darating ang tiyahin para magpaturo ng computer. Hahantong sa mahabaang edit sa dokumento para sa trabaho nya. Ilang oras.

Puyat. Gutom. Sabog ang utak sa pagod.

Pinilit libangin ang sarili sa palabas na pamBriton.

Tatlong beses ng nagbasa ng katawan at nagpatuyo sa tapat ng mga elisi para lang maibsan ang init.

Init. Puyat. Gutom. Sabog ang utak sa pagod.

Dalawang oras at kinse minutos.

Pag dilat ng mata, tatlong minuto bago pumatak ang oras ng pagpasok.

Gumawa ng pambaon. Nasugatan sa gadgaran.

Kumuha ng kape para magising. Akala tapos na. Simula pa lang pala ng araw.

Bumuhos ang limang kilong negosyante. Ang akala'y lahat bibili. 'Ung iba tanga lang talaga.

Nahuli ng jaguar sa kapeng lulan ng plastic na lalagyan. BINGO! Pangilan pagdakip na ba yan?

Buhos ulit na parang walang katapusan. Mga bobo, mausisa at negosyante. Kelangan pa ring maghabol para makasama sa Marso.

Pero may mga matang nakakabasa pala.

Tatlong dagok daw. Inisip na pumalag pero naalalang tagatanggap lang ang ganap.
Wala na ring gana.

Patuloy pa ring kumikislot ang kanang mata. Ilang araw na.
...
...
...

Nakatulala sa hangin
habang unti-unting kinakain ng kawalan
ang kasarinlan.

Bitak bitak na.

Sawa na sa negatibismo at pesimismo.
Ni di kailangan ng opinyon.
Pero di alam kung anong gusto.

Pagod na pagod na pagod na pagod.
Gustong umiyak hanggang makatulog.
Gustong maglasing hanggang mawalan ng ulirat.
Gustong sumigaw na walang nakakarinig.
Gustong mawala ng panandalian.

Hindi lahat ng gusto mo mapapasaiyo.

Masarap sigurong bumalik sa dati.
Walang lungkot. Walang pagod. Wala ring saya.

Walang kahit ano.

solomon

Sadyang may mga bagay na hindi na kailangan pang sabihin.

VinLaden

this board serves a "place" where some people create their fantasy world. 
madaming obvious lies lang.
pero sige lang, sakyan na lang ang trip.

Lanchie

jelo kid

panu ko ilalabas lahat ng plano sa isip ko?
kelangan ko ng computer,
palya parin talaga ako sa volleyball..
tinamaan pko sa mukha.
tapos natuyuan ng pawis,magkakasakit kaya ako?
gabi na..matulog na ko,
practice na ng grad bukas.
anu kaya isusuot ko?
mag'uunli ba ako?

-random thoughts,bow

simple_guy

accepted ba mga Bisexuals dito?

mang juan

marvinofthefaintsmile

Quote from: simple_guy on April 02, 2013, 11:25:51 PM
accepted ba mga Bisexuals dito?

oo nman! at nakakasama din sa mga eyeballs/gimik.

inaaway ako ng kundol.

solomon

Quote from: VinLaden on April 02, 2013, 08:21:17 PM
this board serves a "place" where some people create their fantasy world. 
madaming obvious lies lang.
pero sige lang, sakyan na lang ang trip.

At some point, we all lost the point of why we are all here. Right, doctor? Kaya sana wag mag-linis-linisan.

Kilo 1000

Quote from: solomon on April 03, 2013, 05:18:42 PM

LOL puwede rin kasi na hinde ako totoong doktor di ba?

solomon

Quote from: Kilo 1000 on April 03, 2013, 05:23:41 PM

Guilty! hahaha Ikaw naman. Hindi ka naman siguro teroristang doktor di ba?

Kilo 1000

Quote from: solomon on April 03, 2013, 05:26:26 PM
Guilty! hahaha Ikaw naman. Hindi ka naman siguro teroristang doktor di ba?
Malay mo gusto ko bumagsak ang sperm count ng lahat ng pinoy na lalaki para mabawasan ang mga batang lansangan.

marvinofthefaintsmile

Quote from: solomon on April 03, 2013, 05:26:26 PM
Quote from: Kilo 1000 on April 03, 2013, 05:23:41 PM
Quote from: solomon on April 03, 2013, 05:18:42 PM
Quote from: VinLaden on April 02, 2013, 08:21:17 PM
this board serves a "place" where some people create their fantasy world. 
madaming obvious lies lang.
pero sige lang, sakyan na lang ang trip.

At some point, we all lost the point of why we are all here. Right, doctor? Kaya sana wag mag-linis-linisan.
LOL puwede rin kasi na hinde ako totoong doktor di ba?

Guilty! hahaha Ikaw naman. Hindi ka naman siguro teroristang doktor di ba?

umamin sya sa isang thread na isa syang witch doctor!

Kilo 1000

Quote from: marvinofthefaintsmile on April 03, 2013, 05:29:37 PM
umamin sya sa isang thread na isa syang witch doctor!
Sideline ko yan sir!
Kaya ako nakakagawa ng voodoo na nakakababa ng semilya.